logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 3

SABI NG MGA matatanda ang Nanay ang magiging karamay mo sa lahat at higit sa lahat ang Nanay din ang unang susuporta sayo sa gusto mong nainisin sa buhay.
Pero bakit ang Nanay ko iba? Siya pa ang unang humadlang sa sinabi ni Lolo.
Gusto ko na talagang isiping hindi siya ang Mama ko. Kontra-bida ng taon e!
"Ang usapan po natin pupunta lang si Jowey ng Maynila para dun mag-aral ng kolehiyo, wala po sa usapan na ngayon pa lang ay dadalhin niyo na ang anak ko sa Maynila." ramdam ko na ang inis na boses ni Mama, kaya kahit gustuhin ko mang sumabat sa usapan nila ay hindi ko na lang ginawa.
"Kailangan pa ba nating hintaying makatapos ang Apo ko sa high school? Look at your Daughter Dalia, gusto mo bang madagdagan pa ng isa pang taon ang paghihirap ng anak mo dito? This is not about you and my Son, Dalia., This is the her time Dalia, and you kow what I mean..."
Hindi nakaimik si Mama sa sinabi ni Lolo, ako naman ay tamad na nangalumbaba nalang habang humihikab pa, sakto namang nabaling din ako sa lamesa at halos manlaki ang mata ko ng makitang may pusa sa ibabaw ng lamesa at balak pa ata kaming pagnakawan.
Aba! Uunahan mo pa ko ha...
Tahimik na tumayo ako sa kinauupuan ko at pasimpleng lumapit sa lamesa para itaboy ang pusa na nakatitig pa sa mga iba't ibang putaheng nasa lamesa.
Ano? Namimili lang nang-uunahin?
"Wag kanang mamili dahil wala kang matitikman d'yan." nakangising bulong ko habang dahang-dahang lumalapit sa pusa. Napahinto naman ako ng mapatingin sa akin ang pusa, nagawa pang makipagtitigan nito na ikinainis ko kaya naman ng akmang dadambain ko na siya ay bigla na lang niyang sinunggaban ang isang hita ng manok na malapit sa kanya at mabilis na tumalon paalis.
Bagsak ang balikat na napaupo ako sa upuan at napasabunot sa sarili, habang tinitignan ang mga pagkaing nakahain sa lamesa.
"Hayop ka talagang pusa ka!..." naiinis na bulong ko. At dahil sa nakatitig nga ako sa mga nakahain, bigla na lang tumunog ang t'yan ko dahilan para mapabitaw ako sa buhok ko at mapahawak sa tiyan ko.
Para tuloy akong biglang naglaway dahil sa dami ng pagpipilian at sa mabangong amoy na rin nito sa sumusuot sa ilong ko. Ilang beses pa kong lumunok para pigilan ang sariling kumurot sa manok na ninakawam ng hayop na pusang iyon.
Muling tumunog ang t'yan ko,
Hindi ko na kayang mag-tiis. Nagugutom na 'ko.
Pasimpleng bumaling ako sa likod para tignan sila Mama at nang mapansing nag-uusap parin sila ay napangisi ako at muling humarap sa mga pagkain.
"Mauuna kong kumain..." kumuha agad ako ng plato at mabilis na nilagyan ng kanin, pritong manok, caldereta at liempo.
Sa unang takim ay halos mapikit ako sa sobrang tuwa at sarap, naipadyak ko pa ang mga paa ko.
"Ito talaga ang tunay na pagkain." ani ko habang tuloy-tuloy ako sa pagsubo.
Hindi ko na inintindi ang mga tao sa likod ko na walang ibang ginawa kung hindi magtalo.
Hindi ata nakakaramdam ng gutom! Pasensya maubusan...
Masaganang tinuloy ko lang paglamon ng may biglang umupo sa katapat ko dahilan para mahinto ako sa pagkagat ng manok. Mataray ko siyang tinignan.
"Problema mo?" tanong ko bago ituloy ang pagkagad sa manok, sumubo rin ako ng kanin at pagkatapos ay yung liempo naman.
Wala na sana akong balak pansinin ang damuho sa harap ko kung hindi ko lang napansin ang pag-iling nito habang pinapanood ako sa pagkain, nagawa pa nitong mangalumbaba sa ibabaw ng lamesa.
"They're arguing because of you yet you're here...eating like you don't care." napataas ang isang kilay ko sa sinabi nito at dahil puno ng laman ang bunganga ko ay inubos ko muna iyon atsaka uminom ng tubig bago siya tinignan.
"nagtatalo na nga sila dahil sakin ano pang gusto mong gawin ko? Makipagtalo rin ako sa sarili ko?" inis na sabi ko at inirapan siya bago muling pinagpatuloy ang pagkain.
"Tsk. Atleast give your suggestion. It's still for you after all." napahinto muli ako sa pagsubo dahil sa sinabi nito, napatitig ako sa kanya ng ngayon ay nagsasandok na rin ng pagkain sa plato niya.
Daming dada! Hindi na lang sabihin kung sasabay siya kumain...
Naboring ata sa pakikinig sa pagtatalo ng mga matatanda. Muli akong uminom ng tubig at bumaling sa likod ko.
"Dalia, napag-usapan na natin 'to diba! Para din ito sa ikabubuti ni Jowey, panahon na para maranasan naman niya ang magandang buhay na ilang taon nating pinagkait sa kanya, hindi talaga para dito ang buhay ng anak natin, at alam natin iyon sa simula palang. May sariling buhay si Jowey, Dalia at alam natin pare-parehas na darating ang panahon na dapat niya iyong harapin at ngayon na ang panahon na yun Dalia....ngayon na!" mahinahong pagkukumbinsi ni Papa kay Mama na ikinakunot ng noo ko, para kasing may ibang ibig sabihin si Papa sa mga sinabi niya.
Hindi nakaimik si Mama at napansin ko pa ang pagpahid niya sa kanyang pisngi.
Pang best actress talaga ang drama ng Nanay ko...
"P-Pero paano kung may mangyaring masamasa kanya..."
Napabuntong hininga na lang ako habang pinapanood sila. Kailangan ng matapos ang pagtatalong ito para makakain na ako ng maayos.
"Dalia---"
"Baka pwedeng kumain na din muna kayo?" agaw ko sa atensyon nila, sabay-sabay silang tatlong bumaling sa akin. "lumalamig na ang pagkain at baka maubusan tayo ng damuhong kasama ni lolo." saad ko at mabilis na humarap kay damuho na napahinto sa pagsubo ng kutsara at naka-taas ang isang kilay na nakatingin sa akin.
Ngumisi ako at tinuro siya.
"Matakaw ang driver ni lolo. Inuubos na ang pagkain natin." sigaw ko dahilan para mabitawan niya ang kutsara at mapahalakhak ako.
Mukha kasi siyang tanga na naka nganga habang nanlalaki ang mata.
"Ang epic ng mukha---Aray naman!" inis na napabaling ako sa bumatok sa akin, habang himas-himas ang ulo ko.
"Puro ka talaga kalokohan!" singhal ni Mama na siyang bumatok sa akin.
Hindi na talaga ko magtataka kung bakit nagiging bobo ako eh!
Himas ang ulong napabusangot lang ako at saka muling humarap kay damuho na ngingisi-ngisi ng ipinagpatuloy ang pagkain.
Ma-stroke sana panga mo kangingisi...
Nang maka-upo sila Mama at Papa kasama na din si Lolo ay namayani ang katahimikan sa amin ng simulan na rin nilang kumain.
Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng pagkailang. Pasimpleng bumaling ako kay damuho na nakatingin din pala sa akin at merong sinisenyas na ikinataas ng kilay ko.
Ginagalaw pa niya ng paulit-ulit ang ulo niya ng patagilid at napapanguso pa.
May sakit ba 'to? Inaatake ata e!
nangningkit ang mga matang pinakatitigan ko pa siya at saka ko lang nakuha ang gusto niyang ipahatiwag nang inginuso niya ang Mama ko na nasa tabi ko dahilan para mabitawan ko ang kutsara ko at lumikha iyon ng ingay.
Hindi makapaniwalang nanlalaki ang matang napatitig ako sa kanya napatakip ko din ang dalawang kamay ko sa aking bibig.
"Jowey! Ano na namang nangyari sayo?" rinig ko pang tanong ni Mama ngunit ang antensyon ko ay nasa kaharap ko lang na ngayon ay nakakunot noo na.
"Jowey Anak! May problema ba?" boses ni Papa.
Naiiling na napaturo ako kay damuho.
"H-How dare you!..." hindi pa ring makapaniwalang tanong ko kay damuho habang nakaturo sa kanya. Mas lalong kumunot ang noo nito.
"H-Huh!?"
Aba't patay malisya pa ang gago!
"Jowey---"
"Mama..." malakas na tawag ko kay Mama na nasa tabi ko lang. Bumaling ako sa kanya at halatang naguguluhan na din sa ikinikilos ko.
"Bakit kaba biglang sumisigaw? Katabi mo lang ako..." singhal niya sa akin pero hindi ko pinansin iyon.
"Itong damuhong 'to..." Malakas na sabi ko habang nakaturo parin kay damuho. Naguguluhang saglit bumaling si Mama kay damuho at saka sa akin.
"Ano bang problema---"
"Gustong humingi ng halik sayo..." putol ko sa sasabihin ni Mama dahilan para makarinig kami ng bagsak ng mga kutsara.
Napanganga si Mama sa sinabi ko kaya naman bumaling ako kay damuho na nakanganga na din.
"Grabe ka! Winelcome ka ng mga magulang ko tapos aahasin mo ang Mama ko sa Papa ko. Ibang klase rin taste mo men, Mama ko pa gagawin mong sugar Mommy e! Mas mahirap pa ito sa daga---"
"Fuck! What are you talking?..."
Biglang napatayo ang damuho na ngayon ay masama na ang tingin sa akin. Sinamaan ko rin siya ng tingin.
Sige! Pasamaan tayo ng mukha...
Nakipaglabanan ako ng titigan sa kanya hanggang sa siya ang unang sumuko na ikinangisi ko.
Napapa-iling na napayuko siya habang naka-pamewang, napansin ko rin ang pagkagat niya sa bang lalabi niya bago muling tinignan ako ng masama.
"You know what? You're crazy!..." aniya at biglang naglakad palabas ng bahay.
Nakabusangot na sinundan ko lang siya ng tingin at ng tuluyan siyang mawala sa paningin ko ay saka lang ako humarap kay Mama na nasa tabi ko.
"Mama! Baliw daw ako!.." pagsusumbong ko ngunit nang mapansing namumula na si Mama sa galit ay mabilis na humarap ako sa plato ko at nag sandok, narinig ko pa ang paghinga niya ng malalim kaya mas binilisan ko ang kilos at agad na tumayo hawak ang plato ko at pilit ang ngiting humarap sa kanilang tatlo.
"sa labas na po ako kakain, enjoy lang kayo d'yan!" sabi ko at nagmamadaling lumabas ng bahay.
Kahit hindi ko maintindihan kung bakit namumula sa galit si Mama ay mas mabuti na ring lumayo ako, baka kasi sakin niya pa ibunton ang galit niya.
Nakangiting itinuon ko na lang ang atensyon ko sa hawak kong plato, umikot ako sa likod ng bahay para sana dun na lang kumain pero agad din akong napahinto na makita doon si damuho at parang may kausap sa cellphone.
"No! Leave it to me S. Ako ang papatay sa kanya."
Tulalang nabagsak ko ang hawak kong plato dahilan para mapalingon  siya pwesto ko at magkatitigan kami.
Bigla akong nakaramdam ng kaba sa uri ng tingin niya.
Ibang-iba sa mga tingin na ibinibigay niya sa akin kanina. Nakakatakot.
Lihim akong napalunok
Mukhang sarili ko muna ang tatahian ko ng damit pang burol....

Bình Luận Sách (78)

  • avatar
    John Mark Tiosan

    good novelah

    25d

      0
  • avatar
    TajRhea

    more chapters pa po nakakabitin po Yung story excited pa nmn Ako tas nag end na to be continued na agad ❤️

    03/08

      0
  • avatar
    Requiño TalayMikyla

    kakabitinn, asan na chp 50🥺🥺

    02/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất