logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 4:

Ysreal’s POV
Isang linggo na ang nakalipas. Heto ako ngayon, nasa harapan ni Sir Hide. Siya mismo nagdesisyon kung anong itatawag ko sa kaniya. Gusto ko ring magdesisyon na Ysreal ang itawag sa akin, may pangalan ako pero mas pinili nitong tawagin akong secretary. See? He’s weird o allergic lang talaga siya sa pangalan ko.
“Here’s your food, sir. Galing po iyan sa kabilang restaurant.”
Kung tatanongin niyo, sampong beses na yata akong akyat-baba rito sa kumpanya gamit ang hagdan. Nagpapa-order lang naman itong lalaking ‘to pero kapag nasa harapan niya na ang pagkain, aayawan at sasabihing bumili ng iba. Alam ko namang kasama ‘to sa pagpapahirap niya sa akin. Ayokong mawalan ng trabaho kaya mas pinili kong gawin ang mga kaisip-bataan niya.
“Ayoko ng maanghang, throw it.”
Hindi ako nito nililingon dahil abala siya sa pagtuon sa laptop. Ilang pagkain na ang nabili ko, pinapatapon niya lang. Pati sa pagkain, hindi mo maasahan ang ugali niya. Hindi ko tinatapon kahit utos nito, binibigay ko sa empleyadong hindi pa nagtatanghalian.
“Don’t you want to throw away?” Inangat niya ang tingin niya sabay taas ng kanang kilay. “O baka gusto mong itapon ko ‘yan sa mismong mukha mo?”
Hindi na ako umimik, kinuha ko na ang pagkain at lumabas. Binigay ko na naman ito sa ibang empleyado. Mga hindi gawain ng sekretarya ay pinapagawa niya. Isang linggo na rin akong nahihirapang maglingkod sa kaniya kaya pagkauwi ko sa apartment. Grabe ang pagod at bigat ng katawan ko.
Muli akong bumalik sa opisina. “May kailangan pa po ba kayo? Babalik na ako sa table ko.” Magalang ang aking pananalita. Nakatungo rin ako.
Hindi siya tumugon. Tumayo ito at lumabas ng opisina. “Bilisan mo,” aniya na sinasabing sumunod ako sa kaniya kaya ginawa ko.
Habang patungo kami ng elevator. Napahinto siya sa paglalakad sabay tingin sa nagkukumpulang empleyadong kumakain. Napakagat labi ako dahil sila ang pinagbigyan ko ng kaniyang mga pinabili.
“Nagpapakain ka pala ng basura sa katrabaho mo.” Malamig niyang sabi at nauna nang sumakay ng elevator.
Nanlaki ang aking mga mata roon. Gusto kong sampalin ang bibig niya dahil hindi na maganda ang lumalabas dito. Ibang-iba talaga sila ng ugali ni Seek. Paano kaya ito napalaki ng maayos ni Ma’am Victoria kung ganito ang ugali? O baka hindi niya napalaki ng maayos kaya ganito ang ugali? Okay, judgemental, Ysreal. Pero may punto naman ako, parehas naman silang pangit ang ugali. Baka nagmana sina Seek at Serious sa tatay.
“Secretary, kanina pa ako tawag nang tawag. Aakyat na lang muli ang elevator, hindi ka pa nakalalabas.” Naipikit ko ang aking mga mata at tiningnan si Hide. Inosente kong inalam ang nangyayari sa palagid. Napangiti na lang ako ng pilit nang mapagtantong kanina niya pa ako hinihintay kaya muli akong sumunod sa kaniya.
“I’m sorry, sir.”
“Sa susunod na magganiyan ka, ididikit kita sa elevator.” Sa mga sinasabi niya, pakiramdam ko bawal itong biruin dahil masyadong desidido sa mga sinasabi.
Hindi niya man lang pinapansin ang bumabati sa kaniya. Iyong reaksyon niya sa telebisyon at kung paano niya talikuran ang interviewer, ganoon siya ngayon. Mahirap kabisaduhin ang ugali nito. Parang minu-minuto kasi ay dinadalaw ng kasaltikan.
“Join me for lunch.” Medyo natigilan ako sa apat na salitang binitawan nito. Seryoso? Ayaw na ayaw niya nga akong kasabay kumain pero ‘gaya nga ng sinabi ko kanina, dinadalaw siya ng kasaltikan. Baka walang saltik ngayon, hehe.
“Okay, sir.”
Nilagpasan namin ang parking lot. Mukhang gusto nitong maglakad kahit tirik ang araw. Wala naman akong karapatang magreklamo dahil ang bilyonaryong boss ko ay hindi nag-iinarte. Dapat siya ang mauna. Mayaman muna bago mahirap.
Maraming sasakyan sa kalsada, puro usok din ang sumasalubong sa mukha ko kaya tinakpan ko ang aking ilong ng panyo. Medyo malayo sa akin si Sir Hide dahil sobrang bilis niyang maglakad. Sanay na sanay siyang makipagsabayan sa maraming tao.
“Sir Hid—”
Naiwan ang kamay ko sa ere at hindi natuloy ang sigaw nang biglang may humawak na babaeng bulag sa braso ni sir. Mukhang natumba ang bulag dahil sa mga taong naglalakad. Kalat din ang bitbitin nito sa daan. Hindi muna ako nagpatuloy sa paglalakad at hinintay ang gagawin ng walang pusong lalaki.
Napangiti ako nang yumukod siya para kunin ang mga dala nito. Nang maayos niya, tinanggal niya ang kamay ng babae at saka ito binuhat. Nagmamadali siyang maglakad, doon lang ako nagpatuloy. Naiisip ko tuloy ang reaksyon niya, alam kong labag sa loob niyang gawin iyon. Nilapag niya ang babaeng bulag sa waiting shed pati ang dala nito. Nagpagpag muna siya ng kamay bago ako lingunin.
“You look like turtle.” Mahina ang usal pero rinig na rinig ko.
Patahak ako sa kaniyang gawi nang bilang may bumusinang sasakyan sa aking gilid. Dala ng gulat, napaupo ako sa semento. Bastos ang may-ari niyon. Ni hindi man lang ako tinulungan. Binalingan ko si Sir Hide, nakatingin lang siya sa akin. Hindi man lang lumapit. Hinintay niya man lang akong tumayo.
Kaya nang makatabi ako sa kaniya, tinanong ko siya. “Hindi mo man lang ako tinulungan?” Wala siyang naging sagot. Muli na namang naglakad. “Kita mo namang natumba ako. Dapat tinulungan mo man lan—”
“Magpabulag ka muna bago kita tulungan.” Simple lang ang kaniyang sagot pero nakuha kong mapanguso. Wala na ba talaga akong aasahan sa kaniya? Kung si Seek iyon, mabilis niya na akong tinunton.
“So may kapansanan lang ang tinutulungan mo?”
“Yes.”
“May kapansanan ka sa pag-iisip. You must put yourself first.” Mahina kong bulong ngunit sinigurado kong maririnig niya.
“Don’t talk to me when you say nonsense.”
Tinikom ko na lang ang aking bibig. Tinahak niya ang isang restaurant na palaging kinakainan ni Seek. Baka parehas sila ng paboritong pagkain kaya rito nito nakuhang magtanghalian? Wala namang problema sa akin iyon kaya hindi na ako nagreklamo.
Pagkapasok namin, sinalubong kami ng dalawang staff. “Welcome, Mr. Hide Laurier.” Sa sikat ba naman ng lalaking ito, talagang maraming makakikila sa kaniya. “Welcome back, ma’am.”
Sa simpleng sabi ng staff, nakuha niyang pahintuin sa paglalakad si Sir Hide. “Welcome back? Kumain na siya rito?” Seryoso lang ang kaniyang mukha. Dapat sa oras na ito ay tinaasan niya na ng kilay. Kaya siguro siya nagtanong dahil ang mahal ng mga pagkain. Saan ako kukuha ng pangbayad? Talagang nakapapagtaka iyon.
Magalang na sumagot ang staff. “Yes, sir. Pumunta na si Ms. Arison dito with Mr. Seek Laurier.” Nginitian pa siya. Bastos na tumalikod si Hide at naupo sa bakanteng mesa.
Uupo sana ako sa kaharap niyang upuan ngunit piniigilan ako nito. “We’re not on a date. Sit next to me.” Pati ba naman iyon big deal sa kaniya? Umupo na lang ako sa tabi niya at nanahimik. Umorder na siya ng pagkain. “Akala ko ba hindi kayo magkasundo ni Seek? Bakit kayo kumain dito?” Iyan, ang kanina kong hinihintay. Nakataas na ang kanang kilay niya.
Kaswal akong sumagot. “Ikaw nga galit sa akin, nakuha nating kumain dito.” Nakumbinsi ko siya kaya hindi na nakuhang magtanong.
Nang dumating ang order, kumain na lang kaming dalawa ng tahimik. Hindi ko magawang i-angat ang aking ulo dahil hindi inaalis ni Sir Hide ang titig sa akin. Alam kong may gusto siyang malaman. Hindi ko alam iyon. Nakaiilang ang kaniyang ginagawa.
Nakakain lang ako ng maayos nang iiwas niya ang kaniyang paningin. Kukuhanin ko sana ang tubig kaso nabangga ko ang sauce at dumiretso sa aking white skirt. Napatayo ako dahil doon.
Napasalong-baba si Sir Hide habang nakatingin sa akin. Seryoso ang kaniyang mga mata. “Katangahan, secretary.”
Muli na naman akong napanguso. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ito ngunit mas lalong kumalat. Halatang-halata pa naman kapag naglakad ako. Wala akong dalang gamit na p’wedeng ipangtakip dito.
Napahinto ako sa pagpunas nang tumayo si Hide. “I’ll buy clothes for you.”
Mas lalo akong napahinto sa kaniyang sinabi. Ilang segundo pa bago ko siya tugunin. “Huwag na, malapit lang naman ang company dito. I’ll change my skirt later.”
Napahinga siya nang malalim. Nagpamulsa. “Sabay tayong babalik sa company tapos ganiyan ang hitsura mo? Isipin pa nilang may kasama akong pulubi. Imahe ko ang inaalala ko, hindi ikaw.” Nang sambitin niya ang mga iyan, iniwan niya na ako rito. Naniniwala na talaga akong wala akong maasahan sa lalaking ito. Puro pansarili.
Nang maubos ko ang aking pagkain siya namang pagdating niya. Hinagis niya sa mismong mukha ko ang paper bag, buti na lang nasalo ko. Binuhaghag ko ang damit niyang binili. Nangunot ang noo ko dahil dress ito. Bakit naman ito ang binili niya? Dapat skirt.
“Iyan lang ang nagustuhan ko sa shop.” Pag-amin niya. Napansin yatang nagtaka ako.
Pumunta akong banyo, ramdam ko namang nakasunod sa akin ang lalaking ito. Itatanong ko sana kung bakit kailangan pang sumama pero hindi ko na nagawa. Naiwan siya sa labas nang pumasok akong banyo. Nilagay ko muna ang sinuot kong damit sa paper bag bago isuot ang dress. Bagsak ang aking mga balikat dahil may zipper sa likod. Ayoko ng ganitong damit, kailangan pa ng alalay kapag susuotin.
Nasa labas naman si Hide kaya binuksan ko ang pinto ng banyo. Nakita ko siyang nakasandal sa pader habang nakapamulsa. Nasa lapag lang ang tingin.
“Sir Hide.”
Agad siyang tumingin na may kunot sa noo. “What?”
“P’wedeng pa-zipper sa likod? Hindi ko maabot iyong itaas.”
Natigilan siya ng ilang sandali bago ako lapitan. Tumalikod ako sa kaniya, hinawakan ako nito sa kaliwang balikat. Nangunot ang noo ko dahil nanginginig ang kaniyang kamay. Mailap niyang tinaas ang zipper, nag-iingat din siyang huwag madikit ang daliri sa likod ko. Diring-diri ba ito sa akin? Nakuha nga akong sakalin.
“Why are you trembling?” Harap ko sa kaniya nang matapos.
Nagpamulsa muli siya at iniwas sa akin ang tingin. “Hindi ako sanay. Isang babae lang ang hinahawakan ko.” Matigas ang kaniyang pananalita. “Wala ng iba.”
Napatango-tango na lang ako. Siguro ay may asawa siya o kasintahan kaya masyado siyang ilap sa babae. Mukha naman kasing walang balak magpakilala itong si Sir Hide kaya wala akong nalalaman tungkol sa kaniya. Sabi rin sa balita, galing pa itong Italy. Wala na yatang umalam tungkol sa buhay niya kaya hindi nabobroadcast ang nangyayari sa kaniyang buhay.
“Gipit na gipit ka, nakukuha mo pang magsalita ng ingles.” Naglalakad na kaming dalawa palabas ng resto. Lalaitin na naman ba ako nito? “Ngayong panahon, mayayaman na lang ang nagsasalita ng ganiyan.”
“Thank you, sir and ma’am.” Pasasalamat ng dalawang staff nang lumabas kami.
Tinugon ko ang sinabi niya. “Porque ba gipit sa pera, bawal nang magsalita ng english? Saka may kaibigan akong englishera, si Fail? Doon ako nasanay. Ako rin nagturo sa kaniya magsalita ng tagalog. Straight na ang pananali—”
“Wala akong sinabing i-kwento mo.”
Bastos, nagsasalita ako e.
“Minamaliit mo naman yata kaming mahihirap.”
“Ikaw nagsabi niyan.”
“Iyon pinaparating mo.”
“Shut up.” Huminto kami sa gilid ng kalsada. “I instructed my friend to research about you. Wala siyang nahanap na impormasyon kahit social media accounts. Hindi ka ba nag-iinstagram? Facebook? Twitter? Limos ang google and other sites.”
Natawa ako sa kaniyang tanong. “Iyon ba? Sabay-sabay kasing nadisabled lahat ng accounts ko. Hindi ko alam ang nangyari pero nakaraang taon pa ‘yon.”
Napaikot siya ng mga mata. “Aren’t you wondering? Tinatago yata lahat ng impormasyon tungkol sa ‘yo. Wala ka bang idea kung sino ang gagawa sa ‘yo n’on?”
“Wala pero ayos lang naman sa akin na mawala ang mga ‘yon. Maliit na bagay.”
Hindi niya na ako tinugon pero alam kong iniisip niya pa rin ang kaniyang tinatanong. Wala naman akong maisasagot dahil ayos lang sa akin na mawala ang mga ‘yon. Tumawid kaming dalawa sa kalsada.
Huminto siya at nagtanong. “May alam ka bang short cut? Hindi ko pala kayang makipagsabayan sa siksik. I used to feel like I was going to lose consciousness.”
“Mayroon naman. Dito tayo, dire-diretso lang.” Nauna na naman siyang maglakad. “Bawal dumaan ang mga sasakyan dito dahil ang dulo, guard house.” Wala siyang naging tugon kaya nanahimik na talaga ako. Sinaltik na naman yata kaya ayaw magsalita.
Tahimik lang kaming naglalakad. Kung hindi niya sinabi kanina na don’t talk to me when you say nonsense edi sana maingay kaming naglalakad. Nagkukwentuhan. Boring siguro kasama ito? Mukha naman siyang madaldal pero bakit ayaw magsali—saltik nga pala.
Napatingin ako sa likuran nang may humintong van. Sunod niyon ay may mga lalaking nagsibabaan, nakakulay itim silang lahat at nakatago ang mukha. Tinakpan ng isang lalaki ang bibig ko para hindi makapagsalita.
“Secreta—”
Bago pa ako sakluban, nakita kong sinuntok at tinadyakan sa tiyan si Sir Hide. Sinakluban din siya sa ulo at sinakay kami sa van. Nang umandar, may tunog usok, sunod iyon, nakaramdam ako ng antok hanggang mawalan ng malay.
Itutuloy...

Bình Luận Sách (42)

  • avatar
    LongasaRachelle Ann

    ang Ganda po kaso medyo naguluhan lang ako sa kwento Yung flow medyo nakakamad pero Yung ending maganda

    18d

      0
  • avatar
    PallarMateo

    very interested

    09/07

      0
  • avatar
    Boss Vin Wapo

    good 👍

    26/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất