logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

18

( Princess's point of view )
**DAY 3**
"Oh, Nate hindi ka pumasok?" Mukhang kagigising lang nakuha ko tuloy tingnan ang wall clock. Pasado alas nuebe ng umaga late na siya kung ganoon.
"Nag-over time ako sa office ni lolo."
"Ipaghahanda kita ng almusal."
"No thanks," binuklat ang newspaper bago maupo sa sofa.
"Kape baka gusto mo."
"Puwede rin." Nakatutok sa binabasa kaya kaagad akong nagtungo ng kusina para pagtimpla ng kape pagbalik ko abala naman itong naghahanap ng ibang babasahin.
"Akala ko pa naman mag-isa lang ako sa apartment."
"Talaga?" I nodded ng ibaba ang newspaper, "Tayong dalawa lang pala rito siguro naman makakapag-usap tayo ng mabuti."
"May gusto ka ba sabihin?" Humigop muna ng kape bago ako senyasan tumabi.
"Kahapon pa sana kaya lang kasama mo 'yong kambal."
"Tungkol ba saan?"
"Sa atin," kagat labi, "Dapat noon ko pa sana sinabi kaso ngayon may chance na."
"Ano ba iyon?"
"Tungkol sa lalaking humalik sa iyo."
"Noong Princess ako?? Bakit? Kilala mo ba kung sino?" He nodded. "SINO?"
"I'm so sorry for what happened ako ang may gawa 'nun." Matagal akong natulala sa mukha niya. Sino ba kasi hindi magugulat inamin niyang siya humalik sa akin after ng mahabang panahon nalaman ko rin kung sino.
"Seryoso ka ba? I mean, ikaw ba talaga?" Nilapitan ko pa ng sobrang lapit.
"Bakit mukha ba akong nagsisinungaling? Inaasahan mo ba si Andrew?" Nagsalubong ang kilay ko.
"Bakit nadamay si Andrew dito?"
"Wala lang baka kasi iniisip mo si Andrew pwes mali ka."
"Pero wala naman akong sinabi na si Andrew ang pinanghihinalaan ko. Actually, ikaw talaga kasi ikaw ang nakita ko ng idilat ko ang aking mga mata."
"Tama ka."
"Bakit mo ginawa?" He sigh then hinawakan ako sa magkabilang balikat.
"Dahil gusto ko mababaw na dahilan para sa iyo pero kaya ko ginawa ang bagay na iyon dahil gusto talaga kita noon pa."
"Hindi mo na isip maaari akong magalit sa iyo?" Hinuhuli ko ang mga mata nito ngunit masyadong ilag.
"Naisip pero nangyari na wala na akong magagawa at hindi na mababawi."
Ngayong alam ko na kung sino bakit parang hindi ako masaya? Bakit parang may inaasahan pa ako after kong malaman? Ganito lang ba ang feeling na ang taong inaasahan ko ay mismong umamin na siya ang gumawa? Masyado ko bang pinaghandaan ang sitwasyon na ito?
"Anong masasabi mo?" Tila na aatat nitong tanong, "Ako na ba sasagutin mo?"
"Ha?" Ikinagulat ko ang pagsabi nito pero may aasahan ba ako? Noong hindi ko pa nga nalalaman kung sino excited puso kong sagutin kung sino man iyon tapos kung kailan heto na nandito na ako sa harap ng taong iyon parang nag-aalangan ako.
"Huwag mo sabihin nagbago pa isip mo?"
"Bakit kasi ngayon mo lang sinabi?"
"Wala pa sana balak pero nang malaman ko mula kay Carl na ibabase mo ang pagsagot sa nakaraan ay hindi na ako nagdalawang-isip umamin natakot ako na baka sa iba ka pa mapunta, at sa maling tao."
Bakit ganoon? Bakit bigla-bigla sumusulpot si Andrew sa isip ko?
"Nang malaman ko mula kay Carl ang nais mo umasa ako na magiging tayo kahit hindi pa tapos ang date niyo ni Alex." Dugtong nito.
"Ano kasi...Nate hindi ako sure kung dapat ko ba gawin ito isa pa, gusto ko maging fair sa inyong lahat ayoko magpadalus-dalos."
"You mean?"
"Hindi pa ako sure kung sasagutin ba kita after nito." Matamlay niyang binitawan ang balikat ko.
"Mahal kita, Prinsesa." Tanging buntong-hininga lang ang naisagot ko. "May gumugulo ba riyan sa isipan mo?"
"Gaya ng sabi ko ayoko magpadalus-dalos."
"Does it have anything to do with Andrew? Is he one of the reasons why you can't answer me straight?"
Si Andrew nga ba? Ewan, naguguluhan ako.
"I feel like Andrew loves you. I feel like he just got you. What right does he have in your life? Is that so? How I am, how I love you."
"You just feel that way, Nathan."
"Hindi sa mga tingin niya sa iyo parang may pinanghuhugutan. Sa bawat kilos niya pakiramdam ko unti-onti ka niyang inaagaw sa akin. He loves you. I'm also a guy so I know how that feels. Kung hindi ko nalalamang nililigawan ka ni Alex malamang iisipin kong si Andrew nanliligaw sa iyo. You will be right with me. Do you like him or do you still like him?"
"Nate, hindi ganoon ang..."
"So ano itong pakiramdam ko? Sabihin mo nga, kung hindi mo siya gusto o hindi mo na gusto bakit? Bakit nangingibabaw ang inggit ko sa kaibigan ko."
"Selos 'yan hindi inggit kahit na kailan hindi nagkapareho ang salitang inggit at selos. Nararamdaman mo magselos kasi nga mahal mo ako."
"Wala na kaso sa akin kung inggit o selos itong nararamdaman ko. Ang gusto ko lang malaman mula sa iyo kung puwede ba ako na lang sagutin mo? Look, si Daryll wala na talagang pag-asa. I know hindi mo rin matatagalan ang pamumuhay ni Anton dahil masyadong mataas ang estado. Kung si Alex never mind, mukhang naglalaro lang siya hindi ka niya sineseryoso."
"At ikaw?"
"At ako...minamahal ka at patuloy na mamahalin."
Oh my goodness. Lord, please give me a sign. Siya na ba talaga? Kung siya na puwede pakilinis ang puso ko masyado kasi nasasaktan at naguguluhan.
Dahil wala akong maisagot malalaking hakbang ang nagawa ko palayo sa kanya. Nagkulong ako sa kuwarto pero aya-maya kumakatok ito pinagbuksan ko siya at nakita ko sa mga mata nito ang disappointment.
"Sorry."
"Ayos lang, puwede ba ako pumasok?"
"Sige." Ibinuka ko ang pinto para magkasya ito bago ko isara muli. Haharapin ko na sana pero kinorner ako at napasandal sa likod ng pinto.
"A-ano bang sasabihin mo?"
"Wala,"
"Wala pala siguro mabuti pa lumabas ka na lang."
"Ayoko." Tiim-bagang, "Iniwan mo ako na wala ka man lang sinabi parang medyo na pahiya ako 'nun ah."
"Hindi ko intensyon."
"Alam ko pero kung si Anton ba magtanong sa harap mo niyan anong sasabihin mo?"
"Nathan..."
"Sagutin mo na lang kasi,"
"Ewan." Yuko kong tugon.
"Kung si Alex?"
"Ewan ko rin."
"Paano kung si Andrew?!" Nagkatitigan kami, "Paano kung si Andrew pala ang mahal mo at hindi ako? Masasabi mo kaya sa mismong harapan ko ang totoo?"
"Nate."
"Mahal mo siya."
"Huwag mo pangunahan ang magiging desisyon ko."
"Mahirap ba umamin?" Kumalabog ang dibdib ko ng mapansin kong pabalik-balik niyang titigan ang labi ko.
"Hin---" hindi na pinatapos sasabihin ko hinila niya ako pahiga sa kama at balak halikan ng biglang magbukas ang pinto ng kuwarto ko.
"Andrew!" Napabalikwas ako sa kaba.
"Sorry, nakaka-istorbo yata ako." Padabog nitong isinara ang pintuan.
"Andrew, sandali." Pinigilan ni Nate ang kamay ko, "Kakausapin ko siya baka kung ano isipin 'nun."
"Eh ano? Isipin niya kung ano isipin."
"Ano ba naman klaseng kaibigan ka?!" Nagulat ito sa pagsigaw ko, "Sa lahat ng kaibigan mo bakit kay Andrew ka lang malamig mabait naman siya ah inaalala pa nga niya mga pinagsamahan ninyo kaysa sa totoong nararamdaman niya."
Tumayo ito, "Ayos lang kung mapunta ka isa sa mga kaibigan ko pero ang mapunta ka kay Andrew ay hindi ko matatanggap."
"Ano?" Naiinis kong usisa.
"Naiinis ako sa kanya lahat na lang sa kanya humahanga. Tama ka, magkaibigan kami pero hindi maaalis sa isipan kong kayang-kaya ka niyang maagaw sa akin."
"Bitiwan mo ako." malungkot kong utos na kaagad nitong sinunod. Lumabas ako para sundan si Andrew sakto papasok pa lang siya sa kuwarto.
"Drew." Mahinang tawag ko pasimple itong tumingin pero kaagad hinawakan ang doorknob. "Iyong nakita mo wala lang 'yon."
"Bakit ka ba nagpapaliwanag?"
"Kasi baka isipin mo may gagawin kami na hindi maganda."
Umismid, "Kung hindi ako pumasok malamang may gagawin kayo lalo ngayon dalawa lang kayong tao rito." Humarap sa akin, "Oo nga pala, hindi ako pumasok dumiretso kaagad ako sa department store para bumili ng kakailanganin kong lutuin SANA sa date natin. Siguro ikaw na lang bahala, o kayo na lang bahala ni Nathan mag-asikaso dahil nawalan na ako ng gana."
"Drew, wait." mahigpit kong hinawakan ang kamay nito bakit kaya nasasaktan ako? Bakit ganito nararamdaman ko?
"Hinihintay ka na niya." pigil ko ang kamay pero nilakasan niya ang puwersa para makapasok sa kuwarto nito. Lumingon ako sa likuran at nandoon si Nathan nakasandal sa pintuan ng kuwarto ko.
"Mahal mo na ba talaga siya?" I sigh bago makiusap na padaanin ako sa pintuan, "Its to late He has taken your heart paano kita maaagaw sa kanya?"
"Nate, nakikiusap ako huwag mo ko bigyan ng dahilan na kahit isa sa inyo wala akong piliin." Bumabagsak ang mga luha ko ng makapasok sa loob ng room.
Kinuha ko ang laptop saka inilagay sa Live video pinunasan ko ang mga luha bago magsalita.
"Hi guys," buntong-hininga ko."Hindi na muna ako mag-a-upload ng new vlog kasi marami akong inaasikaso." Kahit wala naman talaga.
"Nag-live video nga pala ako para may maka-usap. Ang bigat-bigat kasi ng dinadala kong suliranin, kayo ba guys, nagmahal na ba kayo? Malamang, lahat naman tayo nagmamahal, nagmamahal na handang masaktan. Nagmamahal na handang sumaya. Saan nga ba kayo kahanay?" Nagsisimulang dumami ang nanunuod. Nakuha kong umayos sa pagkakaupo.
"Paano nga ba ako magsisimula?" Nakita ko may nag-comment na 'Magsimula ka sa una.'
"Tama, magsimula sa una kasi gugulo kung magsisimula ako sa huli."
May nag-comment pa na 'Ano ba problema mo?'
"Problema ko ang pag-ibig siguro naman hinahangad niyo na sana magka-boyfriend na ako pero alam niyo ba may mga tao kasi dumating sa buhay ko. Hindi basta bagong kakilala kung hindi dati nang kakilala classmates ko sila noong elementary days pa."
'Wow, mga classmates noong elementary nag-reunion kayo?'
"Parang ganoon na nga pero hindi iyon ang problema ko. Paano kasi nagsabay-sabay silang manligaw hindi ko tuloy alam kung sino ba at paano ba malalaman kung tamang lalaki ang pipiliin ko baka sabihin niyo ang haba ng buhok ko at napaka swerte kong tao pero mali kayo. Napakahirap pala, mahirap kapag ikaw na nasa sitwasyon may case kasi na malilito ka. May case na hindi mo alam kung sino ba dapat mong bigyan pansin. Nakakalito at nakakatakot. Natatakot ako baka magkamali ako sa pagpili baka iyong sinasaktan ko na pala 'yong lalaking para pala sa akin. I used to wish I was a boyfriend. Because it's lonely, you'll be jealous when a couple passes by in front of you. Grabe si Lord magbigay ng hiniling ano? Isa lang hiningi ko ang daming dumating."
Naiiling ako at naluluha.
"Pero sabi nga nila kahit isang buong baranggay pa manligaw at magparamdam sa iyo may kaisa-isang lalaki na magiging tama sa iyo. Mamahalin, at igagalang ka."
Napansin kong tumunog ang laptop at sunod-sunod lumabas ang mga pangalan nila.
Kevin Miranda is watching
Alex Azun is watching
Anton Dizon is watching
Daryll Ventura is watching
Carlo Martin is watching
Nathan Santos is watching
Andrew Azun is watching
Sa sobrang taranta ko nakuha kong ihagis ang katawan sa kama. Sabay-sabay talaga naka-online at nanunuod sa live video ko? Anong gagawin ko kaya mo yan Princess. Bumalik ako sa pagkakaupo at humarap sa laptop.
"Sorry guys, may kinuha lang ako." Minadali kong kinuha ang tissue paper sa lamesa, "Heto." May nag-comment na 'Tissue? Anong gagawin mo riyan?'
"Nahulog kasi," inihagis ko sa hindi kalayuan ang hawak na tissue, "Ituloy na nga natin itong usapan." Nahihiya kong binasa kung nanunuod pa ang pitong lalaki at nandoon pa rin sila. Bumuntong- hininga ako.
"When I was young, I dreamed of finding someone really special who would come into my life and love me wholly and uniquely...someone who would understand my desires, encourage my efforts, and share my dreams..." natigilan ako dahil nag-comment si Andrew.
"When I grew older I found that person: I love you for loving me just the way I dreamed it would be. By Linda DuPuy Moore."
Dinugtong niya mga sinabi ko natigilan ako saglit bago muli magsalita.
"So paano guys, sa susunod na lang pala ako mag-live video may gagawin pa pala ako." Kaagad-agad kong pinatay ang laptop at nahiga.
Lord, bakit ganyan ka isa lang hiniling ko tapos ang dami nila. Puwede po ba huwag niyo na lang ako pahirapan kung sino pipiliin ko? Puwede po ba malaman ko kaagad kung sino iyon? Bigyan niyo ko ng sign kahit isang sign lang po, please?
Bumalikwas ako dahil may kumakatok inayos ko ang sarili bago buksan ang pintuan. May sumalubong sa akin na mahigpit na yakap at naging dahilan para tingnan ko siya ng masama.
"Ano ba ginagawa mo?"
"Kahit saglit lang."
"Andrew, lumayo ka."
"Sorry, sobrang sorry talaga nagselos lang naman ako. Ayoko kasi magkasama kayo ni Nathan."
"Drew," bumitaw sa pagkakayakap, "Ako dapat humingi ng sorry pero wala rin akong magagawa."
"Bakit ka ba nag-live?" Tumanaw sa table ko kung saan nakapatong ang laptop. "Ano ba inaalala mo?"
"Marami." Yuko kong tugon.
"Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin makapili sa amin?"
"Ganoon na nga."
"Pero feeling ko may napili ka na."
"Ha?" He smile.
"Feeling ko si Andrew Azun ang pinipili mo." Nakuha kong kurutin sa tagiliran.
"Magtigil ka nga muntik ko na pala makalimutan. Alam mo ba umamin sa akin si Nathan na siya."
"Siya? Anong siya?"
"Siya yong first kiss ko ang humalik sa ginawa natin role play." Nagbago ang expression ng mukha nito.
"Sinabi niya yon?"
Sunod-sunod akong tumango, "Oo, tinanong niya ko kung sasagutin ko na ba siya since siya naman talaga ang first kiss ko."
"Anong sinabi mo??" Nawala ang ngiti ko sa labi.
"Hindi ko na matandaan," marahan akong naupo sa kama, "Di ba dapat matuwa ako dahil inamin niyang siya yong first kiss ko?"
"Hindi ka masaya?" Sunod nito.
"Ganoon na nga."
"Baka heto na rin ang senyales na..."
"Na?"
"Huwag mo ibase ang nakaraan sa kasalukuyan baka kasi ako naman talaga..."
"Ang gusto ko?" Kanina ko pa napapansin hindi maganda ang awra ng mukha nito parang may iniisip na hindi niya alam kung gaano ba kalalim para sisirin.
"Hoy, Andrew!"
"Ha? ah, sorry may iniisip lang saan na nga ba tayo?"
"Ang mabuti pa lumabas tayo ngayon." Pagbabago ng topic baka kasi iniisip nito ang Day 3 namin.
"Saan tayo pupunta?"
"Kahit saan basta kasama ka."
"Line ni Alex yon ah?"
"Oh huwag ka na maingay baka ipa-tulfo ako 'nun dahil ginamit ko ang pag-aari niyang banat." Nagkatawanan kami pareho bago lumabas ng kuwarto.
NAGLAKAD-LAKAD kami at naghanap ng makakainan medyo tagilid ako dahil hindi ito kumakain ng turo-turong pagkain.
"Mabuti pa siguro umuwi na tayo."
"Why?"
"Wala ako maisip na kakainin ipagluto mo na lang ako."
"Tama 'yang sinabi mo sige umuwi na tayo."
NAGHAHALUNGKAT ako ng maaaring kainin sa fridge. Sa sobrang dami puwede lutuin hindi ko alam kung ano kukunin. Hinawakan niya ang pintuan ng fridge saka may kinuha na kung anu-ano.
"Ang hirap kapag kaonti lang nalalaman sa pagluluto." Reklamo ko na ikinangiti nito.
"Masasanay ka rin. Noong hindi pa ako sanay magluto ganyan din naiisip ko minsan pa nga binalak kong mag-doctor na lang."
"Eh bakit ba hindi na lang doctor?"
"Ewan, siguro nagsawa na lang ganoon."
"Ang labo naman puwede ba 'yon nagsawa ng basta na lang?"
"And why not? Ikaw nga pangarap mo dati maging guro pero anong nangyari?"
"Paano mo nalaman 'yon ha?"
"Sariling paraan kong nalaman."
"Patay na patay ka talaga sa akin noon, ano?"
"Ikaw iyong mas patay na patay."
"Ikaw kaya."
"Lihim lang ako nagmamahal sa iyo pero hindi ko pinaramdam. Eh ikaw, pinapakita mo sa akin at sa iba na patay na patay ka."
"Noon 'yon nang hindi ko pa nakilala si Nathan."
"See? Una mo akong nakilala." Pangangatwiran nito.
"Sabay lang nauna lang ako nagka-crush sa iyo nun dahil ubod ka kasi ng suplado."
"Pinipili ko lang naman supladuhin 'yong taong papansin. Sobrang papansin."
"Pinariringgan mo ba ako?"
"Tinamaan ka?"
"Medyo." Taas-baba ko sa balikat.
"Gumagana ba itong bluetooth speaker mo?" Kinalikot ang hindi kalakihan na speaker.
"Gumagana pa."
"Good," kinuha ang cellphone saka nagpatugtog ng 'This I Promise You.'
"Pampagana mo siguro 'yong musika habang nagluluto."
"Parang ganoon na nga."
"Ako kasi nagpapatugtog kapag naglalaba."
He smirk, "Naglalaba??"
"Oo nga sinisipag kasi akong maglaba kapag may musika. Alam mo na kahit paano pampa-goodvibes dahil tambak ang labahin ay anong araw ba ngayon??"
"Wednesday."
"Laundry day ko pala bukas sangkatutak na naman labahin ko."
"Marami ka na labahin niyan samantalang minsan ka lang umalis."
"Hehe, iyong mga suot ko pa nakaraang dalawang linggo hindi ko pa nalalabhan ang dami 'nun."
"May washing naman."
"May washing nga pero hirap labhan ang mga sapin ng kama."
"Ikaw pa naglalaba 'nun??"
"Oo."
"Hindi ba dapat kanya-kanyang laba?"
"Ang bait ko ano?" Ngisi ko rito na ikinangisi rin.
"Inaabuso ka naman bawasan mo maging mabait para iwas problema. Oo nga pala, ipaglaba mo na rin ako bukas hahahaha."
Tinaasan ko ng kilay.
"Walang problema basta may bayad." Lahad ko rito.
"Bukas na kapag nagawa mong labhan lahat ng labahin ko."
"Seryoso ako." Pout ko rito.
"Seryoso rin naman ako." Siyang titig sa mga mata ko.
"Okay, so bukas wala muna date ha?"
"Ano?!"
"Walang date." Ulit ko.
"Sa laundry shop na lang pala ako magpapalaba kung gusto mo isabay ang damit mo ako nang bahala sa bayad." Tawang-tawa ako sa reaksyon.
"Sira ka talaga after ko maglaba saka tayo mag-date pero ngayon intindihin mo muna ang pagluluto dahil gutom na ako."
"Masusunod mahal na Prinsesa." Yumuko ito na parang Prinsesa talaga nasa harapan.
Maya-maya lumalapit si Nathan kumuha ito ng baso at malamig na tubig sa fridge after 'nun ay umalis kaagad na parang hindi kami nakita.

Bình Luận Sách (33)

  • avatar
    VargasRhea

    naiyak ako dun na namatay c princess😭 Alas dos naku nakatulog kagabi dahil umiyak ako haysst. Tapos kaninang Umaga pag gising ko umiiyak ako dahil napanaginipan ko Ang jowa ko na namatay 😭 ibang klasi Ang story mo. napaiyak mo ako Ng husto 🤩

    11/12/2021

      0
  • avatar
    Amakabogera

    Ito ung pagkatapos kang patawanin, paiiyakin ka naman ng husto! Minsan akla ntin siya na hindi pa pla huhuhu 😭😭😭 dahil may mas deserving pa pla. Ang buhay ay puno ng misteryo!

    10/12/2021

      0
  • avatar
    Ce Ci Le

    Naku author Dami ko gusto sabhin sayo. HAHAHA thnkyou Sa Napakagandang Story mo although inalis mo Agad Si Princess 😢 Sana Sya yong Bida Hanggang dulo pero maganda At maraming twist, naiyak, tumawa at naging Happy ako Dahil dto sa story mo. More story to Write author khit my mga part akong di nagets pero Ang ganda nakakarelate Sa True life ❤️

    10/12/2021

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất