logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 5

Kasalukuyan akong nasa library para maghanap ng libro tungkol sa pinagaaralan namin.
Medyo hindi ko kase naintindihan dahil lipad ang isip ko.
Patuloy pa rin ako sa paghahanap at hindi naman akong nabigong makita iyon.
Nang kukuhain ko na ang libro ay tila ayaw nitong magpakuha may kung anong pwersa ang pumipigil dito.
Nang gumamit ako ng dalawang kamay ay nakuha ko iyon at nahulog sa sobrang daming lakas na nagamit.
Bago ko pulutin ay may nakita akong tao sa kabilang bahagi. Marahil ito ang kaagaw ko kanina.
Nang kunin ko na ang libro ay pag angat ko wala na ang lalaki. Sa isip-isip ko baka kailangan niya rin ito at sa kasamaang palad napaubaya niya tuloy sa akin ang libro.
Pagkatapos ko damputin ang libro ay hinanap ko ang lalaki pero bigo akong makita ito muli.
Hindi ko na siya pinag aksayahan ng oras pero nasa loob ko pa rin ang pag aalala dahil baka may problema siya sa subject na ito.
Binaling ko na lamang ang sarili sa pagbabasa at sinusubukang huwag na mag alala sa taong iyon.
'Sino kaya siya?' tanong ko sa isip.
'Ngayon ko lang siya nakita sa campus na ito, siguro transferee.' walang katahimikang pag iisip.
P.E na namin at as usual hindi na naman ako kabilang dito dahil exempted na ko sa lahat ng sport o lahat ng mga gawaing pwedeng makapagpasakit ng puso ko.
Dahil wala akong magawa at lahat sila ay nasa court na, napag pasiyahan ko na nagtungo roon at manood.
'Wala naman atang masama kung manonood lang ako' sabi ko sa isip.
Kasalukuyan na akong narito sa court at naupo sa bench, nilinga-linga ko ang ulo ko at tinitignan sila.
Naglalaro kase sila ng football at ang mga lalaki ang naunang maglaro. Habang naglalaro ang mga lalaki ay sa gawing gilid naman ay may mga nagchecheer na mga babae at kasama na dito si Andrea.
Napakaharot talaga ng babaeng iyon animo'y isang kiti-kiti, at may dala pa itong mga props.
Hindi ko mapigilang matawa sa kanila dahil parang nag aaway na sila sa sobrang dikit ng labanan hindi na nila alam kung saan sila kakampi.
Sa sobrang saya kong pagmasdan ang mga babae sa gilid ay hindi ko na namalayan na matatamaan na pala ako ng bola.
Ini-iwas ko ang aking mukha sa direksyon ng pagtama ng bola at napapikit nalang.
Naramdaman ko ang pagtumba ko sa bench at ilang segundo pa nang imulat ko ang aking mga mata ay ay may nakita akong kamay sa gawing kaliwa ng ulo ko.
Pagtingin ko dito ay may lalaking bumungad sa akin.
Hindi ko na nakita ang mukha niya dahil sa liwanag na tumama sa mga mata ko at bigla na rin akong nawalan ng malay.
Pagmulat ng mata ko ay nasa clinic na naman ako.
'Hayss lagi nalang pagmulat ng mata ko kung hindi sa kwarto ko sa hospital kung hindi naman sa hospital ay nasa clinic, dun nalang ata umiikot ang lugar na lagi kong napupuntahan' pagdadrama ko sa isip.
Nakita ko sa gilid ko si lance.
'Haystt naaawa na ko lalaking ito dahil lagi nalang niya nasasaksihan tuwing may nangyayari sa aking masama, eh kung hindi niya ko nagustuhan at hindi siya lumapit lapit sa akin hindi na siguro siya masasaktan.' naglalarong sabi sa isip ko.
"Are you okay?" tanong ni lance na hindi ko namalayang nakita niya na kong may malay na.
"Yes, feel better na" ani ko.
"Thanks God" aniya habang nakahawak sa kamay ko.
"Bakit ka kase nasa court?, diba exempted ka sa p.e dapat nanatili ka nalang sa room o kaya sa library." pagalit na sabi nito sa kin.
'Bakit ka nagagalit boyfriend naba kita?'pagbibiro sa isip ko.
"Nakakainip kase,tsaka nanonood lang naman ako ah wala naman akong kamalay-malay na lilipad pala yung bolang yun sa akin, tsaka buti nga may humarang sa akin para hindi ako mapuruhan." pagdadahilan ko.
'Oo nga pala, nasaan na kaya yung lalaki na yon ni-hindi ko manlang nakita ang mukha niya. Gusto ko pa namang magpasalamat.' sa isip-isip ko.
Nagdaan ang ilang minuto na pamamalagi ko sa clinic at napag desisyunan ko nang lumabas, ilang minuto na rin kaming late sa klase mabuti nalang at hindi si ma'am Monique ang nakatoka ngayon magturo sa amin.
Nagtungo na kami sa room at naabutan namin silang naglelesson.
Agad kaming naupo at nakinig na.
Matapos ang aming subject ay naglakad lakad muna ko sa corridor dahil matagal tagal pa naman bago mag umpisa ulit ang susunod naming klase.
Habang naglalakad lakad ako hindi matanggal sa isip ko ang lalaking iyon.
'sana man lang nagpakita siya sa akin o tinignan kung maayos ba ang kalagayan ko hindi yung bigla nalang mawawala.'
Natanaw ko si Andrea sa hagdanan sa may lobby.
'Etong babaeng toh kung saan saan mo nakikitang nakikipagharutan'sa isip ko.
"Oy, babaita" bungad ko dito.
"O, ikaw pala bes" aniya.
"Ikaw talaga kung saan saan nakikipagchismis, ano bang meron?" tanong ko dahil napansin ko na parang may pinagkakaguluhan sila.
"Kase naman may bagong transferee anak ng principal, ang pogii bes" ani nito na kinikilig pa.
"Sino?" tanong ko.
"Angelo daw pangalan" aniya habang hindi mapakali sa kinatatayuan.
"Magtigil ka nga, ang kulit kulit mo mamaya ma-out of balance ka masama pako." aniko.
Di na siya sumagot pero sumunod naman ito. Hindi nagtagal nagsitalon na naman ang babaeng toh parang may kiti-kiti sa sobrang kilig.
Habang abala si Andrea ay hindi ko namalayan na tumutunog ang relo ko, naghuhudyat nanaman ito na bumibilis ang tibok ng puso ko.
Kinapa ko ang dibdib ko,sakto lang naman ang tibok nito. Chi-neck ko ulit ang relo, patuloy pa rin ito sa pagtaas ng heart rate ko.
Iniling ko na lamang ang ulo baka sira na ito ipapaayos ko nalang mamaya.
Binaling ko na ulit ang tingin ko pero pagtaas ko ng mukha ko ay nabaling agad ako sa isang lalaki na dumaraan sa gilid ko.
Sinundan ko ito ng tingin at hindi na namamalayang sumusunod na rin pala ko dito.
Maya-maya pa ay hindi ko naiwasan ang isang hakbang sa hagdan, nawala ako sa balanse at agad na nahulog.
Naipikit ko na lamang ang aking mata dahil na-sprain ata ang paa ko. Dinilat ko ito muli at nasulyapan na may kamay na nasa ulo ko.
'Dalawa kami nahulog?' tanong ko sa isipan.
Iniikot ko ang ulo ko papunta sa kanan upang makita kung sino iyon, hindi naman ako nabigo.
Nakita ko ang napaka aliwalas na mukha nito. Maputi ito parang hindi naaarawan, napaka gwapo at may mapupulang labi.
Kung tititigan mo ito masasabi mong napaka alaga sa katawan. Payat ito pero hindi naman super, katamtaman lang, pang idol ang katawan at mukha nito....
Hindi ko na matapos ang pagtingin sa kanya at pagkilatis ng mabuti sa mukha niya nang bigla akong na knock-out.
Nagising nalang muli ako na nasa clinic na, may bandage na nakakabit dahil sa sprain ang paa ko.
'Haysss, eto nanaman tayo, kung hindi dahil sa sakit ko sa sprain ng paa naman, wala na bang ibang patutunguhan ang buhay ko? sa hospital at clinic nalang lagi umiikot ang kinalalagyan ko.' sa isip ko.

Bình Luận Sách (26)

  • avatar
    IsuganJohn Alwin Baldado

    my favorite 😍

    04/08

      0
  • avatar
    Alan Moura

    aiox fcjfbigxviefh7gx hycvuyx7vsgcyg. ffyhvvffv ffvvvbt uf tn 6sfvgpiv kr ufhxfut nugcccçcccc. xzdddddi jb. dguagsctbjhixyo 990bvkgccvjpj cjvckdll b

    22/06

      0
  • avatar
    Mj Velasco

    So great and nicee slayyavle

    17/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất