logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 9.2

IKATLONG TAUHAN
“Selene”
NILINGON ito ng ginang. Mula sa kanyang anggulo, hindi niya man kita ang buong mukha nito, kanyang nasasalamin ang namumula nitong mga mata nang dahil sa mala-salaming bintana sa gilid.
Nanlilisik.
Nananakot.
“Ikaw, Lazarus, ano ang problema mo?” Mahinahon man ang pagkakasabi, mamumuslak ang diin sa bawat pantig na siyang ibinigkas nito.
Higit siyang napakubli sa dingding nang kanyang natanaw ang paghilamos sa mukha ng lalaki. Suminghap ito, pinapakalma ang sarili.
“Mallory, ganito na lang ba talaga palagi? Nagluto lang ako ng meryenda para sa anak natin, ano ang ikinagagalit mo?”
Walang sigawan na nangyayari. Mahinahon na nagsasalita ang mag-asawa. Subalit may tensiyon na namumuo—hindi pa nga lang sumisiklab.
Hindi pa . . . ngunit malapit na.
Sinundan ng kanyang mga mata ang paglapit ng ginang sa batang babae at kinarga ito bago ibinaba. Kita niya ang pangangaligkig ng mga daliri nitong pasimpleng nilalaro ang laylayan ng maliit nitong damit.
“Deianira, umakyat ka muna. Go to your room and never go out until I say so, naiintindihan mo ba?” Pasimpleng tumango ang bata bago patakbong dinalo ang gawi niya.
Wala sa diwang kumapit nang mahigpit ang kanyang nanlalamig na mga palad sa haligi.
Pilit niyang ipinapalagay ang kanyang pangamba, subalit sa bawat pag-iisip niya sa bagay na iyon ay labis lamang na nadaragdagan ang kanyang mga pag-aalinlangan—lalong-lalo na ang takot.
Subalit napatigil siya.
Napatigalgal.
Wari’y tumigil sa pag-andar ang kanyang buong sistema nang kanyang natunghayan ang numiningning na mistulang kristal na mga mata ng batang babaeng nakatingin sa kanya.
Kanyang namalayan ang pagbagal ng takbo nito habang siya’y dinaraanan, labis na taliwas sa kanyang pusong nagwawala sa lakas ng pagtambol.
Nagsusunuran ang kanilang mga mata. Hindi siya bumibitiw sa titig, maging ito na kahit papalayo’y nakipagtitigan pa rin sa kanya.
Hindi lang gulat ang sumibol sa kanyang dibdib, pati na rin ang hilakbot at pagtataka.
Hindi niya na halos mabilang ang mga pagkakataong napadpad siya rito, ngunit ngayon lamang.
Ngayon lamang siya nakita ng batang babae.
Ngayon lamang siya nakita ng kanyang sarili.
Hanggang ngayon ay natatanaw niya pa rin ang bata: nakatingin pa rin sa kanya.
Nakatitig pa rin ito sa kanya.
“Hindi ka ba talaga nakakaintindi? Lazarus naman! H’wag mo siyang sanayin sa mga bagay na alam nating hindi siya pwedeng masanay!”
Nagpanting ang kanyang mga tainga’t napalingon nang dahil sa mga katagang iyon.
Kita niya ang pag-angat ng ginoo ng tingin kasabay ng pagsabunot nito sa sariling buhok. Wala itong ganang napasandal sa pader. “Mallory naman . . .”
Ramdam niya ang pagtayo ng kanyang mga balahibo sa katawan nang makarinig ng isang hampas sa lamesa. “Palibhasa kasi wala kang sakit! Wala kang iniinda! Wala kang pinoproblema!”
Nangangati ang kanyang mga mata, wari’y may mga butil na nais kumawala mula roon.
Nagsimulang mangaykay ang kanyang mga braso nang matunghayan ang mistulang lantang halamang pigura ng kanyang ina na unti-unting lumalagapak sa sahig.
Mariin na lamang siyang napapikit nang makita ang pagsalo ng asawa nito bago inalalayan. “Alam naman nating pareho na may posibilidad na magaya siya kay Lorenzo, Lazarus.”
Unti-unting nabura ang pagiging agresibo mula sa boses nito.
Hagulgol nito ang sunod na umalingawngaw.
Hagulgol na wari’y nagmumula sa ilang beses na paglapat ng latigo sa katawan.
Hagulgol na wari’y pinapahirapan.
Hagulgol na unang beses niyang narinig mula sa kanyang ina.
“H-Hindi ko kakayanin kung mangyayari ’yon, Lazarus. Hindi ko kaya.”
Naging hungkag ang kapaligiran mula sa bigkas ng mga salita. Nanatiling tangis lamang ng ginang ang bumubuhay sa tahimik na paligid.
[ hungkag - empty ]
Ramdam niya ang bigat sa bawat paghinga niya. Patuloy na nanginginig ang kanyang mga daliri’t mga braso.
Nagtatalo ang kanyang isip.
Iiwasan niya bang dapuan ng tingin ang pangyayaring iyon o patuloy na manood.
Kailanma’y hindi niya nanaising pakinggan ang katuwiran ng kanyang ina patungkol sa insidenteng naganap labingtatlong taon na ang nakalilipas.
Wala nang iba pang eksplanasyon sa natunghayan niya.
Kitang-kita ng dalawa niyang mga mata ang nangyari.
Hinding-hindi niya iyon makakalimutan.
Hinding-hindi niya makakalimutan ang pangyayaring nagdulot upang magkaroon siya ng takot sa kulay pula.
Ang lasong iyon.
Ang nanginginig na mga kamay ng kanyang ina.
Ang mga mata ng kanyang kapatid na unti-unting tumitirik.
Ang mga kamay nitong pilit na ipinapatigil ang pagsakal dito ng kanilang ina.
Sinakal nito ang kanyang nakatatandang kapatid.
Pinatay nito ang kanyang pinakamalapit na kaibigan.
Nanginginig man ang mga labi, pinilit niyang lingunin ang kinalalagyan ng batang babae.
Tama siya. Naroroon ito sa hagdanan habang nakaupo’t nakatakip ang mga kamay sa bibig nitong batid niyang nagpapakawala ng maliliit na mga daing.
Kanyang nasaksihan ang mala-balong pag-agos ng luha mula sa mga mata nitong namumula.
Unti-unti siyang lumapit at saka lamang napansin ang nangangaligkig nitong mga daliri na patuloy sa marahang pagpahid sa basang-basa nitong mukha.
Mahinahon siyang lumakdaw sa mga baitang ng hagdan bago naupo sa gilid ng batang babae.
Rinig niya ang pagsinghap nito. Tila’y labis pang diniinan ang mga palad na tumataklob sa bibig nito upang hindi niya marinig ang ingay na nalilikha nito.
Pinigilan niya ang pagluha.
Batid niyang sa mga sandaling iyon na hindi simpatiya ang kailangan nito kung hindi ay makakapitan.
Kanyang idinako ang kanyang kamay sa hita nito bago iyon marahang tinapik-tapik.
“S-Selene?”
Bahagya siyang napatigil nang unti-unti itong lumingon. Nakikilabutan man sa mga pangyayari, pinilit niyang magpatuloy. “Nandito . . . A-Ate.”
Hindi siya nito sinagot. Ipinagpatuloy niya ang pagtapik sa hita nito nang hindi pa rin ito nilulubayan ng tingin.
“Selene?” muli niyang pagtawag dito. Natagpuan na lamang niya ang pangingilo ng kanyang mga palad nang maramdaman ang mga braso nitong umaakap sa kanya.
“Ate.”
Ibang sensasyon ang gumapang sa kanyang sistema nang dumaloy sa bakuran ng kanyang mga tainga ang katagang iyon.
Ibang-iba ang pakiramdam na matawag na, ‘Ate’. Na maturingang nakatatandang kapatid.
Mapait siyang napangiti.
Kung sana lamang ay may maituturing pa rin siyang nakatatandang kapatid hanggang ngayon.
Napasinghap siya nang maramdamang higit na humigpit ang pagyakap sa kanyang ng batang babae. Wala sa diwa niyang inabot ang likuran nito’t niyakap ito pabalik.
“Ate,” muli nitong bigkas bago tuluyang humiwalay sa kanya.
Matipid niya lamang itong nginitian. Ngumiti ito pabalik kahit na bakas pa rin ang lungkot at pangamba sa mga mata nito.
“Pwede bang bumalik ka na?”
Hindi niya naiwasan ang mapataas ng kilay dahil sa naging tanong nito.
Ibubuka niya pa sana ang kanyang bibig upang magsalita subalit napatigil siya nang ibang klaseng ngiti ang sunod na sumilay sa maliliit nitong mga labi.
“Pwede bang bumalik ka na sa pinanggalingan mo?”
Kanyang hiyaw ang huli niyang narinig.
Labong mga bagay ang huli niyang natanaw.
Pananakit ng kanyang buong katawan ang kanyang huling naramdaman.
At malakas na tibok ng kanyang puso nang mapagtantong nasa lapag na siya’t itinulak ng batang Selene.
MADALIAN siyang napabangon.
Hawak-hawak ang dibdib.
Hinihingal.
Natataranta.
Pinagpapawisan.
Mahigpit siyang napakapit sa kanyang kumot nang bigla na lamang bumukas ang kanyang pinto’t iniluwa nito ang kanyang ina.
Napatigalgal siya. Nagpalinga-linga sa paligid bago muling huminto.
Wala na siya sa panahong iyon.
Nakawala na siya.
“Deianira.” Napaangat siya ng tingin nang marinig iyon.
Mabagal na lumapit sa kanyang kinauupuang higaan ang kanyang ina na sa kinasanayan ay walang badya ang mukha.
Hindi ito tuluyang lumapit sa kanyang puwesto subalit inilahad nito ang sariling kamay.
Nagugulumihanan man, unti-unti niyang ibinaba ang kanyang tingin sa palad nito.
Naramdaman niya ang pagkunot ng kanyang noo nang matagpuan ang isang kuwintas. May nakasabit na ginintuang phoenix doon.
Lalo nitong inilapit ang bagay na iyon sa kanya. “Kunin mo,” utos nito.
Hindi na siya nagreklamo pa’t kaagad na tinangan ang kuwintas. Sinipat niya iyon at marahang hinaplos-haplos.
Sa bigat pa lamang at hindi gaanong pagiging makinang nito ay nakumpirma na niyang totoong ginto iyon.
Naibaling niya ang kanyang tingin sa kanyang ina. Hindi pa man siya nagsasalita, lumayo na ito at dinalo ang pintuan. Bago pa man tuluyang lumabas, muli siya nitong nilingon.
“May lalaking nagdala sa ’yo rito. Siya ang nagbigay niyan.”
Naiwan siyang nakatulala nang sinara nito ang pinto.
Lalaki?
Sino?
Si Hope?

Bình Luận Sách (45)

  • avatar
    Michelle Sibaruten - Revilla

    One of a good novel I've read when it cones to suspense/ thriller/ horror genre! Veey realistic when it comes to narrating scenes where in readers/ audience would really feel the adrenalin in a certain scemario!

    06/12/2021

      1
  • avatar
    Bradley Patian

    Thankyou to sopport

    16/08

      0
  • avatar
    Joanie Sofia Delgado Eda

    oooommggggggg iiillllllooooovvvvvveeeee ittt!!!!

    28/10

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất