logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 6

"IKAW na ang bahala sa akin, Ely. Wala naman akong ibang kamag-anak, bukod kay Tiyang na nakatira sa bayan. Sabi niya sa akin kagabi hindi raw ako maaaring tumira sa kanila dahil magagalit ang kanyang asawa, ngunit gusto niyang kunin sa akin ang titulo ng lupa ni lola para ibenta. Hindi ako pumayag kaya pinagsalitaan niya ako ng masasakit." Nangilid ang kanyang luha.
"Huwag mo na lamang intindihin ang sinabi ng iyong tiyahin. T'saka tama lang na hindi mo ibinigay sa kanya ang titulo ng lupa. Huwag kang mag-alala hindi kita pababayaan."
BAGO dumating ang ikasiyam na araw na pagkamatay ng lola ni Kristina ay naging bisita nila ang pamilya ni Rafael.
Agad na inalihan ng takot si Kristina kaya napahawak siya sa bisig ni Ely.
"Magandang araw po," bati niya sa kanilang bisita. Nanlalamig ang kanyang mga kamay. Wala siyang ideya kung ano ang sadya ng mag pamilya. "Maupo muna kayo Aling Pacing,"
"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, Kristina. Malaki ang naging utang sa amin ng iyong lola at patutunayan iyon ng kasulatan na kanyang nilagdaan. Ang aming kasunduan ay magpapakasal ka sa aming anak, kay Rafael. Ngunit alam namin na sumisira ka sa aming kasunduan kaya marapat lang na bayaran mo kami kung hindi ay mapipilitan kaming ilitin itong lupa na kinatitirikan nitong inyong dampa." Walang prenong sabi ni Aling Pacing na ina ni Rafael. "Baka hindi mo alam na nakarating sa aming kaalaman na sinaktan ng kasama mo na dayong lalaki ang aming anak. Pasalamat kayo at hindi kami nagsampa ng kaso."
Naramdaman ni Ely na lalong humigpit ang pagkakahawak ng dalaga sa kanyang bisig. Hinawakan niya ang mga kamay nito upang ipabatid na wala siyang dapat ipangamba.
"A-aling Pacing, alam naman ninyo na kamamatay palang ng aking lola, kaya wala pa akong maibabayad sa inyo ngayon. Kung gusto n'yo po maninilbihan ako bilang kasambahay sa inyo para unti-unti kung mabayaran ang perang inutang ni lola." Naiiyak na pakiusap ni Kristina sa matandang babae.
"Kung gusto mo mabayaran ang perang inutang ng lola mo, kailangan mo magpakasal sa akin," sabat ni Rafael. Masama ang tingin nito kay Ely. "At sa oras na maikasal tayo, ayokong makita na narito pa sa bayan ng Amaya ang dayong lalaki na kasama mo rito sa inyong dampa."
"Pero ayokong magpakasal sa'yo, Rafael. Masyado pa akong bata sa bagay na iyan." Sagot ng dalaga. "Handa akong magpaalila sa iyong pamilya pero ang maging asawa ka ay hindi ko gugustuhin."
Nainis sa kanyang narinig si Rafael, marahas na itinapon nito ang upos ng sigarilyo sa labas ng bintana ng dampa. Hindi nito matanggap ang harapang pagtanggi sa kanya ng dalaga.
"Kung gayun, kailangan mo bayaran ang perang inutang ng lola mo sa amin. Sagad na ang pasensiya namin." Sabi naman ni Mang Cardo, ang ama ni Rafael.
"Pero Mang Cardo, wala po akong pera." Humagulgol na siya ng iyak.
"Hindi mo kami madadala sa pag-iyak mo Kristina. Kahit lumuha ka pa ng dugo ay hindi na magbabago ang aming pasya. Kailangan mo gumawa ng paraan para makalikom ka ng pera. Bibigyan ka namin ng dalawang araw, babalik kami para kunin ang perang ibabayad mo." Masungit na sabi ni Aling Pacing. Nandidilat ang mga mata nito na nakatingin kay Kristina.
"Sandali lamang ho, magkano ba ang pagkakautang sa inyo ng lola ni Kristina?" tanong naman ni Ely sa mga ito. Niyakap niya ang umiiyak na dalaga.
"Bente mil. Kapag kasama ang tubo ay magiging Bente-singko na." Taas ang noo na sagot ni Aling Pacing.
"Para bente-singko mil lang nagkakaganyan na kayo?" Pasuyang sabi ni Ely sa mag-asawa. "Wala man lang kayo konsiderasyon, alam na ninyong namatayan si Kristina ginigipit n'yo pa. Bukas na bukas din ay babayaran ko kayo,"
Nagkatinginan ang mag-asawa.
"Mabuti kung ganoon, babalik kami bukas ng umaga para kunin ang pera." Wika ni Mang Cardo. "Siguraduhin mo lang lalaki na may pera ka na ibabayad bukas,"
Walang paalam na umalis ang pamilya ni Rafael. Pangisi-ngisi naman si Rafael na tumingin kay Ely, umaasa ito na hindi agad makakakuha ng ganoong halaga ng pera ang binata.
Inalalayan naman ni Ely si Kristina na makaupo. Iniwan niya saglit ang dalaga upang kumuha ng tubig na maiinom nito.
Umiiyak pa rin ang dalaga na mahigpit na hawak ang papel na kasulatan na nilagdaan ng kanyang lola.
Hindi niya nakita ang sinasabi ni Aling Pacing na lagda ng lola niya na pumapayag ito na ipakasal siya kay Rafael, ngunit may lagda ng lola niya ang halaga ng pera na inutang nito. Sampong libo lang ang perang inutang ng lola niya ngunit lumaki iyon dahil sa pinatong na tubo ng magulang ni Rafael.
"Uminom ka muna ng tubig para guminhawa ang iyong pakiramdam," sabi ni Ely nang iabot niya sa dalaga ang baso na may laman na tubig. "T'saka huwag ka na umiyak Kristina, bukas ay mababayaran na natin ang perang inutang ng lola mo."
"Maraming salamat," sabi niya pagkatapos inumin ang tubig. "Pasensiya ka na, Ely, pati ikaw ay nadadamay sa problema ko."
Nahihiyang yumuko ng ulo si Kristina.
Naupo si Ely sa tabi ng dalaga. Masuyong hinawakan niya ang baba nito at iniangat upang magtama ang kanilang paningin. "Kristina, wala iyon. Gusto kitang tulungan na siya namang dapat. Wala kang ibang pamilyang malalapitan kundi ako na lang. Ituring mo akong kapamilya mo  at huwag mo iisipin na may bayad ang lahat ng ginagawa kong pagtulong sa iyo. Lahat ng iyon ay bukal sa loob ko, hindi ako nakakalimot sa utang na loob ko sa inyo ng lola mo."
Nangilid ang luha sa mga mata niya sa sinabing iyon ng binata. Napakabuti ni Ely sa kanya, hindi siya nito pinabayaan simula sa araw na namatay ang kanyang lola hanggang sa mailibing ito. Lagi itong nakaalalay sa tuwing siya umiiyak dahil sa kalungkutan.
"Sa paanong paraan kita pasasalamatan sa kabutihan mo sa akin, Ely?"
Ngumiti si Ely. Pinisil niya ang magkabilang pisngi ng dalaga.
"Sapat na ang salitang salamat." Sagot ni Ely. Kinabig niya ang ulo ng dalaga at isinandal iyon sa kanyang dibdib. "Para na kitang nakababatang kapatid, Kristina. Isipin mo na lamang na nagbakasyon ang lola mo sa ibang lugar kaya hindi mo na siya nakikita. Alam kong masakit sa'yo ang pagkawala niya pero kailangan mo magpatuloy sa buhay."
Tumango-tango si Kristina bilang sang-ayon sa sinabi ng binata.
"Ang mabuti pa ay mag-empake ka na. Pagkatapos ng padasal bukas ay aalis na tayo." Sabi sa kanya ng binata bahagyang inilayo nito ang kanyang katawan.
Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Habang yakap siya ng binata pakiramdam niya ay ligtas siya.
"Sige," sagot niya.
"Iyong importante lang ang dadalhin mo. Pagdating natin sa Maynila ay ibibili kita ng mga damit."
Hindi na siya nagsalita, tumango na lang siya.
MAGKASAMANG nagtungo sa bayan sina Kristina at Ely.
Muling kumuha ng pera si Ely sa kanyang ATM account.
"Tanghali na pala," sabi ni Ely nang makita niya ang oras na nakasulat sa resibo nang mag withdraw siya. "Kumain na muna tayo bago umuwi,"
"Ikaw ang bahala," sagot naman ni Kristina. Kanina pa nga kumakalam ang sikmura niya hindi lang siya nagpapahalata sa binata.
"Tara, humanap tayo ng ating makakainan," hinawakan ni Ely ang kamay ng dalaga.
Hindi naman sila nahirapan makahanap nang makakainan. May nakita silang native restaurant.
"Ely, mukhang mamahalin ang mga pagkain dito." Bulong niya sa binata. "Humanap na lang tayo ng mas mura,"
Inalalayan siya nito na makaupo.
"Huwag mo isipin ang presyo ng pagkain dahil ako naman ang magbabayad. Isipin mo na lang na lunch date natin ito."
"Lunch date?" ulit niya.
"Oo, lunch date." Sagot naman ni Ely. Naging abala na ito sa pagpili ng o-ordering pagkain. Inisa-isa nito ang pahina ng menu book.
"Magandang araw po, Sir and Ma'am," bati sa kanila ng isang babae na nakatayo sa harapan nila. "Can i get your order now?"
Nag-angat ng mukha si Ely. Lumapit naman sa binata ang waitress.
"Isang bulalo at isang chopseuy," tumingin si Ely sa dalaga. "Kristina, anong gusto mong dessert?"
"Ha?" napakagat labi siya. Unang beses niyang makapasok sa isang restaurant. Naubos na nga niya kabubuklat ang menu pero wala siyang napili. "Kahit ano na lang,"
Napangiti sa kanya ang binata.
"Dalawang halo-halo especial na lang, Miss," sabi ni Ely na nakangiti at tiniklop ang menu.
Pagkatapos mailista ng waitress ang order nila ay umalis na ito sa kanilang harapan.
Hindi naman nagtagal ay hinatid na sa inukopa nilang mesa ang kanilang pagkain. Magana silang kumain at hindi na rin naman sila nagtagal ay nagpasya na rin silang umuwi.
Binayaran ni Ely ang perang inutang ng kanyang lola sa pamilya ni Rafael. Nagpakain din ito sa mga taong dumating para sa padasal ng lola niya. Kinausap na rin ng binata si Mang Esteban para mangalaga sa dampa at sa lupa na maiiwan ni Kristina.
"Huwag po kayong mag-aalala Mang Esteban dahil padadalhan ko naman kayo ng pera kada buwan. Iyon ang kabayaran sa pangangalaga mo nitong dampa at lupa ni Kristina." Sabi ni Ely. Kasalukuyan na nasa bakuran sila.
Abala naman si Kristina sa pag-estima sa mga panauhin nila sa pasiyam ng kanyang lola.
"Makakaasa kang hindi ko pababayaan itong dampa. Ang hiling ko lang sa'yo na sana ay huwag mong pababayaan si Kristina." Wika ni Mang Esteban. Nilingon nito ang dalaga na abala sa pagliligpit ng mga pinagkainan. "Bata pa si Kristina at mag-isa na lang siya sa buhay. Sana ay hindi mo siya pabayaan."
Ngumiti si Ely at tinapik sa balikat ang matandang lalaki.
"Makakaasa po kayo Mang Esteban, hindi ko pababayaan si Kristina. Iyon din ang ipinangako ko kay Aling Lorena bago siya mamatay. At tutuparin ko iyon,"
"Maraming salamat naman kung ganoon," sabi naman ng matanda. "Bukas na nga pala kayo aalis. May inarkila na ba kayong jeep na maghahatid sa inyo bukas sa panatalan?"
"Wala pa nga po," sagot niya. "Kung may kilala po kayo, maari ba nating kausapin mamaya?"
"Naku, marami akong kakilala iho," sagot naman nito sa kanya. "Anong oras ba kayo aalis bukas?"
"Alas-diyes ng umaga po," sagot niya.
"Ako na ang bahala sa aarkilahin ninyong jeep. Pero ikaw na ang bahalang kumausap sa may-ari bukas kung magkano ang ibabayad mo sa kanya."
"Sige po, wala pong problema."
Pagpatak ng alas-siyete ng gabi ay nagsiuwian na ang kanilang panauhin. Maaga rin silang natulog ng gabing iyon.
KINABUKASAN ay dumating na nga ang inarkilang jeep ni Ely na maghahatid sa kanila sa pantalan. Wala naman pangamba si Kristina na sasama siya sa binata dahil alam niyang mabuti itong tao.
Bumili ng bagong cellphone si Ely, tumawag siya sa kanyang ina para ipaalam ang pag-uwi niya na kasama si Kristina. Narinig niya ang pag-iyak ng kanyang ina habang kinakausap siya. Ipinaliwanag niya kaagad kung sino at ano ang dahilan kung bakit kasama niya ang dalaga.
Natuwa ang kanyang ina dahil mararanasan na raw nito ang magkaroon ng anak na babae.
MASAYANG ibinalita naman ni Pamela sa bunsong anak ang nalalapit na pag-uwi ng kuya nito.
"Hindi pala biro ang nangyari kay kuya," naiiling ang ulo na sabi ni Ersan. "Kahapon nakausap ko si kuya Prince at ang sabi niya ay may nagtangkang pumatay kay kuya. Ayon na rin sa sabi ng private investigator na binayaran niya."
Rumehistro naman ang galit sa mukha ni Pamela.
"Kapag nalaman ko talaga kung sino ang taong nagtangkang pumatay sa kuya mo, sisiguraduhin kong mabubulok siya sa kulungan!"
"Huwag kang mag-alala, Ma, magkatulong kami ni Kuya Prince na pinaiimbestigahan ang kaso ni kuya. Hindi pa kasi ipinapakita ang cctv footage kung saan nakitang may sumusunod kay Kuya Ely." Mahabang sabi ni Ersan. "Alam na ba ni Monica na uuwi ngayong araw si kuya?"
"Hindi pa," sagot naman ni Pamela. "Ako na ang bahalang magsabi kay Monica. Umalis ka na at baka ma-late ka pa sa iyong trabaho."
"Sige, Ma," pagdaka'y humalik ang binata sa pisngi ng ina. "Pasensiya na kung hindi ako makakasama sa pagsundo sa airport kay kuya. Mayroon kasi kaming presentation ngayon sa kompanya."
"Okay lang anak. Sige na umalis ka na. Mag-iingat ka,"
Tumango naman ang binata at tumalikod.
Tinawagan naman ni Pamela si Monica at ipinaalam sa dalaga na uuwi na ang kanyang anak. Nagkunwa namang natutuwa si Monica sa nalaman.
"Buwesit!" naibato ni Monica ang hawak na cellphone. "Paano siyang nakaligtas?"

Bình Luận Sách (1007)

  • avatar
    Jowena Rose

    Sobrang exciting ng story grabe plot twist huhu kakilig tagos hanggang atay!!! 😭 🤍

    19/01/2022

      1
  • avatar
    Angely Bawa-an

    wowww so ikaw din pla Ang author Ng unconditional love 💕 wow ..nakaka amaze Kasi nabasa ko din Yun Kaya ,I'm happy na May sariling kwento na si Kristen &Ely thank you author 😍🙏

    01/01/2022

      1
  • avatar
    Kharen Rose De Leon

    nice story . gusto ko yung mga ganito ndi ganun ka haba bawat chapter. ndi rin ganun kahba ang kabuuan ng story. pero may happy ending 🥰😍

    29/12/2021

      1
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất