logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 1

"Itapon mo na nga lang 'yan!" malakas na sigaw ni Papa sa akin saka tinabig ang plato na may lamang pagkain na ihinanda ko sa kaniya bago ako pumasok.
Napabuntong-hininga ako at saka lumapit sa mga nagkabasag-basag na pinggan sa sahig.
"Papa... hindi ka rin kumain kagabi. Iyong maintenance mo hindi mo na naman nainom-
"Umalis ka na lang dito! Hindi kita kailangan!" narinig ko muli ang galit sa tono niya.
For the nth time, I witnessed again how my own father treated like I'm not his own daughter. Pagod akong huminga ng malalim at saka nilinis ang mga kalat sa sahig. I was forcing my tears not to came out, pagod na rin akong umiyak dahil dito.
Napagod na ako araw-araw kakatanong sa Diyos kung bakit hindi buo ang pamilya ko. Napagod na rin akong magtanong nang magtanong kung bakit kahit tuwing nasa bahay ako, pakiramdam ko wala akong tahanan.
"Ito po ang gamot niyo, dadaan naman dito si Tita Christine mamaya, may dala iyong pagkain pananghalian niyo. Kumain po kayo at uminom ng gamot." pagpapaalala ko sa kaniya.
Nakita ko naman ang galit sa mata niya habang tahimik na nakatingin sa labas ng bintana. Muli akong napabuntong-hininga at saka tumalikod. Ganito na lang palagi ang scenario araw-araw.
"Iiwan mo rin naman ako rito panigurado." mahinang aniya na nagpatigil sa akin. Nangilid ang luha ko at bumaling sa kaniya.
Pagod na rin akong makiusap sa kaniya na huwag na niyang sabihin ang mga salitang iyon kahit kailan. He never listened to me. He thinks that I'm going to leave him just like what my mother did years ago. Umalis siya para sa ibang lalaki. Kakahabol sa kaniya ni Papa, naaksidente siya at naging ganito.
That was the time when he started to treat me indifferently. I was still a primary student that time. Simula noon, hindi na naniwala si Papa sa pag-ibig. Simula noon, parang nagkaroon na siya ng sariling mundo at hindi ako kasama roon. Napabayaan niya ako at ang sarili niya
That's why... I promised to myself that I won't be a cheater. I'm a believer of love and I won't let the world tainted my ultimate dream. Because someday, I want to find someone whose willing to take me away from this life. Sana balang-araw, mahanap ko rin iyong taong magmamahal sa akin ng tunay.
"Maddie!" tumigil ako sa paglalakad at kaagad na lumingon sa taong tumawag sa akin. Kaagad akong ngumiti sa kaniya at iwinaksi ang mga isipin tungkol sa bahay. "Good morning, kanina pa kita hinihintay. Nagpunta lang ako sa gym saglit, mabuti naabutan kita." hinihingal na anas niya.
This is Vincent, bago kong manliligaw. I gave him the license to court me a month ago. Guwapo siya at matangkad pero higit sa lahat, mabait at palangiti.
"Sabi ko naman sa'yo hindi kailangan na palagi mo akong hintayin tuwing umaga. Tulad ngayon, late na naman ako pumasok. Late ka rin tuloy." I laughed because of the thought. Ako lang yata ang babaeng hindi natatakot sa terror teacher tuwing nale-late.
"Alam mo namang gusto kita 'di ba? Syempre kailangan kitang sunduin at ihatid palagi. Kung pwede nga kasama mo ako bawat minuto eh."
It's cliche, pero sa mga ganitong salita ako mabilis na naaakit. Alam kong mabilis akong maniwala, kaya naman mabilis din akong masaktan.
"Date tayo mamayang hapon ha? Sunduin kita sa classroom niyo." tumango ako sa kaniya at ngumiti. Though, I'm hesitating a bit. Tuwing hapon kasi ay nasa bilyaran kami ng tropa. Baka kung anong kabulastugan ang gawin ng mga iyon kapag wala ako.
Narinig ko ang pagtikhim ng isang lalaki sa likuran namin.
"Madelaine." ang pamilyar na boses niya ang napatigil sa akin sa paglalakad. Kilala ko lang naman kung sino, iisa lang naman ang taong tumatawag sa akin sa buong pangalan ko.
Lumingon ako sa kaniya, nakataas ang kilay. Tss, bakit ang sama na naman ng tingin sa akin nito?
"Oh bakit, Guevarra?" mas lalong bumakas ang inis sa mukha niya sa itinawag ko sa kaniya. Bumaling siya sa katabi ko bago muling bumalik ang tingin sa akin.
He's holding a lot of papers, I get it now. Ito ang trabaho ng isang student council. Third year college na siya at first year naman ako.
"Tulungan mo akong idala ito sa office." aniya sa nang-uutos na tono.
Kaagad akong umangal. "Huh? Bakit ako?" marami nga iyang dala niya, pero halatang kayang-kaya  niya naman.
"Ako na lang magdadala." pagpresita ni Vincent. Bumaling sa kaniya si Jacques.
"Si Madelaine ka ba?" pabalang na sagot nito. Bahagyang nanlaki ang mata ko sa tono ng boses niya. Kita ko naman ang pagkapahiya sa mukha ni Vincent. Kaagad akong nataranta na baka bigla niyang itigil ang panliligaw sa akin.
"S-sige ako na. Ako na magdadala!" kinuha ko ang mga papel kay Jacques pero kalahati lang ang ibinigay niya sa akin. Hindi muna ako nagsalita at bumaling kay Vincent, kita ko pa rin ang ilang sa mukha niya. "Sige, Vincent mamaya na lang tayo magkita pagkatapos ng klase." sa sinabi ko ay mabilis na nagliwanag ang mukha niya.
Nakangiti siyang nagpaalam sa akin saka umalis. Nawala ang ngiti ko at bumaling kay Jacques.
"Problema mo?" tanong ko sa kaniya. Simula nang maging bahagi siya ng tropa, palagi na siyang nakikialam sa akin. Ka-close niya sina Twelve at ako lang ang hindi. Siguro dahil na rin sa ugali niya. Pagdating kasi sa akin ay palaging nawawala ang ngiti niya. Nakikita ko pa siyang makipagtawanan sa mga kaibigan namin pero pagdating sa akin, wala. Parang may utang ako sa kaniya na hindi ko nabayaran sa asta niya.
"Tinuloy mo talaga ang pagpapaligaw doon? Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na niloloko ka lang niya? Nakita ko pa iyong may kasamang babae noong isang araw." umikot ang mata ko at mas binilisan ang paglalakad patungo sa office. Ilang beses na niyang sinisiraan si Vincent sa akin. Para namang maniniwala ako, mas mabait pa iyon sa kaniya kaya paano niyon magagawang manloko?
"Kung ayaw mong ligawan ako ni Vincent, edi ikaw manligaw sa akin." pagbibiro ko sa kaniya. Mas lalong bumakas ang iritasyon sa mukha niya.
Huminga ako ng malalim. Ilang beses na rin akong pahapyaw na nakikipaglandian sa kaniya pero wala. Inisiip ko na baka bakla siya pero alam kong hindi. Nakikita ko kasi siya minsan na may kalandiang ibang babae. I know he's a typical playboy. Noong junior high palang ako ay naririnig ko na ang pangalan niya na matinik sa babae. Ewan ko kung bakit nag-iba ang ihip ng hangin ngayon.
Sayang, crush ko pa naman siya dati. Kung hindi sana ganiyan kasungit ugali niya, ako pa sana ang nanligaw sa kaniya.
Nang makarating ako sa office ay mabilis kong inalagay sa table ang mga papel at bumira paalis. Jacques called my name once pero hindi ko na siya nilingon.
Nagsimula ang discussion kaya maghapon na naman akong lutang. I chose Bachelor of Science in Accountancy. Sabi kasi ni Tita Christine, in demand daw ang mga accountant ngayon. Kaya wala akong choice kundi ito ang piliin dahil siya rin naman ang pagpapa-aral sa akin.
"Madz punta kami sa inyo sa sabado." pang-aakit ni Cavier habang tumitira ako ng bola. Nasa bilyaran kami ngayon, hindi natuloy ang date ko dahil kay Jacques. Halos kaladkarin niya pa ako papunta rito. Katwiran niya, hahanapin daw ako ng tropa namin. Kaya nga iritadong-iritado pa ako ngayon.
"Huwag na, makalat sa amin." katwiran ko. Ganito ang palaging sinasabi ko sa kanila sa tuwing nag-aakit sila papunta sa bahay. Nakapunta na kami sa bahay ng lahat para tumambay maliban na lang sa akin.
"Huh? Ano naman kung makalat, pwede ka namang maglinis bago kami dumating." si Twelve. Tinira ko naman ang tres bago humarap sa kanila.
"Next time na lang kayo pumunta sa amin, baka mamaya manggulo kayo roon." Ngumiwi sila lahat sa sinabi ko. Kahit anong pamimilit ang gawin nila, hindi nila ako mapapapayag na pumunta sa bahay. Hindi ko hahayaang makita nila kung anong klaseng buhay ang meron ako.
Napadako ang tingin ko kay Jacques na nakatayo sa tabi ni Warton at kunot-noong nakatingin sa akin. Kanina pa siya ganiyan. Pasimple ko siyang inirapan. Siya lang talaga ang hindi ko makasundo sa grupo, hindi kasi madaling sabayan ang ugali niya. Pakialamera rin siya at mahangin.
"Madelaine." huminga ako nang malalim nang tawagin na naman niya ang pangalan ko. Ang mga kaibigan naman namin ay naroon lang at nanonood, alam nila na hirapan pa rin kaming magkasundong dalawa. "Nasisilipan ka na riyan sa posisyon mo, umayos ka nga ng tayo." iritadong aniya.
Sa sinabi niya ay mabilis akong napalingon sa ibang kalalakihan na nagbibilyar din at pasimpleng sumusulyap sa hita ko.
"Ano na naman ba, Guevarra?" pasimpleng kong hinila pababa ang palda ng aking uniform.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na huwag mo akong tatawaging Guevarra?" painis na aniya.
Ngumisi lang ako, nang-aasar.
"Bakit ka nagagalit?"
"May pangalan ako, Madelaine." nagsukatan kaming dalawa ng tingin.
Ramdam naman ng mga kaibigan ko ang tensyon kaya mabilis silang pumagitna.
"Ayan na naman kayo, chill chill lang tayo rito oh." anas ni Sison. Sumipol si Nico at Warton, natatawa sa amin.
I laughed at bit to loosen up. Jacques is always too serious. Parang ayaw niya akong kasama sa grupo where in fact, siya naman ang bago sa amin. Kung ayaw niya sa akin, umalis siya sa tropa.
Bumaling muli ako sa lalaki at ngumiti sa kaniya. Iyong nang-aasar na ngiti.
"Tinatawag kitang Jacky, ayaw mo. Tinatawag kitang Guevarra, ayaw mo rin." matamis akong ngumiti sa kaniya. "Anong gusto mong itawag ko sa'yo? Babe? O baby?" kita ko ang bahagyang pag-awang ng labi niya sa sinabi ko.
Nagtawanan naman sina Twelve.
"Hoy! Hoy! Hoy! Baka magkatotohanan 'yan ha?" pagpaparinig ni Warton. Tumawa lang ako sa kanila at umiling. Hindi na muli pang nagsalita si Jacques. Umiling-iling ako sa kaniya.
Kailangan ko lang palang banatan ito ng mga pamatay kong linya para matahimik eh.
Muli kong ipinagpatuloy ang pagbibilyar. Ngayon ay kalaban ko na si Twelve, pinagpupustahan naman kami ng iba. Nasa kalagitnaan kami ng paglalaro nang muling magsalita si Jacques.
"May girlfriend ako." aniya na siyang ipinagtaka ko.
Tumawa ako at napailing sa kaniya kahit saglit akong nabahala sa sinabi niya.
"Ano naman kung meron? Tinatanong ko ba?" nanatili lamang ang seryosong paninitig niya sa akin. Iniisip pa rin ba niya ang pinag-uusapan kanina? Sineryoso ba niya ang sinabi ko? Akala ba niya tatawagin ko talaga siya ng 'Baby' kaya sinabi niyang may girlfriend siya?
Nagkibit-balikat ako at hindi na siya pinansin. Sa lahat ng tao, siya iyong hindi ko kayang maintindihan. I'm attracted to him, I admit that. He had that kind of deceiving looks that can capture every woman's eyes. Kaya nga naging crush ko siya noon. At ngayong nasa iisang grupo na kami, I know something inside me is telling me not to let my guards down on him.
I can try entering relationships with anybody, hindi ako mapili sa lalaki. I can try anyone, huwag lang siya. He's off limits.
"Ito ba iyon?" I was in the school canteen to buy foods the day after. Hindi ko kasabay sina Sison dahil magkakaiba naman ang break time namin. Napabaling ako sa likuran ko at doon nakita ang tatlong kababaihan na nasa harap ko.
I raised my brows. I don't know them.
"Bakit?" tanong ko. They're practically looking at me. Wala namang ibang tao sa likod ko. "Ako ba hinahanap niyo-
Natigalgal ako nang bigla akong sampalin ng isang babaeng nasa gitna. Hindi kaagad ako nakapag-react sa gulat.
"Ang kapal ng mukha mong landiin ang boyfriend ko!" aniya na siyang nagpabalik sa akin sa ulirat. Mabilis akong napabaling sa kaniya.
"S-sinong boyfriend? Wala akong alam sa sinasabi mo." bigla akong dinapuan ng matinding kaba. Sinong boyfriend? Si Jacques ba? Ito ba ang girlfriend na sinasabi niya? But I was just joking. I have no plans of flirting with him and he's not even my type.
"Nagmamaang-maangan ka pa talaga!" galit na aniya sa akin saka hinila ang buhok ko. Tumulong ang dalawa niyang kasama at hinila rin ang buhok ko. Kita ko sa gilid ng mata ko na nagsisilapitan na sa amin ang ibang mga estudyante para makiusyoso.
"Videohan niyo, magvi-viral 'to!" anas ng isang lalaki.
Lumaban ako at hinila rin ang buhok ng kung sino mang mahigit ko. Three on one, kahit gaano ako katapang, walang-wala ako kapag pagtutulungan ako ng tatlong warfreak na ito. Naramdaman ko rin ang hapdi sa braso at leeg ko dahil sa mga kalmot nila. Kalaunan ay bumagsak kami sa sahig at doon nagpambuno. Rinig ko ang kantyawan ng mga tao sa paligid. Walang umaawat, lahat sila ay kinukuhaan kami ng video.
"Cheska!" sigaw ng isang pamilyar ng boses. "Tigilan mo na iyan!" may kung sinong humila sa babae. Nakita ko rin ang pagdating nina Twelve at mabilis akong nilapitan. Sinamaan nila ng tingin ang kabilang grupo.
"Ano problema niyo?" pagalit na tanong ni Twelve sa mga babae. Nakita ko rin sa gilid ng mata ko ang paglapit sa amin ni Jacques. Kita ko ang pag-igting ng panga nang makita ang gulo-gulo kong buhok.
Bumaling ako sa grupo ng mga babae at nakita na naroon si Vincent. Kita ko ang takot na bumakas sa mata niya nang magtama ang tingin naming dalawa. My heart sunk for a little. I almost fell for him. Muntik na akong magkagusto. Muntik nang maging kami pero totoo pala ang mga paratang sa kaniya ni Jacques.
"Nilalandi niyang kasama niyo ang boyfriend ko! Malandi iyan, kating-kati magkaboyfriend!" humahangos na sigaw sa akin ni Cheska. Nakahawak sa magkabilang balikat niya si Vincent.
"Babe, stop it." pagpapakalma niya sa babae. I gulped because of anger.
"Eh mokong pala 'yang jowa mo eh?! Iyan ang lapit nang lapit sa kaibigan namin tapos ngayon susugurin niyo? Pinagtatluhan niyo pa, kung pagbuhulin ko kaya kayo niyang jowa mong mukhang kuhol?" galit na anas ni Twelve. Pilit naman akong itinatago nina Sison sa likod nila pero nanatili ako sa kinatatayuan. Ni hindi ko na inabala ang sarili na ayusin ang gulo-gulong buhok.
"Ang sabihin mo, malandi lang talaga iyang si Madelaine. Totoo naman pala ang usap-usapan na nagmana iyan sa tita niya. Mga lahi pala kayo ng kabit!"
Napakuyom ang kamao ko sa sinabi niya. I thought that issue already vanished. Bakit ngayon inuungkat na naman nila? Anong masama kung ang Tita Christine ko ang pinili?
Akmang susugod kay Cheska sina Twelve. Mga mainitin talaga ang ulo ng mga lalaking ito lalo na kapag naaapi ako. Kaya nga sila ang ginawa kong kaibigan, para naman magamit ko sila sa mga ganitong sitwasyon.
"C-Cheska, tumigil ka na. Hindi naman ako nanliligaw ng iba. Hindi totoong nililigawan ko si M-Madelaine. Siya ang nangungulit sa akin. Sinabihan ko na siyang tigilan na ako pero ayaw niya-
Napasinghap ang lahat nang mabilis na nakalapit sa kaniya si Jacques at sinuntok ito sa mukha. Natumba si Vincent sa sahig na kaagad namang dinaluhan ng girlfriend niya.
"Asshole!" gigil na aniya kay Vincent at akmang susugod ulit nang pigilan siya nina Nico.
"Tama na 'yan, pre. Mukha na ngang aso babasagin mo pa mukha, kawawa naman." nang-iinsultong anas ni Sison. Tumingin sa kanila ng masama si Vincent.
I heaved a deep sigh before I silently left the canteen. This is the product of me, being so desperate of love. Masyado akong uhaw na uhaw sa pagmamahal na kaunting pagpaparamdam lang, kaunting pagpapakita lang ng motibo, nauuto na kaagad. Naloloko na kaagad.
I swiped the tears away from my face and walks fastly towards the bleachers. I will never ever tolerate cheating. I hate cheaters. Kailangan man ay sisiguraduhin kong hindi ako magiging kasangkapan ng pangloloko o bahagi ng pangangaliwa. I want to find love, and I know that others want to find their great love too, that's why I won't cheat or be a mistress to hurt people's feelings whatever happens.
It's a pledge.
It's my promise to myself.

Bình Luận Sách (19)

  • avatar
    Sopeya

    😭 😭

    03/07

      0
  • avatar
    Judy Ann Gilbaliga Catedral

    Good

    05/05

      0
  • avatar
    ARINOMA LUDETTE

    ☺️☺️☺️

    29/01

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất