logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 3

"Stella!" Napakurap ako ng marinig ko ang pangalan ko, si tita pala. "Kanina ka pa tinatawag ng lolo mo, magmano ka," saway ni tita.
Nahiya tuloy ako. Baka kung anong isipin tuloy sa akin ni lolo.
"Baka nahihiya lang ang aking apo, anak. Lapit ka kay lolo, apo halika," malumanay na tawag niya sa akin.
May katandaan na din si lolo ngunit muka pa din itong malakas. Siguro ay nag-eexercise ito dahil kahit matanda na ay napaka-ganda ng katawan niya.
Nahihiya akong naglakad papunta sa kanya, baka isipin niya na wala akong galang.
Nagmano ako sa kanya. Ngumiti naman si lolo sa akin. "Kamukang-kamuka mo si Clarissa."
Tinutukoy niya ang mama ko.
Ngumiti ako. Bigla ko tuloy siyang namiss.
"Hay naku baka magka-iyakan tayo dito. Halika na at kumain na muna tayo," ani tita.
Sumunod naman kami ni lolo sa kanya.
Nang nasa hapag na kami ay nag-usap sila ng kung ano-ano. Namiss yata nila ang isa't-isa.
"Bakit pala hindi ka mamasyal dito, Stella apo," biglang sabi ni lolo.
"Gusto ko nga po," nahihiya kong tugon.
"Oh sige. Ipapasama kita."
Nanlaki ang mata ko.
Ipapasama kanino? Hindi ba pwedeng ako na lang?
"K-kanino po?" nagulat kong tanong.
Hindi ba pwedeng si tita na lang? Pero kung hindi naman available si tita edi ako na lang dapat. Hindi ko pa kilala ang mga tao dito para ipasama niya ako.
My lolo chuckled. "Iha, mapapagkatiwalaan siya. Lagi nga siyang narito dahil tumutulong din siya sa akin. May pupuntahan kasi kami ng tita mo, pupunta kami doon sa pabrika natin. Hindi naman ka namin pwedeng isama dahil baka ma-bored ka lamang doon kaya mamasyal ka na lamang."
Ngumiti na lang ako, hindi na nagreklamo pa. Gusto ko sanang sabihin na kahit ako na lang mag-isa.
Pagkatapos kumain ay nagpahinga muna ako dahil pagod sa byahe, gusto kong maligo sa dagat mamayang hapon kaya iyon ang gagawin ko mamaya.
"Tita napakalaki naman ng kwarto ko. Baka may m-multo dito!" nagpapanic kong sabi.
She laughed. "Stella, kung may multo man ay iyon yung mga ninuno natin, hindi ka naman sasaktan no'n," tumatawa pa din niyang tugon, "Oh sige sige na at matulog ka na, magpapahinga na din ako sa kabilang kwarto. Kung may kailangan ka naman, meron namang kasambahay diyan." Tumango lang ako at pumasok na sa kwarto.
Masyado kasing makaluma ang bahay ni lolo kaya nakakatakot. Mukang mga antigo din ang mga gamit niya. Its creepy but it feels like its familiar to me. Ugh! I don't know.
Nang magising ako kinahapunan, agad akong nagpalit upang maligo.
Nang makababa ako ay nakita ko sa sala si lolo at tita.
"Lolo and Tita, maliligo lang po ako," maligaya kong sabi.
"Baka hindi ka marunong lumangoy at walang makakita sayo Stella," nag-aalalang sabi ni lolo.
Tumawa ako. "Sports ko po ang swimming lolo kaya ayos lang."
Tita chuckled. "Yeah, pinagswimming lesson ko siya noong bata pa siya kaya magaling yan."
Bata pa lamang kasi ako ay mahilig na akong mag-swimming. Mayroon kaming pool noon sa dati naming bahay ng parents ko noong nabubuhay pa lamang sila. The very first person who taught me how to swim is my dad. It was his sports too kaya iyon ang nagiging bonding namin everytime na wala siyang trabaho. We always go the beach too.
Nang mawala naman sila at si tita na ang nag-alaga sa akin ay pinag-swimming lesson niya ako kaya mas lalong nagustuhan ko ang sport na ito.
Nakasali na din ako sa iba't-ibang kompetisyon. May pagkakataong nanalo at meron ding hindi. Syempre ganoon naman ang buhay, matatalo ka kung minsan pero hindi ibig sabihin noon ay kahit kailan ay hindi ka na mananalo. You just have to keep going, just try and try until you succeed ika nga.
"Oh siya sige, mag-enjoy ka apo."
Nang makarating ako sa dagat ay agad akong nagtampisaw.
"Ughhh feels good," sabi ko sa sarili ko, nakapikit ako at dinadamdam ang sariwang hangin.
Pagkadilat ko ay--
"Fuck--" Napatakip ako sa dibdib ko dahil naka-two piece lang ako. May isang lalaki na nasa harapan ko at nakatitig sa akin.
"What the f?! Who are you?!" bulyaw ko sa kanya.
Pero hindi man lang siya natinag at tumawa pa. "Hindi mo ba ako kilala?" seryoso niyang tanong. Ang mga mata niya ay nangungusap 
Kumunot ang noo ko. "Magtatanong ba ako kung kilala kita ha?" maangas kong sabi sa kanya. Sasapakin ko 'to, isa pa!
His lips rose. "Hiraya..." seryoso niyang sabi.
Napatitig ako sa kanya, napahawak ako sa ulo dahil biglang sumakit ang ulo ko.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong.
May mga imahe akong nakikita pero lahat ito ay malabo, may mga boses din akong napapakinggan.
"Hiraya huwag diyan! Mapapagalitan ako ng iyong ina, lagot ka talaga sa akin kapag naabutan kita," sigaw ng lalaki.
Pamilyar...
"Miss!" tawag ng lalaki sa akin na tumawag sa aking Hiraya.
Natauhan ako nang kalabitin ako ng lalaki.
"Ha? Tinawag mo akong Hiraya, hindi ba?" naguguluhan kong tanong.
Nangunot ang noo niya. "Hiraya ang pangalan mo? Naparito lang ako dahil pinapatawag ka ng lolo mo."
Mas lalo akong naguluhan. Guni-guni ko lang ba yung sinabi niya no'ng una?!
Napapikit ako sa frustration. "Wait! Tinawag mo akong Hiraya talaga," ulit ko.
He chuckled. "So Hiraya ang pangalan mo?" inosente niyang tanong.
Napatitig ako sa kanya. Pamilyar ang muka niya sa akin, parang kilalang-kilala ko na siya noon pa. Tinagilid ko ang ulo ko, pinipilit alalahanin na baka nakita ko na siya noon pero sumasakit lang ang ulo ko.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong.
Inalis ko na lang sa isipan ko iyon. Baka nga guni-guni ko lang.
"Ahmm... sino ka ba?" tanong ko. Baka rapist ito ha!
Ngumiti siya ng todo at inilahad ang kamay. "Ako nga pala si Eli."
Tumango lang ako at hindi tinanggap ang kamay niya. Nang alam niyang hindi ko iyon tatanggapin ay ibinaba niya lang.
"Ano bang kailangan mo at tinatawag mo ako?"
Tumingin siya sakin ng sarkastiko.
"Pinapatawag ka ng lolo mo dahil may ibibigay daw siya sa'yo at bukas mo na lang daw ituloy ang pagliligo dahil baka magkasakit ka, HIRAYA."
"Bakit ba Hiraya ka ng Hiraya? Hindi Hiraya ang pangalan ko," bulyaw ko sa kanya, sumasakit tuloy ang ulo ko.
"Hiraya, ang sabi ko ay hintayin mo ako. Napakabilis mo namang tumakbo."
Napapikit ako. Pamilyar ang boses na 'yon.
"Ano bang nangyayari sa'yo? Nahihilo ka ba?" Bakas sa mukha niya ang pag-aalala na akala mo eh kilalang-kilala niya ako para maging sobrang concern siya sa akin.
"Ayos lang ako at Stella ang pangalan ko hindi--" Hindi ko masabi ang pangalang iyon. Parang ang pangalang iyon ay...
"Alam mo, umahon ka na lang diyan at baka mapagalitan pa ako ng lolo mo."
Inis akong umahon at tinitigan siya ng masama. Kinuha ko ang tuwalya ko at iniwan siya doon.
"Magbihis ka muna, apo. May ibibigay ako sa iyo pagkatapos." Tumango na lang ako at naligo na.
Matapos ay pumunta kami ni lolo sa isang kwarto. Parang hindi na iyon nabubuksan dahil sobrang hirap niyang buksan. Tinawag pa niya 'yong Eli para magpatulong.
"Ano pong ibibigay niyo sakin, lolo?" natatakot kong tanong, ang creepy ng loob ng kwarto na 'to. Ang bigat sa pakiramdam.
May kinuha siyang parang isang baul sa tabi. Napaubo pa kami dahil sobrang alikabok nito.
Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang laman 'non.
Ang porselas na iyon...
Unti-unting nanlabo ang paningin ko at biglang may pumasok na mga imahe sa isip ko...

Bình Luận Sách (181)

  • avatar
    Smirk Wei Jha Wuxian

    ang ganda ng kweton

    17/03

      0
  • avatar
    RamayanRonald

    maganda talaga store NATO

    10/11

      0
  • avatar
    Efrylle Trisha Abad Tero

    nicee

    09/11

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất