logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

16

"Ate Rizz, aalis ka?" Minadali nitong ipinasok sa maleta ang ilang damit bago tumayo at kunin mga aklat sa ibabaw ng lamesa. "Ate, galit ka ba?"
Pinakita sa akin ang masamang tingin.
"Hindi ko magawa magalit sa iyo at alam mo kung bakit dahil kasalanan ko kung bakit nangyayari sa iyo ito."
"Wala kang kasalanan."
"Mayroon, Princess. Kung hindi dahil sa akin hindi susubukan ni Aaron na bastusin ka. After for what happened wala na akong mukhang maihaharap sa iyo."
"Si Aaron may kasalanan hindi ikaw."
"Cess, sorry talaga sana mapatawad mo ako."
"Ate huwag ka na umalis." Handa ng hatakin ni Ate Rizz ang maleta ng pigilan ko, "Magiging panatag ako kung makikita kita araw-araw. Ang alam ni mommy at tita nandito kayo sa apartment ko."
"Cess, sana unawain mo ang gusto kong mangyari dahil nahihiya ako sa iyo. Hayaan mo muna ako please? Hindi naman magtatagal at babalik din kaagad." Mukhang hindi na papipigil. Hinayaan ko na lang makalabas ng kuwarto niya hanggang sa umakyat ako ng rooftop. Pinapanuod ko ang pag-alis nito sakay ng taxi.
"Bakit kapag may dumarating biglang may umaalis." Malungkot kong pinagmasdan ang kalat dito. Sinimulan kong maglinis hanggang sa makita kong okay na bumaba ako sa kusina para tumingin sa ref ng mga sirang pagkain.
Mainam dito ko na lang idaan ang lungkot wala akong magawa kundi libangin ang sarili. Hindi ako makapag-vlog dahil sariwa pa sa akin ang mga nangyari kagabi. Papalabas sana ako nang makarinig ng ingay na nag-uusap sa kuwarto ni Anton.
"Pre, huwag kang ganyan nanalo ka sa pustahan kaya manlibre ka kahit man lang sa unli."
"Hindi pa tayo tapos huwag ka muna magdiwang na akala mo makakatikim ng unli."
Sinilip ko kung sino nag-uusap sina Anton at Daryll pala nakaharap sa pc itong si Anton habang si Daryll nakatayo sa gilid ng pc.
"Basta sa iyo pusta ko ha kapag ikaw ang nanalo sa huling round libre mo na ako." Natatawang sabi ni Daryll.
"Oo ba kahit isang buwan pa 'yan."
"Ano sikreto bakit ka nanalo?" Biglang nalingon si Daryll matapos magtanong at maging si Anton tumingin sa direksyon ko.
"Kanina ka pa ba?" Tumayo si Anton upang lapitan ako.
Umiling ako, "Ngayon-ngayon lang wala ba kayong mga pasok?"
"Isinara ko ngayon ang shop." Tugon ni Daryll na tumingin sa kasama.
"Kailangan ko rin ng pahinga." Magandang katwiran ni Anton.
"Iyong iba nagsipasok?" Sabay itong tumango, "Okay, naglilinis ako ng bahay." Pasara ko na sana ang pinto ng tawagin ako ni Anton.
"Wala ka na ba ibang narinig sa usapan namin?" Kunot-noo kong tingin sa dalawa.
"Bukod doon sa nanalo si Anton may iba pa ba baka hindi ko na narinig kasi 'yon lang naabutan ko. May dapat ba akong marinig o malaman?" Nakakalito ang ikinikilos ng dalawa parang may gustong sabihin.
"Wala. Uhm, sige babalik na ako sa kuwarto may pinapaayos nga pala sa akin si Kevin." Nagmamadaling lumabas si Daryll. Hinihintay kong magsalita si Anton ngunit masayang mukha lang ang pinakita sa akin bago ako magpaalam.
May kakaibang ikinikilos at ayoko ng ganitong feelings.
Buong apartment na yata nilinis ko para kahit paano mawala ang pangamba ko. Sa totoo lang nag-aalala ako sa maaaring mangyari. Una, marahil nakipag-break si Ate Rizz kay Aaron at sa pangalawa maaaring sa iba tumuloy ito para magpalipas ng ilang araw.
"Meryenda ka na muna." Abot ni Anton sa akin ng lasagna.
"Luto mo?"
"Oo,"
"Sanay ka pala."
"Nagpaturo lang ako kay Kevin." Saka ko tinikman kung ano lasa. "Okay ba?"
"Masarap ang daming cheese kaya lalong sumarap."
"Lasagna kasi."
"Pero iba naman ito. Kung sa iba maraming cheese sa iyo ay sobrang dami."
"Napansin mo pa?"
"Oo naman kapag kumakain tayo dapat inaalam mo muna kung ano ang lasa at bukod doon dapat malaman mo kung ano mas nangingibabaw na lasa."
"Ganoon ba 'yon? Hindi ko alam basta nagpaturo lang ako magluto ng ganyan."
"Sa susunod magagawa mo na 'yan."
"Hindi ba masarap?"
"Sabi ko nga masarap 'di ba?"
"Eh malay mo kung dahilan mo lang pero ang totoo hindi."
"Magtiwala ka sa gawa mo katulad ng tiwalang ibinibigay sa iyo ng magulang mo." Napakamot sa ulo. Maya-maya dumarating si Daryll.
"Bilib din ako sa iyo, Prinsesa." Sabay upo para kumuha ng lasagna.
"Bakit?"
"Nagawa mo linisin buong apartment."
"Ngayon lang 'yan pero sa susunod tulong-tulong na tayo ha? Gusto ko lang kasi malibang habang nag-aalala sa pinsan ko."
"Saan na kaya nagpunta 'yon?" Usisa ni Anton.
"Eh sa malamang baka nagpunta ng hotel." Tugon ni Daryll.
"Pero hindi habang ganito sa hotel lang siya triple ang bayad sa hotel kaysa rito sa apartment ko."
"Bakit kasi pinayagan mo umalis isa pa, wala naman siyang kasalanan. Biktima nga rin siya ng gagong Aaron na 'yon." Naiinis sabi ni Daryll.
"Nahihiya siya."
"Ang boyfriend niya dapat mahiya."
"Hayaan niyo nagpatulong ako sa kakilala para mahanap ang pinsan mo." Abalang nagtotouch ng cellphone si Anton.
"Ginamit na naman niya ang kapangyarihan." Bulong ni Daryll.
"Oo nga pala, wala ba kayo date ngayon ni Alex? Unang araw niyo ah?" Harap sa amin ni Anton na nakikain na rin.
"May pinuntahan sila ni Thalia somewhere in bataan, importante 'yon saka may mga ibang araw pa naman." Dahilan ko.
"Eh kung busy siya puwede naman ako ang pumalit sa kanya tutal ako ang pinili mo sa amin dalawa." Tingin ni Anton sa kaibigan.
"Eh ano..."
"Ano?"
"May lakad kami." Bulaslas ni Andrew pababa ng hagdanan. Hindi siya nakapang bahay o kaya papasok sa trabaho. Simpleng shirt lang suot at maong pants.
"Saan? Bakit hindi yata namin alam?" Pabalik-balik tanaw ni Anton.
"May mga bibilhin kami sa grocery para sa birthday ni papsy." Nakapamulsang tugon.
"Sa kanya talaga?" Hindi makapaniwalang usisa ni Daryll.
"May iba pa ba?"
"Pero may date kami." Depensa ni Anton.
"Hindi official ang date na gusto mong mangyari at kabilin-bilinan ni Alex ako muna dapat kasama ng Prinsesa niya habang wala siya. Since kailangan ko nang makakasama."
"Eh di sasama kami, hindi ba Daryll."
"Oo nga sasama kami."
"Huwag na istorbo lang kayo."
"Ano?" Sabay usisa ng dalawa.
"Ang sabi ko mamahinga na lang kayo at ako na bahala kay Prinsesa. Hindi naman siya mapapahamak lalo at kasama ako."
"Pero kahit na." Pangungulit ni Anton.
"Mabuti pa sundin niyo na lang si Andrew sasama ako sa kanya." Nagsalita na ako baka kasi kung saan pa mapunta ang usapan. Maiinitin pa naman ulo ng isang 'to.
"Sigurado ka sasama ka riyan? Moody 'yan at baka iwan ka na lang mag-isa sa department store." Nag-aalalang usisa ni Daryll.
"Eh di iwan sanay akong umuwi at may pamasahe." Natatawa kong katwiran.
"Bahala ka." Mukhang sumuko si Anton nakuha nitong sumandal sa sofa.
"Kaninong kotse gagamitin ninyo?" Ayaw pa magpatalo ni Daryll.
"Maglalakad lang kami." Nanlaki mata ko sa tugon nito, "Sobrang lapit ng department store rito."
Tama siya pero kung maglalakad kami paano yan eh di ang bigat ng pinamili namin.
"Nasaan ba kasi 'yong kotse mo?" Hindi ko napigilan magtanong.
"Gamit ni Alex."
"Iyong kotse niya?"
"Nasa bahay pinagamit sa kamag-anak namin na nagbabantay kina mamsy at paps."
"Ihatid ko na lang kayo ng motor puwede naman kahit tatlo basta may mga helmet." Pakiusap ni Daryll.
"Huwag na mabuti sa katawan ng tao paminsan-minsan maglakad."
"Okay lang sa iyo Prinsesa?"
"Ha?" Nagtama ang mga mata namin ni Andrew at nagsasabi na pumayag ako kung hindi walang date na mangyayari ngayong araw.
"Ayos lang kung maglakad tama naman kasi siya mabuti sa katawan ng tao paminsan-minsan maglakad at makalanghap ng sariwang hangin."
"Hay, ano ba naman 'yan." Tila nawalan na bg pag-asa itong si Daryll.
"Maliligo lang ako sandali tapos saka tayo umalis ha." Thumbs up ni Andrew ng paakyat ako ng kuwarto.
( Andrew's point of view )
"Sigurado ka ba wala kang gusto sa kanya?"
"Ano ba? Paulit-ulit na lang ba?" Inis kong sabi kay Anton.
"Baka kasi hindi namin nalalaman nanliligaw ka na."
"Eh ano saka hindi ko nga siya gusto."
"Malay natin kung nagbago ang pagtingin mo sa kanya tulad ngayon lalo siyang gumanda." Daryll said.
"Pero hindi niyo ko tulad."
"Make sure dahil sigurado magagalit sa iyo si Nathan."
"Oh teka, bakit na damay si Nate? Akala ko ba kayong tatlo nanliligaw doon bakit kung makapagsalita kayo akala niyo pag-aari ni Nate si Princess."
"Dahil noon pa man alam namin kung sino talaga nararapat sa kanya, at si Nate 'yon kumbaga pampagulo na lang kami sa kuwento." Paliwanag ni Anton.
"Tsk, si Princess pa rin ang makakapagsabi kung sino pipiliin sa inyong apat."
"Pero seryoso hindi ka nag-attempt manligaw sa kanya kasi kung hindi eh bakit nandito ka? Bakit pumayag kang sumama sa amin?" Tila hinuhuli ako ni Daryll.
"Bakit si Kevin walang gusto kay Prinsesa pero sumama."
"It's because of Elaine so why join us here?" tila kating-kati dila ni Anton sa pagtatanong.
"There is no other meaning. I was able to come along because I wanted to watch Alex. Also, the restaurant is closer than our home."
"That's not a valid reason. I think there is a deeper reason. Tell us that we only know it."
"Anton, walang valid reason basta ginusto ko lang ito para sa kakambal ko nasa sa inyo naman 'yan kung pag-iisipan mo ako ng masama." Nagkatingin ang dalawa saka bumaba si Prinsesa na may ngiti sa labi.
Tuluyan kami nagpaalam para maglakad papuntang department store.
"Ang akala ko nagbibiro ka lang."
"Saan?" Usisa ko.
"Na maglalakad tayo." Mabilis itong maglakad kaya nakuha kong hawakan ang kamay.
"Bagalan mo lang maglakad may iba ka pa bang lakad bukod dito sa date natin?" Umiwas nang tingin pero namula ang pisngi.
"Akala ko ba pupunta tayo sa store?"
"Sinabi ko lang iyon para masolo kita mukhang wala kapa yata balak makipag-date sa akin ah?"
"Wala akong sinabi akala ko kasi nakalimutan mo na."
"Hindi naman maaari iyon mahalaga ka sa akin kaya lahat ng bagay at gagawin ko na involved ka hinding-hindi ko makakalimutan."
"Eh saan ba tayo pupunta?" Kanina pa ito ayaw tumingin. Hinawakan ko ang kamay nito naging dahilan na naman ng pamumula sa pisngi.
"Eh di sa department store sinabi ko lang na hindi pero totoo talagang pupunta ako saka huwag ka masyado maghangad o umasa magiging romantic ang date natin tulad ng mga ginagawa nila."
"Bakit?"
"Hindi kasi ako sanay makipag-date." Tumawa ito na may halong pang-aasar.
"Seryoso??"
"Mukha bang joke?" Masamang tingin ko.
"Talaga? Oh my goodness ka, wala ka pa nakaka-date kahit isa?"
"Sinabi ko na nga hindi ba?"
"Ang labo mo kalalaki mong tao wala ka pa palang nakaka-date."
"Ikaw din malabo pero kahit ganyan ka gusto kita." Hinigpitan ko hawak sa kamay nito.
"Ganyan ka ba talaga Andrew?"
"Ha?" Umiiwas na naman ng tingin.
"Sobra ka bumanat akala mo naman kinikilig ako."
"Hindi ko sinabi kiligin ka walang nagpipilitan dito." Katwiran ko
"Okay lang sa iyo kahit hindi ko maramdaman kiligin kahit gusto mo?"
"Oo kasi ayoko magpakita ng bagay na magiging dahilan ng kakiligan mo."
"Ang boring..."
"At least kasama kita."
"Hindi ang ibig kong sabihin boring mo kasi hindi mo pa ako pinakikilig pero nakakaramdam na kaagad ako ng kilig sa katawan."
Hindi ko na iwasan mangiti sa sinabi nito.
"Ayieee, ngumiti siya, kinilig ka ano?"
"No way."
"Deny pa."
"Hindi naman talaga."
"Kahit kaonti?"
"Hmmm, medyo."
"Oh sabi na!"
"Kaya lang hindi naman sobrang kilig maligaya lang dahil napakilig kita."
"Sus, sabi na bakit kasi ngayon lang kita nakasama ng ganito. Sana noon pa, sana noon pang gustong-gusto kita."
"Ngayon ba hindi na?"
"May pinanghahawakan kasi akong pangyayari sa buhay ko."
"Ano?"
"Secret baka ipagsabi mo."
"May mga sikreto na dapat ipagsabi o manatiling sikreto kaya sabihin mo na para malaman ko."
"Hmm...ayoko talaga baka kasi mamaya ikaw pala 'yon."
"Ang alin?"
"Wala. Wala. Wala."
"Ang daya mo."
"Sa akin na lang 'yon."
"Hmm....ang daya talaga."
"Ano ka ba? Malalaman mo rin basta iyong nangyari sa akin dati feeling ko may connection ngayon. Pakiramdam ko iyong tao na hinding-hindi ko makakalimutan ang taong mamahalin ko talaga."
"Puro ka iyonbakit hindi mo ba kilala kung sino tinutukoy mo?"
"Hindi pero may suspect na ako."
"Iyong suspect ba malapit sa iyo? Hmmm...sabihin mo na paano ko malalaman kung ayaw mo sabihin."
"Ah sige ganito na lang."
"Ano?"
"Nasaan ka noong araw na gumaganap akong sleeping beauty?"
Kasalukuyan akong inutusan ni Ma'am sa isang room tapos pagbalik ko nagkakagulo sila dahil gustong makahalik sa iyo.
"Hoy, nasaan ka noon?"
"Inutusan ni ma'am."
"Wala ka noong nagkakagulo ang ibang eye catchers?"
"Wala dahil dumating ako kulang kulang na sila."
"Kung ganoon sa mga oras na yon wala kang alam sa mga nangyari?"
Noong nagkakagulo sila itinulak ako ng kung sino sa loob kung saan nandoon ka nakahiga. Nilapitan kita Prinsesa, at ginawa ko ang bagay na hindi dapat. I kissed you because I wanted to but I was really sorry when I heard you were crying. Masyado lang ako nagpadala sa tensyon. Gustong-gusto kita at iyon lang ang tangi kong magagawa para maiparamdam sa iyo ang totoo kong nararamdam. Manhid ka kasi, hindi mo maramdaman ang totoong ako. Ang totoong nararamdaman ko para sa iyo.
"Ibig sabihin si Nathan nga talaga." Natigilan ako sa pag-iisip. "Si Nathan ang unang nakita ko ng idilat ko ang mata."
You are mistaken. Nathan saw what I was doing but immediately pushed me away as you opened your eyes. Marahil nagselos kaya iniisip mo si Nathan ang humalik sa iyo pero ako 'yon Prinsesa, ako iyon.
"Sorry ha kasi ang totoo binabase ko ang mga nangyari sa ngayong pangyayari. Kung sakali man si Nathan ang humalik sa akin papayag ako na siya maging boyfriend ko."
Nakakainis.
"What if hindi si Nathan." nanggigil kong sabi. Tumingin sa akin.
"Paanong hindi si Nathan?"
"I mean, kung si Anton, or Daryll pala. Masasabi mo pa kaya na isa sa kanila gusto mo maging boyfriend kahit wala kang nararamdaman para sa kanila?" Saglit nag-isip.
"Nararamdaman kong wala sa kanilang dalawa." PERO BAKIT SA AKIN HINDI MO MARAMDAMAN.
"Ganoon ba? May tatanong sana ako." Sumenyas na ipagpatuloy ko ang itatanong, "Ano ba mas magandang sundin? Ang isip o ang puso?"
"Puso."
"Bakit?"
"Dahil nararamdaman ng puso mo kung ano ang tama."
"What if mali pala yang nararamdaman mo? What if si isip ang nasa tama dahil nagkamali ka ng pagkakaunawa?"
"Ang gulo naman."
"Paano kung ako ang humalik sa iyo mararamdaman mo pa kaya kay Nathan 'yan?"
"Andrew..."
"Sinasabi ko lang naman pero hindi ako ang humalik sa iyo."
Masakit sa part ko ito. Binase niya sa nakaraan ang nararamdaman niya. Tapos ngayon nagkamali siya dahil ang taong akala niyang humalik sa kanya ay hindi naman talaga gumawa sa kanya 'nun. Isang kababawan na dahilan kung doon niya ibabase sa nakaraan ang nararamdaman niya sa kasaluluyan. Alam kong may feelings din siya sa akin at ramdam ko 'yon.
"Nandito na pala tayo." Kusang bumitaw sa kamay ko at binuksan ang sling door ng department store. Kumuha siya ng push cart.
"Kung ikaw ang humalik sa akin wala magiging problema." Bulaslas nito.
"Bakit?"
"The feeling is mutual." Naunang maglakad pero sinabayan ko muli.
"Playgirl ka pala."
"Ano?" Sumimangot.
"Gusto mo kami pareho ni Nathan."
"Saan ka ba nakakita ng taong nagmahal ng isa lang?"
"Ako dahil noon at ngayon isa lang naman ang minahal ko."
"Pareho ko kayong gusto ni Nathan pero dahil sa iyo na nga nagmula na hindi ikaw ang humalik sa akin ibig sabihin si Nathan gumawa nun."
"Pero paano nga kung iba." Inisa-isa kong kinuha ang mga bibilin ko.
"Ewan...naguguluhan ako." May kinuhang chocolate saka inilagay sa push cart.
"Kung naguguluhan ka ibig sabihin hindi ka pa sigurado bakit hindi mo gawin ang sasabihin ko?"
"Na?"
"Huwag mo na lang ibase ang nararamdaman mo sa nakaraan. Nandito tayo sa future, Princess marami puwede magbago sa isang iglap."
"Naguguluhan ako."
Maski ako naguguluhan din sa sinasabi mo. Saan ka ba nakakita ng babae ibabase ang nararamdaman sa nakaraan. Ano iyon hindi siya makatakas saka hindi pa ba niya nalalaman na ako ang humalik sa kanya? Pero teka, eh bakit hindi ko na lang kaya sabihin? Hindi...hindi... ayokong gustuhin niya ako dahil sa isang halik na iyon. Gusto kong mahalin niya rin ako dahil iyon ang nararamdaman niya.
NAKAUWI kami sa apartment na wala sina Daryll at Anton. Pinagtulungan namin ilagay sa refrigerator ang ibang pinamili at ang ilan ay dadalhin namin sa bahay. Pumayag itong sumama dahil gusto na rin niyang makita sina mamsy. Matagal na rin mula ng magkita silang tatlo.
"Ikaw na nga si Princess? Jusko, napaka ganda mong bata ka." Hinimas-himas ni mamsy ang buhok nito.
"Mahal, hindi na 'yan bata. Hello, Princess, kumusta ka naman?"
"Maayos pa naman po ako mamsy at papsy kayo nga po hindi halatang may edad na mga mukhang bata pa kayo."
"Ito ang sikreto ng mga nag-zu-zumba nakakabata pala kapag palagi sumsayaw at pinagpapawisan." Maligayang kuwento ni Mamsy.
"Talaga po nag-zu-zumba kayo? Ang lakas niyo pa. Ang galing naman. Ipagpatuloy niyo lang ang mga ganyang aktibidad para makita niyo pa mga apo niyo sa inyong apo." Nagkatawanan silang tatlo.
"Aba, magpapalakas na talaga kami kung ikaw ba naman ang magiging asawa isa sa mga apo namin." Malaking biro ng papsy.
"Wala naman po problema kahit sino sa kanila ang importante nagmamahalan."
"Oh talaga? Sige, mukhang marami tayong pag-uusapan ako na muna bahala magluto ng pagkain natin since bisita ka namin. Tara, mahal ipagluto natin si Princess ng masarap na recipe."
"Kahit sino pala ha gusto rin pala maging asawa si Alex."
"Syempre, okray ko lang iyon."
"Ibig sabihin okray din na gusto mo ako maging asawa?"
"May sinabi ba ko?"
"Wala."
"Oh, wala pala eh kaya manahimik ka riyan." Pagkatapos magsalita pumapasok ang tita namin galing labas. May kasama itong babae na halos ka-edad lang namin ni Prinsesa.
"Drew, ito nga pala iyong gusto kong ipakilala sa iyo kapit-bahay ko sa probinsya si Bella."
"Hello, Drew." Ang perpekto ng ngiti niya parang wala ka makikitang bakas na problema sa mukha.
"Hoy, natulala ka na riyan." Siniko ako ni Prinsesa.
"Hello rin, ito nga pala si Princess." Mabilis kong lahat sa kanya ng kamay at itinuro si Prinsesa.
"Nice meeting you." Sabi kay Bella.
"Tita, siguro kilala mo na si Princess." Sabi ko.
"Natatandaan ko na nga siya. Siya yong madalas magdala ng love letter sa bahay para ipabigay sa iyo."
"Oh my goodness..."dinig kong sabi ni Prinsesa na pulang-pula ang mukha.
"Tita dahan-dahan sa sinasabi hehe."
"Ay, bakit bawal na ba? May boyfriend ka na ba?"
"Wala pa po." mabilis niyang tugon.
"Ah ganoon ba? So, ibig sabihin magkaibigan lang kayo ni Drew?" Nagkatinginan kami ni Prinsesa. Nagsesenyasan kung ano puwede isagot.
"Ang to---"
"Andrew, ako muna magsasalita kaya ko kasama si Bella dahil gusto kong magkakilala pa kayo ng husto. Single siya at tingin ko until now single ka pa rin hindi malabong magkagustuhan kayo." Nakuha kong mangiti sa inis pero itong si Prinsesa halatang nagulat sa sinabi ng tita ko.
"Hindi ko naman sinabi sa inyo na ihanap mo ako ng magiging nobya."
"Hindi nga eh kung ayaw mo kahit magkaibigan na lang kayo."
Nagkatinginan kami ni Prinsesa bago tumaas ang magkabilang balikat niya. Mukhang wala naman itong pakialam kung may ibang babae dumating sa buhay ko kaya lang, si Princess lang talaga ang gusto ko.

Bình Luận Sách (33)

  • avatar
    VargasRhea

    naiyak ako dun na namatay c princess😭 Alas dos naku nakatulog kagabi dahil umiyak ako haysst. Tapos kaninang Umaga pag gising ko umiiyak ako dahil napanaginipan ko Ang jowa ko na namatay 😭 ibang klasi Ang story mo. napaiyak mo ako Ng husto 🤩

    11/12/2021

      0
  • avatar
    Amakabogera

    Ito ung pagkatapos kang patawanin, paiiyakin ka naman ng husto! Minsan akla ntin siya na hindi pa pla huhuhu 😭😭😭 dahil may mas deserving pa pla. Ang buhay ay puno ng misteryo!

    10/12/2021

      0
  • avatar
    Ce Ci Le

    Naku author Dami ko gusto sabhin sayo. HAHAHA thnkyou Sa Napakagandang Story mo although inalis mo Agad Si Princess 😢 Sana Sya yong Bida Hanggang dulo pero maganda At maraming twist, naiyak, tumawa at naging Happy ako Dahil dto sa story mo. More story to Write author khit my mga part akong di nagets pero Ang ganda nakakarelate Sa True life ❤️

    10/12/2021

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất