logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 3

PASADO alas-singko na ng hapon ng matapos ang meeting nila para sa next product na dini-develop nila. Pagod na pagod na si Edgell at gusto na niyang umuwi at kumain at matulog. Hindi rin kasi siya nakatulog kagabi dahil sa kakaisip sa nangyari noong Sabado ng umaga.
Habang nagliligpit ng gamit, nilapitan siya ni Rosa. “Uy, tara dinner muna tayo bago umuwi. Makabawi man lang ako dahil hindi ako nakasama noong Friday,” yaya sa kanya nito.
“Sino kasama natin?”
“Tayong dalawa lang.”
“Paano sina Bernie at Wilma?”
“Naku, saka na sila, ikaw muna ililibre ko. At matatakaw ang mga iyon,” sagot ni Rosa.
Marahan siyang natawa sabay sukbit ng bag niya.
“Uy narinig mo na ba ang tsismis ng mga makakadila sa Production Department?” tanong ni Rosa habang naglalakad palabas ng opisina.
“Hindi eh, alam mo naman nasa meeting ako kanina ng tatlong oras,” sagot niya.
“Ay girl, dumating na daw ‘yong step son ni Ma’am Erlinda. Iyong anak ni Sir Lee sa first wife niya. Ang balita ko, ‘yong anak daw ni Sir ang papalit na CEO. Grabe girl, ang guwapo daw!” kuwento ni Rosa.
“Talaga? Kailan naman?”
“Hindi ko pa alam eh.”
Bumuntong-hininga siya. Nakaramdam kahit paano ng kalungkutan si Edgell. Sobrang bait kasi ng big boss nila at halos lahat ng empleyado ay kasundo nito. Kaya naman mahal na mahal nilang lahat ang matanda. Ang hindi nila masyadong kasundo ay ang asawa nito, si Misis Lee, na mas gustong magpatawag na Madam.
“Ang sabi ng mga makakati dilang tsismosa sa Prod Dept., dati daw artista ‘yong anak na ‘yon ni Sir Lee.”
“Ay, eh di guwapo?” nanlalaki pa ang mata na tanong niya.
“Siguro, hindi ko pa rin na-sight kahit anino ng anak ni Sir Lee,” sagot ni Rosa.
Paglabas ng opisina ay sumakay na sila ng taxi hanggang sa favorite nilang restaurant. Pagdating doon ay agad silang umorder, habang naghihintay ay saka siya kinausap ni Rosa.
“Ikaw nga umamin ka sa akin. May gumugulo diyan sa isip mo alam ko? May nangyari noong Friday night sa lakad n’yo no?”
Natigilan siya saka parang bata na ngumuso, tinakpan pa niya ng buhok ang mukha bago marahan tumango.
“Sabi na eh! Kaya tulala ka kanina eh!” bulalas nito.
“Eh kasi… hindi ko naman sadya saka di ko alam kung paano nangyari ‘yon…” sabi pa ni Edgell.
“Bakit naman? Dahil sa kalasingan?”
Marahan na naman siyang tumango. Mayamaya ay bigla siyang napahiyaw sabay hawak sa noo, matapos siyang pitikin ni Rosa doon.
“Masakit ‘yon ah! Dami naman pipitikin sa noo pa!” reklamo niya.
“Anong magagawa ko ‘yan agad nakita ko? Ang lapad eh!”
“Para saan ba kasi ‘yon?”
“Anong nangyari kasi sa’yo?” sa halip ay tanong din ni Rosa.
Huminga muna ng malalim si Edgell at hinanda ang sarili sa sermon ng kaibigan, pagkatapos ay saka niya kinuwento lahat ng mga natatandaan bago siya mawalan ng malay hanggang sa magising kinabukasan sa bahay ng lalaki. At habang nagku-kuwento, kundi kumukunot ang noo ay nanlalaki ang mga mata ang nakikitang reaksiyon mula sa kaibigan. Nang matapos, hindi ito nagsalita. Pagkatapos ay dahan-dahan lumapit sa kanya saka bumulong.
“Malaki ba?”
“Rosalinda naman?!” natatawang singhal niya sabay palo sa braso nito.
“Aray ko naman!”
“Ikaw kasi eh!”
“Bakit ba? Anong masama sa tanong ko? Natural curious ako, sabi mo nahulog ang tuwalya, tapos nakita mo. Kaya tanong ko agad, malaki ba?”
Natawa siya lalo. “Nakakainis ka naman eh!”
“O sige na nga, seryoso na! So, ano sa tingin mo? May nangyari ba?”
Bumalik ang pag-aalala niya.
“Siguro, kasi may dugo sa bedsheet. Never ko pa naman na-experience ‘yon.”
“Naks, dalagang Filipina.”
Pabiro pa siyang nagkibit-balikat. “Well of course, alam mo naman para kay Hae-Bit lang ang buong pagkatao pati katawan ko!” nagmamalaki pang sabi niya.
“Eh paano na ngayon? Na-chukchak ka ng ibang Koreano?”
Pakiramdam ni Edgell ay maiiyak na naman siya ng maalala na nasira na ang pangako niya kay Hae-Bit at saka sa sarili.
“Iyon na nga! Ano na lang ang mukhang ihaharap ko kay Hae-Bit kapag bumalik siya sa buhay ko?”
Naputol ang pagda-drama niya ng dutdutin ni Rosa ang noo niya.
“Ba’t ba lagi ang noo ko?!”
“Itago mo kasi! Saka pampagising na rin, mukhang umakyat sa utak mo ‘yong hang over. Lukaret ka rin, kung makapag salita akala mo, jowa!”
Pumadyak si Edgell na parang bata, saka tinungo ang ulo sa ibabaw ng mesa.
“Jowa ko naman talaga siya eh!”
“Oo, pero kapag nalaman niya, break na kayo,” pang-aasar ni Rosa.
“Kainis ‘to, basag trip!”
Napapailing na lang ang kaibigan habang natatawa.
“Pero guwapo ba talaga si guy?”
“Oo, as in! Super! Pero ang totoo, noong isang araw ko pa siya iniisip. Hindi lang dahil sa nangyari, pero para talagang pamilyar mukha niya,” sagot ni Edgell.
“Talaga? Nakilala mo na siya dati?”
Nagkibit-balikat siya. “Hindi ako sigurado, pero hindi ko maalala kung saan.”
“Bago iyan ang atupagin mo. Sa tingin ko, kailangan mo balikan si pogi.”
“Ay, ayoko! Pagkatapos ng isangkaterbang kahihiyan ng umagang ‘yon? No way!” mabilis na tanggi niya.
“Sira, para matahimik ka. Kaysa lagi kang ganyan, balisa. Ikaw rin baka nahalata ka sa bahay n’yo. Mabuking ka pa na hindi ka sa apartment ko natulog ng gabing iyon. Kasi kung may nangyari nga sa inyo, unang una pagkagising mo pa lang, dapat masakit katawan lalo ang lower part dahil virgin ka, loka!”
Napakunot-noo siya.
“Ganoon ba ‘yon?”
“Oo! Ganoon ba naramdaman mo?”
Napaisip siya ng malalim, mayamaya ay umiling si Edgell. Bukod sa sakit ng ulo dahil sa hang over, wala na siyang matandaan na masakit sa kanya ng araw na iyon.
“Parang hindi naman masakit katawan ko no’n,” sagot niya.
“Talaga? As in?”
“Oo, promise!”
“Kaya nga, mas makakabuti na bumalik ka. Kausapin mo siya kung kinakailangan, ikaw na rin ang nagsabi kanina sa kuwento mo. Sa taranta at takot mo ni hindi mo na naisip na itanong ang pangalan. At kailangan mong malaman kung paano ka napunta sa bahay n’ya kung ang natatandaan mo ‘yung Caucasian na Foreigner ang kasama mo sa paglabas ng bar,” sabi pa ni Rosa.
Napabuntong-hininga si Edgell.
“Sana pala pinakinggan ko siya, ang totoo, gusto niyang mag-explain ng umagang iyon. Pero dahil magulo ng sobra ang isip ko, pinigilan ko siya! Natakot din kasi ako sa puwede kong malaman kaya tinakbuhan ko,” sabi pa niya.
“Kahit sino naman siguro sa naging lagay mo, ganoon din ang magiging reaksiyon. Kung gusto mo, samahan kita para hindi ka matakot.”
Napangiti siya sa sinabi ni Rosa.
“Talaga sasamahan mo ako?”
“That’s what I said!”
Sa sobrang tuwa ay mabilis siyang lumapit dito saka niyapos ang braso nito.
“Thank you, bes! Ang bait mo talaga!”
“O siya, kumain na tayo! Ginutom akong pakinggan ang mga kalokohan mo! Huwag ka ng iinom ng ganon ulit ah!”
“Oo na, promise!”
KUNOT ang noo na napalingon si Edgell sa paligid natapos niyang mapansin na tila abala ang lahat ng mga ka-opisina niyang babae sa pagme-make up. Ni halos hindi siya pinansin ng mga ito, kasama na roon si Bernie na habang naglalakad ay hawak ang pressed power at panay ang apply niyon sa mukha.
“Uy Bernie!”
Hindi siya pinansin nito.
“Bernie!” tawag niya ulit.
Hindi na naman siya pinansin. Napabuntong-hininga si Edgell saka napailing.
“Berna… Bernang maganda!”
Bigla itong lumingon, with attitude na parang nasa shampoo commercial, sabay beautiful eyes, pout ng lips at ngiti sa kanya.
“Yes?” malandi ang boses na sagot nito.
Nanggigigil na nilapitan ni Edgell ang bading na kaibigan, saka inambaan ito ng nakatikom na kamao niya.
“Nananapak ako ng binabae, ang arte nito!”
Biglang niyakap nito ang sarili, saka nagpaawa kunwari.
“You’re so harsh to me, my friend!”
“Heh! Malapit ko ng itanong sa sarili ko kung paano kita naging kaibigan!”
Tumawa ito.
“Madali lang ang sagot diyan, friend. Kasi pareho tayong maganda!”
“O siya siya, maganda na kung maganda. Pero bakit ba parang aligaga kayong lahat sa pagme-make-up?”
Pumalatak ito ng sunod-sunod.
“Huli ka na naman sa balita, hindi mo ba alam na ngayon ipapakilala ni Mister
Lee ang guwapong anak n’ya na papalit daw sa puwesto n’ya?” sagot ni Bernie.
Lalong nagsalubong ang kilay niya sa narinig.
“So, anong koneksiyon ng pagme-make up ninyo sa anak ni Sir?” maang niyang tanong.
Marahas na bumuntong-hininga ang kaibigan.
“Ang slow mo, ah! Grabe ka. Ano ka ba?! Guwapo nga di ba? So siyempre, ang mga hitad na itech nagpapaganda para mapansin,” paliwanag ni Bernie.
Nilukutan ni Edgell ng mukha ang kaibigan.
“Loka, kasama ka sa mga hitad na sinasabi mo, ikaw ang pinakamakapal ang foundation dito oh!” sagot niya sabay turo sa mga officemates nila.
Ngumuso si Bernie saka parang batang pumadyak at kunwari ay nagta-tantrums.
“Ed Gelleinie talaga!”
Tumawa lang siya ng malakas, saka napailing.
“Joke lang, ‘to naman! Sige na, mag-make up ka pa, kapalan mo pa! Kulang pa, Bernardo!” patuloy niya sa pang-aasar dito.
“Ew, that name!” mabilis na reaksiyon nito.
Natatawa na bumalik na sa mesa niya si Edgell. Sinuklay niya ang buhok saka nag-retouch ng konti dahil na-haggard siya ng husto sa traffic papunta doon sa opisina. Pagkatapos ay agad siyang nagsimula sa trabaho.
Habang abala sa tina-type niyang report tungkol sa new product na dine-develop nila. Natigilan si Edgell matapos maalala ang lalaking nagisnan niya ng Sabado ng umaga. Simula ng mag-usap sila ng masinsinan ni Rosa, hanggang sa mga sandaling iyon ay iniisip pa rin niya kung babalik siya sa bahay ng lalaki. Ang problema naman kasi, isipin pa lang ni Edgell na muli niyang makakaharap ang lalaki, parang matutunaw na siya sa hiya. Pero minsan, naiisip niya kung ano nga kaya ang magiging reaksiyon nilang dalawa kapag muli silang nagkita?

Bình Luận Sách (102)

  • avatar
    M'ss Lmbs

    so nice and I loved the story🥰

    13/06

      0
  • avatar
    SericonDimpe I.

    wowww

    09/06

      0
  • avatar
    Jayve Macinas

    good quality

    20/04

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất