logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Under the Clouds

Under the Clouds

unspoken_words


Prologue

They say love is the only permanent thing in life. That is also what I always believe. Parang nakatatak na sa puso ko ang mga katagang iyon mula pagkabata. Everytime someone would ask me what is the most important thing in life, or what will I choose between love or money… 
I'll certainly go with love. 
Because with love, I can feel that someone cares for me. Someone's willing to look for me. Someone's going to miss me. Someone's going to embrace my flaws and imperfections. Someone's going to stay beside me even if the world is against us. Even if fate is against us. 
I always want to find that one great love. Maybe that's the reason why I got into relationships at an early age. I want to find someone who's willing to fix everything for me because I am so weak to fix myself alone. I entered relationships so early, got broken, met another person along the way, developed mutual understandings, tried to heal myself every heartbreak, got lost, became wasted so many times, stopped for a couple of months to mourn like someone just died and then moved forward again like nothing happened. 
Some people say that I am too young to make love my first priority rather than studies. But it didn't affect me. Heartbreaks and mistakes didn't make me stop from searching because maybe, what I really wanted was to prove myself that I could do things right. That I am not just a mistake. So when I look behind me in the mirror, I'd see someone worthwhile, staring down at me saying that he's willing to lift me up from my miserable life. 
"Alis na po ako." pagpapaalam ko kay Papa nang sumilip ako sa kwarto niya. I saw him awake already, but when I opened the door, he pretended, again, that he's not. 
I figured out that it's way better treatment from him rather than having him shout at me. My father is a bed-ridden. Nakakalakad pa siya pero sobrang bagal at kinakain niyon lahat ng lakas niya. Matagal na siyang ganiyan, elementary pa lang ako ay hindi na siya nakakapagtrabaho. Si Tita Christine lang  na isang teacher ang nagbibigay sa akin ng baon at sumasagot sa lahat ng gastusin ko sa pag-aaral. 
"Ano G ba tayo mamaya?" nakasalubong ko sa gate si Warton habang papasok ako sa SLSU. I am still a senior high school student while he's second year college. 
"G ako palagi. Hintayin niyo ako lumabas ha." I told him. Tumawa lang siya at ginulo ang buhok ko. 
"Oo na, kailan ka naman namin iniwan?" umikot ang mata ko. 
"Baka palagi niyo akong nilalaglag." naalala ko na kapag may pinagtataguan akong tao, palagi na lang nilang isinisigaw ang pangalan ko kaya nalalaman ng taong iyon na pinagtataguan ko siya. Palagi nila akong pinapahamak at pinagtri-tripan. Pero kahit ganoon, hindi naman nila ako pinapabayaan. 
"Sige mamaya na lang. Text niyo ako kapag labas na kayo!" kumaway ako sa kaniya at tumakbo papunta sa classroom ko. 
"Wala kang cellphone, gago!" sigaw niya sa malayo. 
Tumawa ako at pumasok na lamang sa classroom. Nagulat ako nang may madatnan na akong teacher na nakaupo sa table sa unahan. Sa takot na masita ay kaagad akong nagtungo sa upuan ko at saka nagtanong sa katabi kung anong oras na. Napagtanto ko na hindi pa naman pala ako late. Maagap lang talaga ang teacher namin. 
"Parang bago yata 'yang teacher na 'yan ah? Ngayon ko lang nakita." mahinang anas ko sa katabing si Camille. 
"Hindi mo kilala? Si Guevarra iyan." mahina siyang tumili at naglulupasay sa upuan niya. Ngumiwi ako. 
"Sinong Guevarra? Naging teacher  na ba natin dati?" takang tanong ko. Hindi ko pa kasi talaga nakikita ang teacher na iyan. Mukha rin siyang bata at kaedaran lang namin. 
"Siraulo. Si Jacques Guevarra kasi 'yan. Second year engineering student." mahina niya akong pinitik sa ulo. 
"Student? Bakit nandito? Bakit nasa senior high school siya kung ganoon?"
Umikot ang mata ni Camille. 
"Ang bobo mo naman. Baka October ngayon. Teacher's month, gaga. Mga student-teacher ang magtuturo ngayon sa atin. Hindi mo alam dahil hindi ka naman nakikinig."
"Ang harsh mo naman magsalita!" ginantihan ko siya ng hampas sa braso. Tumawa siya at umirap lang sa akin. 
Bumaling naman ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa teacher's table at abala sa pagbabasa ng textbook namin. Baka kinakabisado pa niya mga ituturo niya mamaya. 
Nanliit ang mata ko habang mariin ko siyang tinititigan. Hinawakan ko pa ang baba ko na para bang seryosong-seryoso sa sinusuri. Hindi nagtagal ay unti-unti kong natatandaan na pamilyar ang mukha niya sa akin. 
At nang tuluyan ko siyang maalala, napatakip na lang ako ng bibig. 
"Gago, ito pala 'yong crush ko dati." napalakas ang boses ko kaya nagtinginan sa akin ang lahat. Pati ang lalaki ay napatingin din sa akin. Sa kahihiyan ay mabilis akong nakitingin sa cellphone ni Camille at naging isang mapagpangggap na nilalang. "I-ito nga iyon, crush ko 'yan dati." pagpapalusot ko habang nakikitingin kay Camille. Nagf-facebook siya.
"Si Maui? Tomboy ka na ba Madel?" 
Tumikhim naman ang teacher namin ngayon kaya natahimik kaming lahat. I was thankful that he didn't heard what I say. Some people think that I have no shame on my body because I entered relationships so early. Pakiramdam nila, wala na akong kahihiyan pagdating sa mga lalaki. Ang alam nila, naglalaro lang ako. 
But clearly, I'm not. Every time I enter relationships, I always take it seriously. Wala akong natatandaan na hindi ako nagseryoso sa isang relasyon. Sila lang ang nag-iisip na naglalaro lang ako. Because most of the boys are boys. I never cheated, they were. Madalas pa, ako ang pinagmumukha nilang masama. They say that it was fault because I'm always so serious. I am always so clingy. Marami akong ipinagbabawal, siguro nasasakal sila sa akin kaya sa huli, pinipili na lang nilang mangloko para magkaroon ako ng dahilan para iwasan sila. 
Para makatakas sila sa akin. 
I am not a fan of cheating. I would never do that. I will never hurt someone's feelings just because I can't be contented with what I already have. Pero sa lipunang kinabibilangan ko, it seems like cheating became part of what they called normal. Parang hindi na nakakapanibago na may isang karelasyon ang magloloko. Kasi iyon naman talaga ang palaging nangyayari. 
Wala ng bago. 
"Ms. Graciano."
I was shocked when I found out that everyone around the room was already looking at me, including Mr. Guevarra. 
"Y-yes, Sir?" I startled. Ni hindi ko nagawang makatingin ng diretso sa kaniya. I remember having a crush on him before. Pero nawala rin iyon kaagad nang magkaroon ako ng bagong boyfriend.
"You're spacing out." he commented. Nahihiyang napakagat ako ng labi. "Read the first paragraph on your textbook and explain it to us."
Napatango ako at dali-daling binuklat ang textbook namin sa subject. Pasimple kong tinanong kay Camille kung anong page dahil hindi ko narinig ang sinabi niya kanina. 
I read the first paragraph of our topic and explained it to them right after. Nag-aalangan pa ako dahil hindi ko masyadong naintindihan ang binasa dahil sa kaba. 
"You done?" pagtatanong niya sa akin. 
"Yes, Sir." tipid siyang tumango saka ako inutusang umupo. I sensed a little bit of rudeness in his tone.
Lihim akong napasinghal sa kaniya. Sa isip-isip ko, napakaseryoso naman ata ng lalaking ito para sa isang substitute teacher. Isang araw lang naman siyang magtuturo, akala mo kung sino na. 
English speaking pa, samantalang tagalog language ang subject namin sa kaniya. Palihim ko siyang sinaman ng tingin nang tumalikod siya habang nagsasalita. Nagulat ako nang biglang magtama ang paningin naming dalawa nang muli siyang humarap. Naabutan niya akong nakatingin ng masama sa kaniya. 
Napatikhim ako at nagpanggap na nakatingin sa nakasulat sa white board sa likod. Binasa ko ang mga isinulat niya roon na hindi ko masyadong maintindihan, ewan ko ba, ang pangit ng pagkakasulat. 
"Ms. Graciano, do we have a problem?" Napatingin muli sa akin ang mga kaklase ko nang muli niyang banggitin ang apelyido ko. 
"W-wala po."
Muntik na akong mapamura nang hindi pa rin naalis ang tingin niya sa akin. Itinikom ko na lamang ang bibig ko dahil baka mas lalo niya akong pag-initan kapag nagmura ako. 
He slightly smirked at me before turning his back and returning to his discussion. Sa totoo lang, wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya. He's so serious in exlaining the lesson. Wala akong maintindihan. 
Natapos ang klase sa kaniya na nakatunganga lang ako. Kaagad na nagsilabasan ang mga kaklase ko nang sabihin niyang class dismiss. I understand that they also felt intimidated by his present. Nataranta ako nang mag-unahan sa paglabas ang mga kaklase ko kaya nakigaya na rin ako. 
Nahulog pa ang ilan sa mga gamit ko na hindi ko na nagawang kuhain pa. I stiffened when I heard him call my last name, again. 
Mabagal akong lumingon sa kaniya. Lihim akong napareklamo sa isip. 
"Ano na naman ba?" mahing bulong ko sa sarili. 
He fixed his things on the table and stood up. He then faced me. 
"Clean the classroom first."
Literal na bumagsak ang panga ko sa sinabi niya. Nilampasan niya ako at nauna nang lumabas ng classroom. Napapikit ako ng mariin saka inis na tiningnan ang malawak naming classroom. 
"Seryoso ba siya?" Napatiim-bagang ako at dumiretso na lamang ng labas ng classroom. There's no way I'm going to follow his order. Saka bakit ba ako lang ang inutusan niya? Hindi lang naman ako ang gumamit nito. 
Nakasalubong ko si Cavier habang naglalakad ako papunta sa next subject namin. Kaagad siyang nakipag-high five sa akin. 
"Bakit busangot ka?" natatawang tanong niya sa akin. 
"Pinagtripan ako ng substitute teacher namin. Sarap hampasin ng lamesa." pagrereklamo ko sa kaniya. 
Umiling-iling siya sa akin. 
"Baka naman may ginawa kang masama?"
"Wala nga, nakaupo lang ako doon kanina. Ako palagi ang tinatawag. Paglilinisin pa ako ng classroom."
"Naglinis ka naman?"
"Syempre hindi." ngumisi ako sa kaniya. "Hindi naman ako cleaners eh." pangangatwiran ko. Kahit cleaners nga madalang akong maglinis eh, iyon pa kayang uutusan niya lang? 
"Sige na, arte mo. Mamaya ha?"
"Oo alam ko, para namang baguhan. Huwag niyo 'ko iiwan ha."
"Oo na."
Buong klase sa maghapon ay puro mga substitute teacher lang ang nagturo sa amin dahil teacher's day ngayong araw. I was thankful that most of the student teachers didn't took the class seriously. I like it if they have humor rather than pure seriousness. Mas nakakasabay kami sa mga ganoon hindi katulad ni Guevarra kanina. I believe he's already second year college, accelerated ng dalawang taon sa highschool kaya isang taon lang ang tanda niya sa akin. Nalaman ko ang edad niya noong crush ko pa siya noon. 
I suddenly regreted that I had a crush on him before. Kung bakit ba naman kasi pinag-initan niya pa ako kanina, siguro sana ay hahangaan ko ulit siya kagaya ng dati. He's so serious. I don't like his attitude. Pero kanina sa klase, parang sa akin lang sumasama ang tingin niya. Well we're even, palagi ko rin naman siyang sinasamaan ng tingin sa tuwing nakatalikod siya. 
"Nasaan na ba sina Twelve?" bugnot na ani ko sa katabing sina Warton at Cavier. It's been thirty minutes since we arrived in this place. Ang akala ko ba walang magpapahuli? 
"Chill ka lang, may dinaanan pa yata." sagot nila sa akin. 
Nangalumbaba ako habang pinapanood ang ilan sa mga kalalakihang naglalaro ng bilyar sa unahan. Nasa kaduluhan kami dahil ito ang pwesto namin, hindi namin ito pag-aari mismo. Pero sa tagal na naming pumupunta sa lugar na ito, para bang may karapatan na kaming mag self-declare na sa amin ang pwestong ito. 
"Oh, nandito na pala sila eh." turo ni Warton sa unahan. Napaangat ako ng tingin at doon nabungaran ang apat ko pang mga kaibigan na sina Aaron, Sison, Nicolossi at Twelve. 
"Sa wakas!" sarkastikong anas ko nang makarating sila sa pwesto. Kaagad silang lumapit sa amin para makipag-high five. "Tagal ha? Sarap niyo layasan." asar na komento ko. 
Tumawa sina Twelve at Nico bago tumabi sa akin. 
"May dinaanan pa kami." paliwanag sa akin ni Twelve. 
"Namimiss ka na kasi niyan ni Tita Madelaine, hindi raw niya kayang mawala ka sa piling niya."
Kaagad kong binato ng bag si Cavier nang marinig ang sinabi niya. Tinawanan lang nila ako. 
"Gago, baka gabihin kasi ako masyado. Ipagluluto ko pa si Papa." katwiran ko sa kanila. Palibhasa mga walang pakialam sa magulang. 
"Oo na, nasaan na ba kasi iyon?" tanong ng mga bagong dating sa isa't-isa. 
"Nasa likod lang natin kanina eh." nakisilip din ako nang sumilip sila sa dagat ng mga tao. Wala naman akong ibang nakita roon bukod sa mga dating nang naglalaro dito. 
"Oh? Ayan na pala eh!"
Nanlaki ang mata ko nang makita si Guevarra na naglalakad papunta sa amin. Nakatingin siya kina Aaron. Napaahon naman ako sa pagkakaupo kaya nagtaka sila ng makita ang reaskyon ko. 
"Si Jacques nga pala, bagong tropa." saad ni Sison. Mas lalong nanlaki ang mata ko. 
"Iyan?!" pahisterikal na anas ko. 
Kunot-noo naman silang tumingin sa akin. Dumako ang tingin sa akin ni Guevarra, bahagyang nakataas ang kilay niya. Saglit na kumislap ang itim niyang mata nang tamaan ito ng liwanag. 
"Oh? Kilala mo?"
Naipukpok ko ang kamay sa billiard table. Nanlaki ang mata nila sa ginawa ko. Pasimple ko namang itinago ang kamay sa likod ko dahil naramdaman ko ang sakit ng kamay. 
"Magiging tropa natin 'yan?" itinuro ko ang lalaki. Parang balewala naman siyang tumingin sa akin. "Eh gago pinagtripan ako niyan kanina sa klase." pagalit kong anas. 
Saglit silang natahimik sa sinabi ko bago sabay-sabay na nagtawanan. Lahat sila palakasan ng tawa. Mas lalo akong nainis nang makita si Guevarra na nakangisi na sa akin ngayon. 
Nilapitan ako ni Aaron at inakbayan. 
"Madel, huwag ka ng choosy. Ikaw nga tinanggap namin sa tropa kahit medyo dugyot ka, si Jacques pa kaya?" nang-aasar na aniya sa akin. 
Kaagad ko siyang sinuntok sa tiyan. Tumatawa siya nang bumalik sa pwesto kanina at nakipag-usap kay Guevarra. Napabuntong-hininga naman ako at bumalik na lamang sa kinauupuan kanina. Ginulo ni Twelve ang buhok ko. 
"Chill ka lang, mabait 'yan si Jacques. Nagseseryoso lang talaga pagdating sa pag-aaral."
"Kahit na." tugon ko. "Saka paano niyan nalaman apelyido ko?"
"Baka tiningnan sa record book niyo."
Suminghal ako at kinuha na lamang ang cue stick. Nagsitinginan sa akin ang mga tao pati na rin ang mga kaibigan ko. Dinuro ko si Gueverra. 
"Labanan mo ako, kapag natalo mo ako, tatanggapin kita sa grupo."
Seryosong anas ko sa kaniya. Bahagyang tumagilid ang ulo niya na animo'y sinusuri ako. Napalunok ako nang makita na mas seryoso pa siya ngayon kaysa sa akin. 
Nagsigawan sina Sison para i-cheer si Guevarra. Walang humiyaw para sa akin. Inis ko silang binalingan ng tingin. 
"Sige Jacques, talunin mo 'yan!"
"Lampasuhin mo!"
Kantyaw nilang lahat. Kita ko ang mapang-asar na tingin nila sa akin. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba akong nagsisi na naging kaibigan ko ang mga gagong ito. Imbes na ako ang suportahan, pagtutulungan pa ako. 
Nakita ko naman ang pagngisi ni Guevarra sa akin. Umiling-iling siya saka kumuha ng sariling cue stick. Nagkatinginan kaming dalawa. 
Nang araw na iyon, labis kong pinagsisisihan kung bakit ko siya hinamon. Nagsisisi ako na inakala kong kakayanin ko siya. Nagsisisi ako na nagpatalo ako sa kaniya. Nagsisisi ako na tinanggap ko siya sa tropa. 
I'm still young and learning. Lahat ng mga maling desisyon ko, pinagsisisihan ko na. But him, sana hindi ko na lang siya kinilala. I know I should have chosen the right choice that time, but when I saw him one day looking at me under the serene clouds of afternoon, I thought he could be the one that I was searching for eversince. 
I thought he could be the one who would fill the missing pieces of me.  
But I was wrong, again. 
Because under the clouds, I made the greatest mistake that I've ever made in my entire life.

Bình Luận Sách (19)

  • avatar
    Sopeya

    😭 😭

    03/07

      0
  • avatar
    Judy Ann Gilbaliga Catedral

    Good

    05/05

      0
  • avatar
    ARINOMA LUDETTE

    ☺️☺️☺️

    29/01

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất