logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 4 KATHANG-ISIP

CHAPTER 4
"Pst! Best friend." Tawag ko kay Gino. Nandito kami ngayon sa isa sa malayong lugar na hindi naman matatawag na malayo sa kabihasnan. Basta nag drive lang si Gino tapos noong medyo tamarin na ito ay wala, huminto lang ito sa tabi ng daan. Sakto namang tanaw mula sa kanilang kinaroroonan ang dagat.
"Ano 'yon?" Sagot nito habang nauuna ng maglakad. Sukbit ang bag sa balikat at ang ice box na pinaglagyan niya ng soda.
" Anong tawag sa lugar na 'to?" Usisa ko na sumusunod lang sa kaniya.
"Hindi ko alam."
"Ha? Paanong hindi mo alam?" Nagtataka kong tanong.
"Hindi lahat ng lugar dapat alam mo kung ano. Ang mahalaga payapa. At mas magiging payapa kung ititigil mo yang kakatanong mo." Asar na sagot na nito sakin.
Nang huminto na siya sa paglalakad at ilapag sa damuhan ang mga bitbit nito ay tumigil na rin ako. Nilatag ko ang ibinato niya sa akin kaninang tela na siyang magiging pang sapin namin. Sunod niya namang inilabas ang dala naming pagkain sa loob ng kaniyang bag at soda na rin.
" Ang ganda talaga ng sunset." Puri kong sabi.
" Sinabi mo pa." Sigunda naman ni Gino.
"Kasing ganda ko,nuh?" Dagdag ko sa sinabi ko. Akala ko ay muli niya akong sasang-ayunan subalit wala siyang sinabi dahilan upang balingan ko siya ng tingin. Seryoso ang mukha nito.
"Wait lang,ha? Kanina ka pa seryoso,ah? May problema ba?" Hindi ko na mapigilang itanong sa kaniya. Hindi kasi maganda sa pakiramdam kapag hindi siya sabog. I mean, warak kasi siyang kasama and hindi ka talaga mapapalagay kung makita mo siyang walang imik.
" Hoy, mag salita ka naman." Pangungulit ko pa na pilit ihinaharap ang mukha sa akin.
" Anong problema?" Muli kong usisa.
He seriously looked into my eyes. Malungkot. Halatang may malalim na iniisip.
"Tae." Salitang lumabas sa kaniyang bibig dahilan upang magtaka ako sa sinabi niya.
"Ha? A-anong tae?"
"Tatlong araw na akong hindi natatae." Anito dahilan upang pisilin ko ng malakas ang magkabila niyang pisngi na siyang ikinasigaw nito dahil sa sakit. Pisil po kasi yun na may halong kurot. Ang kyut niya kasi. Sarap ipalapa sa dragon.
"Tang ina mo! 'yon lang pala problema mo? Akala ko naman kung ano, hayop ka,hahaha!" Sabi ko sa kagagohang sinabi niya.
" Pera ng doctor kapag hindi ako napatae, alam mo ba yun,ha?! Hindi maganda sa pakiramdam ang walang tae. Mukhang sasabog na sa tigas ang tiyan ko." Seryoso pa ring sabi nito na hindi pa rin ako natigil sa katatawa.
At dahil sa mukhang nagalit na siya dahil sa kakatawa ko, eh itinigil ko na lang. Uminom na lang kami ng uminom hanggang sa makatulog kami pareho.
After how many hours, gabi na. Nagising ako na nakahiga sa braso niya. Ako, nakayakap sa kaniya. Tinitigan ko mukha niya. Pinagmamasdan ang bawat pigura nito.
"Alam kong gwapong-gwapo ka sakin." Biglang salita nito na siyang ikinangiti ko sabay hilamos sa mukha niya ang kamay ko.
"Aray ko!" Reklamo nito.
"Tumayo ka na diyan! Hayop, umaga na pala." Reklamo ko.
"Uwi na tayo baka hinahanap ka na ni Tita. Alam kong hindi uso sayo ang paalam." Yaya ko sa kaniya sabay hila patayo sa kaniya subalit sa halip na siya ang tumayo ay ako ang muling napahiga.
"Aray ko! Tang ina mo. Ang sakit ng likod ko, hayop ka." Reklamo ko sa kaniya. Ba namang hilain ka! Aish!
"Sorry. Asan ang masakit?" Agad niya namang tanong sakin pero sa halip na hanapin kung saan banda ang masakit sa akin ay niyakap niya lang ako ng nakatalikod. Nakahiga pa rin kami. In that moment, alam kong may mali talaga sa kaniya.
Dahan-dahan akong umikot upang harapin siya.
"Ano bang problema?" Malungkot ko na ring tanong pero sa halip na sagutin niya ako ay muli niya akong pinatalikod at muling niyakap ng mahigpit. Iyong higpit na halos hindi ka na makahinga.
"Ak-ak. Tang ina! Ak. Papatayin mo ba ako?" Tanong ko sa kaniyang hirap huminga. At bago pa man ako maubusan ng hininga ay pinakawalan na niya ako.
Nang makabawi na sa paghinga ay inundayan ko siya ng sunod-sunod na palo tapos siya todo ilag ang ginagawa. Tumatawa na siya ngayon.
"Alam mo? Ang weird mo? Kanina ang tahimik mo tapos ngayon tatawa-tawa ka. Ang lakas talaga ng sapak mong gago ka." Naaasar ko namang sabi sa kaniya.
"Wala. Naisip ko lang na mukhang hanggang sa pagtanda ko at bago ako mamatay mukha mo ang huli kong masisilayan." Anito habang nililigpit ang mga dala naming gamit.
"Wow,ha? Hiyang-hiya naman ako, ano? Pasalamat ka nga na Ang kyut kong mukha ang huli mong masisilayan ano. Ts!" Asar ko na namang sagot sa kaniya.
******
After two year ay dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Ang graduation. I texted Gino kung makakarating ba siya sa graduation ko. He's very busy na kasi lately dahil sa trabaho niya. Isa na siyang ganap na chef sa isang medyo maliit na restaurant. Mula kasi ng magkaroon na siya ng stable na trabaho ay halos hindi ko na siya mahila bigla. Iyong tipong parang kailangan mo pang magpa schedule para lang makausap siya. Pag umaga kasi ay buong araw siyang nasa resto at hanggang gabi po iyon. Alas dyes siya uuwi ng bahay nila. Minsan nga doon ko na siya inaantay pero kapag kinukulit ko na siya ay nagagalit na agad. Kesyo sa pagod daw siya at wala siyang time sa mga walang kwentang bagay. Mas mabuti pa daw ang matulog kesa kausapin ang walang kwentang mga pinagsasabi ko.Hindi ko naman na pinapansin mga sinasabi niya. Sa tagal ba naman naming magkasama, diyos ko? Buong buhay ko ay siya na nakamulatan ko. Ang katarayan niya minsan ang nagbigay pogi points sa kaniya sa ibang mga babae pero sa kaniya ay iyon ang pinaka naaasar siya.
Ilang sandali pa ay tuluyan ng nagsimula ang graduation ceremony. Lahat ng mga graduates ay nandoon na ang kani-kanilang mga parents and guardians pero siya? Wala na ngang parents na kasama, pati ba naman nag-iisang taong inaasahan niyang darating ay mukhang napurnada pa.
Ilang sandali na lang ay siya na ang susunod na pupunta sa taas ng stage. Halos pinagtitinginan na nga siya dahil siya lang ang walang kasama.
" Steph dela Fuerte. A mass communication student. Top varsity player of basketball, volleyball and badmenton in the university..." At hindi na niya naintindihan pa ang mga sinasabi ng mc. Naglakad siya papunta sa taas ng entablo na puno na ang mga mata sa luha.
Nang makaakyat siya ng entablado ay humarap siya sa mga tao roon. Hinanap ng kaniyang mga mata si Gino. Ang kaniyang best friend na nangako sa kaniyang darating. Subalit sadyang hindi na ito darating.
Kinuha niya ang kaniyang diploma at ilang awards. Mapaklang ngumiti sa mga gurong nakipag kamay sa kaniya.
"Where's your parents, iha?" Anang isang professor na hindi niya kilala. Dahil sa tanong na iyon ay tuluyan ng bumagsak ang kanina niya pang pinipigil na luha.
"Mukhang hindi po sila makakarating, eh." Sagot ko na lang sa kaniya. And suddenly, she hugged me tight.
"Baka naghahanda sila para e-surprise ka. Don't cry, okay? Sayang pinambayad mo sa make-up." Anito dahilan upang mapangiti ako sa tinuran nito.
I nodded as the moment she let me go. I thank her at agad ng bumaba ng stage.
Nang tuluyan ko ng marating ang upuan ko ay huminga ako ng malalim. Talagang hindi ako especial para sa kanila.
Hanggang sa natapos at makauwi ako ng bahay. Walang bumati. Walang sumalubong. Walang surprise na nangyari. I was all alone. Forever alone.
Agad akong pumunta ng kwarto at nagpalit ng damit. Pagkatapos ay kumuha ng alak sa ref. Operation to drink.
"Let's celebrate your success, self. Cheers!" Sabi ko sa sarili ko. And I bitterly drink the alcohol.
Kinuha ko ang gitara at ginamit iyon. Medyo may tama na ako ng mga oras na iyon.
" Diba nga ito ang iyong gusto?" Panimula ko sa kantang Kathang- isip ng Ben and Ben.
" Ito'y lilisan na ako
Mga alaala'y ibabaon
Kalakip ang tamis ng kahapon
Mga gabing 'di namamalayang
Oras ay lumilipad
Mga sandaling lumalayag kung
San man tayo mapadpad
Bawat kilig na nadarama
Sa tuwing hawak ang 'yong kamay
Ito'y maling akala
Isang malaking sablay
Pasensya ka na
Sa mga kathang isip kong ito
Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo
Ako'y gigising na
Sa panaginip kong ito
At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo (lalayo sa)
Kung gaano kabilis nagsimula
Gano'n katulin nawala
Maaari ba tayong bumalik sa umpisa
Upang di na umasa ang pusong nagiisa
Pasensiya ka na
Sa mga kathang isip kong ito
Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo
Ako'y gigising na
Sa panaginip kong ito
At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo (lalayo sa)
Sumabay sa agos na isinulat ng tadhana
Minsan siya'y para sa iyo
Pero minsan siya'y paasa
Tatakbo papalayo't
Kakalimutan ang lahat

Pero kahit saan man lumingon
Nasusulyapan ang kahapon
At sa aking bawat paghinga
Ikaw ang nasa isip ko, sinta
Kaya pasensya ka na
Sa mga kathang isip kong ito
Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo
Ako'y gigising na
Mula sa panaginip kong ito
At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo (lalayo sa)
Diba nga ito ang iyong gusto?
Ito'y lilisan na ako
Nang matapos ang kanta ay sunod-sunod na nagsibagsakan ang kanina pang nagbabadya na luha sa aking mga mata. I cry hard. Ngayon ko naramdaman ang lungkot ng nag-iisa. Walang makausap. Walang makasama sa araw na siyang pinaka importante sa kaniya. Wala ang parents niya kasi nga busy sa trabaho. Wala si Gino. Ang taong nag-iisang kasama niya sa buhay dito sa Pilipinas.
Bago ko pa mang maisipang mag bigti gamit ang sarili kong buhok na lampas balikat ay isinandal ko na ang gitara ko't kinuha ang cellphone. Tiningnan kung may text ba galing kay Gino. But, hell! Wala ni kahit isang text message na nag mula sa kaniya. I throw my phone and padabog na pumasok sa loob ng kwarto at dahil sa boryo ako ngayon, pabalibag kong isinara ang pinto.
"Tang ina!!!" Sigaw ko nang marating ko ang kwarto ko.
Again, I started to cry. Hindi ko naman talaga balak umiyak. Sadyang hindi lang ngayon tinatamad ang mga luha kong lumabas kaya ayan, segi lang silang labas. Hindi ko nga alam kung bakit hindi amoy alak ang luha ko, eh. As far as I remember kasi, hindi pa ako umiinom ng tubig mula kaninang umaga kaya I wonder kung saan nagmumula ang mga luha ko. Matanong ko nga bukas si Kuya Kim.
Bago pa man sumakit ang ulo ko ay isinara ko na ang dalawa kong mata na kanina pa pagod sa kakaiyak. Pinagalitan ko na rin ang mga luha ko dahil sa hindi naman sila alak. At mabuti na lang at nakinig sila sa kyut nilang amo. And last thing I know, tulog na ako. Walang saplot sa katawan. Walang paki alam.

Bình Luận Sách (105)

  • avatar
    Nathaniel Rivera

    thank you

    21h

      0
  • avatar
    Radss Fundal

    thank you

    10d

      0
  • avatar
    Cedie Nicdao Barredo II

    quality

    19d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất