logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 6

AUBREY'S POV
Sabado palang ng umaga may sumisigaw agad sa tainga ko.
"Ano ba Lucas?! Naririnig naman kita, bakit kailangan mo pang lumapit at sumigaw sa tainga ko?!" Irita kong tanong sa kanya bago lumabas ng kwarto.
Naabutan ko si Daddy na may kausap sa phone kaya pumunta muna ako ng garden para magbasa.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa ng may biglang tumabi sa akin. Si Tito Kevin lang pala.
"May problema ho ba?"
"May itatanong lang sana ako tungkol kay Lucas."
Agad naman nangunot ang noo ko dahil sa tono ng pananalita niya.
"Ano ho?"
"Nitong mga nakaraang linggo na wala ako, anong ginagawa niya?"
"Bulakbol. Nakikipag-away kahit hindi naman kaya. Palagi na lang din pong mababa ang mga scores niya sa quizzes kumpara noon." Sagot ko ng hindi inaalis ang tingin sa hawak kong libro.
Wala namang dahilan para itago ko diba? Mas mabuti ngang alam ng Daddy niya lahat ng mga pinag-gagagawa niya.
Napakalalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.
"It's all my fault."
"Po?"
Pa'no mo naging kasalanan? Ikaw ba ang nagsabi sa kaniya na gawin niya 'yon? Jk.
"Wala na kong oras para sa kaniya. Ni hindi ko na nga din siya kilala. Minsan na nga lang akong umuwi dito----hindi pa kami madalas mag usap." Napahilamos na lang siya ng sarili niyang mukha.
Alangang akin.
"Bakit ho imbis na kausapin niyo siya, nandito kayo?"
"'Yun na nga, i. Dahil nalaman ko lahat ng pinag-gagagawa niya----nagka-sagutan kami kahapon. Muntikan ko pa nga siyang masaktan kung hindi lang ako pinigilan ni Eliza."
Isinara ko ang libro ko at tsaka ako tumingin sa kaniya. Nakatingala siya ngayon.
"Ni-try niyo na po ba siyang kausapin ngayon?"
"Iniiwasan niya ko, Aubrey. Hindi nga rin niya ko magawang tingnan. Wala ba kong kwentang Ama? Kaya ko lang naman siya pinag-sasabihan dahil ayaw ko siyang mapasama. Inaamin ko, wala ako palagi sa tabi niya pero ginagawa ko 'yon para sa kaniya----para sa kinabukasan niya."
"Hindi niyo ho ba magawang mag leave sa trabaho kahit isang araw lang para naman makasama niyo ang pamilya niyo?" Napatingin naman siya sa akin. "Naiintindihan ko si Lucas kasi palagi di'ng wala si Daddy."
Pero ayaw kong mag drama.
"Dalhin niyo na lang ho siguro siya sa paborito niyang lugar."
"Saan ba ang paborito niyang lugar?"
"T'wing weekends lagi ho silang nasa park ni William----nag ii-skateboard. Hindi nga lang sila nakapag-skateboard ngayon dahil may family outing sina William."
"Mhmm-mm. Marunong ka bang mag skateboard?" Kamot batok niyang tanong.
"Hindi po."
Paeehas tuloy kaming natawa.
Ilang beses na kong tinuruan ni Lucas kaso hindi talaga ako matuto-tuto. Isang pagkakamali ko lang kung ano-ano ng nagagawa ko.
"Hintayin niyo ho ako dito. Tatawagin ko lang po si Lucas."
Hindi ko na siya hinintay sumagot. Pumasok ulit ako ng bahay para puntahan si Lucas.
Pagpasok ko sa loob ng kwarto ko, wala na si Lucas. Tiningnan ko siya sa kwarto niya, hawak niya 'yung picture frame nila ni Tito Kevin noong 8 years old pa lang siya.
"Miss mo?" Muntikan pa niyang maitapon 'yung picture frame sa sobrang gulat.
"Kanina ka pa d'yan?" Itinago niya sa drawer 'yung picture nila ni Tito Kevin.
"Hinihintay ka ni Tito. Punta daw kayo ng park."
"Ano namang gagawin namin do'n?" Nahiga siya at nagtalukbong ng kumot.
Lumapit naman ako at inihagis 'yung kumot na nakabalot sa buong katawan niya.
"Siguro maliligo."
"Ha!?"
"Turuan mo daw siyang mag skateboard."
"Totoo? Hindi marunong mag skateboard si Daddy?"
"Magpapaturo ba siya sayo kung alam niya kung paano mag skateboard?"
"Fine,fine. Nasaan ba si Dad?"
Parang hirap na hirap siyang magtanong kung nasaan ang tatay niya.
"Here!" Sigaw ng kung sino galing sa pinto.
"'Yan na. Sige, iwan ko na kayo."
Nag okay sign sa akin si Tito Kevin kaya ganun din ang ginawa ko bago bumaba. Pupunta pa lang sana ulit ako ng garden kaso tinawag ako ni Daddy.
"Bakit ho?"
"We have to meet John David's parents." Inayos pa niya ang suot niyang blazer.
"B-Bakit?"
"Isuot mo na lang 'to." Sabay abot niya sa akin ng dress na kulay dilaw.
"Daddy, ngayon talaga?"
"Yeah. Bilisan mo na baka ma-late pa tayo."
Halatang nagmamadali si Daddy kaya nagbihis na din ako. Hindi ko man lang natapos 'yung pagbabasa ko.
Sinuot ko lang 'yung dress na binigay niya sa akin pagkatapos ay nagsuklay lang ako, at nagsuot ng sandals. Buti na lang wala ngayon si Tita Eliza, kaya walang maglalagay ng kung ano-anong kolorete sa mukha ko.
"Manang si Daddy?" Tanong ko kay Manang Josefina, isa sa mga katulong naming matagal ng naninilbihan.
"Nasa kotse na niya, Aubrey. Hinihintay ka na."
"Sige po salamat."
Lumabas na ako ng bahay at nakita ko si Daddy na nakasandal sa kotse niya habang may kausap na naman sa cellphone.
Sinenyasan niya ako ng 3 minutes pa. Tsk. Akala ko ba magmamadali kami dahil baka ma-late. Tapos ngayon 3 minutes pa?
Bakit ba kasi kailangan ko pa ulit makita 'yung lalaking 'yon? Tama na 'yung limang araw na palagi ko siyang nakikita sa school. Pati ba naman weekends ko makikita ko siya?
"Aubrey, let's go."
Sumakay naman agad ako sa kotse.
May nadaanan kaming isang convenience store, may nakita akong babaeng kakasakay lang sa motor niya.
Alexis....
Pero hindi pwede. Nerd siya, at hindi naman gan'yan ang ayos ng buhok niya. Nagsuot siya ng helmet pagkatapos ay pinaharurot na niya ang motor niya. Hindi talaga pwedeng maging si Alexis 'yun. Imposible.
"We're here." Tinanggal namin 'yung seatbelt na nakakabit sa katawan namin pagkatapos ay bumaba.
Hindi ko namalayang naadito na pala kami. Pang mayaman talaga ang resto.
"Let's go in. Maybe they are already waiting for us."
Pagpasok namin doon, nakita agad ni Daddy ang parents ni David. Nagkatinginan kami ng masama, bakit lalo siyang pumapangit sa t'wing nakikita ko siya?
"Good afternoon Mr. and Mrs. Garcia." Bati ni Daddy sa kanila bago maupo.
"Good afternoon po."
"You are really beautiful Aubrey. Sorry because we weren't able to go last time JD went to your house." 'Yung mommy ni David.
Kahit medyo naiilang dahil hinawakan niya ang kamay ko, ngumiti pa din ako.
"It's okay Tita. Wala naman pong problema doon."
Nag order sila ng pagkain na hindi ko alam kung pagkain ba talaga. Lobster lang ang pamilyar na pagkain sa akin doon.
"Sobrang excited na talaga akong magkaroon ng girlfriend itong si JD." Muntikan pang masamid si David dahil sa sinabi ng Mommy niya.
"Are you okay?" Nag aalalang tanong ni Tita.
"Mommy naman. I don't want to have a girlfriend." Mahina man ang pagkakasabi niya, pero rinig na rinig ko.
Walang ng nag salita pagkatapos 'nong sinabi ni David hanggang sa matapos kaming kumain.
Minsan naguusap sila tungkol sa trabaho nila, pero wala naman akong naiintindihan doon kaya kain lang ako ng kain.
"Thank you for your time Aubrey and Mr. Gomez." Nakipag shakehands 'yung Daddy ni David kay Daddy.
"Thanks for your time too. Sana ay magkasundo silang dalawa." Nagkatinginan kaming dalawa ni David sabay irap. Asa pa kayong magkakasundo kami niyan.
Pagkalabas namin ng restaurant, nakita ko na naman 'yung babaeng naka motor kanina na kamukha ni Alexis, nakasakay siya sa motor niya at nakausot ng helmet at parang nakatingin siya sa amin. Feel ko lang siguro.
"Aubrey?" Mukhang kanina pa ata ako tinatawag.
"Daddy, bakit po?"
"Aubrey, thanks again for your time. We are really glad to be with you even for a moment." 'Yung Daddy ni David.
"Salamat din po."
Tiningnan ko ulit 'yung naka-motor kanina, pero wala na siya. Ang bilis. Sandali lang naman nawala 'yung tingin ko sa kanya, nawala na agad siya.
*****
Sa wakas nakauwi na din! Alas tres pa lang naman ng hapon, may time pa ako para makapagbasa ulit.
Tiningnan ko sa kwarto si Lucas, wala siya. Mukhang nasa park na nga sila. Basta usapang skateboard, hindi makakatanggi 'yon.
Kinuha ko na ulit 'yung libro na binabasa ko kanina sabay higa sa kama. Mag uumpisa pa lang ako ng may biglang tumawag sa phone ko. Ano ba naman 'yan?! Lagi na lang may istorbo.
Crystal is Calling....
"Problema mo?"
[Nasa inyo ka ba?]
"Oo."
[Papunta na ako d'yan.]
"Ano namang gagawin mo dito?"
[I have something to tell you.]
"Hindi ba pwedeng sa ibang araw na lang?"
[Now na. Wait me ha?]
"Fine,fine. Tungkol kanino o saan ba 'yang sasabihin mo?"
[Tungkol kay Alexis na nerd na kaka-transfer lang sa school natin.] Bigla na lang niyang pinatay 'yung tawag.
May sasabihin pa ako tapos pinatayan ako ng phone.
Kagaling. Ano namang problema 'non kay Alexis? Kailan pa siya nagka-interes sa mga nerd na katulad ni Alexis? Ang gulo mo Crystal.

Bình Luận Sách (83)

  • avatar
    Rowen John Tejada

    good is a great games

    21/07

      0
  • avatar
    DelacruzVickee

    nice,nice

    27/06

      0
  • avatar
    Zedrick Yumul

    it's okay

    01/05

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất