logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 3

Gideon Hugo
Twenty minutes after the ambush
Akala nila ay mawawalan ako ng malay sa tapik nila. Ilang beses na ako tinambangan at alam ko na dayo lang sila rito. Kilala ko ang mga barumbado sa lugar na ‘to dahil ito na ang nagsilbing tirahan namin noong mga bata pa kami. Kung may balak silang paslangin ako, dapat ay kanina pa nila ginawa. Ibig sabihin lang no’n, May hinahanap sila.
Nanatili akong nakapikit, pinapakiramdaman kung dadamputin nila ako o ang dala ko. Nakarinig ako ng ilang mabibigat na yabag at nadama ang pagsipa sa paa ko.
“Boss!” tawag nito sa kasama. Hinawakan niya ako sa kamay at iniangat ito.
“Hindi ito. Tingnan niyo yung mukha para makasiguro," sagot naman niya. Hinatak nila ang suot ko at pilit akong tinayo pagkatapos ay marahas na tinanggal ang helmet.
“Sino ba kayo mga put—” bungad ko ngunit agad nila akong in-uppercut. Putangina muntik ko na makagat dila ko!
Sandali akong napahinto sa sakit ng baba ko. Napahawak ako sa lalamunan ko dahil sa paninikip nito.
“Sabi ko tingnan mo!” singhal ng Boss nila na hanggang balikat ko lang. Dinampot ulit ako ng may kalakihang lalaki at nilapit sa amo nila. Binaltak nito ang kamay ko na pinanghahawak ko sa lalamunan at sinuri ang relo.
“Saan mo ‘yan nakuha?” aniya.
“Hindi ko alam. Napulot ko lang,” palusot ko. Kung pagnanakaw ang motibo nila, para yatang ang dami nila para sa isang relo.
“Iyan ba ‘yon, Boss?” singit no’ng sumuntok sa akin. Tumingin siya sa akin pagkatapos ay napadpad ang mata niya sa peklat ko.
“Boss may peklat,” bulong niya na rinig ko naman. Tinitigan ko siya, may dumi rin naman siya sa mukha pero hindi ko ‘yon pinansin. Nilalait ata ko nito ah, “Scar face.” Dagdag niya.
Nang marinig nito ang sinabi ng tuta niya, agad siyang napatitig sa akin. Nanlalaki ang mata niya habang sinusuri ako mula ulo hanggang paa.
“Hindi siya ‘yon, hindi siya lalampa-lampayatot,” aniya at tiningnan ako ng may panunuya bago tumalikod at paika-ikang lumakad.
Anong sabi niya… sinong lampa?
“Hoy, bansot!” sigaw ko nang kumalas ang sunod-sunuran niya sa pagkakahawak sa akin at sumunod sa kan’ya pabalik ng sasakyan. Agad akong napaatras nang makita na may resbak pa pala silang van sa likod. Huminto sila ngunit ang amo nila ay nakapasok na sa loob. Tumawa yung may kakat’wang bigote na nanuntok sa akin at sumenyas sa mga kasama.
Napaatras ako nang may mga bitbit na silang pamalo. Sabi ko yung bansot lang, ba’t kasali pati malalaking katawan.
“Pasalamat kayo may ide-deliver ako.” Dinuro ko sila bago ko damputin ang motor. Paglingon ko ulit, patakbo na sila sa direksyon ko.
“Huwag niyong patatakasin ‘yang kwek-kwek na ‘yan!” sigaw no’ng may bigote na sa palagay ko’y kanang kamay ng Boss nila.
Kwek-kwek?
Bago ako makapalagpas sa kanila, sumigaw muna ko, “Yung bigote mo mukhang nginuya ng baka!” at saka bilis-bilis na humarurot. Hindi na ako aabot sa oras ng delivery kung makikipag basag-ulo pa ako sa mga ‘to. Kung hindi ko maibibigay ang parcel bago lumagpas sa oras ng duty ko, lahat ng ginawa ko ngayon ay mababalewala at wala akong makukuhang sweldo.
Halata rin sa kanila na dumadayo lang sila rito. Hindi uso rito ang pamalo kung kasali ka sa isang gang, wala na silang usap-usap makikita mo na lang na butas o may bawas na ang katawan mo. Nalilito ang karamihan sa kaibahan ng barumbado at organisasyon na nagpapatakbo ng ilegal na negosyo. Kapag barumbado, kadalasan nakikita sa kanto at mahilig sa gulo pati sa pangungursunada ng inosenteng tao samantalang ang mga gangster dito, money maker at mga carino-brutal. Maski kami na batang lansangan at mga basag-ulo dati ay iniiwasan sila.
Sumulyap ako sandali sa relo, ilang minuto ang nasayang ko. Kailangan na ito maibigay bago mag hating-gabi dahil mas dadami ang checkpoint. Kinapa ko iyong likod ko, may tama ako sa balakang dahil sa pagtilapon ko kanina. Sana ay hindi pa durog ang kung ano man ang laman ng parcel. Kung hindi, lagot ako.
Lumiko ako sa kanto upang saglit na sumulyap kung may nakasunod sa likuran bago ako dumire-diretso sa street papuntang Phantasia Club. Hindi na ako nagtataka kung bakit bukas pa ang mga club dito, ipapasara ba nila ang mga negosyo rito kung ito ang pinaka-kumikita sa buong Montgomery?
Puno ng iba’t-ibang klase ng usok ang daan, may mga nagkalat din na basag na bote at mga pagewang-gewang na lasing sa alak at lango sa iba’t-ibang tableta.
Sa dulo ng mahabang street na ito nakatayo ang pinakamalaking club sa lugar. Mas maraming ilaw ito kumpara sa nadaanan ko. Dito naglalagi ang mga mayayaman at importanteng tao ng Montgomery kasama na ro’n ang mga gang leader at mga korap na opisyal.
Tinigil ako nang nakabihis na gwardiya at tiningnan ako mulo ulo hanggang paa. Iniangat ko ang kamay ko sapat para makita niya ang singsing na magsisilbing tiket ko para makapasok. Bahagya siyang lumayo sa akin at may ibinulong sa teleponong hawak-hawak niya. Ilang minuto itong nakinig pagkatapos ay sumenyas na pumasok na ako. Ngunit bago ako makatapak sa pulang carpet ng entrance ay pinigil ako ng isa pang gwardiya.
“You can enter through that door,” aniya at itinuro ang maliit na pinto na may nakasulat na emergency exit. Tumingin siya sa sapatos ko at halata sa mukha niya ang pandidiri sa mga putik na nakadikit dito.
Tumungo ako sa pinto at nakita ang mahaba at paikot-ikot na hagdan. Huminto ako sa unang baitang dahil may biglang kumirot sa likod ko.
Nang makaabot ako sa ika-unang palapag, narinig ko na ang ingay ng club. Pinihit ko ang doorknob at dumungaw sa kaunting siwang. Hindi ko nakita ang dance floor kundi ang mahaba at makipot na hallway. Inilabas ko ang ulo ko para makita ng maigi ang club ng mga mayayaman. Sa dulo nito may bukas na kwarto na gawa sa purong salamin. May mga salaming upuan sa gilid nito at makikita mula rito ang mga patay-sinding ilaw at mga usok. Nakarinig ako ng yabag mula sa taas ng hagdan kaya bilis-bilis kong isinarado ang pinto at lumapit sa hagdan.
Napatayo ako ng ayos nang makita ko ang tatlong lalaki, ang dalawa ay hatak-hatak ang isa, walang malay at mukhang bugbog sarado. Lumingon sa akin ang isa kaya umiwas ako ng tingin.
“Tinitingin-tingin mo?” aniya at pinandilatan ako ng mata.
“Huwag mo na patulan, linisin na natin ‘to bago pa tayo hanapin ni Kismet,” sita ng kasama niya.
Sumulyap ako sa hatak nilang lalaki, nakalingon na ‘to sa akin habang gumagalaw ang bibig, “help me.” Nakapikit ang isang mata nito, dahil siguro sa bugbog pati damit nito na mukhang branded ay wasak-wasak. Katulad ko, nakasuot din siya ng relo na may parehas na disenyo. Tumingin ako sa ibang direksyon. Hindi ko naman business, ba’t ako mangingialam? sakit lang sa katawan matatamo ko.
Tumuloy na ako sa pag-akyat hanggang sa makarating ako ng ika-apat na palapag. Huminto ako saglit at humawak sa railings habang hinahabol ang hininga. Naramdaman ko rin ang panunuyo ng lalamunan ko. Kung sana sa elevator ako dumaan, kanina pa tapos ang trabaho ko.
Bubuksan ko na sana ang pinto nang may magbukas nito mula sa kabila. Dumungaw ang isang lalaki na may tattoo ang buong leeg at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
“Delivery?” tanong niya at tuluyang lumabas at lumapit sa akin. Tumango ako at ipinakita sa kan’ya ang singsing na suot ko, “pasok.” Sumenyas siya at itinuro ang pinto na nasa tapat.
May limang nakabantay sa gilid nito, ang isa ay kinapkapan ako habang ang isa ay itinapat ang card na may disenyong katulad sa P ng Phantasia sa labas. Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang lalaki na nakaupo sa magarang sofa, sa harapan niya ay nakalatag ang iba’t-ibang alak, at katabi niya ang tatlong babae, ang isa ay natutulog sa kan’yang hita at ang dalawa ay nakasandal at mukhang lango. Nag-angat siya ng tingin at saka tumayo. Muntik na mahulog ang babae, umupo ito ng ayos at sumandal sa isa pa.
“Iyan na ba yung parcel?” Tingnan niya ako at ang singsing sa daliri ko. Lumapit siya at inilahad ang kamay. “Give it to me,” magkasing-tangkad lang kami kaya kitang-kita ko ang mukha niya na para bang nanunuya. Manipis ang pisngi at paangat ang gilid ng mata niya ngunit ito ay nanlalalim. Nakalugay ang hanggang panga niyang blonde na buhok. Kung ihahalintulad ito, may hawig siya sa soro.
Kinalas ko ang tali sa tagiliran at kinuha ang kahon. Iniabot ko sa kan’ya ito at agad siyang tumalikod. Lalapit sana ako upang singilin ang delivery fee nang pigilan ako ng kalbong gwardiya niya. Umupo siya muli at itinabi ang kahon pagkatapos ay nagsalin ng alak sa kupita. Sumandal siya habang umiinom at ipinatong ang paa sa lamesita.
“Bago ang bayad, may iuutos muna ko para sulit,” aniya at saka sumenyas at hinampas ang hita ng katabi niyang babae. Kumunot ng tuluyan ang noo ko nang i-itsa niya sa akin ang pera na pambili at muling sumenyas na para bang aso ako na tinataboy. Dahil huling delivery ko na ito, hinabaan ko na yung pasensya ko. Kinuha ko sa sahig ang salapi ats aka tumingin sa kan’ya, siya naman ay nangingiti at muling uminom ng alak.
“Strawberry, ayoko ng iba!” pahabol niya. Umalis ako ng nakakiyom ang kamao. Pasalamat ko at kliyente kita.
Pagkaangkas ko sa motor, pinaharurot ko agad at tumungo sa pinakamalapit na convenience store na nadaanan ko. Alas diyes y media na, ang usual delivery hours namin ay hanggang alas diyes lang dahil labasan na ng manunulot sa daan.
Lumalakas na rin ulit ang ulan kaya huminto ako sa maliit na store. Sarado ang salaming pinto nito ngunit walang closed sign. Lumapit ako at sinilip ang loob nito, nagtitinda rin sila ng sadya ko.
Napaigtad ako ng bahagya nang kumidlat at mapansin na may nakatayo sa gilid ng building. Nang makita niya na nakatingin ako sa direksyon niya ay agad itong lumakad palayo. Lumingon ako sa loob ng store upang i-check kung may tao na. Bumukas ang pinto sa loob nito at lumabas mula rito si Ynah.
Akala ko ay iba ang naka-duty ngayong gabi.

Bình Luận Sách (26)

  • avatar
    BuenaflorAiyana Gail

    niceeeeeee oneeeeeeeee I likeeeeee ittttt

    27/07

      0
  • avatar
    ArcaDhan Jester

    100

    03/06

      0
  • avatar
    Hannah Miley Casco

    amazing incredible

    27/01

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất