logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 5:

Ysreal’s POV
Minulat ko ang aking mga mata nang maramdaman kong masakit ang aking pulsuhan. Malabo-labo pa ang aking paningin, inaaninag ko pa kung nasaan ako ngayon. Nang mapagtanto ko, napaayos ako ng upo at nilibot ang paningin sa buong silid na ito. Sa tingin ko, bodega ang kinalalagyan ko ngayon.
Napayuko ako para tingnan ang sarili. Doon lang ako kinabahan nang makita kong nakatali ako sa p’westo. Madiin, sapat na para humapdi ang pulsuhan. Masyadong kulob sa lugar na ito, wala man lang kabinta-bintana. Walang pagkakataong tumakas. Naalalala ko ang nangyari kanina. Hindi ko kilala ang mga lalaking iyon at nasaan si Sir Hide? Pinagbubugbog na ba nila? Deserve.
“May tao ba sa labas?!” Buong lakas kong sigaw. Puno ng takot ang aking puso ngunit mas pinili kong kumalma. “Kung may tao, pakawalan mo ako.” Wala na namang tumugon. Nasaan ba kasi kami ngayon? Gusto ko nang lumabas para mawari ang lugar. “Mga pesteng ‘to.” Mahina kong usal. Sinubukan kong tanggalin ang tali pero ang nakapulupot na lubid sa pulsuhan ko ay sobrang kapal. Sinigurado nilang hindi ako makawawala. Ganoon din naman sa paa.
Nakuha kong manahimik. Sinubukan kong mag-isip para makatakas ngunit wala talagang pag-asa rito. May nakikita pa akong mga maliliit na daga na nagsisitakbuhan. Kung takot lang ako sa mga ito, kanina pa ako tumili nang tumili. Siniyasat ko ang aking katawan, walang pasa ang aking mga braso pero sa tiyan at likuran ko, ramdam ko ang sakit. Bakit hindi ko man lang naramdaman kanina na sinasaktan ako ng mga iyon?
Napatigil ako sa pag-iisip nang bumukas ang pintuan. Napatingin ako sa doorknob dahil sobrang daming kandado roon, mukhang ayaw nila akong patakasin. Sunod kong nilingon, itong lalaking pumasok. Nakatakip pa rin ang kaniyang mukha. Kung titingnan ang katawan, mukhang nasa trenta anyos na ito.
“Kumain ka.” Naglapag siya ng plato sa aking harapan. Binantayan na lang ako nito matapos niyang gawin iyon.
“Paano ako kakain?” Kusang lumabas sa aking bibig.
“Problema mo na iyan. Kumain ka, iyon ang sabi ni boss. Kung ayaw mo, malilintikan ka.”
“Papatayin niya rin naman ako, bakit pa siya may concerned? Ayokong kumain.” Sinipa ko ang plato dahilan para matapon iyon.
Dahan-dahang tumayo ang lalaki, niligpit ang sinipa ko. Sa isang iglap, halos lumabas ang puso ko sa kaba nang maglabas siya ng balisong. Ngayon, nakadikit na ito sa aking hilig. Ramdam ko ang hapdi, mukhang nasugatan niya na ito. Ilang segundo kong pinigilan ang aking paghinga hanggang lumayo-layo siya.
“Sutil.” Binato niya muna ang balisong sa taas ng aking ulo bago lumabas. Tumingin ako sa aking uluhan, nakatusok ang binato niya roon. Kapag ako namatay... wala na akong magagawa.
“Nasaan si Sir Hide?” Kinakandado niya ang pinto ngayon. “Hoy, matanda!”
“Magtanong ka riyan sa mga daga.” Hanggang wala na akong narinig sa ingay sa labas. Bagsak ang aking mga balikat na nagpahinga.
Hindi ko mawari kung gabi ba o umaga. Wala rin akong maisip kung paano rito makatatakas. Wala rin akong alam kung sino ang gagawa nito sa amin. Hindi kaya maraming kaaway si Sir Hide? Kung ganoon, nadamay ako sa gulo niya. Kainis.
Ilang oras pa akong naghintay hanggang may pumasok na namang dalawang lalaki. Sa tingin ko, kasing edaran ko lang ang mga ito.
“A-Anong gagawin niyo sa akin?” Natatakot kong tanong dahil bigla nila akong piniringan sa mata. “Bakit kailangang may ganito? Hayaan niyong makita ko ang sarili ko kung paano ako mamatay!”
Wala silang naging tugon. Tinanggal lang nila ang tali sa pulsuhan at paa ko saka inalalayang tumayo. Lumabas kaming tatlo, mahigpit ang hawak sa akin. Siniguradong hindi ako makalalaban. Hindi ko naman silang kayang labanan. Wala akong p’wedeng gawin panlaban sa kanila.
Tahimik ang nilalakaran namin. Inaamoy ko ang paligid, mukhang nasa ordinaryong bahay lang kami. Muntik akong matisod nang maglalakad pala kami pataas ng hagdan. May silbi ang kanilang paghawak, hindi sumubsob ang aking mukha pero magandang ako na lang ang pumatay sa sarili ko, ano?
“Wala akong utang kaya wala akong maisip kung ang gagawa nito sa akin,” ani ko.
Sumagot ang nasa kanan ko. “Masyado ka ng madaldal.”
Hindi ako nakapagsalita dahil biglang humangin ng malakas. Ramdam ko rin ang lamig sa aking balat. Binitawan nila ako para talian sa mga kamay at paa hanggang hindi ko na sila maramdaman. Iniisip ko kung anong maaring mangyayari sa akin kaya hindi ko magawang sumigaw. Iisipin ko pa lang na mamamatay ako, naiiyak na ako.
“Woi!” Kahit nakapiring ako, nakuhang lumuha ng aking mga mata. “Pakawalan niyo na ako.” Hindi ako gumagalaw sa aking p’westo lalo na’t mahangin. Baka sa isang galaw ko, doon na ako mamamatay.
Ginamit ko ang aking mga kamay para mangapa ngunit wala kong mahawakan. Nanginginig na rin ang aking mga tuhod sa sobrang takot. Ilang minuto yata ako nasa ganoon hanggang may marinig akong tunog ng sapatos. Dahil sa hangin, naamoy ko agad ang kaniyang pabango. Hindi ko kilala kung kanino ‘yon.
“S-Sino ka?” Ramdam ko ang kaniyang titig na sinusuri ang aking kabuoan. “Nagmamakaawa ako. Huwag mo akong patayin...” Nanginginig ang aking boses.
“Haha.” Natawa siya ng mahina. “It’s nice to see you begging.” Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang makilala ko kung kaninong boses ito. Naglakad siya papalapit sa akin, hinawakan niya ang aking kamay at naglakad ng kaunti.
Nang tanggalin niya ang aking piring, hindi ako nakapagsalita. Nakatingin siya sa kawalan, halatang hinihintay ang magiging reaksyon ko. Napahawak ako sa railings dahil napagtanto kong nasa balkonahe kami, nanghihina ang aking mga tuhod. Nilibot ko ang aking paningin, dilim lang ang nakikita ko kaya hindi ko malaman kung anong lugar ito.
“S-Sir H-Hide...” Natatakot akong lumayo sa kaniya. Nasa dulo na ako ng railings ngayon. “A-Anong nangyayari? Tell me na papatayin ka rin ng boss nila.” Nagbabadya na ang aking mga luha. Hindi ko makapaniwalang siya ang nasa harapan ko.
“Kill myself? I’m their boss.” Tinapon niya sa ibaba ang hawak niyang bote. Hinarap niya ako. “You can’t believe it? Akala mo ikaw lang marunong magsinungaling? I can lie kaya nga nasa kamay kita ngayon.” Tumingin siya sa dalawang sapatos, nagpamulsa at huminga nang malalim. “I want to know what you will do when you’re about to die.”
“Nababaliw ka na ba?!” Kasabay ng natataranta kong boses ang pag-agos ng aking luha. “I’m your secretary, bakit mo ako papatayin?! Hide, ano ba?! Nakakapag-isip ka pa ba ng tama?! I’m Ysre—”
“You’re the one who killed my brother.” Nag-umpisa siyang maglakad patungo sa aking gawi. “Kung hindi kaya ng mga pulis na makuha ang hustisya ng aking kapatid, ako na lang ang gagawa. Kung hindi ka nila makulong sa bilangguan, ako na lang papatay sa ‘yo. That’s enjoy, right?” Huminto siya sa aking harapan. Yumukod para magkapantay ang aming mukha. “Puno ang puso ko ng galit sa ‘yo. Dapat lang na bawian kita ng buhay dahil pinatay mo ang kapatid ko!” Hawak niya na ang leeg ko ngayon. Inaabot ko ang railings ngunit hindi ko na maabot. Nakahawak na ako sa isang braso. Napatingin ako sa ibaba dahil ang taas ng aking babagsakan.
Tumulo ang aking luha nang pumikit ako. “H-Hindi ako ang pumatay sa kaniya. Maniwala ka naman...”
“Paano ako maniniwala kung ikaw mismo ang babae sa cctv footage? Putangina, Ysreal, huwag mo akong gawing tanga.”
Nahihirapan akong nagpaliwanag. “Hindi ko alam ang nangyari sa oras na ‘yon. Ang alam ko lang tumatakbo ako, iyon lang. Wala na akong maalala. Wala akong masabi sa mga pulis.” Tumingin ako sa mukha niya. Nalalamangan na naman ito ng galit. Nagmakaawa ako. “Pakiusap, ayoko pang mamatay.”
Kita ko ang ngisi niya. “How is that? I want you to die.”
Napapikit ako nang madali niyang ilayo ang braso sa akin dahilan para wala akong makapitan. Tinanggal niya rin ang pagkakasakal kaya naramdaman kong nahulog na ang aking sarili. Umiiyak akong naghihintay ng maaring mangyayari sa akin.  Napadilat lang nang sumakit ang aking paa. Nakita kong nakatali iyon, nakalambitin ako ngayon. Nasa taas ang paa, nasa ibaba ang ulo.
“Before I kill you, let’s play first.” Natatawang umiling si Hide bago umalis sa balkonahe.
Ako naman ay nakabaliktad dito. Nangangalay ang katawan ko sa kalagayan. Wala rin akong makitang tao para hingan ng tulong. Inaabot ko ang aking paa ngunit hindi ko magawa. Mabuti na lang hindi ako nakadress, nakapants ako ngayon at hindi ko na naman alam kung sino ang nagpalit sa akin.
“Hideeeeee!” Buong lakas kong sigaw. Naiiyak ako sa naiisip. Bakit pagdating sa kaniya hindi ko magawang ipagtanggol ang aking sarili? Dahil aminado akong may posibleng ako ang pumatay sa kapatid niya? Ako naman talaga iyong babae sa cctv footage e! “Hide, maawa ka naman sa akinnn!” Nasaan ba ang mga tauhan niya? Hindi ba nila ako naririnig? Nahihirapan na ako sa p’westo ko. Hindi ko matansya kung mataas pa ang aking lalaglagan.
Namatay ang ilaw sa balkonahe. Kahit madilim sa itaas, kita kong may nagputol ng tali para malaglag ako. Sa isang sandali, naramdaman kong nauntog ang ulo ko sa bato at doon na nawalan ng malay.
NAPAIGTAD ako nang maramdaman ko ang malamig sa tubig. Nasa banyo ako ngayon, hindi muna ako tumayo dahil masakit ang aking katawan. Sa harapan ko, may nakita akong maliit na papel. May nakasulat doon.
‘Maligo ka raw sabi ni boss.’
Yumukom ang aking kamao nang maalala ko ang ginawa niya sa akin kagabi. Tumayo ako at naglakad ng ika-ika papunta sa shower. Hinubad ko muna lahat ng aking damit bago buksan ang shower. Kasabay ng pagbagsak ng tubig ang aking mga luha. Sa aking gilid, may malaking salamin. Nakita ko ang mukha kong walang gana. Maputla ang labi, may sugat sa gilid. Hindi ko alam kung saan ko ito nakuha. Tiningnan ko ang aking tiyan, dumami ang pasa. Mukhang sinasaktan nila ako kapag wala akong malay.
Matapos kong maligo, lumabas na akong banyo. Isang tauhan agad ang sumalubong sa akin. Hinawakan ako nito sa kamay at iginaya papunta sa hapagkainan. Nakita kong nakaupo si Hide habang kumakain.
“Eat first.” Kahit hindi niya ako balingan, alam kong ako ang kinakausap niya. “Hindi ka ba kakain? Dalawang araw ka ng walang kain. Isang araw ka na ngang tulog sa banyo.” Parang wala lang sa kaniya na mamatay ako. Wala siyang pakialam kung anong mangyayari sa akin. Base sa kaniyang reaksyon, natutuwa pa siya.
Umupo ako sa upuan, may pagkain agad na nasa plato. Tinitigan ko lamang ito at hindi ginalaw. Kinuha ko ang kutsilyo at tinapat sa aking pulsuhan. Natigilan ang limang tauhang nandirito lalo na si Hide na kumakain.
“Ako na lang ang papatay sa sarili ko.” Nanginginig ang kamay ko nakatutok ang kutsilyo sa pulsuhan. Wala akong reaksyon.
“Boss.” Tawag ng limang tauhan sa kaniya. Hindi pa rin nagpapakilala ng mukha ang mga ito.
“Ibaba mo iyan, secretary.” Tinatawag niya lang ang pangalan ko kapag nagmumura siya. Sa tingin niya, matapos niyang gawin ito sa akin. Maglilingkod pa ako? Hindi.
Tumulo ang dugo sa pulsuhan ko nang masugatan ko ito. Ang gusto ko lang gawin, makaiwas sa lalaking ito. Lugar kung saan wala siya.
“Pagpapakamatay ka?” Nakataas na ang kilay niya ngayon. “Do it para hindi na ako mahirapan. Mas maganda iyon, ‘di ba?” Ngumisi muna siya bago tumayo sa kinauupuan at umalis sa hapagkainan. Sa kaniyang sagot, doon lang ako bumalik sa huwisyon. Nailaglag ko ang kutsilyo, natulala habang tumutulo ang luha.
SA PAGDATING ng gabi matapos kong asikasuhin ang aking sarili. Pabato akong pinasok ng tauhan sa isang kwarto kaya sumubsob ang sarili ko sa sahig. Padabog niyang sinara ang pinto at sinarado iyon ng mabuti. Sobrang sakit na ng aking katawan. Isama mo na ang aking ulo na kumikirot dahil sa aking pagkalaglag. Ang pulsuhan kong hindi ko maibanat dahil bubuka ang sugat at dudugo muli. Ang likod kong puro latay, isama mo pa ang aking tiyan. Para makapagpahinga, gumapang ako papunta sa kama gamit ang isang kamay na walang sugat. Nahirapan pa ako bago makaupo sa kama.
Yinakap ko ang aking mga tuhod at doon umiyak. Isa lang ang kaibigan ko, si Fail. Siya lang ang tutulong sa akin para makaalis dito. Alam kong nag-aalala na siya dahil ilang araw na akong hindi umuuwi sa bahay. Sarili ko lang talaga ang makatutulong sa akin.
Bumukas ang pinto. Nakita ko si Hide na nakatayo, mapupungay ang mga mata habang naghuhubad ng damit. Kumabog na naman ang puso ko sa maaring mangyari. Nakatitig siya sa akin kaya mas lalo kong yinakap ang aking sarili.
“Kaya ba sa kwarto ako dinala para sa pangangailangan mo?” Ewan ko kung saan galing ang lakas na iyon para tanongin ko siya. Hindi siya sumagot, nakatitig lang talaga sa akin. “Huwag.” Takot na takot ako nang maglakad siya papalapit sa kama.
Napailing-iling ito at binagsak ang katawan sa aking tabi. “Hinding-hindi ko titikman iyang katawan mo.” Matapos iyon, wala na siyang naging kilos. Lumalim na ang paghinga nito. Nakahinga ako nang maluwag.
Itutuloy...
Hindi ako naniniwala sa huling sinabi ni Hide. Dibdib pa nga lang nakita, napamura na. Nakabra pa si Ysreal n’on.

Bình Luận Sách (42)

  • avatar
    LongasaRachelle Ann

    ang Ganda po kaso medyo naguluhan lang ako sa kwento Yung flow medyo nakakamad pero Yung ending maganda

    18d

      0
  • avatar
    PallarMateo

    very interested

    09/07

      0
  • avatar
    Boss Vin Wapo

    good 👍

    26/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất