logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

10 /Okay/

Nakayuko ako sa manibela at saka umiyak. Akala ko ba okay na ako? Pero bakit hanggang ngayon, sa tuwing naaalala ko ang nangyari sa nakaraan ay ang sakit-sakit pa rin. Ano bang nagawa ko? Bakit parang kahit anong pilit kong pag-usad sa buhay ay pakiramdam ko, kahit isang metrong layo ay di ko naabot.
Ang sakit...ang sakit-sakit nung ginawa niyo. Sa tuwing naaalala ko ang mga pagmumukha nung mga taong nang abuso sa akin, emotional man o physical ay parang gusto kong...ewan. Basta gusto ko lang sigurong makaganti.
Pero paano? Ang hina pa nga ng puso ko. Madali pa rin akong naiiyak dahil sa nakakapanghina lahat kahit isipin ko lang ang mga nangyari noon.
Ang sakit lang, kasi buong akala ko malakas na ako ulit. Kaya ko ng pangunahan ang emosyon ko. Nakakapagpatuloy na ako sa buhay pero...hindi!
Na realize kong takot lang talaga akong mapag-iwanan kasi halos lahat ng nakikita ko sa paligid ko ay may maayos na na buhay. Tapos ako ang gulo-gulo.
Sirang-sira dahil sa sariling katangahan at kabobohan. Dahil sa takot na iyon, ay hindi ako nakausad, hindi ako nakapagpatuloy sa buhay.
I'm still stuck in the place where I wanted to go out but I couldn't. Kasi imbes na labanan ay itinago ko iyon, ngayon sa tuwing may mga taong sinusubukang maghukay ng mga pighati at kalungkutan ko sa nakaraan ay di ko kayang harapin. Kasi mahina pa rin ako eh. Mas nananaig parin ang takot at sakit na naranasan ko noon.
Napahagulhol ako sa iyak.
Please someone...save me. Please save me from this sadness. Gusto ko lang namang sumaya, I just want to be love by someone. I just want to feel happy and secured by someone. I couldn't help but pity my self.
But it's okay, I know I'll be over this somehow. I can manage my self. Just like how I told Manuelito that I can wipe my own tears. Just like how I told Laila that I can manage the business my self. Just like how I told my friends, that I'm okay and will be okay.
Thinking about those, I fixed my self. Inilagay ko ang strands ng buhok sa tenga ko at pinahiran ang luhang pilit na lumalabas sa mata ko. Bumuntong hininga ako at napatingin sa salamin ng sasakyan. I smiled at my self and said my comfort words.
“You'll find your own path soon. It's okay, you'll be okay.”
I sighed the last melancholic breath and pull over the car. Habang nag mamaneho ako sa gitna ng ma traffic na daan ay biglang kumidlat kasunod naman nito ay ang malakas na pag kulog. Bumuhos ang malakas na ulan dahilan upang tumingin ako sa kalangitan. Napangiti ako ng kaunti, 'di ko tuloy maiwasan ang mag-isip na nakikiramay ang langit sa aking kalungkutan.
Ni minsan hindi ko naisip ang ulan bilang isa sa mga rason na nakapagbibigay sa akin ng kariwasaan. Especially for those times that I am on my lowest. Pero ngayon, every drop of the rain...the every sound of each raindrops gives solace to my soul that eases my mind and heart. Hindi ko alam na makaka diskubre pala ako ng isang bagay tungkol sa aking sarili.
Baka sobrang focus lang talaga ako sa mga bagay na nakakapag-palimot sa akin ng lungkot, na hindi ko na nagagawa ang mga bagay na totoong kagustuhan ng sarili ko. Baka masyado lang talaga akong nakatutok kung paano makatayong muli na nakalimutan ko na ang maging isang responsableng tao. Dahil sa kagustuhan kong umusad ay nakalimutan ko ang sarili ko. Nakalimutan ko na may mas importante akong aayusin at pag-tutuunan ng pansin upang tuluyang makausad sa buhay. At 'yon ay ang pag-alaga at pagmahal muna sa sarili.
Akala ko kasi naalagaan ko siya ng maayos pero di pa pala. Kulang pa pala 'yon. Nung mga oras na pinagsabihan ako ni Veronica, na realize ko na hindi pa rin talaga ako handang iwan ang mga pangyayari noon sa buhay ko. Hindi ko pa kayang iwan sa nakaraan ang hinagpis, galit at lungkot na nadarama ko noon. Ang pagsisisi...lahat. Lahat ng mga katangahan ko, di ko pa kayang tanggapin at iwan sa nakaraan lahat ng nangyari noon.
Kaya kulang pa ang alagang naibigay ko sa sarili ko. Kasi hanggat patuloy pa rin akong naaapektuhan at 'di kayang tanggapin ang mga pangyayari noon ay 'di pa rin ako malakas. Hindi ko pa rin tuluyang naalagaan ng maayos ang sarili ko. Kaya kung gusto kong umusad sa buhay, ay magsisimula muna ako sa sarili.
Mahirap, oo alam ko, pero kakayanin ko.
Ibinaba ko ang bintana ng sasakyan at bahagyang inilabas ang palad upang maramdaman ko ang pag buhos ng ulan. Dahil sa sobrang lakas nito, malakas din ang pagbagsak nito sa aking palad. Napangiwi ako sa sakit. Kahit maliliit na bagay, pag pinagsama-sama, masakit pa rin.
Isinarado ko nalang iyon at pinaharurot ang kotse papunta ng subdivision ko. Pagdating ko ng subdivision ay gabi na. I only boiled one egg for dinner. Marami rin naman akong nakain sa kasal. Nag timpla rin ako ng gatas upang mas makatulog ako ng mabilis. Matapos kong kumain at ininom ang gatas ay hinugasan ko ang pinag gamitan ko ng pagkain at saka nag sipilyo. Bago ako umakyat sa taas ay nag double check muna ako ng security system. Since I installed a system that automatically locks all the doors and windows, even the smallest window in my comfort room, isang click lang, with the support of my passcode and fingerprint ay na lock ko na lahat. If someone will forcefully break a door or window, my security system will automatically sends warnings to the security room of the subdivision. Maarte na kung maarte, I just want to be safe.
Kumuha muna ako ng baso at nagsalin ng tubig upang inumin iyon. Nagkuha rin ako ng bagong tubig at platito upang maging takip ko sa baso dahil dadalhin ko ito sa taas at ilalagay sa ibabaw nung maliit kong drawer. Dahil madali akong nauuhaw pag natutulog, ang hirap ng bumaba kapag ganoon. Minsan nga kapag nakalimutan ko ang daily routine ko at nakalimutan ko magdala ng tubig sa taas, sa oras na nuuhaw ako sa kalagitnaan ng gabi ay bumababa ako kahit inaantok pa ako. Sa pagbaba at pag-akyat ko sa hagdan ay nagigising na ang diwa ko. Kaya sa tuwing babalik na ako ng kama upang matulog ay nakadilat pa rin ang mata ko hanggang sa mag alas syete nalang ng umaga.
Nahihirapan talaga akong matulog. I even suffered insomnia before pero ngayon mukhang okay na kesa noong mga panahong hindi talaga ako makakatulog na kailangan ko pang bumisita ng therapist. Good thing I finally beat it...a little. But it's okay.
Sa pag-akyat ko sa taas, dala-dala ang tubig ay biglang nag vibrate ang phone ko. Inilagay ko muna sa ibabaw ng drawer ang baso at tinakpan ito. Lumundag ako sa kama at nag open ng phone upang basahin ang nag notify sa akin. Sa gmail, it's Eleanor. She sends me the all access lucky ticket. Online lang naman pala ang ticket, you just need to sign up and get the qr code for you to access. But since I am certain to not go that resort, I gave up the ticket. As I cancel it, nag warning siya na kailangan ko daw magbayad so I can fully cancel and invalidate my ticket. Sa walang pag-alinlangan ay nag bayad ako through online banking. Kahit labag sa kalooban kong magbayad gamit ang name ko ay wala akong magawa. Pagkatapos kong mag bayad ay nag surf muna ako ng internet. Kinuha ko rin ang glasses ko for anti-radiation dahil baka matagalan ako sa pag harap sa phone. Nag check muna ako ng mails at page namin sa fb upang makita kung may mga orders ako. Since the pending orders ay matagal pa naman, nag close muna ako ng shop. I posted through all my social media groups and pages na temporarily close muna ako.
Nag sabi kasi sa akin si Nica na pumunta daw kaming Siargao for a vacation. Since my schedule is not that hectic, ay nag go ako. I texted Nica about my plan, she seems so happy to know na makakasama ako. Because of excitement, she said mag s-shopping daw kami tomorrow for our beach clothes and swim wear. Dahil na clear ko naman schedule ko, so I said yes.
I saw Laila texted me regarding sa temporary close ko. She's worried. Nagtanong siya kung may problema ba daw, nagtanong rin siya kung madami ba daw orders at di ko kayang i-cater ang lahat ng nun. I just chuckled to her messages. I smiled a bit, I miss her. After all, siya lang naman talaga kasama ko sa kusina. Sa pag b-bake ng cake. Siya lang ang nakakasama ko sa pagtawa, inis at frustration sa tuwing failed ang pag bake namin ng cake at pag-gawa ng flavored fondant at icing. I just told her na magbabakasyon kami sa Siargao for a couple of days or weeks. Buti naman di na niya kinulit pang magtanong kung totoo ba talaga ang pinagsasabi ko. I even told her na sayang kasi wala siya. Sabi niya naman babawi nalang daw siye next time. Naiinitindihan ko naman siya, mas importante si Nanay Tes.
Nag out nalang ako ng social media accounts at inilagay ang cellphone ko sa ibabaw nung maliit na cabinet ko na kasing tangkad lang ng kama ko. It's just a small cabinet na good for small things like books, phone, water and my small lamp. Hinubad ko na rin ang glasses kong anti-rad at saka ibinalik ito sa lagayan niya. Katabi nung lampshade ko na hugis crescent moon. Humiga na rin ako ng maayos at ipinikit ang mga mata. Nakangiti akong nakapikit because I always feels like it lessens my weighted feelings na hanggang ngayon ay dala pa rin ng puso ko.

Bình Luận Sách (79)

  • avatar
    Kath Solasta

    it was so gooooddddd

    19/01

      0
  • avatar
    Airish Joy Monsales Rafael

    gandaa

    06/12

      0
  • avatar
    Dhale Balcorta

    nice

    04/05/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất