logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 6

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na ito, para na akong nababaliw. At ito namang si Lara ay hindi ko alam kung saan na nagpunta dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya ma-contact. Lakad lang ako nang lakad dito sa loob ng bahay habang sapo ang noo.
Alam ba talaga ni Jacob kung ano ang pinunta ko roon? O nakilala niya ba talaga ako? Sobra akong kinabahan kanina kaya napatakbo ako kahit hindi naman ako sigurado kung kilala niya ba ako.
But first of all, bakit ba ako kinakabahan gayong siya naman ang nakabuntis sa akin?
Should talk to him? Paano kung hindi niya panagutan dahil nga isa siyang babaero kaya natural na sa kaniya na makabuntis.
Eh pakealam ko ba kung hindi niya ako panagutan? I can raise my child alone. I don't need him. Baka nga marami na ring kapatid ang anak ko sa dami ba namang babae ni Jacob.
Dahil sa dami ng iniisip at pagod ay biglang akong nakaramdam ng uhaw. Pumunta muna ako sa kusina at uminom ng tubig saka umupo sa hapagkainan.
You should calm yourself, Sashira. Bawal sa buntis ang mai-stress.
Bumuntong hininga ako at pilit na kinakalma ang sarili.
Nasaan na ba kasi si Lara? Ayan tuloy para na akong baliw rito. Kung nandito lang siya ay baka nasabihan na niya ako kung ano dapat ang gawin ko.
Pumasok na muna ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit pambahay pagkatapos ay nagluto ako ng adobong manok para sa pananghalian ko. Pagkatapos kong magluto ay agad na akong kumain dahil gutom na kaming dalawa ni baby.
Napangiti naman ako at hinawakan ang tiyan ko.
"Hi baby, I am your Mommy. 'Wag kang mag-alala, kahit wala kang daddy ay nandito naman ako, hinding-hindi kita iiwan at mamahalin kita," kausap ko sa anak ko. Naiiyak na naman ako. Hinding-hindi kita papabayaan, baby.
Pagkatapos kong kumain ay nilibang ko muna ang sarili sa sala habang nanonood ng movie at kumakain ng manggang hilaw na sinasawsaw sa ketchup.
Hmm... sarap!
***
Isang linggo na rin ang nakalipas simula no'ng nagpacheck-up ako at nakita ko si Jacob. Isang linggo na rin akong hindi lumalabas at naghihintay lang kay Lara kung kailan niya ulit ako bibisitahin.
And speaking of Lara, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpaparamdam sa akin. Nag-aalala na ako sa kaniya dahil hindi naman siya ganito. Pero wala rin naman akong magawa dahil maliban sa hindi ko siya matawagan ay hindi ko rin alam kung saan siya hahanapin, wala rin kasi siya sa apartment niya.
Nakatambay lang ulit ako sa sala habang nanonood ng movie. Kahit na paulit-ulit na lang ang pinapanood ko ay wala rin naman akong ibang mapagkakaabalahan kaya pinagtyatyagaan ko na lang manood. Wala rin akong maisip na pwede kong ipinta, may isa pa nga akong hindi natatapos doon dahil tinatamad pa ako.
Kahit na busog na ako ay kain pa rin ako nang kain. Manggang hilaw ulit at sinasawsaw sa mayonaisse. Masarap siya kahit na bago ito sa panlasa ko, hindi ko nga akalain na magugustuhan ko ang lasa nito, eh. Nakita ko lang ang mayonaisse at nacurious ako kung ano ang lasa kapag sinawsaw ang mangga. At nang natikman ko nga ay sobrang sarap!
Susubo na sana ulit ako pero natigil lang nang biglang may kumatok. Agad akong na-excite dahil baka si Lara na 'yon!
Malaki ang ngiti ko at excited na pumunta sa pintuan pero hindi ko pa nga nabubuksan ang pintuan ay natigil na ako nang maalala ko na hindi naman na kailangan pang kumatok ni Lara dahil may duplicate naman siya ng susi rito.
Unti-unting umusbong ang kaba sa aking dibdib. Sino naman kaya ang bibisita sa akin? Wala naman akong ibang kaibigan maliban kay Lara at hindi ko rin naman kilala ang iba ko pang mga relatives.
Nabalik lang ako sa ulirat nang kumatok na naman ulit ito. Huminga muna ako nang malalim bago dahan-dahang binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang isang lalaking nakaitim na parang pang-opisina at sa likod niya ay may dalawang mamahaling sasakyan.
Tiningnan ko ulit ang lalaki. "Uh... A-Ano ho ang kailangan niyo?" kinakabahan talaga ako. Baka maniningil ito ng utang ng mga magulang ko tapos kailangan na naming magbayad dahil kung hindi ay papalayasin niya ako rito sa bahay!
"Ikaw ba si Sashira Rodriguez?" tanong niya sa akin.
Shit! Ito na nga ba ang sinasabi ko.
Huminga muna ako nang malalim. Calm down, Sash.
"A-ako nga ho. Bakit?" pilit kong pinapakalma ang boses ko.
"Sumama ka muna sa akin," sabi niya na ikinalaki ng mata ko.
Oh my shit! Ito na, pinapalayas na niya ako! Anong gagawin ko? Paano ang anak ko? Wala pa akong mahingian ng tulong dahil wala rin si Lara ngayon!
"P-Po? T-Teka, 'wag niyo naman akong palayasin dito. Wala pa po ako ngayong matitirhan. May utang po ba ang parents ko sa inyo? Babayaran ko na lang pero 'wag po muna ngayon dahil wala pa po akong m-malilipatan. Pero promise po, babayaran ko. Please po..." sabi ko na halos maiyak na ako sa pagmamakaawa, halos lumuhod na nga ako sa harapan niya maawa lang siya sa akin.
Kumunot naman ang noo niya sa mga sinasabi ko na animo'y hindi ako naintindihan.
Magsasalita na sana siya pero may bigla namang nagsalita sa likod niya.
"Tss. Ang tagal naman niyan, Alas," iritang sabi nito at lumapit sa amin.
Gano'n na lang ang gulat ko nang makitang si Jacob Cuevas iyon!
Hindi ako nakapagsalita at hindi makapaniwalang nakatingin sa lalaking kakalapit lang sa amin. Umawang ang labi ko at napatulala kay Jacob. Malamig naman na tingin ang iginawad niya sa akin.
"Sorry po, Sir," napatingin naman ako doon sa lalaking nakaitim na ang pangalan pala ay Alas, saka bumalik ulit ang tingin kay Jacob tapos kay Alas ulit. Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanila at naguguluhan kung bakit nandito sila at anong kailangan nila.
Sa kanila ba may utang ang parents ko?
"Sumama ka sa akin," nabigla naman ako sa sinabi ni Jacob.
"H-Ha?" parang tangang sabi ko.
Hindi na niya ako sinagot at hinatak na lang niya ako basta-basta papunta sa kaniyang sasakyan na halatang sobrang mamahalin. Nagpupumiglas ako pero dahil mas malakas siya kaysa sa akin ay hindi ako makawala.
"T-Teka lang. Saan mo ba ako dadalhin?"
Hindi niya ako sinagot at sapilitan pa niya akong sinakay sa kaniyang sasakyan, nang nakapasok na ako ay umikot naman siya at agad na sumakay din saka pinaandar na ang sasakyan. Tiningnan ko naman ang bahay ko at nanlaki ang mata ko nang nakalimutan kong i-lock 'yon.
"T-Teka. Sandali lang... 'yong bahay ko hindi pa na-lolock baka m-manakawan 'yon," sabi ko sa kaniya. Tiningnan lang niya ako sandali at bumalik din agad ang kaniyang tingin sa kalsada habang seryoso na nagmamaneho.
Napakamot ako sa aking noo. Humugot ako nang malalim na hininga saka pilit na pinakalma ang sarili. Umayos na lang ako nang upo dahil wala naman na akong magagawa kahit na magsisisigaw ako rito, hindi ko rin naman kayang tumalon dito sa umaandar na sasakyan para lang makatakas. Ayoko pang mamatay.
Medyo mahaba ang byahe at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Ilang oras pa sa pagbabyahe ay nakarating kami sa isang bahay. Hindi masyadong malaki pero hindi rin naman masyadong maliit, sakto lang para sa isang pamilya.
May kinausap siyang guard bago bumukas ang gate at pinasok na niya ang sasakyan. Hininto niya ang sasakyan dito sa parking lot at agad na lumabas pagkatapos ay pinagbuksan niya rin ako ng pinto at hinila niya ako palabas. Nagpatianod lang ako sa paghatak niya sa akin.
Grabe, pipi ba 'to? Hindi man lang nagsasalita, sobrang seryoso lang ng itsura niya.
Hinatak niya ulit ako papasok sa bahay at namangha naman agad ako dahil kahit hindi masyadong malaki ang bahay ay sobrang ganda naman sa loob nito. May kusina, may sala, may tatlong kwarto, at isang banyo.
Pinaupo niya lang ako sa sofa at iniwan ako roon.
Ayy? 'Yon na 'yon? Dinala niya ako rito tapos iiwan niya rin ako?
Napairap na lang ako at nilibot ang panangin sa buong bahay. Ang ganda talaga rito. Nakakarelax ang kulay kremang pintura, hindi masyadong masakit sa mata.
Natauhan lang ako nang may biglang umupo sa kabilang couch at nakita kong si Jacob lang pala iyon na may hawak na isang basong tubig.
Akala ko iniwan niya ako.
Inilapag niya sa kaharap kong maliit na lamesa ang tubig saka ako tiningnan. Nakatingin lang siya sa akin habang ako naman ay kahit saan-saan napapadpad ang tingin dahil hindi ko kayang titigan ang kulay kayumanggi niyang mga mata.
"Drink first."
Napatingin ako sa kaniya nang magsalita siya. Binaba ko agad ang tingin ko sa baso ng tubig nang hindi ko siya nakayanang tingnan. Lumunok muna ako bago kinuha ang tubig sa lamesa saka uminom nang konti.
"So, let's talk about our child, Sashira."
Halos maibuga ko na ang tubig dahil sa sinabi niya. Gulat akong napatingin sa kaniya saka napanganga.
Woah, ano raw?
"H-Ha?" gulantang kong sabi. "A... uhm..." 'di ko alam sasabihin ko.
"Our baby. What are we gonna do?" tanong niya na may multo ng ngiti sa labi. He even emphasize the word 'our'.
Nanatili lang akong nakatitig sa kaniya dahil hindi pa talaga napo-proseso ng utak ko kung ano ang ibig niyang sabihin.
Nang napagtanto ko kung ano ang ibig sabihin niya ay nanlaki ang mata ko.
Ano raw?! Tinatanong niya sa akin ang tungkol sa anak namin? Anak namin!
Nang hindi ako nagsalita ay nagpatuloy na lang siya sa pagsasalita na mas lalo namang ikinagulat.
"Since you're not talking, ako na lang bahala." sumandal siya sa sofa saka tinitigan akong mabuti. Napalunok ako. "You're going to live here with me para mabantayan kita twenty-four hours. You also need to follow my rules. My rules only, Sash. Understand?" Tinaasan niya ako ng kilay.
Hindi pa rin ako makapagsalita. Nakatunganga lang ako sa kaniya at pilit na iniintindi ang mga sinabi niya.
So dito ako titira kasama siya? Hmm.. okay na rin naman dito— wait what?! Nababaliw na ba ako? Pumapayag akong tumira rito kasama siya? Hindi ako pwedeng basta-basta na lang makitira sa hindi ko naman kilala. Baka kung ano pa ang gawin niya sa akin. Ni hindi ko nga alam kung bakit niya ako dinala rito.
Magpoprotesta na sana ako kaso nagsalita na naman siya.
"I think it's all clear. I gotta go. I have some important things to do," sabi niya at hindi na niya akong hinayaang makapagsalita. Agad na siyang tumayo at iniwan akong nakanganga dahil may sasabihin pa sana ako.
Hindi ko alam kung tama pa ba 'tong nangyayari ngayon.
Bumuntong hininga na lang ako dahil parang wala na akong ibang choice. Siguro kakausapin ko na lang siya bukas dahil kailangan kong magpahinga ngayon. Naiistress na si baby.

Bình Luận Sách (67)

  • avatar
    Jhet Rabago Delacruz

    good very lovely

    03/12/2024

      0
  • avatar
    Jusfer Damaso

    Yuo

    03/10/2024

      0
  • avatar
    TernidaLeanzel

    thanks

    08/08/2024

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất