logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 11 Part I: The North Borders

Juan Lallana
January 14, 2017
Hinigpitan niya ang hawak sa kuwelyo ko kaya mas ginitgit ko siya sa bakod ng eskwelahan. Mas matangkad siya sa akin ngunit parehas lang kaming payat. Mas lumakas ang hiyawan nang tadyakan niya ako sa tiyan na agad nakapagpaluhod sa akin. Namilipit ako sandali ngunit tumayo ako dahil hindi pa tapos ang sparring namin.
“Primo! Primo!” rinig kong sigaw na mas nangingibabaw sa kumpulan ng mga ka-eskwela namin. “Tapusin mo na ‘yan, Primo!”
Dahil sa narinig ko ay agad akong sumugod at hinawakan siya sa tiyan dahilan para mapatihaya siya sa lupa. Hindi pa man siya nakakabawi sa pag-untog ng likod, sinundan ko na agad ito ng mga suntok. Pumalag siya at muntik na akong bumaliktad ngunit kumapit ako sa kan’ya at inuntog ko ang noo ko sa kan’ya. Tumama ito sa ilong niya at napahinto kami nang mayroong tumulong dugo.
“Buwag!”
Sa narinig naming ‘yon ay agad akong kumalas sa kan’ya. Umupo siya sa lupa habang nakatakip ang mga kamay sa ilong. Hinatak siya patayo ng ka-frat niya habang ako naman ay nagkandakumahog sa pag-akyat sa bakod palabas ng eskwelahan. Dumausdos pa ako nang hawakan ng isa ang kwelyo ko. Natanggal ang butones ko at nalaglag ang panyo kong tridal. Hindi na ako tumingin kung saan napunta, basta dapat ay makaalis na agad ako rito at hindi mahuli ng guard.
Bago ako tuluyang makababa, narinig ko pa ang pito nito papunta sa direksyon namin. Napalingon ako sa gilid ko nang tulad ko ay paamba na rin siyang tatalon. Muling pumito ang guard kaya sabay kaming napalundag. Nagsukatan kami ng tingin bago tumakbo sa magkabilang direksyon.
Hindi pa man tapos ang laban, nang magkita kami ulit ay wala na silang sinabi para sa re-match. Hindi na rin ako kinulit ng founder nila para sumali sa fraternity nila at hindi na ako pinansin ni Primo. Akala ko ay tapos na ang pagku-krus namin ng landas, ngunit sa pangalawang beses, ako na ang nasangkot sa gulong ginawa niya.
Taga Cadaviar si Primo ngunit dumadayo siya sa Montgomery lalo na sa Ilaya na kuta ng grupo niya. Sikat sila rito dahil lagi silang nasasangkot sa away at lagi silang namemerwisyo sa iba’t ibang tindahan.
Ilang buwan na nila akong pinipilit sumali sa kanila ngunit ayaw ko dahil tiyak na malalaman ito nila Kuya Gideon at baka palayasin ako ni Mang Resty sa kanila. Buti na lang at hindi nila nalaman ‘yong nakaraang gulo sa eskwelahan ko dahil sira ang CCTV at walang may gustong umamin.
Ayos na sana kaso may isa akong kaklase na itinuro ako. Si Mari Kei na presidente ng seksyon namin. Halos lahat ng kaklase namin, lalo na ang mga lalaki, ay galit sa kan’ya dahil daw wala itong pakisama at tingin niya sa sarili niya ay laging nasa tama.
Dahil sa ginawa niya, pinauwi ako ng teacher namin para papuntahin ang guardian ko. Hindi ako dumiretso sa bahay no’n at nanatili lang sa computer shop sa likod ng eskwelahan. Nang mag-uuwian na, tsaka ako lumabas kaso may humatak sa tridal ko na panyo na nakalagay sa leeg ko. Nang lumingon ako ay nakita ko si Mari Kei.
“Ka-group kita sa Physical Ed,” aniya.
Binawi ko ang panyo ko sa kamay niya at tumalikod.
“May practice bukas!” habol niya.
Akala ko ay umalis na rin siya ngunit nang mapatingin ako sa likuran ko ay nakasunod siya sa akin. “Bakit ba?”
Tumingin siya sa akin at inismidan ako pagkatapos ay naunang lumakad. Pumasok siya sa gate sa kaharap naming bahay at padabog na isinara ito. Taga Ilaya pala siya.
“Tingnan mo nga naman, oh!” Napatingin ako sa biglang sumulpot sa gilid ng poste. Si Esteban, ‘yong founder nila Primo. “Mukhang may chicks ka d’yan, ah?” aniya pa sabay turo ng nguso sa bahay nila Mari Kei.
Sinamaan ko siya ng tingin at lumapit. “Ano’ng kailangan mo?”
Umiling siya at ngumisi. Siniko niya ‘yong naka-squat sa tabi niya, agad naman itong natumba. “Yes, founder!” aniya at tumayo ng tuwid. May mga galos ito sa braso at mukha at sa tingin ko ay hindi ito taga rito. Ngayon ko lang nakita at tiyak ako ro’n dahil madaling tandaan ang mukha niyang parang nahahawig sa soro. Mas payat siya sa akin ngunit mas matangkad siya sa akin at kay Esteban.
“Tingnan mo ‘tong bagong bata ko,” aniya at umakbay dito. “Wala ka nang slot, ha? Wala nang ba-back up sa’yo kapag may gusot.”
“Hindi ko kailangan ng back up niyo,” paglilinaw ko at nilagpasan na sila.
Nang mapaliko ako sa talipapa, nasalubong ko si Primo habang tumatakbo. Nabangga niya ako dahilan para mapasalampak kaming dalawa sa mamasa-masang sahig. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa hawak niya kanina pagkatapos ay tumakbo ulit nang hindi pinupulot ito. Nang tingnan ko ay napaatras ako dahil sa nakakalat na mga gamit.
“Snatcher!”
Tumakbo papunta sa akin ang mga tanod, hinila nila ako patayo habang hinahatak naman ang damit ko ng Ale.
“Hindi ako ‘yon!” depensa ko ngunit hindi nila ako pinakinggan at agad na sinakay sa mobile.
Dahil menor de edad, hindi ako ikinulong at dinala lang sa isang pasilidad. Dalawang araw na ako roon at dahil hindi naman si Manong Resty ang legal guardian ko ay hindi pa ako p’wedeng ilabas. Sa pangatlong araw habang naghuhugas ako ng plato, nakita ko sa bintana si Primo. Bagong pasok ito at may bit-bit pa’ng bag. Nahuli rin siya sa parehas na dahilan. Ang pagkakaiba namin, hindi ako gumawa no’n.
Ilang araw akong umiwas sa kan’ya dahil ayaw ko na ulit masangkot sa gulo. Gusto ko na rin makalabas dahil ang tabang ng pagkain dito, mas gusto ko ang luto ni Mang Resty sa kainan niya.
Nang dumating ang sabado, pinapila kami papunta sa hall at binigyan kami ng mangkok. Labing-apat na ako ngunit hindi ako pinayagan hindi kumuha. Sana lang ay may lasa na.
“Good morning! Paki-lapit po ang mangkok,” Napaangat agad ang tingin ko nang marinig ang pamilyar na boses. Si Ate Ophelia na nagbibigay sa akin dati ng soup sa feeding program ng Montgomery Church. Mas nanlaki ang mata ko nang makita ko sa tabi niya si Mari Kei habang naglalagay ng nakabalot na tinapay.
“Oh?” Tulad ko ay nagulat din sila nang umabante ako.
“Napuntahan ka na nila Mac at Mang Resty?” bungad sa akin ni Ate Ophelia. Tumango ako at yumuko. Ramdam ko na nakatitig si Mari Kei sa mukha ko kaya iniiwas ko ito.
“Lallana,” mahinang tawag niya ngunit ‘di ko na pinansin. Umalis na ako sa pila ngunit bumalik din ang tingin ko nang magsalita si Ate Ophelia.
“Primo?”
Nakayuko rin ito at nakaangat ang mangkok.
Dalawang linggo akong namalagi ro’n at tuwing Miyerkules at Sabado ay mayroong ginaganap na pagtitipon at sharing na iniiwasan naming dalawa ni Primo. Upang hindi mapasama, nagvolunteer kami para magbigay ng meryenda at mag-asikaso ng mga pagkain. Dahil din lagi kaming pinagsasama ni Ate Ophelia sa mga gagawin, napilitan kaming dalawa na mag-usap nang walang halong suntukan.
*****
Thirty two hours before the
January 14 Tuesday, 3:00 P.M.
“Montgomery Church. Flash drive.”
Nang makita ko ang text ni Primo, agad akong humarurot papunta sa simbahan. Sa totoo lang ay hindi ko maintindihan ang sinasabi niya kaninang madaling araw dahil kasagsagan na nang mahimbing ko na tulog no’n. Ang natandaan ko lang ay binanggit niya si Ate Ophelia. Pagkatapos no’n ay nakatulog ulit ako at kanina, nabalitaan ko na lang ang nangyari sa Abris Bridge.
Ngayon naman ay bigla siyang nagtext nang ganito at nagsend siya sa mutual chat ng Muts ng screenshot. Wala akong maintindihan pero kilala ko kung saan galing ‘yong laman ng pictures. Kay Ate Ophelia.

Bình Luận Sách (26)

  • avatar
    BuenaflorAiyana Gail

    niceeeeeee oneeeeeeeee I likeeeeee ittttt

    27/07

      0
  • avatar
    ArcaDhan Jester

    100

    03/06

      0
  • avatar
    Hannah Miley Casco

    amazing incredible

    27/01

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất