logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 6

Nakauwi na kami ng bahay at alalay naman ako ng aking daddy, hindi mawala wala sa muka nito ang bakas ng pag aalala para sa akin, naaawa tuloy ako rito.
"Kamusta ang pakiramdam mo?, masakit ba?" tanong nito ng may pag aalala.
"Dad, i'm okay sprain lang yan as if naman may connect yan sa heart problem ko" sabi ko dito.
"Tskk, ikaw kase baket kase hindi ka nag iingat? at nasa hagdan ka pa nakikipag kulitan." aniya.
'Huh? Hindi naman ako nakikipagkulitan ah sa katunayan nga iyong lalaki nga dapat ang sisihin dahil kung hindi bumilis ang tibok ng puso ko sa kanya eh hindi ko naman ito susundan at hayaang masakop ng kuryosidad.' ani ko sa isip.
"Hindi naman po ako nakikipagkulitan, sa katunayan nga po eh kasama ko roon si Andrea na nakita kong nakikipag chismisan kaya pinuntahan ko ito" pag dadahilan ko.
"O siya sige na, matulog ka na at bukas pupunta tayo ng hospital at may sasabihin daw si doc Bernard sa atin." ani nito.
"Ano daw po yun?" pagtatanong kong may kuryosidad.
"Hindi ko rin alam, ang sabi niya lang ay magtungo tayo roon bukas" sagot nito.
~Hospital
tokk,tokk,tokk!, katok ni daddy sa pinto.
"Pasok" sagot naman ni doc.
"Good morning doc" masayang bati ko.
"Kayo pala, maupo kayo" anito.
Naupo ako sa upuang kaharap ni doc.
"Ano nga pala ang mahalaga mong sasabihin sa amin?" bungad agad ni daddy.
Napabuntong hininga muna si doc bago magsalita. Damang-dama ko ang kaba kaya hindi na naitago iyon ng aking relo.
"As for now, ayoko mang biglain kayo pero Ava, malala na ang sakit mo. Sa tingin ko ay wala nang gamot ang makakapigil riyan, ang tanging suhestiyon ko nalang ay mag take ka na ng surgery" mahabang pag papaliwanag nito.
Kita sa mga mukha ko ang pagkagulat sa mga tinuran ng doktor.
'Malala na ako? ibig sabihin may taning na ang buhay ko?.
Hi--hindi hindi ko kaya iwanan si daddy' sa isip isip ko.
"Pero kung magpapaopera si Ava may chance ba doc?" tanong ni daddy habang pinipigilan ang mga luhang pumatak.
"Yes, may chance pero hindi ganoon kalaki." ani doc.
"Panong hindi malaki ang chansa doc? ipaliwanag mo sa akin."
Tumingin muna sa akin si doc na para bang pinapaalis ako sa kwarto. Tumingin din sa akin si daddy at tumango.
"Hindi, sabihin niyo po sa akin, sakit ko ito,katawan ko ito kailangan kong malaman kung ano ang magagawa ko." sabi ko ng may pagpapalakas ng loob.
"Ava, anak makinig ka muna ha?" ani daddy na may pagma makaawa.
"Dad, malaki na ko kailangan ko rin malaman kung ano ang gagawin sa akin, kung hanggang saan nalang ako. Dad please let me stay" pagmamakaawa ko.
"Sige na hayaan na natin siyang malaman" ani doc.
Tumango tango nalang si daddy at tumabi sa kinauupuan ko.
Bumuntong hininga muna si doc bago magsalita.
"Ganto kase yon, Mr.Heisenberg kapag naging tagumpay ang surgery maaaring gumaling siya pero nasa kalahating chansa lang dahil hindi ganoon madadamage ang buong puso niya, so may possibility na gumaling siya kung patuloy ang ating paggamot habang siya ay nakaconfine dito." pagpapaliwanag nito.
"Pero kung hindi natin maaagapan o magtatake ng surgery may posibilidad na hindi na tumagal sa mundong ito si Ava" Malungkot na kanyang turan.
Tumingin sa akin si daddy at tila nagiisip kung ano ang gagawin.
Bumuntong hininga siya na para bang wala nang ibang pagpipilian.
"Dad, ayawko magpa surgery" bigla kong sabi habang nakatingin sa kanya.
"Anak, wala na tayong pamimilian" mahinahon na sagot nito.
Natigilan ako dahil naalala ko si mommy,ayawko magpa surgery dahil doon si mommy namatay, mas mabuti pa kung mamatay nalang ako kesa namang magtake ako ng surgery.
"Dad, punta lang po ako sa washing room" nakayuko kong puna.
"Okay" tipid na sagot niya.
Lumabas ako ng kwarto at pumwesto sa gilid kung saan hindi nila ako matatanaw. Doon na lamang bumuhos ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.
"Ayaw ko, ayaw kong magpa surgery" pabulong kong sabi habang patuloy ang pagiyak.
Walang tigil ang kakaiyak ko dahil sa mga nalaman ko. Hindi ko kayang iwanan si dad, ako nalang ang meron siya papaano nalang kung nawala na ko? ipagpapatuloy niya pa kaya ang pamumuhay?
Nagooverthink na naman ako at hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng pagiyak ko.
Habang naglalakad ako sa corridor ng hospital, hindi ko sinasadyang may mabangga.
Sa pagkakabangga kong iyon napatigil ako sa paglalakad at biglang bumagsak sa sahig.
Sa mga oras na iyon muling bumuhos ng malakas ang mga luha ko at hindi ko alam kung paano ko pakakalmahin ang sarili ko.
Nabaling ang tingin ko sa mga binting nasa harapan ko. Tiningala ko ang paningin ko at bumungad sa akin ang poging lalaking ito, parehas ang lalaking nakita ko sa school at dito sa hospital.
'Buhay ba ito? bakit hindi gumagalaw? simula nang maupo ako sa sahig di man lang siya umalis? manequin ba ito?' sa isip isip ko.
Natigil ako sa pagiiyak at tumayo na naharap sa kanya. Nagulat ako nang bigla siyang humugot ng malalim na paghinga kaya napatitig ako sa mga mata niya.
Inilapat niya ng mga malalambot niyang kamay sa pisngi ko at pinahid ang mga luhang nanuyo.
Titig na lamang ang nagawa ko sa mga oras na yon tila nanigas ang mga katawan ko sa kinatatayuan ko.

Bình Luận Sách (26)

  • avatar
    IsuganJohn Alwin Baldado

    my favorite 😍

    04/08

      0
  • avatar
    Alan Moura

    aiox fcjfbigxviefh7gx hycvuyx7vsgcyg. ffyhvvffv ffvvvbt uf tn 6sfvgpiv kr ufhxfut nugcccçcccc. xzdddddi jb. dguagsctbjhixyo 990bvkgccvjpj cjvckdll b

    22/06

      0
  • avatar
    Mj Velasco

    So great and nicee slayyavle

    17/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất