logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Ang Alalay Kong CEO (Chapter 2)

Mabuti naman kung ganoon. May boyfriend ka na ba?" tanong nito na nagpatigil sa kaniya. Tumikhim siya.
"Wala, kuya. Tinuon ko kasi ang panahon ko sa pag-aaral at wala po akong panahon makipag-nobyo noon dahil distraksiyon lamang po ang mga iyon," sagot niya sa tanong nito.
"Mabuti naman kung ganoon. Pero nakapagtapos ka na di ba? Kaya may karapatan ka ng makipag-nobyo," sambit nito. Hindi niya maiwasang mainis sa sinabi nito na para bang ipinag-tatabuyan siya nito na makipag-nobyo na.
"Mayroon kaso hindi naman niya ako gusto," matapat niyang sabi at tiningnan ito sa rear view mirror. Kitang-kita niya ang pag-talim ng mga nito. Ano kaya ibig sabihin non? Isinawalang-bahala na lamang niya iyon at itinuon ang pansin sa dinaraanan nila. Hanggang sa may naisip siyang itanong rito.
"Eh, ikaw kuya? May girlfriend ka na ba?" tanong niya.
"Wala, hinihintay ko iyong babaeng nagugustuhan ko pero mukhang malabo na magkagusto siya sa'kin dahil hindi kami parehas ng estado sa buhay," anito na mahihimigan ang sakit sa boses nito. Nasaktan siya sa sinabi nito. Sa isiping may nagugustuhan na itong iba. Bakit naman niya kasi itinanong iyon. Hindi na lang siya umimik at nanatili ang paningin sa labas hanggang sa makarating sila sa mansiyon.
Pagdating nila Rafael at Angelina sa mansiyon ay may inihanda ang mga katulong na pagsasalo-salohan. Ayaw sana ni Rafael pero mapilit si Angelina na makisalo siya. Maging ang mga katulong ay nakisalo na rin. Naroon si Donya Divina at ang kapatid nitong lalaki ni si Don Israel at ang asawa nito. Ang anak nilang na babae ay nasa Maynila at nag-aaral at ang anak nilang lalaki ay abala sa sa pag-aasikaso sa palayan. Hindi kasi iyon mahilig sa ganitong salo-salo. Namatay ang ama ni Angelina noong sampong taon gulang pa lamang ito dahil sa sakit sa puso.
Habang nasa hapag-kainan ay hindi niya maiwasang isipin ang naging usapan nila kanina ng dalaga. Sino kaya ang tinutukoy nito na nagugustuhan nito pero hindi ito gusto? Napaka-imposible naman iyon na hindi magustuhan ng lalaki ang dalaga. Napatingin siya sa dalaga at biglang lumakas ang tibok ng puso niya ng magtama ang kanilang mga mata. Bigla itong nagbaba ng tingin. Nahihiya ba ito sa kaniya?
"Rafael, kailan mo balak mag-asawa?" tanong sa kaniya ni Don Ramon. Si Don Ramon na ang katuwang ni Donya Divina sa pamamahala sa ekta-ektarya nilang lupa. Medyo may kalayuan ang bahay ni Don Ramon mula rito sa mansiyon. Napatingin siya ulit kay Angelina pero nasa plato nito ang atensiyon.
"Wala pa pong kasintahan, Don Ramon. May hinihintay po ako na mukhang malabo pong mangyari," tugon niya. Natawa si Don Ramon ganoon din asawa nito at ni DOnya Divina.
"Sino ba iyan at ng makilatis namin," anito na natatawa pa rin. Ngumiti na lamang siya at sinabing kapag nagustuhan siya ng babae ay malalaman agad ng mga ito. Hindi nila alam na si Angelina ang tinutukoy niya. Patapos na silang kumain ng magsalita si Donya Divina.
"Rafael, may isusuyo sana ako sa'yo," anito. Nagpunas muna siya ng kaniyang bibig bago nagsalita.
"Ano po iyon?" tanong niya.
Nakita niya sa gilid ng kaniyang mga mata ang pagsulyap sa kaniya ni Angelina. kapag talaga tinitingnan siya nito ay hindi niya maiwasang ma-concious sa sarili. Kung gwapo ba siya ng mga sandaling iyon.
"Dahil narito na si Angelina at bago siya magsimula sa pangangasiwa sa hacienda, nais kong ikaw ang maging driver niya kung saan man siya magpunta at higit sa lahat ikaw rin ang magiging bodyguard niya para nababantayan mo siya sa kung anuman ang ginagawa niya. Ayos lang ba iyon sa iyo?" mahinhing tanong ni Donya Divina. Nakita niyang natigilan si Angelina at napatingin sa kaniya. Nilingon niya ang dalaga.
"Wala pong problema sa'kin iyon, Donya Divina. Basta payag po si Angelina," aniya habang titig na titig sa dalaga. Napaka-ganda talaga neto at hindi nakakasawang titigan.
"Angelina, gusto mo ba?" tanong ni Donya Divina kaya napalingon ang dalaga rito.
"Opo, payag po ako," anito.
Hindi niya alam kung ano mararamdaman niya ng mga sandaling iyon dahil sa pagpayag ng dalaga. Pumayag ba ito dahil sa gusto siya nitong makasama? Kaagad niyang kinastigo ang sarili sa isiping iyon. Marahil pumayag ito bilang pagrespeto sa ina nito. Ayaw niyang umasa na may nararamdaman din ang dalaga sa kaniya.
Nang gabing iyon ay hindi nakatulog si Angelina dahil sa sayang nararamdaman. Sino ba naman ang hindi matutuwa kung makakasam mo ang crush mo di ba? Bukas balak niyang mamasyal sa paborito niyang pinapasyalan noong hindi pa siya nag-aral ng Kolehiyo sa Amerika. Ang burol sa dulo ng hacienda kung saan may ilog sa tabi niyon. Ngayon pa lang ay excited na siya. Sisiguraduhin niya na makakalimutan ni Rafael ang babaeng nagugustuhan nito.
Kinaumagahan, ay maagang nagising si Angelina para maghanda sa pagpunta sa burol. Agad siyang bumangon at nagtungo sa hapag-kainan. Nadatnan niya ang kaniyang ina na nagbabasa ng diyaryo habang humihigop ng mainit na kape. Niyakap niya ang ina.
"Good morning, ma!" bati niya rito.
"Good morning din, anak," ganting-bati ng kaniyang ina.
Naupo siya sa katapat nitong upuan. Ilang sandali lamang ay ipinaghanda siya ng makakain at kape. Kahapon kasi ay napag-usapan na nila ni Rafael ang oras na pagpunta nila sa burol. Kaya siguro mamaya ay narito na iyon.
"Mukhang excited ka sa pagpunta sa burol ah," komento ng kanyang ina.
"Opo, ma. Na-miss ko po ang burol at ang batis," sagot niya.
Pero ang totoo namiss niya si Rafael at gusto niyang bumuo ng ala-ala kasama ito para kung sakali man na dumating ang pagkakataon na magtatapat siya ng nararamdaman sa binata at malaman na hindi siya nito gusto ay mayroon siyang ala-ala kasama ito. masakit man isipin pero wal siyang magagawa. Hindi naman niya pwedeng ipilit ang sarili sa taong hindi siya gusto.
Pagkatapos kumain ay nagpaalam na siya sa kaniyang ina para maligo at magbihis. pagkatapos niyang maligo ay nagbihis na siya. Nasa harap siya ng salamin at sinusuklay ang hanggang beywang niyang buhok ng may marinig siyang ugong ng motor sa labas. Kumabog ng mabilis ang kaniyang puso dahil siguradong si Rafael na iyon. May sarili kasi itong motor. Siniguro niyang maganda siya bago lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan. Nadatnan niya si Rafael sa salas at kausap ang kaniyang ina.
"Oh, nariyan na pala si Angelina!" wika ng kaniyang ina. Napabaling ito sa kaniya. Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa at hindi nakaligtas sa kaniyang mga mata ang nakitang paghanga sa mga mata nito. Tumayo ito.
"Good morning, Senorita Angelina," bati nito sa kaniya.
Hindi niya maiwasang mainis dahil sa sinabi nito pero agad niyang isinantabi iyon dahil ayaw niyang masira ang araw niya. Wala namang masama sa sinabi nito dahil tanda iyon ng respeto. Masuyo siyang ngumiti rito.
"Magandang umaga rin," ganting bati niya. "So, tara?" anyaya niya. Lumingon ito sa kaniyang ina.
"Mauna na po kami," paalam nito. Ngumiti lamang ang kaniyang ina at nagsabing mag-iingat sila. Lumabas na sila ng bahay at akmang pupunta si Rafael sa kotse nang maalala niya ang motor nito. Tinawag niya ito.
"Kuya, Rafael!" aniya. Nahinto sa akmang pagbukas ng pintuan ng kotse ang kamay nito at lumingon sa kaniya.
"Bakit?" tanong nito.
"Pwede bang motor mo na lang ang gamitin natin?" pakisuyo niya.
"Pero Senyorita—" pinutol na niya ang iba pa nitong sasabihin.
"Angelina lang. Hindi mo na kailangan lagyan ng Senyorita, masyadong pormal," madiin niyang sabi. Tumango-tango ito. "At saka gusto ko rin umangkas sa motor mo kaya gusto ko iyan na lang ang gamitin natin," aniya sa masiglang tinig. Hindi lang iyon, mas mapapalapit siya sa binata. Ngumiti ito at tumango.

Bình Luận Sách (27)

  • avatar

    angas

    08/05

      0
  • avatar
    BienAnnalyn

    nice story 😊

    23/10

      0
  • avatar
    Angilyn Fermaran

    this story is good

    17/10

      1
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất