logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHPATER 1

MAAGA AKONG gumising at nag-ayos, dahil bukod sa may bisita nga kaming darating ay balak ko rin pumunta sa school dahil ngayon ang enrollment para sa 4th year.
Pantalong pinag-lumaan ni hudas, t-shirt na pwede ng ikumot at sandals na hindi na nagkasya kay Guliath.
Gusto ko tuloy isiping hindi ako anak ng nanay ko dahil hindi niya alam ang size ng katawan at paa ko.
Matapos magbihis ay agad akong bumaba, sakto namang maghahain na ng almusal ang nanay ko.
Kamoteng kahoy at kape.
Walang suklay-suklay na itinali ko ang buhok ko bago umupo sa hapag.
"Saan ang punta mo? Bakit bihis na bihis ka?"
Hindi ko alam kung nang-iinsulto ba itong nanay ko o yun lang talaga ang tingin niya sa suot ko.
"Hindi ako bihis na bihis Ma, kumot na kumot nga ako e! Baka gusto mo din makikumot kasya tayong dalawa dito." sagot ko dahilan para makatanggap ako ng tuktok ng kutsara sa ulo.
"Aray naman Ma!..." masama ang tinging umupo si Mama sa katapat ko.
"Ang aga-aga mo kasing mang-bwiset. Tinatanong ka ng maayos e." hihimas-himas ang ulong napakagat ako ng kamoteng kahoy.
"e paano ba naman kasi, tignan niyo nga itong damit ko, kulang na lang ipasok din kita dito sa sobrang laki tapos sasabihin niyo bihis na bihis." reklamong sabi ko na ikimasimangot lang ng nanay ko.
"saan kaba kasi talaga pupunta at bihis na bi---kumot na kumot ka?"
O diba? Natauhan din sa nakitang suot ko...
Muli akong kumagat ng kamoteng kahoy at saka uminom ng kape na mas matapang pa sa aso ng kabit bahay namin.
Iisipin ko na lang na wala kaming asukal at mahilig si Mama sa matapang na kape.
Kape lover ang nanay ko e...
"Sa school po, magpapa-enroll." sagot ko habang inuubos ang kinakain ko.
"G-Ganun ba!" mahinang sabi ni Mama na takang ikinabaling ko sa kanya. Nakatitig siya sa akin na parang may gustong sabihin ngunit hindi rin nagtagal ay inirapan lang ako nito na hindi ko na ikinagulat.
Kaya mahal na mahal ko tong nanay ko e. Tipid kami sa tayo dahil araw araw siyang may reserba sa utak.
"Umuwi ka rin agad! Alam mong may parating tayong bisita." tumango na lang ako at inubos na ang kinakain ko,  nang maubos ay agad akong tumayo at nagpaalam na aalis na, sakto namang dating din ng Papa ko na galing ata pamamalengke dahil sa bitbit nito.
Para tuloy akong asong gala na naglalaway ng makita ang duguang karne na bumabakat sa plastik na hawak ni Papa.
"Ang dami mo namang binili." rinig kong sabi ni Mama pero ang mga mata ko ay sumusunod lang sa plastik na hawak ni Papa na inilapag niya sa kawayan naming lamesa.
"Alam mo namang pihikan sa pagkain si Papa diba."
Kakakain ko lang pero parang gusto ko ulit ang dala ng tatay ko kahit hilaw pa.
"Papa!..." wala sa sariling tawag ko habang nakatitig pa rin sa plastik na nasa lamesa.
"Bakit?"
"pwede pihingi ng karne?" sabi ko at itinuro pa ang duguang karte sa loob ng plastik. Narinig ko ang pagtawa ni Papa na ikinalingon ko sa kanya.
"Puro ka talaga kalokohang bata ka. Umalis kana nga!" bulyaw ni Mama na ikinanguso ko.
May karne lang natutu nang magdamot...
"Aalis ka? Ipapaluto ko pa naman sa Mama mo ang mga gusto mo, darating din ang Lolo mo ngayon, saan kaba pupunta?" biglang nagliwanag ang mukha ko sa sinabi ni Papa.
"Talaga! Sa school lang po ako pupunta, magpapa-enroll lang." sagot na ikinakunot ng noo ni Papa at saka bumaling kay Mama na busy-busyhan sa pagtingin ng mga pinamili ni Papa.
"Hindi mo pa sinasabi?" tanong nito kay Papa ngunit hindi ko na pinansin iyon dahil ang isip ko ay ukupado na ng mga lulutuin pagkan ni Mama.
Kailangan kong makabalik agad...
Mabilis na tumalikod na ako para umalis.
"Alis na ko! Babalik agad ako." pasigaw ng paalam ko ng makalabas ng bahay. Narinig ko pa ang pagtawag sakin ni Papa pero hindi ko na iyon pinansin ay nagtuloy na lang sa pagtakbo.
At dahil hindi uso ang sasakyan sa mga walang pamasaheng katulad ko, isang oras na lakaran ang kailangan kong tiisin para makapunta sa bayan kung nasaan ang skewelahang pinapasukan ko.
Hindi na naman bago sa akin ang maglakad papuntang school dahil araw-araw ko namang iyon ginagawa tuwing pasukan, pero ngayon lang ako naglakad na parang hindi nakakaramdam ng pagod dahil sa laman ng isip ko ang mga putaheng lulutuin ni Mama.
Once in blue moon lang kasi kami kung makakain ng karne at madalas ay dalawa o tatlong hiwa pa na sasapat lang para makatikim at makaraos kami.
Nang makarating sa school ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Agad na pumunta sa registration area kung saan marami na rin ang nakapila.
Lalapit na sana ako para pumila ng hindi sinasadyang may makabangga ako. At sa dinami-dami ng pwede kong makabangga ay hindi ko alam kung bakit kailangang ang anak pa ni Aling Granida na si Dana na pinanganak ata sa comedy bar. Kasama din nito ang mga alepores niya na naghilamos ata ng harina.
"Ano ba! Wash your step naman." inis na singhal nito sa akin. Dinampot ko ang folder na nalaglag niya at nakangiting inabot iyon sa kanya.
"Pasensya na hindi kasi ako marunong maglaba ng tinapakan ko." sagot ko at saka mabilis silang tinalikuran.
Wala akong panahong makipag sagutan sa kanya at sa mga alipores niya. Masyadong maganda ang mood ko para lang patulan ang mga kabobohang salita niya.
Alam kong hindi ako matalino pero hindi rin naman ako kasing bobo nila, gagraduate na lang lahat lahat hindi pa rin marunong mag-english.
Duh! It's watch your step not wash. Kailan pa nilalabhan ang tinatapakan.
"Jowey!..." napalingon ako sa tumawag sa akin na sana hindi ko na lang pala ginawa.
"Isa pang panira ng araw..." bulong ko bago tuluyan makalapit sakin si Danny. Ang kakambal ni Dana na ang lakas ng loob na manligaw sa akin pero hindi naman alam kung paano magpunas ng sipon.
Pilit ko siyang nginitian bago kinuha ang panyo ko sa bag ko at inabot iyon sa kanya na agad naman niyang kinuha na may pagkinang effect pa ang kanyang matang paglaki-laki naman.
"Sipon mo punasan mo." sabi ko at katulad ni Dana ay mabilis ko ring tinalikuram si Danny para pumila na.
Nagsisimula palang ang magandang araw ko pero dalawang malas na agad ang naka-inkwentro ko, parang gusto ko tuloy mabahala na baka may susunod pa.
At hindi nga ako nagkamali dahil hindi rin nagtagal ng pumila sa likod ko ang kambal at syempre dahil nga anak si Dana ng isang chismosa, hindi rin siya magpapahuli.
"Hindi ko talaga ma-care na kung sino pa ang mga panget ay sila pa ang mga pinaka ambisyosa." lihim na napabunton hininga ako para pahabain pa ang pasensya pa ko. hindi ako kumibo sa parinig niya dahil alam ko namang may gagawa nun para sa akin.
"Ano kaba Dana! Hindi naman pagiging ambisyosa ang mag-aral sa Maynila. Pangarap yun Dana, pangarap, palibhasa kasi wala kang pangarap sa buhay. Atsaka anong ma-care? Baka ma-take?" lihim akong napangisi ng marinig ang pag singhal ni Danny sa kapatid.
Minsan talaga naasahan ko siya pagdating sa pakikipag-sagutan sa kapatid niya.
Kung tutuusin, may itsura naman si Danny, may katalinuhan rin pero dugyot sa sarili na ikinaayawan ko. Pagpupunas lang ng sipon hindi pa magawa, pati pawis na akala mo ay ipinanliligo na sa katawan.
Minsan nga babarahin ko na 'to ...
"Pinagtatanggol mo na naman 'yang babaen na yan! Can't you think Danny? Mukha siyang lalaki manamit sa laki ng t-shirt, ang panget panget pa at napaka bobo pa!..." Sa narinig ay hindi ko na napigilang humarap sa kanila. Nakataas ang kilay ni Dana na nakangisi pa, nagtatawanan naman ang mga harinang alipores niya.
"Pwede ba Dana---"
"Mayaman kasi kami sa tela, hayaan mo pag may time ako ipagtatahi kita ng damit na sasakto sayo sa burol mo." nakangiting sabi ko na ikinalaki ng mata ni Dana, tsaka ko siya mataray na tinalikuran.
Parang gusto ko talaga sisihin ang nanay ko. Minsan na lang ako bilihan ng damit sa ukay-ukay yung pang kumot pa ang pipiliin. Pag ako nagkapera pang kurtina naman ang ibibili ko sa kanya...
Ganti-ganti lang para fair...
"W-Why are you said---"
"tumigil kana Dana! Tsaka ayusin mo nga yang pananalita mo. Napapahiya ka lang sa mali-mali mong english."
Gusto ko sanang humagalpak ng tawa dahil sa pang-babara ni Danny sa kapatid niyang baliw pero umalis na ang nasa harapan ko kaya ibig sabihin ay ako na ang susunod na magpapalista.
Hindi ko na pinansin ang pagtatalo ng magkapatid at itunoon ko na lang ang sarili sa pagpaparegister at ng matapos ay saka lang muli akong humarap sa kanila at binigyan sila ng matamis na ngiti.
"you should learn more Dana! Maybe listening to our english class is enough for your brain. Bye!..." sabi ko at mabilis silang tinalikuran habang kumakaway, napansin ko pa ang galit na mukha ni Dana na ikinangisi ko na lang.
Sabi ko sayo don't me e!... Ako pa! E may tatay akong batikan sa english...

Bình Luận Sách (78)

  • avatar
    John Mark Tiosan

    good novelah

    25d

      0
  • avatar
    TajRhea

    more chapters pa po nakakabitin po Yung story excited pa nmn Ako tas nag end na to be continued na agad ❤️

    03/08

      0
  • avatar
    Requiño TalayMikyla

    kakabitinn, asan na chp 50🥺🥺

    02/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất