logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

I: 4

Isang buwan ang lumipas, unti-unti na ring nasasanay si Steffani na kasama ang quadruplets. Mas naging madikit nga siya kay Ken kahit na napakalakas nitong mang-asar. Hanga naman siya sa kabaitan ni Mark na akala mo siya ang pinakamatanda sa kanila dahil iba ito kung mag-isip.
"Hoy ano 'yan? Sunog na may kaunting hotdog?" Natatawang sabi ni Ken.
"Grabe ka naman, Steff! Ayaw mo yata kaming pakainin!" sabi pa ni Tim sabay tawa.
Bagsak ang balikat ni Steffani nang umupo sa mesa. "Sorry na! Hindi ko naman sinasadya eh. Nag-try lang naman ako na magluto," malungkot na sabi niya.
"Hayaan mo na, magluluto na lang ulit ako," sabi ni Mark sabay kuha ng hotdog sa ref.
"Pakialamera kasi. Feeling marunong magluto eh pagprito lang ng hotdog hindi pala alam," singit naman ni Zack sa usapan.
"Aray ko!" inis na sabi ni Zack nang batuhin siya ng hotdog ni Steffani.
"Grabe ka naman kung makapagsalita! Kaya nga ako nandito para matuto, 'di ba? Hindi naman ako gumagawa ng mga ganiyang bahay sa bahay namin! Kaya nga gusto kong matutunan tapos ganiyan ka pa!" Padabog na naglakad patungo sa kuwarto si Steffani at malakas na isinara ang pinto kaya lumikha 'yon ng ingay.
Nagkatiningnan naman silang apat. "Ikaw naman kasi Zack eh! Alam mong anak mayaman ang babaeng 'yon, wala talagang alam 'yan sa mga ganiyan kaya sunog na sunog ang hotdog na luto niya," sabi ni Ken sabay ngisi.
"Dapat bawasan mo ang pagiging suplado sa kaniya. Mukhang maramdamin pa naman at mahina ang loob," sabi naman ni Tim.
Nagkatinginan naman sina Zack at Mark. Napailing na lang si Mark.
"Mag-sorry ka kaya do'n. Baka mamaya umiiyak na 'yon sa kuwarto niya," natatawang sabi ni Ken.
Tumaas ang kilay ni Zack. "Sorry? At bakit naman ako mag-so-sorry? Bahala siya sa buhay niya." Inis na sabi ni Zack sabay halukipkip.
Samantala, marahas namang pinahid ni Steffani ang luha niya. Nasaktan kasi siya sa sinabi ni Zack. Aminado naman kasi siya na wala talaga siyang alam sa pagluluto kahit na simpleng pagprito lang 'yon.
"Buwisit na lalaking 'yon! Abnormal! Minsan mabait, minsan hindi! Ang sarap gilitan!" inis na sabi ni Steffani.
Natapos na silang kumain apat pero hindi pa rin lumalabas si Steffani sa kaniyang kuwarto. Bigla namang nakonsensya si Zack sa sinabi niya kanina. Bumangon siya sa kaniyang kuwarto at saka kinuha ang sunog na hotdog na niluto ni Steffani. Ilang saglit ang lumipas, nagsandok siya ng pagkain ni Steffani at kinatok ang kuwarto ng dalaga.
"Oh? Bakit ka nandito? Anong eksena mo?" Mataray na sabi ni Steffani sa kaniya.
Tumikim si Zack. "I'm sorry sa nasabi ko sa iyo kanina. Kumain ka na pala. Gabi na. Malilipasan ka na ng gutom niyan," malumanay na sabi ni Zack.
"Eh ano bang pakialam mo? Sinabi ko bang pagsandukan mo ako?" Pagtataray pa rin ni Steffani.
Malalim na huminga si Zack. "Alam mo…ang arte mo! Nag-sorry na nga sa iyo 'yong tao tapos ganiyan ka pa?" Iritableng sabi ni Zack.
Nginisihan siya ng dalaga. "So ikaw pa itong naiinis? Umalis ka na nga sa harapan ko!"
Akmang isasara ni Steffani ang pinto pero hinarang ang paa niya. "Kumain ka na kasi. Kasalanan ko pa kung magugutom ka ngayong gabi. Baka masisi pa ako ng Lolo mo. Sorry na. Sorry na talaga, Steffani. Hawakan mo itong pagkain mo. May ipapakita ako sa iyo."
Hinawakan naman ni Steffani ang pagkaing sinandok ni Zack. Pagkatapos kinuha ni Zack ang cellphone niya mula sa bulsa at may ipinakitang video kay Steffani. Bigla namang natawa ang dalaga.
"Hala! Loko ka! Bakit mo ginawa 'yon? Bakit mo kinain kahit sunog?" Natatawang sabi ni Steffani.
Kumamot ng ulo si Zack. "Para mapatawad mo na ako. Para alam mo rin na sincere ako sa paghingi ng sorry sa iyo."
Ngumiti naman si Steffani. "Okay sige na. Okay na. Pinapatawad na kita. Sa susunod ayusin mo ang pagsasalita mo sa akin. Alam kong suplado ka pero minsan alamin mo naman na balat-sibuyas ako."
Tipid na ngumiti si Zack. "Okay sige. Kumain ka na."
Isinara na ni Steffani ang pinto. Napakagat labi siya sabay tingin sa pagkaing sinandok sa kaniya ni Zack. Ewan niya ba pero biglang may kumiliti sa kaniyang puso. Na para bang siya ay kinikilig.
"Hoy Steffani! Umayos ka ha! Hindi ka nagpunta dito para lumandi!" suway ni Steffani sa kaniyang sarili.
KINABUKASAN, nagmamadaling nagtungo ng banyo si Steffani dahil ang sakit ng tiyan niya. At nang matapos siyang dumumi, nagulat siya nang walang lumabas na tubig sa gripo. Bigla siyang kinabahan.
"Hala…paano 'to…" naiiyak niyang sabi.
Binuksan niya nang kaunti ang pinto ng banyo. Hinihintay niyang may isa sa apat na lalaki ang lumabas ng kuwarto. Mabuti na lang at lumabas si Zack.
"Zack…Zack…" mahinang tawag niya sa binata.
Lumapit naman ito sa kaniya. "Bakit? Ay ano ba 'yan! Ang baho naman!" sabi ni Zack sabay takip ng ilong.
"Sorry…puwede bang igiban mo ako ng tubig? Wala kasing tubig na lumalabas sa gripo. Hindi ako makapaghugas…" sabi ni Steffani na tila ba nagmamakaawa.
"Ayoko nga. Singhutin mo 'yang mabaho mong tae," sabi ni Zack mula sa labas.
"Please…Zack nagmamakaawa ako. Igiban mo na ako…" mangiyak-ngiyak na sabi ni Steffani.
"Bahala ka diyan…" sabi ng binata sabay alis.
Nanggigigil namang napakapit sa pinto si Steffani. Mukhang tinotopak na naman si Zack. Pero ilang minuto ang lumipas ay may kumatok sa banyo.
"May tao," sabi ni Steffani.
"Ako 'to si Zack. Nandito na ang tubig mo."
Napangiti si Steffani. Binuksan niya ng bahagya ang pinto. "Thank you, Zack."
"Oo na bilisan mo diyan. Ang baho ng ebak mo. Grabe. Nakakamatay," sabi ni Zack sabay talikod. 
Umirap naman si Steffani at saka hinila ang timba papasok sa banyo.
Nakahinga na ng maluwag si Steffani nang makalabas siya ng banyo. Nag-spray pa siya ng pabango sa banyo para hindi maamoy ang mabahong dumi niya. Nakita niya si Zack na nasa labas, sa duyan kaya nilapitan niya ito.
"Oh kumusta? Success ba?" Nakangising sabi ni Zack.
"Oo. Salamat sa iyo. Hindi ko kasi alam na walang tubig," sabi naman ni Steffani.
"Bakit hindi mo alam? Eh nakalagay naman sa ref 'yong notice."
Umirap si Steffani. "Eh hindi ko naman kasi nabasa."
Napailing si Zack. "Hindi kasi pinapaikot ang mata."
"Anong sinabi mo?" Nanlalaking matang tanong ni Steffani.
"Wala! Ang sabi ko bingi ka!" bulyaw sa kaniya ni Zack.
Umirap naman si Steffani. Kahit na madalas siyang naiirita kay Zack dahil sa pagiging suplado nito, natutuwa pa rin siya kahit papaano dahil marunong naman pala itong humingi ng tawad.
"Oh, Steffani! Nandito ka pala. Gusto mo bang sumama sa akin sa bukid?" tanong sa kaniya ni Mark.
"Bakit? Anong gagawin mo doon?" sabi naman ni Steffani.
"Titingnan ko 'yong mga pananim. Baka kasi kinain na ng mga baka. Tapos kukuha rin ako ng mangga."
Namilog ang mata ni Steffani nang marinig niya ang salitang mangga. "Sige! Sama ako!" sabi niya sabay lapit kay Mark.
"Sasama rin ako," biglang sabi ni Zack.
Tumaas ang kilay ni Mark. "Ha? At bakit ka naman sasama?"
Napakamot ng ulo si Zack. "Ano…ako 'yong…ano… aakyat ng puno ng mangga. Mas marami kasing hinog sa itaas na hindi basta masusungkit," tugon naman ni Zack.
Nagkibit-balikat naman si Mark. "Okay sige. Sumama ka na."

Bình Luận Sách (88)

  • avatar
    VillamorMarivel

    good

    08/07

      0
  • avatar
    Rosemarie Perez

    very nice po yung story...makaka kuha ka ng lesson

    09/05

      0
  • avatar
    Venernandy Ortega Andres

    what a good novel

    27/01

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất