logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Carlo‘s POV

CARLO LACE
Nakita ko ang gulat sa mukha ni Riana ng sabihin ko ang mga linyang iyon sa harap niya. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin ng deretso sa akin.
"..ang mahal niya." patuloy ko sa salitang isinambit ko.
Nagulat ako dahil sa nakita kong reaksyon ni Ria. Bumagsak ang mga balikat ni Ria dahil sa sinabi ko. Mas lalong lumungkot ang kanyang mga mata ngayon sa nakikita ko. Ngunit nagpilit ulit siya ng ngiti, ramdam na ramdam ko ang lungkot niya dahil sa kanyang pinapakita.
Nginitian ko rin siya pabalik. Yung ngiting pilit ng katulad ng kanya. Alam kong mas matinding lungkot at sakit ang dinanas niya dahil saming mga lalaki.
Wala pa sa sakit ng dinanas ko ang dinaranas niya ngayon. Nasasaktan lang ako dahil sa isang taong hindi ako magawang mahalin.
'Yung babaeng, ginawa ko ang lahat para sa kanya kahit na ikasasakit ko pa.'
'Yung babaeng hinding hindi ko malilimutan dahil sa ibang kasiyahang pinaramdam niya sa akin.'
'Yung babaeng mahal lang ako...
dahil sa pera.'
'Yung babaeng minahal ko ng totoo at sobra, yung tipong wala na akong tinira para sa sarili ko.'
'Lahat ng pagmamahal ay binigay ko sa kanya, para lang mahalin niya rin ako pabalik.'
Dalawang taon na ang nakalipas pero ramdam ko pa rin yung sakit kasi mahal ko pa rin siya, patuloy na minamahal kahit na malayo na siya sa akin. Simula nung umalis siya patungong Japan ay wala na akong narinig na balita mula sa kanya. Idineactivate niya na lahat ng social media accounts niya, pati number niya ay pinalitan niya na rin.
Kaya maski tawag o text ay hindi ko magagawa. Hindi rin ako nakapunta noon sa Japan para hanapin siya, maraming iniwang gawain sakin noon ang parents ko. Imbes na itigil ko ang mundo ko noon ay ipinagpatuloy ko pa rin para makita ko pa siyang muli.
Lahat ng paghihirap noon ay dinanas ko kahit na marami naman kaming trabahador ay sakin pa rin nila iniwan ang mga iyon dahil wala silang tiwala sa iba.
May inasikaso silang business noon sa ibang bansa, kaya sa simpleng edad ko pa lamang na ito ay ako na agad ang tinuruan nila para daw hindi na sila mahihirapan pag nawala sila ng maaga. Nagiisa akong anak kaya ganoon na agad ang karanasan ko sa murang edad pa lang.
Hindi na ako inusisa pa ni Ria tungkol sa hiling kong iyon, ramdam kong alam niya ang nararamdaman ko ngayon. Pareho lang kaming nasaktan pero alam kong mas masakit ang sa kanya.
Nauuna na ulit siyang maglakad sa akin kaya hindi ko nakikita ang bawat reaksyon ng mukha niya. Palingon lingon lang siya sa paligid, animong minememorize ang bawat madadapuan ng mga mata niya.
Medyo mabagal rin ang lakad niya, kaya binagalan ko na rin ang lakad ko dahil ayokong mahawa siya sa lungkot na nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko alam ang takbo ng utak niya, hindi ko pa rin alam ang pasikot sikot ng bituka niya para masabing kilalang kilala ko na nga siya. Bago pa lang kaming magkaibigan pero close na rin kami at alam kong kakaunti palang ang alam ko sa buhay niya.
Ganoon rin ako sa kanya, dahil hindi siya yung babaeng masyadong mausisa. Kontento na siya sa mga sagot na ibibigay mo sa kanya. Isang tanong, isang sagot lang kaming palaging dalawa pagang topic ay tungkol sa mga buhay namin.
Ilang minuto ang lumipas at nakarating na kami sa sasakyan ko. Nandoon na rin si Jepoy, nakaupo sa grass habang hinihintay kami. Lumapit ako sa kanya.
"The things you used earlier are all fixed and cleaned, Master." yumuko siya ng bahagya sa akin, bilang paggalang niya.
Tinanguan ko nalang siya. Nilingon ko si Riana na nakatingin pa rin sa malayo, bago ko ibinalik ang paningin ko kay Jepoy.
"We need to go, dadaan tayo sa bahay nila Riana para ihatid siya.".malumanay kong sabi.
"Yes, Master." kumilos agad siya papalapit sa backdoor para pagbuksan kami ng pinto.
"Riana, I'm taking you home." aniko habang inumwestra ang loob ng sasakyan. Lumapit naman siya sa akin, inalalayan ko siyang pumasok sa loob bago ako sumunod. Isinara na ni Jepoy ang pinto at umikot papunta sa driver's seat.
Ibinuhay niya na ang makina,.nagsimula na kaming umandar..Ilang agwat ang layo namin ni Riana sa isa't isa, nakatuon lang sa labas ang paningin niya. Hinahabol ng tingin ang farm na pinuntahan namin.
Lumapit ako ng bahagya sa kanya, para kausapin siya.
"Hey, Are you okay? Is there something bothering your mind? Just tell me what is it." iniharap ko siya sa akin at matamang tinignan siya sa mata.
"Yes, I'm okay. There's... Never mind." nagpilit siya ng ngiti bago humarap muling sa bintana.
I sighed. There's really something bothering her, hindi niya lang masabi sakin. I don't want to force her by telling what's on her mind. Ayokong magaway kami dahil sa pangungulit ko. Pag ganitong seryoso siya ay mabilis siyang mainis at mapikon.
Wala ng kumibo niisa saming dalawa. Pareho lang kaming nakatuon ang paningin sa bintana habang malalim ang iniisip. I took a deep breath, before looking at her.
She's just focusing on that window the whole time, how can she do that? I can't focus looking at this fu*king window because my eyes want to look at her this time. I can really feel her coldness and sadness in me. She's not like this when she has problem in life.
I want to put that problem on my shoulders to make her feel relief and free from negativities in life. I want her to be happy, so much happy. I want her to enjoy life in a simple way. I know that she's a soft heartened girl. Even just your shouting at her. Her tears will be easily fall onto her cheeks, and suddenly she will continue crying until her pain stops.
Hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay niya ay hindi niya ako nilingon.
"Thankyou for this wonderful day, Take care.. Kuya Jepoy please drive safe,i hope you'll both get home safely with no bruises or something on your body and faces. And yeah, Thankyou again I enjoyed." nilingon niya ako ng sandali bago ako halikan sa pisngi. Napamaang ako sa ginawa niya kaya hindi ko namalayan na nakaalis na pala kami roon sa tapat ng bahay nila.
Hanggang sa makarating kami sa bahay ay naging tahimik lang ako. Ni hindi ko magawang batiin ang mga kasambahay namin kakaisip kung ganon ang inakto ni Riana sa harapan ko kanina.
May mga naiisip na akong dahilan pero hindi sapat ang mgs iyon para mabuo o masagot ang tanong ko. Masyado siyang naging sensitibo sa mga bagay na iyon kanina. Mahirap maghanap ng sagot sa tanong na hindi mo magawang itanong sa kanya dahil pilit niyang pinapakitang ayos lang siya na para bang walang problema.
Nagderederetso nalang ako sa kwarto ko, hindi ko na naisipan pang kumain dahil marami narin naman akong nakain sa date namin kanina. Nabusog na rin ang utak ko dahil sa sobrang daming isipin.
Dumeretso ako sa couch na naroon sa kwarto ko tsaka binuksan ang TV para makanood ng movie. Natapos ko na ang lahat ng kailangan kong gawin,.last week kaya parelax relax nalang ako sa ngayon.
Malapit na ang graduation namin kaya naging busy kami this past few weeks. Kailangan naming gawin ang lahat ng yon para makagraduate kami, at gumanda ang grades. Para rin hindi na kami mahirapang maghanap ng papasukang school sa senior high.
World War Z, ang napili kong panooring movie..Nagpadala nalang ako ng junk food dito kay Yaya Lita..Nagsimula na yung movie kaya nagfocus nalang ako do'n, para marelax ang utak ko kahit pa paano.
Napanganga ako don sa part na nagkumpulan yung mga zombies na parang langgam, at umakyat sa pader na sobrang taas para lang mabiktima ang mga taong nagiingay at nagsasaya sa loob non.
Ayaw nila ng maiingay kaya nagawa nila iyon. Nagpapantig ang mga tainga nila pag may narinig na langitngit o kaluskos manlang.
Napakaastig ng movie na iyon, pinapahiwatig talaga na matibay ang isang pamilya kung malakas ang pananalig at pagmamahal ninyo sa isa't isa. Kahit na gaano kadelikado ang bagay na papasukin mo ay gagawin mo para lang hindi mawala ni isang myembro ng pamliya ninyo.
I salute to all those father's, just like that man who's in the movie. He really is a Strong and Faithful man. He can sacrificed himself just for his family's happiness and freedom.
Because of that Love, It gave them a miracle and a way to prevent that disease or something that may affect your brain and also your heart.
Niligpit ko na lahat ng kalat ko pagkatapos kong manood. Ibinalik ko sa ayos ang lahat ng gamit na nagulo dahil sa paglilikot ko kanina. May nakakatense kasi na part doon, lalo na nung lumabas siya para hanapin sa laboratory yung vaccine na kailangan para mapatay ang virus na kumakalat.
Kinuha ko ang twalya ko. Dumeretso na ako sa banyo para maligo. Nagbihis na agad ako at pabagsak na isinalampak ang sarili sa kama. Iniwasan kong magisip pero hindi ako nagtagumpay, kusang lumitaw sa isip ko ang nangyari kanina.
Ipinikit ko ang mata ko, nakita ko doon ang mukha ni Riana. Yung mukha niya kanina habang sinabi ko ang hiling kong iyon.
Sana'y mali ang naiisip ko dahil sa reaksyon niya. Hindi ko magawang siguraduhin dahil wala naman akong mga pruweba para mapatunayan ang iniisip kong iyon.
Sinubukan kong matulog,nagtagumpay rin naman agad ako kaya hindi na ako masyadong nahirapan.

Bình Luận Sách (40)

  • avatar
    Paolo Cortez Bonaos

    gijy8ugfftgbjo

    21/04

      0
  • avatar
    Antonette Cerdeñâ

    super ganda worth it ang puyat

    06/03

      0
  • avatar
    bombaleserich

    thnkyou

    24/02

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất