logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 6.2

IKATLONG TAUHAN
“Selene”
MABAGAL siyang tumango rito bago ngumiti na rin; ganoon din ang ginawa ng kanyang ina bago ito naunang maupo sa sopa na dati nang inupuan nito.
“Alma.”
Napasinghap siya nang makitang halos takasan ng kaluluwa ang doktora nang banggitin ng kanyang ina ang pangalan nito. Namumutla’t wari’y sinusubukan lamang na pigilan ang sariling manlaki ang mga mata.
Marahan siyang napapikit nang umalingawngaw sa kanyang tainga ang nakaiiritang tunog ng marahas na pagdulas ng mga paa ng bangko sa sahig.
Hindi niya matalastas kung bakit ganoon ito kung tumugon sa kanila.
Nagmamadali.
’Di mapakali.
“Y-Yes.” Pinagmasdan niya lamang itong lumapit at akayin siya tungo sa silid—lugar na kung saan una niyang naramdaman ang pagiging ligtas.
Kasalungat ng mabigat na atmospera sa nagdaang silid ang magaang simoy sa kuwartong ito.
Mistulang binihisan siya nito ng palaisipang pinakikinggan siya kahit papaano’t may taong handang ilaan ang mga tainga nito para sa kanya.
Na sa apat na sulok niyon ay magagawa niyang maglabas ng kanyang mga hinanakit tungkol sa mga suliraning kanyang kinakaharap.
Dumugtong pa sa pangangailangan niya ng kalinga ang doktorang kauna-unahang nabahagian niya ng tungkol sa kanyang pangkaisipang estabilidad.
[ pangkaisipang estabilidad - mental stability ]
Palihim niyang ninakawan ng tingin ito.
Primerang tanaw niya pa lamang sa maaliwalas nitong mukha’y naramdaman na niya ang kakaibang pakiramdam na wari’y konektado ang kanilang mga isipan.
Na may posibilidad na maunawaan nito ang kanyang kalagayan.
Na may posibilidad na magawa siya nitong saklolohan.
“H-Halika na,” pagtawag nito sa kanyang atensyon. Nagpatianod na lamang siya nang muli siya nitong akayin na maupo sa kaparehang upuan na naupuan na niya.
Tila’y napapalibutan ng mga nagsisiliparang paru-paro ang kanyang puso.
Natutuwa siyang malaman na may puwesto siya sa kwartong iyon.
Kanya iyon.
Kanya ang upuan.
Inabutan siyang muli nito ng sangkap sa paglalaro. Hindi na pang-teknolohikang kagamitan sa halip ay mga minyaturang rumeretrato sa sikat na mga prinsesa ng Disney.
Hindi niya maiwasan ang mapataas ng kilay.
Wala siyang hilig sa mga ganoon.
Ni hindi nga niya kilala ang halos lahat ng mga iyon.
Si Rapunzel lamang ang namumukhaan niya na may mahabang kulay gintong buhok na tanyag sa pagiging isang preso—kagaya niya.
Ang tanging pagkakaiba nga lang ay may prinsipeng nagligtas dito.
E, siya?
Hanggang kailan siya magiging bilanggo ng sarili niyang mundo?
Akma na siyang aangal nang mapansing ilang beses siyang pinagtatapik nito. Unti-unti niyang tinaas ang kanyang tingin at ’di sinasadyang mamasdan itong lilinga-linga na mistulang binabantayan ang pintuan.
Kahit siya’y nakisilip na rin sa pag-aakalang may matatamo siyang kasagutan.
Ngunit wala.
Ano’ng mayroon?
Mahina niyang kinalabit sa manggas nito ang doktora. “D-Doc?” tawag niya rito. Nahinto niya ang kanyang paghinga nang hawakan siya nito sa magkabilang braso.
"S-Selene?" Narinig niya iyon . . . subalit mas nananaig sa kanyang diwa ang namumula nitong mga mata na mistulang nais maghulog ng mga luha.
“I-Ikaw si S-Selene, tama ba?” Unti-unti siyang tumango.
Nasapo na lamang niya ang kanyang dibdib nang bitiwan siya nito’t tumungo sa paanan ng pintuan. Nagawa niyang sundan ang pagsulyap nito sa bahagyang nakaawang na pinto.
Marahan din nitong inikot ang umbok niyon hanggang sa lumikha iyon ng mahinang lagutok.
Muli siyang nilapitan nito. Umupo ito sa kaharap niyang silya’t ipinuwesto ang mga palad nito sa kanyang tuhod. Inilagay nito ang hintuturo sa sariling mga labi’t sinenyasan siyang tumahimik.
Hindi niya maiwasan ang mapaigtad nang dumampi ang malamig nitong mga kamay sa kanyang balat.
“S-selene, kung ano man ang malalaman mo m-mamaya, always remember that your mother l-loves you very much.”
Ramdam niya ang pag-angat ng kanyang kilay.
Ano ba’ng pinagsasasabi nito?
Mahal? Mahal siya ng kanyang ina?
Kasinungalingan.
Ibig niyang hatakin mula sa mga palad nito ang kanyang kamay nang mahinahon nitong dakpin ang mga iyon.
Lumobo ang pangamba sa kanyang damdamin nang nangangaykay nitong hinaplos ang kanyang mga daliri.
[ nangangaykay - tremble ]
“S-She’s doing this to . . . to protect you,” muling saad nito.
Nanganganinag niya sa mga mata nito ang takot—hindi niya maintindihan.
“Alma!" Parehas silang napalingon nang kanilang maulinigan iyon kasabay ng malakas na mga katok sa pinto.
“Selene.” Idinako niya ang kanyang paningin sa doktora.
Tinanguan siya nito; hindi niya mawari kung ano’ng mayroon at napatango na lamang din siya.
“Alma!” Napasinghap siya ng hangin nang tumayo ito’t dinalo ang pintuan: binuksan nito iyon.
Kanyang namuslak ang pamamawis ng kanyang mga palad nang mamasdan ang kanyang ina na nakataas ang kilay at masama ang tingin sa kanya.
Napayuko na lamang siya’t tinapik nang marahan ang kanyang balat nang tuluyang umalis ang dalawa.
Tila’y nasa gilid lamang ng kanyang pandinig ang kanyang puso.
Naghuhurumentado’t parang nais kumawala.
Napalunok siya. Kanyang nararamdaman na banayad nang nanunuyo ang kanyang lalamunan.
Hindi niya maintindihan kung bakit siya kinakabahan.
Ano ba’ng ibig nitong sabihin?
Ano ang malalaman niya?
Ano rin ba ang problema kay Dra. Suarez?
Bakit ganito ang mga ikinikilos nito?
Hindi na niya kaya pang magbulag-bulagan.
Alam niyang may mali.
At hindi siya maaaring magkamali.
Dahan-dahan niyang pinaabot ang kanyang talampakan sa dako ng pintuan. Matindi man ang hilakbot na kanyang nararamdaman, hindi siya maaaring magpatalo roon.
Hindi iyon ang panahon upang pairalin niya ang pagiging bahag ng kanyang buntot.
Kanyang ipinagtagpo ang palad niya sa puting haligi bago marahang sumilip sa labas sa pamamagitan ng maliit na siwang sa pinto.
Malinaw.
Malinaw na malinaw ang pagkakamasid niya sa doktora na nakatalikod at sa kanyang ina na nakaharap sa kanyang kinalalagyan.
“Alma! Napag-usapan na natin ito, hindi ba?” Malakas na sigaw nito na siyang labis na nagpa-alarma sa kanyang sistema.
“Do it now!” Nakita niya ang pagyuko ng doktora.
Walang itong naging tugon.
Bakit hinahayaan nitong sigaw-sigawan lamang ng kanyang ina?
Isa itong doktora!
Dapat nirerespeto ang isang tulad niya!
Kahit ang isang tulad man lamang niya.
Hindi siya makapapayag na may iba na namang taong tatapak-tapakan ang kanyang ina.
Masyado na itong sumosobra!
Akma na siyang aalis sa kanyang puwesto at lalantad sa mga ito nang tamaan siya na parang mga pana ng mga salitang sunod na binitiwan ng taong nakatalikod sa kanya.
“Your daughter has Schizophrenia.”
Napatigalgal siya.
Wari’y tinik iyon na bumaon sa kanyang lalamunan.
Nahihirapan siyang lumunok.
Schizophrenia?
Sakit sa pag-iisip?
Siya? Naghahalusinasiyon?
Ganoon na lamang iyon?
Wala man lang MRI na magaganap?
Kahit CT scan?
Blood tests?
Ganoon na lamang ang pagsusuri nito?
Kaunting pakikipanayam lamang ay sapat na?
Nahihirapan siyang huminga.
Tila’y ipinagkait sa kanya ang hangin. Naninikip ang kanyang dibdib.
Nangangati ang kanyang mga talukap. Unti-unting nagiging basa.
Bakit ganito?
Isa ba siyang hayop na hindi nabibigyan ng kahalagahan?
Hindi siya maaaring magkamali.
Sikolohiya ang kanyang kurso sa kolehiyo at napag-aralan na nila ang tungkol doon.
Mabigat man sa kanyang kalooban, sinubukan niya pa rin ang humakbang palapit.
“P-Po?” Batid niyang halos madurog na ang kanyang tinig.
Hindi siya makapaniwalang trinaydor din siya ng taong pinagkatiwalaan niya.
Ang buong akala niya’y ito na ang tutulong sa kanya.
Subalit hindi.
Ito pala ang sisira sa tanging pag-asang mayroon siya.
Kita niya ang gulat sa mga mata ng doktora.
Ibig niyang humalakhak.
May karapatan pa ba itong magitla sa situwasyong iyon?
Kaagad niyang ginamit ang kanyang kamay upang pahintuin ito sa balak nitong ikilos.
Tumigil ito’t hindi nakalapit.
“S-Selene.” Mahina lamang iyon ngunit naging sapat na upang umabot iyon sa kanyang mga tainga.
Kanyang nababakas ang lungkot sa boses nito; pero ayaw na niyang maniwala pa.
“Deianira, halika na.” Bumaling siya sa kanyang ina.
Muli siyang napatingin sa doktora nang maramdaman ang haplos nito sa kanyang kamay. Kaagad siyang kumalas mula rito.
Nabantayan niya ang mabining pag-angkin nito sa sariling mga kamay. Alam niyang hindi kaaya-aya ang kanyang inasal subalit wala siyang pagsisising naramdaman nang ginawa niya iyon.
Nasa posisyon siya.
Nararapat lamang iyon.
Nararapat lamang iyon sa kagaya nitong walang puso.
Pare-pareho lamang ang lahat.
Pare-parehong mga manloloko.
“Deianira!”
Mabagal siyang umatras. Naaantabayanan niya ang lumbay sa mukha nito na tila’y binagsakan ng langit.
Nais niyang maniwala sa ipinapakita ng mga mata nito.
Ngunit sapat na ang lahat ng ipinakita nitong kabulaanan.
[ kabulaanan - falsehood ]
Sapat na ang panloloko nito sa kanya.
Sapat na ang lahat ng iyon.
Sapat na upang biyakin ang kanyang inihandog ditong tiwala.
Mga hakbang.
Tinahak niya kahit mabigat sa kanyang kalooban.
Tinungo niya ang pintuan.
Paalis.
Paalis sa lugar na iyon.
At wala nang balak na bumalik pa.
Mga kahulugan ng mga binanggit na termino:
• MRI - Magnetic Resonance Imaging
• CT Scan - Computed Tomography Scan

Bình Luận Sách (45)

  • avatar
    Michelle Sibaruten - Revilla

    One of a good novel I've read when it cones to suspense/ thriller/ horror genre! Veey realistic when it comes to narrating scenes where in readers/ audience would really feel the adrenalin in a certain scemario!

    06/12/2021

      1
  • avatar
    Bradley Patian

    Thankyou to sopport

    16/08

      0
  • avatar
    Joanie Sofia Delgado Eda

    oooommggggggg iiillllllooooovvvvvveeeee ittt!!!!

    28/10

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất