logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Ang Alalay Kong CEO (Chapter 4)

Nang matapos ang tawag ay inilagay na niya ang cellphone sa bulsa. Sumandal siya sa haligi at tiningnan ang malakas na ulan sa labas. Hanggang sa biglang kumulog ng malakas. Nanlaki ang mga mata at tiningnan niya dalaga. Nakapikit ito at nanginginig ang katawan dahil sa matinding takot. Kaagad siyang tumayo at nilapitan ang dalaga.
"Ayos ka lang?" nag-aalala niyang tanong.
Tumingin ito sa kaniya at kitang-kita sa mukha nito ang takot. Kaagad niyang niyakap ang dalaga para kahit papaano mawala ang takot nito. Nag-sumiksik ito sa kaniyang katawan.
"Natatakot ako, Rafael," nanginginig nitong sabi.
Mas lalo niyang itong niyakap. Hindi niya akalain na mayayakap niya si Angelina. Ganito pala ang pakiramdam kapag yakap mo ang taong mahal mo. Masarap sa pakiramdam. Ganoon ang posisyon nila sa loob ng ilang minuto hanggang sa tumila ang ulan.
"Rafael, Ange!" ang sigaw na iyon ni donya Divina ang naging dahilan para lumayo sa kaniya si Angelina.
"Salamat," sabi ng dalaga habang nakayuko.
Magsasalita na sana siya ng marinig muli ang pagtawag ng kanilang pangalan ni Donya Divina kaya agad siyang tumayo at lumabas ng kubo. Nakita niya si Donya Divina kasama si Mang Nicanor at ang katulong na pinapayungan si Donya Divina.
"Narito po si Angelina, ma'am," sagot ni Rafael saka sinulyapan si Angelina na ngayon ay matamang nakatingin sa kaniya. Ngumiti naman siya sa dalaga. Kaagad na nag-iwas ng tingin si Angelina saka tumayo.
"Anak!" sigaw ni Donya Divina mula sa labas. Kaagad na lumabas ng kubo si Angelina.
"Okay ka lang? 'Di ba takot ka sa kidlat?" nag-aalalang tanong ni Donya Divina sa anak. Napakagat-labi si Angelina saka napatingin kay Rafael.
"Ayos lang po ako," tipid nitong sagot. Tiningnan siya ng ginang.
"Tara na. Gumagabi na. Kailangan mo na makauwi at baka umulan na naman mamaya," sabi nito.
Agad siyang bumaba sa kubo at sabay-sabay silang nagtungo sa pajero. Naglakad lamang kasi sila ni Angelina patungo sa gulayan dahil gusto ng dalaga na maglakad-lakad.
Nagising si Angelina sa pakiramdam na parang may pumipisil sa pisngi niya. Agad siyang nagmulat ng mga mata at nakita si Katrina na siyang may gawa niyon. Nakadagan ito sa kaniya habang pinipisil ang pisngi niya.
"Wake up, ate!" Bigla siyang bumangon at binigyan ng masamang tingin si Katrina.
"Kailangan talagang gisingin ako? Pwede mo naman akong hintayin na magising 'di ba?" galit niyang sabi rito. Natawa lamang si Katrina sa kaniya saka siya niyakap.
"Na-miss lang naman kita," paglalambing nito.
Huminga siya ng malalim. Isang yakap lang talaga nito ay lumalambot na ang puso niya. Nang maghiwalay sila mula sa pagkakayakap ay niyaya niya na itong kumain ng agahan. Hindi pa pala ito kumain at talagang dito nito gustong makasama mag-agahan.
"Dito pa rin po ba nagtratrabaho si Kuya Rafael?" magiliw na tanong ni Katrina habang sila ay nasa hapag-kainan kasama ng kaniyang ina.
"Oo naman. Dito pa rin siya nagtratrabaho," tugon naman ng kaniyang ina.
Napa-diin ang hawak niya sa kutsara dahil sa narinig. Si Katrina kasi ay vocal sa nararamdaman. Sasabihin nito sa isang tao kapag gusto nito. Tiningnan niya ang pinsan na ngayon ay may matamis na ngiti sa mga labi. Hindi siya papayag na mapalapit si Katrina kay Rafael. Ngayon pa na narito na siya. Hindi niya hahayaan na hindi siya mapansin ni Rafael. Pagkatapos mag-agahan ay napagkasunduan nila Katrina at Angelina na mamasyal sa hacienda. Linggo kasi at rest day ni Rafael.
"Sayang naman at rest day ni Kuya Rafael. Eh di sana nakita ko na siya," nakasimangot na sabi ni Katrina. Ngumiti siya sa pinsan.
"Bukas makikita mo siya. Narito naman siya bukas e," sambit niya.
Maski rin naman ay na-mi-miss niya ang binata. Nagpaalam si Katrina na uuwi muna para makapagbihis para sa pagpunta nila sa hacienda.
Maagang nagtungo si Rafael sa mansiyon ng Pamilya Alcantara. Ang gagawin naman niya ngayon ay bubunutin ang mga damo sa maluwang na bakuran ng mga ito. Maglilinis din siya ng mga sasakyan. Iyon na kasi ang trabaho niya kapag unang araw ng linggo.
Maganda ang sahod niya at talagang nakakapag-ipon. Kinakaltas na lang sa sahod niya ang bayad sa motorsiklo niya na si Donya Divina ang nagbayad. Pagdating doon ay agad niyang kinuha ang grass cutter sa bodega sa bandang kanan ng bakuran at nagsimula ng mag-damo.
Kaonti pa lang ang nagagawa niya ng makita ang isang mamahaling kotse na huminto sa harap ng gate. Tumayo siya saka nagtungo sa gate at binuksan iyon. Lumabas ang isang napakagandang ginang na pinagbuksan ng driver ng kotse. Hindi niya maiwasang humanga sa ganda nito na kahit may edad na ay halatang alaga ito sa katawan.
"Tawagan na lang kita kapag magpapasundo na ako," mahinhin ang pagkakasabi na iyon ng ginang sa personal driver nito.
"Sige po ma'am," tugon naman ng driver. pumasok na ito sa loob saka pinasibad iyon paalis. Humarap ang ginang sa kaniya. Ngumiti siya rito.
"Magandang umaga po," bati niya sa ginang. Gulat ang makikita sa ekspreksiyon nito.
Hindi lang gulat kundi recognition na para bang kilala siya nito. Ngunit nang mga sandaling iyon ay nakaramdam siya ng lukso ng dugo sa ginang. Magaan ang loob niya ng mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung bakit niya iyon nararamdaman.
"Ma'am?" tawag pansin niya rito ng hindi ito kumilos at nanatiling nakatitig lamang sa kaniya. Napa-kurap-kurap ito.
"Sorry, may kahawig ka lang kasi," pagdadahilan ng ginang. Tumango-tango lamang siya saka niluwangan ang pagka-kabukas ng gate.
"Pasok po kayo," paanyaya niya. Ngumiti ito ng matamis saka pumasok.
"Pwede mo ba ako samahan papunta sa loob ng mansiyon?" tanong ng ginang. Tumingin siya rito.
"Sure po," tugon niya.
Hindi niya alam kung na-mamalik-mata lamang siya pero nakita niya sa mukha nito ang pangungulila habang nakatitig sa kaniya pero dagli rin iyon nawala.

Bình Luận Sách (27)

  • avatar

    angas

    08/05

      0
  • avatar
    BienAnnalyn

    nice story 😊

    23/10

      0
  • avatar
    Angilyn Fermaran

    this story is good

    17/10

      1
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất