logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Ang Alalay Kong CEO (Chapter 3)

"Sige mabuti pa nga para mabilis tayong makakarating," anito at binuhay na ang motor nito. Medyo may kalayuan kasi ang burol. Sa dulo pa iyon. Siguro maglalakad na lang sila dahil sa bukid na iyon. Inalalayan siya nito sa pag-angkas. Nakaramdam siya ng kuryente ng mag-daiti ang kanilang balat.
"Kumapit kang mabuti," paalala nito sa kaniya na dagli nam,an niyang sinunod.
Nang pinaandar na nito ang motor ay napayakap siya sa binata. Napakagat-labi siya. Ganito pala ang pakiramdam kapag yakap mo ang lalaking nagugustuhan mo. Sa totoo lang umaasa siya na sana magustuhan siya nito.
Agad siyang bumaba sa motor ng binata ng marating nila ang bukirin na kung saan sa dulo niyon ay naroon ang burol at batis. Nang maayos na mai-park ni Rafael ang motor ay sabay silang naglakad patungo roon. Tanging huni ng ibon at hampas ng hangin sa mga malalagong sana ng puno ang maririnig. Walang sinuman sa kanilang dalawa ang nais bumasag sa katahimikan na namamayani. Hanggang sa may naalala siyang itanong.
"Pwede bang magtanong, Kuya Rafael," panimula niya ng usapan. Tumingin ito sa kaniya at muling itinuon ang tingin sa daan.
"Sige lang. Ano iyon?"
"Bakit hindi mo sabihin sa babaeng nagugustuhan mo na gusto mo siya? Di ba sabi mo magkaiba kayo ng estado sa buhay? Malay mo gusto ka rin pala niya. di ba?" tanong niya.
Hindi niya alam pero ng tinatanong niya iyon ay iniisip niya na sana siya ang babaeng tinutukoy nito. Sana siya na lang talaga. Napakaswerte ng babae.
"Hindi pa sa ngayon. Hindi pa ako handa," anito at nilapitan siya saka inakbayan na ikinatigil niya sa paglalakad. Hindi niya akalain na gagawin nito iyon. Napatingin siya rito at nahuling nakatingin ito sa kaniya. Ngumiti ito.
"Natatandaan mo ba noong nasa disi-sais ka pa lang? Ayaw na ayaw mong inaakbayan kita pero ngayon mukhang pwede na," anito. Oo, totoo ang sinabi nito. May crush na kasi siya rito noon at nahihiya siya dito pero ngayon hindi niya pwede pairalin ang hiya dahil gusto niyang magustuhan siya nito. Limang taon ang agwat ng edad nila. Bente uno na siya samantalang ito naman ay bente sais.
"Siguro noon nahihiya pa ako pero ngayon wala namang masama eh kung aakbayan mo'ko," aniya at nagsimula ng maglakad habang nakaakbay pa rin ito sa kaniya. Ganoon sila hanggang sa marating nila ang burol na paborito niya. Kaagad siyang umakyat roon.
"Dahan-dahan Angelina!" sigaw ni Rafael. Tinawanan lamang niya ito. Ipinikit ang mga mata at idinipa ang mga kamay saka nilanghap ang sariwang hangin. Na-miss niya ito.
Masaya si Rafael na makikita ang dalaga na masaya hanggang sa tanungin niya ang tungkol sa lalaking nagugustuhan nito at sasabihin niya na namiss niya ang dalaga. Hanggang sa nagpasya silang umuwi na dahil dalawang oras lamang ang paalam ng dalaga sa ina nito.
Tanghali, sabay-sabay na nananghalian sina Rafael, Angelina at Donya Divina. Tahimik lamang sila ng ilang minuto hanggang sa magsalita si Donya Divina. Nag-angat ng tingin ang donya saka tiningnan si Angelina.
"Anak, sa linggo na pala ang uwi ni Katrina. Sembreak nila at babalik din naman sa Maynila," sabi ni Donya Divina. Huminto sa pagkain si Angelina at tiningnan ang ina.
"Mabuti naman po kung ganoon ma," tugon naman ni Angelina.
Sa totoo lang, nakakaramdam siya ng takot at pangamba ng mga sandaling iyon dahil noong narito pa si Katrina ay inamin nito sa kaniya na crush nito si kay Rafael. Hindi nalang niya iyon pinag-ukulan ng pansin dahil bata pa naman noon si Katrina. Ipinagpatuloy na nila ang pagkain. Pagkatapos mananghalian, nagyaya si Angelina na mamasyal sa gulayan at mamitas ng mga kulay. Kaagad naman sumang-ayon si Rafael.
"Maganda si Katrina."
Hindi napigilang sabihin ni Angelina habang naglalakad sila patungo sa gulayan. Napatingin si Rafael sa dalaga. Napaisip ang binata kung ano ang gustong ipahiwatig ni Angelina sa sinabi nito.
"Oo maganda siya pero mas maganda ka Angelina," hindi niya napigilang sabihin sa dalaga. Humarap ito sa kaniya na hindi makapaniwala sa sinabi niya.
"Salamat," Iyon lang ang lumabas sa bibig ni Angelina dahil nakaramdam siya ng pagkailang dahil sa papuri sa kaniya ni Rafael. Ngumiti ang binata.
"Walang anuman. Tara na! Mamitas na tayo!" anyaya ni Rafael. Sabay silang nagtungo sa hilera ng talong at okra saka magkatulong na namitas.
Madilim na ang kalangitan ng matapos silang mamitas. Sobrang nag-enjoy sina Rafael at Angelina sa pamimitas ng gulay habang nagkukwentuhan na naging daan para mapalapit sila sa isa't-isa. Palabas na sila sa gulayan ng bumuhos ang ulan.
"Bumuhos na ang malakas na ulan!" sigaw ni Rafael saka tinanggal ang suot na jacket saka ibinalabal iyon sa dalaga. Itinuro ni Rafael ang kubo hindi kalayuan sa kinaroroonan nila.
"Doon muna tayo!" Tumango lamang si Angelina. Iginiya na niya ang dalaga patungo sa kubo at ng malapit na sila ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kaagad niyang pina-sampa sa kubo ang dalaga.
"Muntik na tayo maabutan ng malakas na ulan," bulalas ni Rafael. Napatingin siya sa dalaga. Ngumiti siya.
"Ayos ka lang?" tanong niya.
"Oo, ayos lang ako. Pasensiya ka na, dahil sa tagal kong mamitas naabutan tuloy tayo ng ulan," hinging-paumanhin ni Angelina.
"Ayos lang iyon. Ano ka ba. Siguro titila naman ito mamaya. Tawagan ko si Donya Divina para ipaalam na narito tayo," wika ni Rafael.
Inilabas nito ang cellphone sa bulsa saka idi-nial ang numero ng cellphone number ni Donya Divina. Medyo natagalan bago sinagot ng ginang ang tawag niya.
"Rafael! Asaan kayo?!" pag-aalala ang mahihimigan sa boses ng donya.
"Naabutan po kami ng ulan, ma'am. Narito po kami sa kubo. Palipasin lang po namin ang ulan bago kami uuwi," pagbibigay assurance niya sa donya. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng ginang.
"Mag-iingat kayo. Malakas pa man din ang ulan," payo ng donya sa kanila.
"Makakaasa po kayo,"

Bình Luận Sách (27)

  • avatar

    angas

    08/05

      0
  • avatar
    BienAnnalyn

    nice story 😊

    23/10

      0
  • avatar
    Angilyn Fermaran

    this story is good

    17/10

      1
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất