logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 4 Personal Maid

BLIXIENE CAWIE
Napakagwapo niya! Para siyang isang diyos na ibinaba sa langit. Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko, mabilis ang bawat pintig ng puso ko, habang pinapanood siyang mag-drive patungo sa mansion ng pamilyang Valejo. Pamilyar siya sa akin, ngunit hindi ako sigurado kung iyon nga ba ang pangalan niya.
"Ayos ka lang?" bulong ni kuya sa aking tabi. Napaayos ako ng upo ng pati ang lalaking tumulong sa amin kanina ay napatingin sa akin mula sa rear mirror.
Tumango ako. "Opo, kuya." nakagat ko ang aking pang-ibabang labi upang pigilan ang mautal. Grabe ang tibok ng puso ko, para iyong nakikipagkarera sa mga bagay na mahirap pantayan.
Umiwas ako ng tingin, at ipinukol iyon sa mga naggagandahang bahay sa labas. Hindi lang basta bahay iyon, sa tingin ko'y mansion na ang matatawag rito dahil sa laki at lawak niyon. Magaganda at simple ang kulay. Makukulay ang mga halaman sa labas at loob ng kanilang bahay.
"Wow." hindi ko maiwasang hindi mamangha habang pinagmamasdan ang mansion na nasa harap ko.
"Nandito na tayo." sabi ng lalaki, hindi ko napansing tumigil na pala ang sasakyan na sinasakyan namin.
"Tara, Lisi." anyaya ni kuya sa akin. Nauna siyang lumabas, kasunod niyon ay ang lalaking kasama namin na pinagbuksan ako ng pinto.
Hindi agad ako nakagalaw. Ang mata ko'y matamang nakapako sa kanyang gwapong pagmumukha. Naikuyom ang aking kamao. Sobrang gwapo talaga, at ang bango bango pa niya!
"Hey, do you want to stay there all day? Hmm?" biglang sambit niya, may ngisi sa labi.
Hindi ako nakasagot ngunit dali-dali akong bumaba sa sasakyan niya't sinarado ang pinto. Narinig ko ang mahina niyang tawa, mariin akong napapikit bago lumapit kay kuya na matamang nakatitig sa akin. Bigla akong kinabahan.
"A-ah, ah, k-kuya.." nakayuko kong sabi. "S-saan tayo—"
"Mr. And Mrs. Valejo's son is the only one inside the house. Follow me." naputol ang sasabihin ko dahil sa pagsasalita ng lalaking iyon sa likod ko.
Napalunok ako ng marinig ang malalim at malamig niyang boses. Pakiramdam ko'y nagsitindigan lahat ng balahibo ko sa katawan ng ngumiti siya sa akin, at kumindat bago kami talikuran. Nauna siyang pumasok sa loob ng gate, sumunod kami ng may pagaalinlangan.
Nang makapasok kami sa gate ay doon ko lang nakita ng maayos ang magagandang halaman sa malaking bakuran, may matayog na puno sa gilid, at may mga bench at lamesa sa ilalim niyon. Sa harapan ko naman ay may pabilog at malaking fountain, may anghel sa ibabaw no'n na siyang pinagmumulan ng tubig.
Grabe, ang ganda. Talagang malaki at maganda ang bahay ng pamilyang Valejo. Para iyong katulad sa mga napapanood kong palabas sa K-drama, katulad ng bahay nila Gu Jun Pyo.
Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay mas lalo akong namangha sa mga kagamitan. Makikintab ang lahat ng muwebles, kahit ni-isang bahid ng alikabok ay wala akong maaninaw.
Sinalubong kami ng isang may katandaang ginoo, nagbigay galang ito sa lalaking nasa harap namin. At sinabing..
"Boss is in the living room." sabi nito habang nakayuko pa rin.
Tumango lang ang lalaki at nagpatuloy sa paglalakad. Nang mag-angat ng tingin ang ginoo ay agad iyong tumama sa akin. Kinabahan ako.
"Feel at home, Ma'am and Sir." nakangiti nitong sabi at iginiya ang daan patungo sa lugar kung saan dumeretso ang lalaking kasama namin.
"A-ah, salamat po." yumukod ako't naglakad na. Ang bait niya. Sumunod na ako agad sa kanila ng senyasan ako ni kuya.
"Hey bro!" napalingon ako sa lalaki, at sa isa pang lalaking Valejo. Nagtapikan sila ng balikat bago nag-usap ng mahina ang boses.
Ipinalibot ko ang aking paningin sa kanilang sala. May malaking piano sa gilid, malaking chandelier sa taas ko, at mga sofa na mahahaba rin. May mga book shelves sa gilid ko't napakaraming libro ang naroon. Napangiti ako.
Gusto ko rin ng ganoong karaming libro. Bumaling ako sa dalawang lalaking nasa harap ko ng pareho silang tumikhim. Hindi maipapagkakaila ang gwapong katangian nila, pareho sila ng tindig, at parehi rin ng taas. Naka leather jacket ang kasama naming lalaki kanina, at black jeans. Ang isa naman ay naka polo shirt at khaki shorts.
"What's your name? I mean... Anong pangalan niyo?" tanong ng lakaking Valejo. Agad akong nag-iwas ng tingin.
"Jefferson Christian Valenzuela." bahagyang yumukod si Kuya sa harap nila.
"B-Blixine Ca-cawie Valenzuela, po." yumukod din ako katulad ng ginawa ni kuya. Nakakahiya! Grabe pa naman ako kung makatitig kanina.
"So, ang ama niyo pala ang tumawag sa akin? 'Di ba't nangangailangan kayo ng trabaho?" tanong nito na si kuya ang sumagot.
"Kailangan nga po namin."
"Hmm. Bakit hindi sa mga Herrera kayo lumapit?"
"Why us?" tanong ng lalaking kasama namin.
Teka... Siya nga ang nakita ko sa picture! Dios ko! Isa nga siyang Herrera!
"Kayo ang nagmamay-ari ng bahay na tintirahan nila Dexter, you don't know about that?" natatawang tanong ng kaibigan.
Bakit ko ba nakalimutan ang pangalan niya noong sabihin naman iyon ni Ama sa akin?
"Ohhh, ah yeah. I remember now, so, your father's name was Jeffry right?"
Tumango ako. "Yes po."
Nang mag-angat ako ng tingin ay naabutan ko siyang nakangisi at matamang nakatingin sa akin. Nailang ako bigla kaya't naiiwas ko ang aking paningin. May ibang klaseng pakiramdam at nakikita ako sa mga mata niyang hindi ko maipaliwanag. Sa tuwing ngingiti, o ngingisi siya ay may nararamdaman akong bagay sa aking tiyan na parang kumikiliti, kasabay niyon ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
Mahirap ipaliwanag ang lahat simula kanina.. nang makita ko siya't iligtas kami mula sa lalaking walang respeto doon sa may guard house. Maliksi siyang kumilos, at malakas ang bawat pwersa. Dahil sa isang suntok niya lamang ay bumagsak na agad ang bwiset na lalaking iyon.
"I already decided that Jefferson will become our driver starting today, we need an younger driver so, he'll stay longer in our companion. And you..." napatigil sa pagsasalita ang lalaking Valejo habang nakatingin sa akin.
Napaayos ako ng tayo't napayuko.
"She'll be—" naputol ang pagsasalita nito nang unahan siya ng kaibigan.
"She'll be my personal maid." Sambit ni Herrera.
"What?!" gulat na tanong ni Carlo.
Personal maid? Hala! Ito ang unang beses kong magtrabaho, wala pa akong masyadong alam sa pagiging ganoon! Nanlalaki ang mga mata kong iniangat ang paningin sa kanya. Wala man lang nagbago sa kanyang ekspresyon. Ang mapupulang labi ay nanatiling nakangisi at ang mata ay nakatuon sa akin. Nangangatog ang tuhod ko't agad na nanghina. Hindi ko mawari ang kahinaang nararamdaman habang tinitignan siya sa mga mata. Paanong ang isang lalaking ganito ay nagagawa akong pahinain ng lubos? Anong mayroon sa kanya para maging ganito ako?
"Yes. She'll start whenever she want." humalukipkip ito sa harap naming lahat.
"Bukas na po ako magss-start!" wala sa sarili kong nasabi at naitaas ang aking kamay.
"Are you sure?" natatawang sagot niya, kagat pa ang pangibabang labi.
Hala! Bakit ko agad nasabi 'yon? Nabigla lang ako 'di ba?
Napapahiya kong nababa ang aking kamay at napayuko. Mariin akong napapikit nang maramdaman ang titig nila sa 'king lahat. Naririnig rinig ko pa ang mahina nilang pagtawa.
"She's that excited to be with me, bro."
Gusto ko nalang magtago ngayon sa likod ni kuya, o hilingin na sana'y kainin na ako ng lupang kinatatayuan ko ngayon. Ramdam kong napahiya talaga ako ng husto dahil sa inakto kong iyon. Dios mio, Lisi! Umayos ka.
Tumikhim ang Valejo. "Sigurado ka bang gusto mo nang magsimula bukas? Handa ka naman niyang bigyan pa ng isang linggong palugit bago magsimula, Miss Blixiene." magalang na sambit ng lalaking Valejo.
Hindi ako nakasagot agad. Bukas na nga ba agad? Anong petsa ba ngayon? Isang buwan pa bago magsimula ang pasukan, kaya siguro naman ay pwede na muna itong pampalipas ng oras habang wala pang pasukan. Tumango tango ako sa aking isip bago matapang na iniangat ang aking ulo.
"Opo, sigurado na po ako bukas." wala pa namang pasok eh. Desidido kong sabi.
Puno ng kaba ang puso ko nang makauwi kami galing doon. Ipinagdadasal kong sana ay huwag akong pigilan ni Inay sa mga gagawin ko, o sa magiging sa trabaho kong ito. Matanda na si Ama, dapat sa kanya ay nagpapahinga na lamang at nagpapakasarap sa buhay. Bilang anak, ay kailangan din naming magsikap at magtiyaga para may makain sa bawat araw.
Nakakuyom ang aking kamao pagkababa sa tricycle. Pakiramdam ko'y pinagpapawisan ang noo ko dahil sa kaba. Nasa tapat na kami ngayon ni kuya ng aming gate. Walang tao sa bakuran, at sa tingin ko'y nasa loob silang dalawa.
"Huwag kang kabahan, Lisi. Kung hindi ka papayagan ni Inay, ako ang bahalang makipag-usap sa kanya." tinapik ni Kuya ang balikat ko, pangaalo sa akin.
Alam kong hindi payag si kuya sa pagtatrabaho kong ito, ngunit nang kausapin ko siya kanina ay walang ibang nagawa kundi ang pumayag nalang.
"Kuya, kailangan kong magtiyaga. Hindi maaring ikaw lang ang nagtatrabaho sa 'ting apat, alam kong mahina si Ama kaya hayaan mo akong tumulong sa iyo. Para rin naman 'to sa ikabubuhay natin." ma-drama kong sabi para lang mapayagan. Nasa labas na kami ngayon ng bahay ng mga Valejo. Nanatili sa loob ang kaibigan niyang Herrera.
Bumuntong hininga siya't nagsalita. "Oh, sige na nga. Payag na ako, basta lang ay huwag kang masyadong magpapagod. Kapag hindi na kaya ng katawan mo ay tumigil ka na ha?"
Nakangiti akong tumango sa kanya bago sinimulang maglakad patungong terminal ng tricycle.
"Tara na't pumasok sa loob." bumalik ako sa wisyo nang tapikin muli ni Kuya ang balikat ko. Wala na akong nagawa nang igiya niya ako papasok.
Naabutan naming naguusap sa sala sila Ama at Ina, habang magkaharap at may hawak na tasa ng kape. Naikuyom ko nang mahigpit ang aking kamao ng bumilis ang tibok ng puso ko. Sa tuwing may sasabihin akong alam kong hindi magugutushan nila Ama, ay grabe ang kaba ko.
"Oh, nandiyan na pala kayo. Kamusta ang pagpunta niyo doon? Natanggap ba kayo?" agarang bungad sa amin ni Ina. Tumayo ito at naglakad palapit sa amin. Tinanggal ko naman ang aking suot na sandals at inilagay iyon sa shoe rack.
"Natanggap ho kaming pareho—" hindi pa natatapos ni Kuya ang sasabihin niya'y napabulyaw agad ang Ina.
"Ano?! Pati itong si Lisi? Ang sabi ng Ama mo, wala na daw bakante doon!"
"Sa mga Herrera ho siya magtatrabaho, Ina."
Dumapo agad sa akin ang paningin nila. "Sa mga Herrera? 'Yong nagmamay-ari nitong bahay na 'to? Totoo ba iyon?" kunot noong tanong niya.
Napakagat ako sa 'king ibabang labi't napapikit bago tumango. Sana'y matanggap. Muntik na 'kong mapatalon ng biglang bumuntong hininga si Ina. Sa tuwing ganito siya'y alam kong wala na siyang magagawa kundi ang pumayag na lamang.
"Kahit gusto kitang pigilan sa gagawin mong iyan ay hindi ko pa rin magawa dahil alam kong para sa 'ting lahat din iyan. Kaya sige, payag na 'kong magtrabaho ka, pero sana'y ingatan mo ang sarili mo, anak. Hindi biro ang magtrabaho, lalo na sa mura mong edad. Bata ka pa lamang. Huwag mo sanang masyadong papagurin ang sarili mo, dahil baka magkasakit ka. Kapag hindi mo na kaya... magsasabi ka ha? Para alam namin." emosyonal niyang sabi, yumakap sa akin ng mahigpit.
Sakitin ako sa 'ming pamilya, kaya ako ang pinakainaalagaan. Mahina ako sa ibang bagay. Madali akong mapagod at magkasakit kaya naiintindihan ko kung bakit rin sila nagaalala sa 'kin at pinagbabawalan ako sa ganitong bagay. Ngunit sa ngayong mahirap ang buhay, ay kailangan talaga naming magsikap. Hindi nalang kami pwedeng magpa-chill chill nalang dyan sa gilid dahil hindi kami mabubihay.
Matanda ng pareho ang mga magulang ko. Mahina na rin ang kanilang mga pangangatawan, kaya't sa halip na hayaan silang gumawa sa mga gawaing bahay ay ako ang nagboboluntaryo para rito.
"Salamat, Ina." nakangiti kong bulong sa kanyang tenga habang nakayakap pa rin.
Hindi ko mawari ang sayang nararamdaman ko pagkatapos ng lahat, simula nang lumambot ang puso ng aking Ina't payagan sa gusto kong mangyari. Naging worth it lahat ng kabang nararamdaman ko, dahil hindi ako nag-expect na mangyayari ito.
Nang gabing iyon ay halos hindi ako makatulog dahil sa kaba na namang nararamdaman, hindi ko alam kung paano magsisimula't pakikisamahan ang mga tao doon. Nang gabing iyon ko rin ipinagdadasal na sana'y maging maayos ang simula ko doon at magtagal.
Isinarado ko nang dahan dahan ang gate, upang hindi makagawa ng ingay para hindi magising sila Ina. Inayos ko ang aking pantalong suot, at ang blouse na kulay puti. Ang buhok kong nakalugay ay hinangin ng malamig na hangin, sumampal sa 'king mukha ang sinag ng haring araw. Hindi masakit sa balat, nakakaginhawa ang araw sa tuwing alas sais ng umaga.
Suminghap ako't nakangiting sinimulang naglakad patungo sa terminal ng tricycle. May iilang driver na roong nakaabang, ang iba'y nagaalmusal pa lamang.
"Good Morning, my PM."
Muntik na akong mapatalon ng marinig ang malamig at malalim na boses ng kinikilala ko pang amo sa 'king likuran. Naamoy ko agad ang pamilyar niyang amoy na dapat kasanayan ko na mula ngayon, ang malalalim ngunit maamo niyang paninitig pati na rin ang mga ngisi niyang hindi matanggal matanggal sa sariling labi.
Paanong nakababa ang isang mala-diyos mula sa langit?

Bình Luận Sách (45)

  • avatar
    Humaira

    good

    17/12

      0
  • avatar
    Yuan Bugarin

    😊❤️

    06/10

      0
  • avatar
    MONINA_BUENAFE

    Ang ganda ng story ❤️❤️❤️

    15/05/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất