logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 5

"Apo..." 
Unti-unti kong iminulat ang mata.
Nakita ko ang muka ni lolong puno ng pag-aalala.
"Ayos ka lang ba, apo? Hindi pa dumadating ang doktor na pinatawag ng tita mo pero salamat sa Diyos at gising ka na," mahinahon ngunit nag-aalala niyang sabi.
Hindi ako makapagsalita, ramdam na ramdam ko pa din ang nasaksihan ko. Bakit ako nasasaktan? Hindi naman ako dapat masaktan dahil... hindi naman ako iyong babae.
At Hiraya?
'Yon ang tinawag sa akin ni Eli kanina, diba? Bakit ba parang mas lumalala na ito. 
Napahawak ako sa ulo ko, lalong sumasakit ang ulo ko kapag inaalala ko iyon.
Nakita kong kakapasok lang ni tita sa kwarto.
Nang makita niya akong gising ay agad siyang tumakbo papunta sa akin.
"Stella, ayos ka na ba? Ano bang nangyayari sayo?" nag-aalala niyang tanong. 
"Dahil nanaman ba 'to sa mga napapanaginipan mo?"
Dahan-dahan akong tumango.
"A-anong panaginip?" naguguluhang tanong ni lolo.
"May mga napapanaginipan po kasi siya na mga taong hindi naman niya kilala pero ngayon lang nangyaring nahimatay siya dahil doon," sagot ni tita.
"Natandaan ko po kasi pag... pagkatapos ipakita ni lolo 'yong bracelet doon na ako nawalan ng malay," kwento ko.
"Bracelet?" naguguluhang tanong ni tita.
Tumango ako.
"Ano iyon pa? Anong bracelet?" naguguluhang tanong ni tita.
Kinuha ni lolo ang isang bagay na parang baul. Doon nakalagay ang bracelet.
Unti-unti niyang inilabas iyon. Labis ang kaba ko.
"Pwede kong bang isuot ito sa iyo, iha?" tanong ni lolo.
Tinitigan ko ang bracelet na iyon. Sunflower na nakapalibot. Simple pero napakagandang bracelet.
Unti-unti akong tumango. "Gus... gusto ko po iyan, lolo. Pwede po bang akin na lang?" tanong ko.
Ngumiti siya sa akin at tumango. Habang isinusuot niya sa akin iyon ay bumulong siya sa akin. "Para sa iyo talaga 'yan," bulong niya.
Nang maisuot na sa akin ni lolo ay tinitigan ko ito ng sobra. Naguguluhan ako pero ito iyong nakita ko sa panaginip ko? Ito ba iyon? Pareho...
"N-nasan po si Eli?" biglang tanong ko.
Hindi ko alam pero gusto kong makita si Eli ngayon. Hindi ko alam... basta gusto ko siyang makita.
"Eli? Sino si Eli?" tanong ni tita.
"Iyong nandito lagi upang tumulong sa akin," sagot ni lolo.
Lalong naguluhan si tita. "Bakit mo siya hinahanap, Stella?"
Umiling ako, hindi ko din alam kung bakit.
"Hindi ko din po alam."
"Sige, tatawagin ko muna siya," ani tita.
Nang makalabas si tita.
"Apo..." Inilahad niya sakin ang bracelet. Ito nga yung nakita ko sa panaginip ko.
"Napakaganda, hindi ba?" Tumango ako, tama. Ganitong-ganito iyong nakita ko, hindi ako pwedeng magkamali dahil ito nga iyon.
"B-bakit--bakit niyo nga po pala pinapakita ito sa akin at bakit niyo po ibinigay sa akin ito?" tanong ko. Hindi ko maalis ang tingin ko sa bracelet.
"Hindi ko alam kung sino ang orihinal na may-ari ng porselas na iyan. Ngunit ang aking natatandaan, sa kaibigan iyan ng nanay niya," sagot ni lolo.
"Pero bakit po na kay lola 'to?" tanong ko uli.
Ngumiti siya. "Hindi ko din alam ngunit ang sabi sa'kin ng lola mo ibigay ko daw ito sa'yo. Hindi niya sinabi ang rason."
Hindi ko alam ang nangyayari, nang mapunta kami dito mas lalong gumulo ang isip ko. Pero ang puzzle na matagal ko nang pilit binubuo ay unti-unti ko ding nabubuo.
Magtatanong pa sana ako nang dumating si tita at Eli.
Inosenteng tumingin si Eli sa'kin. Doon lang ako kinabahan bigla, bakit ko nga ba siya pinatawag dito? Hayst!
"Maiwan na muna namin kayo," paalam ni lolo at tita.
Fuck! Now, this is awkward.
"Ahmm Hir-- ah este Stella, anong sasabihin mo sa'kin?" panimula niya.
I look at the right side, trying to calm myself.
Humarap ako sa kanya. "Ah k-kasi..." Natatawa ako sa muka niya dahil para siyang naghihintay ng sasabihin ko. "Wala, nakalimutan ko na. Pwede ka ng umalis."
Kumunot ang noo niya kaya natawa ako.
"Pinagtatawanan mo ba ako? Pinagtitripan? Close ba tayo para gawin mo 'to sa'kin? Sa pagkakaalam ko, ngayon lamang tayo nagkita, right?" seryoso niyang tanong sa akin.
Agad akong kinabahan at nataranta. "Oh my gash! I'm sorry, I didn't mean it--"
Naputol ang sasabihin ko nang maglupasay siya sa kakatawa.
Agad namang sumama ang muka ko. "What the fuck are you doing?" inis kong tanong.
"Hindi ka naman mabiro, Stella. Ayos na ba ang pakiramdam mo?" biglang tanong niya.
Dahan-dahan akong tumango. "You can go out now."
I look for my phone, oo nga pala di ko pa natatawagan si Fred.
Nang hindi ko napapakinggan ang pagsara ng pinto ay lumingon ulit ako, hindi pa siya umaalis.
Tinaasan ko siya ng kilay. "May gusto ka bang sabihin?" mataray kong tanong.
He just smile at me and then he leave without saying anything. I remember that smile...
Kanina pa ako naghahanap ng signal sa kwarto ko, tumayo na ako sa may bintana lahat-lahat, ayaw pa din.
Kinabukasan, napagdesisyunan kong lumabas dahil hindi naman din masama ang pakiramdam ko. Nagpaalam ako kay tita at pinayagan naman niya ako, wag lang daw akong lalayo. Suot ko ang bracelet na ibinigay ni lolo dahil maganda din naman ito.
Sariwa ang hangin pagkalabas ko, hindi pa masyadong mainit dahil alas- sais pa ng umaga. Nagsuot nga ako ng pang-jogging dahil masarap mag-jogging.
"I'm sorry, I can't able to call you last night cuz' the signal here is poor. What are you doing now? Miss you." Ang dami niyang missed call 'pag tingin ko sa phone ko nang magkasignal.
"Yah. I'm on my friends. Gym. You? What are you doing right now? Why can't I just go there, I want a vacation too, love." His husky voice gives butterflies on my stomach. Napapakinggan ko ang hiyawan ng mga kaibigan niya, I rolled my eyes.
"Just enjoy yourself there but don't forget that you have a girlfriend. Behave, kay? Hmmm?"
I heard his laughter. "Love?"
Hindi makapaniwala niyang sabi.
I smiled. "Just kidding haha."
I imagine rolling his eyes right now, how cute.
"I'm on a jogging love so I'll end this now," paalam ko sa kanya.
"Oh! Why?"
My lips rosed. "Why? pabalik kong tanong.
I heard his sigh. "Baby, what are you wearing right now? And I know you don't know that province. Baka maligaw ka or may makasalubong kang bad guy."
Parang magulang ko amputek haha.
"Ano bang kailangang suotin kapag nagja-jogging, love? Hello? You don't know me? Palaban 'to no hmmp!"
"Fine fine! But be sure that you're safe. I love you."
"Yah, I will. I'm gonna end this," pagpapaalam ko.
"I love you!" Parang naputol ang pisi niya. "You didn't say I love you too to me."
I laught at him. " Ilove--" naputol ang sasabihin ko nang makita ko ang nasa harapan ko.
"Stella?" Natauhan lang ako nang tawagin ako ni Fred.
"Ah I'm s-sorry. Fred, a-ang g-ganda. Ang ganda ng-ng nasa harapan ko," Tila nabighani ang mga mata ko sa ganda nito.
"Ng?" tanong niya.
"Sunflower..."

Bình Luận Sách (181)

  • avatar
    Smirk Wei Jha Wuxian

    ang ganda ng kweton

    17/03

      0
  • avatar
    RamayanRonald

    maganda talaga store NATO

    10/11

      0
  • avatar
    Efrylle Trisha Abad Tero

    nicee

    09/11

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất