logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 4

"Hiraya, mahal ko..." Patuloy pa din na sinusuyo ng lalaki ang babae.
Dahil sa nangyari sa isla ay labis na dinamdam ng babae ang nasabi ng kanyang kasintahan. Masakit para sa kanya ang mga sinabi nito.
Marahang hinahawakan ng lalaki ang kamay ng babae ngunit agad itong binabawi. "Hiraya, alam kong galit ka pa din sa akin ngunit patawarin mo ako. Hindi ko sinasadyang saktan ang damdamin mo, mahal ko," malungkot na sabi ng lalaki.
Mababaw man siguro ang pinag-awayan nila ngunit kapag tungkol doon ang usapan ay sobrang nanliliit talaga si Hiraya sa sarili niya. Tuloy ay iniisip niyang hindi talaga sila nababagay sa isa't-isa at hindi sila magkakatuluyan pa sa hinaharap.
"Umuwi ka na lamang sa inyo at baka may makakita pa sa akin. Mag-usap na lamang tayo sa susunod," seryosong sabi nito.
Narito sila ngayon sa paboritong lugar ni Hiraya. Sa hardin ng mirasol. Labis na nakakasaya ng puso kapag nakikita ito ni Hiraya, paboritong paborito niya ang bulaklak na iyon.
"Akin ding hinihintay si Lucas kaya naman makakaalis ka na. Magagalit siya sa akin kapag nakita niyang magkasama tayo, wala din kasi siyang alam na mayroon tayong relasyon sapagkat siguradong magagalit talaga ito sa akin," dugtong nito.
Napahilamos sa muka ang lalaki, hindi nagustuhan ang sinabi ng kanyang kasintahan.
"Bakit ba parati na lamang siya ang bukang-bibig mo?! Hindi naman siya parte ng ating relasyon ngunit lagi mo siyang isinasali sa atin?" galit na utas nito.
Hindi nagpatinag ang babae. "Bakit? Gusto mo bang makita niya tayo? Ah! Alam ko na, gusto mong makita niya tayo o kaya ng ibang tao upang mapilitan tayong maghiwalay dahil ayaw mo na sa akin," sigaw ng babae.
Sinusubukang kumalma ng lalaki upang hindi niya masigawan ang kasintahan, pinipilit niyang ipaintindi ang gusto niyang iparating dito.
"Hiraya, hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ang gusto ko lang--"
"Easton, ayaw kong magsalita ng masama. Alam mo na kapag galit ako, hindi ko kayang kontrolin ang aking bibig kaya't hayaan mo muna akong mapag-isa. Mag-usap na lamang tayo sa susunod kapag pareho nang malamig ang ating ulo. Sa ngayon, iwan mo muna ako," sabi ng babae nang hindi ito tumitingin sa lalaki.
"Irerespeto ko ang iyong desisyon, mahal ko. Ngunit mamayang gabi, maaari bang dalawin kita?" nagbabakasakali nitong tanong sa dalaga kahit alam niyang hindi ito papayag, magkasundo man sila o hindi sapagkat ang gusto ng babae ay mag-ingat sila dahil baka may makakita sa kanila.
"Umalis ka na muna." Binalewala ang sinabi ng lalaki.
Walang nagawa ang lalaki, ayaw man niyang iwanan ito at gusto niyang magkaayos sila ngunit tama din ang sinabi ng kanyang kasintahan. 
"HIRAYA!"  Sa malayo pa lamang ay dinig na dinig na ng babae ang sigaw ng kanyang kaibigan, ang kanyang kababata.
Matangkad at medyo kayumanggi ito. Ang pinakamaganda sa kanyang muka ay ang mga mata nito. Labis ngang naiinggit si Hiraya sa mga mata nito sapagkat napakaganda at nakakaakit. Tila ba kapag tumitig ka dito ay mahuhulog ka sa isang patibong na kanyang itinanim.
Nawala siya sa pag-iisip nang biglang magsalita ito. Nasa harap na pala ito niya. "Oh bakit parang malungkot ka? May ginawa pa naman ako para sa iyo," malungkot na sabi nito.
Pinilit niyang ngumiti at maging masaya sa harap ng kanyang kaibigan. Gusto man niyang sabihin ang kanyang nararamdaman o ang kanyang problema ngunit alam niyang magagalit lamang ito sa kanya. Ang lagi nitong sinasabi sa dalaga ay mapapahamak lamang ito kung ipipilit niyang maging sila ni Easton.
"Malungkot? Bakit naman ako malulungkot? Ano ba ang ibibigay mo sa akin?" kuryosong tanong nito sa kaibigan.
Masayang inilahad ni Lucas ang regalo nito para sa kaibigan.
"Nalalapit na ang iyong kaarawan kaya gusto ko ako ang unang magbibigay sa iyo ng regalo at gusto kong ako ang unang babati sa iyo," maligayang sabi nito.
Napangiti naman ang dalaga.
Isang porselas ang inihandog nito sa kanya. Napapalibutan ito ng mirasol na bulaklak.
"Napakaganda nito Lucas ngunit..." Hinawakan niya ang porselas at tiningnan ng maayos ang mga nakapaligid na mirasol dito, wari niya ay malalanta ito agad. "Malalanta ito, Lucas."
Ngumisi ang lalaki. "Hindi iyan totoo, Hiraya. Alam mo bang nag-ipon ako para lamang diyan. Pumunta ako sa bayan upang maghanap ng palamuti na ganyan at aking ginawang porselas. Alam kong nababagay sa iyo iyan kaya iyan ang aking naisip na regalo para sa iyo kaya't sana ay magustuhan mo," mahabang paliwanag nito.
Hindi niya alam ang kanyang sasabihin sapagkat napakaganda talaga ng porselas na iyon.
"Hiraya?" tawag ng lalaki.
"Maraming salamat sa iyong handog ngunit hindi mo naman kailangang mag-abala pa lalong-lalo nang wag kang gumastos para sa akin. Dapat ay iyo na lamang inipon ito."
Ginulo ng lalaki ang buhok ng kaibigan. "Minsan lamang naman iyan at saka kaarawan mo kaya dapat ay bigyan kita ng regalo. Isa ka sa pinaka-espesyal na tao para sa akin." Yumakap ang lalaki sa dalaga.
Lingid sa kanilang kaalaman, patagong nakatingin ang kasintahan ni Hiraya na si Easton. Gusto man niyang sugurin ito ngunit ayaw niyang madagdagan ang galit ng kanyang minamahal sa kanya. Sa kabila din nito, nagdadamdam din siya sapagkat dapat siya ang nagpapasaya sa kanyang minamahal. Alam din nito na may pagtingin si Lucas kay Hiraya ngunit binabalewala lamang niya ito sapagkat alam niyang siya lamang ang mahal ni Hiraya.
Maya-maya pa ay biglang may naalala ang lalaki. "Hiraya, oo nga pala. Tinatawag ka na nga pala ng iyong ina." 
Agad na napatayo ang dalaga. "Ano? Bakit mo ngayon lamang sinabi sa akin?" natatarantang sabi nito. Tiyak na mapapagalitan siya ng kanyang ina.
"Paumanhin, nawala sa aking isipan," natataranta din nitong sabi.
Kaya't nagtatakbo na sila pauwi.
"Hiraya, ang sabi ko ay hintayin mo ako. Napakabilis mo namang tumakbo," hinihingal na sabi ni Lucas.
"Alam mo namang mapapagalitan ako ni ina." Nagtatakbo pa din sila, may kalayuan kasi ang bahay nila mula sa hardin ng mga mirasol.
"Ako na lamang ang magpapaliwanag sa iyong ina kaya huminahon ka," sigaw nito, nauuna na kasing tumakbo si Hiraya.
Hindi pinansin ni Hiraya ang kaibigan. Tuloy-tuloy lang siyang tumakbo.
"Ina..." kabadong tawag ni Hiraya. Yumuko ito at handa nang mapagalitan.
"Saan ka ba nagsususuot? Kanina pa kita hinahanap. Naroon ka nanaman ba sa hardin ng mirasol? Napakalayo no'n sa atin, paano kung mapahamak ka doon--" Hindi natuloy ang sasabihin ng ina nang sumingit si Lucas.
"Aling Eba, narito naman po ako," nakangising sabi nito, hindi alintana ang mabigat na presensiya.
"Oh sige sige. Bantayan mo ang iyong kapatid at ako ay mamimili muna sa bayan."
Nang makaalis ang ina niya ay doon pa lamang siya nakahinga ng maluwag.
"Sinabi ko naman sayo diba. Ako ang bahala sa iyo." ngumisi pa ito sa kaibigan sabay kindat kaya't nagsitawanan silang dalawa.
 

Bình Luận Sách (181)

  • avatar
    Smirk Wei Jha Wuxian

    ang ganda ng kweton

    17/03

      0
  • avatar
    RamayanRonald

    maganda talaga store NATO

    10/11

      0
  • avatar
    Efrylle Trisha Abad Tero

    nicee

    09/11

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất