logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Collection Of One Shot 2

Collection Of One Shot 2

Leah Felix


Ang Alalay Kong CEO (Chapter 1)

Nililinis ni Rafael ang mamahaling kotse ng kaniyang amo ng umagang iyon. Araw-araw niya iyon ginagawa dahil siya ang personal driver ng mga ito. Kaysa naman ipa-linis pa nila iyon sa car wash boy ay siya nalang ang gumagawa. Pagkatapos sabunin ay kinuha niya ang faucet na nasa tabi at binanlawan iyon. Patapos na siya ng tawagin siya ni Donya Divina na nakatayo di-kalayuan sa kaniya.
"Rafael!" tawag nito. Lumingon siya.
"Bakit po?" magalang niyang tanong.
"Halika rito. May iuutos ako sa'yo," anito.
Inihinto niya ang ginagawa at lumapit sa ginang. Bata pa ito. Nasa edad kwarenta pa lamang ito. At hindi halatang nasa kwarenta na ito dahil alaga ito sa sarili. Itinigil niya ang ginagawa at lumapit sa ginang.
"Ano po iyon?" tanong ulit niya.
"Ngayon kasi uuwi si Señorita Angelina mo. Maaari mo ba siyang sunduin sa airport? Baka dalawang oras mula ngayon ay lalapag na ang eroplanong sinasakyan niya," masuyo nitong tanong na may ngiti sa mga labi.
Medyo malayo ang airport kaya kailangang gumugol ng ilang oras sa pagmamaneho. Hindi niya maiwasang makaramdam ng pagkasabik sa muli nilang pagkikita ng dalaga. Pagkatapos ng limang taong pag-aaral sa Amerika sa Kursong Business Management ay uuwi na ito. Unica hija kasi ito. Hindi niya maiwasang isipin kung ano na kaya itsura nito ngayon.
Marahil ay dalagang-dalaga na ito hindi gaya noon na nene palang. Biglang may tanong na sumagi sa isip niya. Paano kung may kasintahan na ito? Gusto niyang kitusan ang sarili. Bakit ba siya umaasa na magugustuhan siya ng dalaga? Eh, isa lamang siyang hamak na mamamayan at walang maipagmamalaki. Ngumiti siya sa ginang.
"Sige po. Magbibihis lang po ako," paalam niya.
Tumango ang ginang kaya pumasok na siya sa loob ng bahay at kinuha sa bag ang extrang damit na nasa sofa at nagpalit na ng damit. Ayaw naman niyang pakiharapan ang dalaga na hindi malinis ang kaniyang suot. Ganito ba talaga kapag first love?
Nasasabik kang makita siya at parang hindi mo alam ang gagawin mo kapag nagkita kayo? Huminga siya ng malalim saka tinapos na ang pagbibihis. Lumabas na siya ng mansiyon at nagpaalam sa ginang. Sumakay sa isa pa nilang kotse at pinasibad iyon patungo sa airport.
Sampung minuto ng naghihintay si Angelina sa waiting area sa kaniyang sundo na walang iba kundi si Rafael. Nagpadala ng mensahe kanina ang kaniyang ina na ito ang susundo sa kaniya. Hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba at excitement ng mga sandaling iyon dahil sa nakalipas na limang taon, muli magkikita na ulit sila ng crush niya, si Rafael. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang pusong kay bilis ng tibok.
"Senyorita, Angelina?"
Natigilan siya ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Maganda pa rin ang boses nito at kaysarap pakinggan sa pandinig. Makakalimutan ba niya ang boses na iyon na sobrang nanabik siyang marinig muli. Pumihit siya paharap at nakita si Rafael na nakatayo di-kalayuan sa kinatatayuan niya at ngayon ay nakatitig sa kaniya. Sinuyod niya rin ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Mas nadagdagan ang kagwapuhan nito sa paglipas ng mga taon. Mas gumanda rin ang hubog ng katawan nito. Namula ang pisngi niya ng hinagod siya nito mula ulo hanggang paa. Ngumiti ito.
"Ikaw nga, senyorita. Maligayang pagbabalik! Nasa labas na po ang sasakyan," anito saka nilapitan siya at kinuha sa kamay niya ang hawak niyang travelling bag na naging dahilan para mag-daiti ang kanilang kamay. Nagkatitigan sila. Ngumiti siya.
"Salamat," aniya.
Nauna na itong naglakad at sumunod naman siya. Sabay silang lumabas ng airport at tinungo ang kotse. Inilagay ni Rafael ang travelling bag niya sa compartment at pagkatapos, pinagbuksan siya ng pintuan ng back seat. Nang makapasok siya ay pumasok naman ito sa driver's seat saka pinausad iyon pauwi.
Habang daan ay nakatingin lamang siya sa labas hanggang sa nagpasya siyang basagin ang katahimikang namamayani sa kanila.
"Kamusta—?" tanong niya.
"Kamusta pag—?" tanong din nito. Bale, magkapanabay nilang tanong. Nagkatinginan sila sa rear view mirror at sabay na natawa.
"Ladies first," anito at ngumiti. Halos malaglag ang puso niya sa pag-ngiti nito. Bakit mo ba ako ginaganito Rafael? Tanong niya sa sarili.
"Kamusta ka na, Kuya Rafael," magalang niyang sambit.
"Ito ayos lang naman. Nakakaraos sa araw-araw na buhay," anito pero ramdam niya ang bigat sa mga sinabi nito. Bakit kaya? "Ikaw, kamusta ka?" tanong nito.
"Ito ayos lang naman, Kuya Rafael. Masaya ako dahil nakapagtapos na rin ako ng pag-aaral at mananatili na dito sa Pilipinas for good," aniya at ngumiti rito ng tingnan siya sa rear view mirror.
Pumunta ang kaniyang magulang sa graduation niya at naghanda ang mga ito sa mansiyon para kahit papaano naidaos ang graduation niya. Sa wakas, makakasama na niya si Rafael ng matagal. Ito ang dahilan kung bakit sa dinami-dami ng nanliligaw sa kaniya sa Amerika ay wala siyang naging kasintahan dahil iba ang gusto niya. Si Rafael. Kung sakali man na magkagusto ito sa kaniya ay handa niya itong ipaglaban sa magulang, kung magkakagusto ito. Ang tanong. Magkakagusto nga ba ito sa kaniya? Gayong ang tingin lamang nito sa kaniya ay parang kapatid lamang.

Bình Luận Sách (27)

  • avatar

    angas

    08/05

      0
  • avatar
    BienAnnalyn

    nice story 😊

    23/10

      0
  • avatar
    Angilyn Fermaran

    this story is good

    17/10

      1
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất