logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

The Chosen Bride

The Chosen Bride

OneLubb


PROLOGUE

SABI NG MGA CHISMOSANG kapitbahay namin.
Ang MAHIHIRAP dapat daw ay hindi na dapat maghangad ng mataas na kasing taas ng lipad ng ibon.
Well! naniniwala naman ako sa part na pinaglalaban nila. Ang hindi ko lang magets ay kung bakit kailangan pa nilang makielam sa buhay na gustong tahakin ng mga kabataan ngayon.
Katulad na lang ngayon.
Nananahimik ang buhay kong kumakain ng chichirya at umiinom ng softdrinks sa tapat ng tindahan ni Aling Sita, pero kung pag-chismisan ako ng mga gurang sa harap ko ay parang wala ako sa harap nila.
Mabuti na lang at pinalaki akong mabait ng mga magulang ko kaya malapit ko pa lang naman balaking isaboy sa kanila ang iniinom kong softdrinks.
"Hindi kakayanin ng mga magulang niya ang pag-aralin siya sa Maynila. Dito pa nga lang ay nagkukumahog na ang tatay niya sa pagpapa-aral sa kanya, makapag tapos lang ng high school." sabi ni Aling Granida na ang sarap pasubuin ng granada sa bunganga at ipalunok sa kanya ng sumabog na.
"Ewan ko ba diyan kay Eman at Dalia, kinukunsinti yang si Jowey eh, hindi rin naman kagandahan at katalinuhan, naghahanggad pang mag-aral sa Maynila." gatong naman ng isa pang chismosang si Aling Pilar na konti na lang ay paliliparin ko na talaga siya sa kanyang kinauupuan.
Gets ko yung katalinuhan pero yung kagandahan? Kailangan ipamukha?
"nag-iisang anak kasi si Jowey, pero kung ako kay Eman at Dalia, turuan na sana nila ang batang yan na kumayod din para hindi na umaasa sa kanila, tutal ay naman ay graduating na si Jowey sa susunod na pasukan, kung ako lang ang naging nanay ni Jowey ay siguradong hindi na niya papangaraping mag aral pa sa Maynila, dahil ipapamukha ko sa kanya kung anong buhay lang meron kami at kung ano lang ang nababagay sa kanya." sabat naman ng nagmamagaling na si Aling chabeng na mabuti na lang at hindi siya ang naging nanay ko dahil baka maitakwil ko lang siya ng wala sa oras.
"Ano ba kayo! Kung makapagsalita kayo e parang wala sa harap ninyo ang pinag-uusapan niyo." saway sa kanila ni Aling Sita na kung tutuusin ay isa rin namang chismosa.
Natahimik naman ang tatlong gurang at umarteng nagpapapay-pay dahil sa init ng panahon.
Kailan kaya sila masusunog sa araw?...
Inubos ko lang ang softdrinks ko atsaka tumayo na, inayos ko pa ang salamin ko sa mata bago bumaling sa mga Chismosang sinumpa ng taon at matamis akong ngumiti.
"Makikidaan po.." tumabi naman sila saglit para padaanin ako pero bago ako tuluyang umalis ay huminto muna ako sa harap nila at malakas na umutot dahilan para isa-isa silang magreklamo.
Lasapin niyo ang tamis ng aking paghihiganti..
"Salamat po Aling Sita!" nakangiting saad ko pa bago tuluyang umalis sa harap ng mga chismosa naming kapit bahay.
Sa totoo lang, hindi ko maiwasang makaramdam ng inis sa mga narinig ko. Para kasing pinamukha na talaga nila sa akin na wala akong karapatang maghangad ng mataas.
Pero kahit nakakaramdaman ng inis, hindi ko maikakailang tama sila.
Isang kayod, isang tuka lang ang buhay na meron kami kahit nag-iisang anak lang ako, tapos ang lakas ko pang mangarap ng mataas.
Hindi naman talaga ganung kataas ang pangarap ko. Gusto ko lang talagang makapag-aral ng kolihiyo sa Maynila at doon makapag-tapos.
Yun lang naman ang hinahangad ko pero kung makapag salita ang mga Chismosang kapit bahay namin na mahilig atang kumain ng bagoong sa baho ng mga bunganga, para naman sobrang taas na ng pangarap ko.
Hindi ko nga alam kung paanong kumalat ang balitang gusto kong mag-aral ng kolehiyo sa Maynila e samantalang kagabi ko lang sinabi iyon sa mga magulang ko habang nakaupo sa labas ng bahay sa may bakuran namin at pinagmamasdan ang mga bituin sa langit.
Aminado din naman akong hindi ako matalino. Pero hindi rin naman ako kasing bobo ng mga anak ng mga chismosang kapit bahay namin na 'yun. Wala naman sigurong masama kung gustuhin kong mag-aral sa Maynila.
Makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon simpleng buhay, yan lang ang pangarap ko pero dahil sa lawak ng imahinasyon ng mga kapit bahay naming kakarampot ang utak e parang papunta na sa labas ng mundo ang pangarap ko.
Sabagay! Hindi ko rin naman sila masisisi. Dahil sa maliit na Baryo Mabuhay kung saan ako nakatira. Hindi ko nga maintindihan kung bakit tinawag na Baryo Mabuhay itong lugar namin e wala namang kabuhay-buhay ang mga tao dito samin. Walang sino man kasing mga kabataan dito ang naghangad na makapunta ng Maynila.
Tanging ako lang. Kaya nang kumalat ang chismis. Ayun! Parang armalite na ang bibig ng mga chismosa na walang tigil sa pagpapa-rinig sa akin.
Ambisyosa! Isa sa mga salitang naririnig kong tinatawag sa akin. Pero syempre dahil mabait ako, pinapalagpas ko na lang, kahit gustong-gusto ko ng kulamin ang talipandas na tumatawag sa akin ng ganun.
Apo pa naman ako ng mangkukulam..charr...
"Jowey..." rinig kong malakas na sigaw ng nanay ko ng saktong papasok palang ako sa bakuran namin.
"Jowey halika nga muna dito." sigaw ulit ni Mama na siyang nagpatakbo sa akin papasok sa loob ng bahay.
Napansin ko agad na nagtatanggal siya ng agiw sa mga gilid-gilid, pansin ko rin ang magugulong gamit namin, na kahit iilan lang ay magulo pa ring tignan. Nagtatakang napabling ako kay Mama na siyang nakatalikod sa akin.
"Ma! Anong ginagawa mo?" takang tanong ko at naglakad palapit sa kanya.
"Naglalaro..." sagot lang nito.
Oh diba! Ganyan kabait ang nanay ko, kaya alam na alam kong sa kanya ako nagmana.
"Ma!..." huminto ito sa ginagawa at lumingon sakin.
"Nakikita mo na kung anong ginagawa ko nagtatanong ka pa!" pasinghal na sabi nito at ngali-ngali pa akong batukan. "tumulong ka na nga lang at may darating tayong bisita." biglang nagliwanag ang mukha ko sa narinig.
"Talaga! may dalaw na tayo?" nae-excite na tanong ko na ikinakunot noo lang ng aking ina.
"dalaw pinag-sasabi mo? Ano tayo preso?"
"Ay bakit hindi ba?" sagot ko at sa pagkakataong ito ay nakatanggap na talaga ako ng hampas sa ulo gamit ang hawak niyang walis tambo.
Agad na napaatras ako dahil sa sakit ng panghampas ng nanay ko, halos muntik pang malaglag ang salamin kong iniingat-ingatan kahit puro tape na ito.
"Mama naman!..." reklamo ko habang hinimas ang ulo ko dahil sa sakit.
"Kung ano-ano kasing pinagsasabi mo, tulungan mo na nga ako para maaga tayong matapos bago pa dumating ang papa mo." aniya at muling pinagpatuloy ang ginagawa.
Napabusangot na lang ako at nagpasya ng tumulong.
"Himala naman kasi yung balita n'yo, sino ba kasing darating?" tanong ko habang isa-isang pinagpagan ng alikabok ang mga gamit naming hindi ko maintihan kung mapapakinabangan pa ba.
Katulad na lang ng tv naming ilang taon ng display dahil sira naman, hindi ko alam kung bakit ayaw pa itapon ni Mama e pangpasikip lang naman.
"Ang Lolo mo..." agad na napinto ako sa ginagawa ng marinig ang sinabi ni Mama, kunot noong napabaling ako sa kanya.
"Diba patay na ang lolo ko? Ano yun? Tumayo sa libingan para dalawin tayo?" tanong ko na ikinalingon muli niya sa akin at tamad na akong tinignan.
"Papa ng papa mo ang sinasabi ko."
"Ahh! akala ko papa---"
"bilisan mo na nga lang d'yan, kung ano-ano pang kalokohan ang sinasabi mo." singhal muli nito at pinagpatuloy ulit ang ginagawa. Napanguso naman akong sumunod.
"Parang nagtatanong lang eh!" bulong ko pa habang itunutulak ang lamesa na pinagpapatungan ng tv papunta sa gilid habang iniisip ang sinabi ni Mama.
Sa totoo lang simula ng manirahan kami dito sa Baryo Mabuhay ay ito lang unang beses na na narinig kong may bibisita sa amin.
Ang pagkaka-alam ko kasi ay patay na ang mga magulang ni Mama at ang mga kapatid naman niya ay nasa malalayong lugar. Si Papa naman ang pagkaka-alam ko ay galit sa kanya ang mga magulang niya ng dahil nga sa pagtatanan nila ni Mama, ayaw daw kasi ng pamilya ni Papa kay Mama, dahil mahirap lang din daw si Mama at may kaya si Papa.
At ngayong ang malamang bibisita ngayon ang Lolo ko na ama ng Papa ko ay hindi ko maiwasang mabahala.
Paano na lang kung pumunta lang dito ang Lolo ko para paghiwalayin si Mama at Papa edi magiging broken family na ang drama ko 'nun.
Kanino ako sasama? Sa nanay kong dukha o sa tatay kong may kaya? Parang ang hirap namang mamili kahit alam kong mas gaganda ang buhay ko kay Papa kung sakali---
"Pwede ba Jowey! bilisan mo sa ginagawa mo at hindi kung ano-ano nang pang kalokohang pumapasok sa isip mo d'yan." bulyaw na ng ina ko na ikinanguso ko lang muli.
Ugali din niya kasi...
Tinapos ko na ang pagliligpit ng mga gamit namin na kung tutuusin ay karamihan ay basura na talaga.
Parang gusto ko na tuloy isiping junk shop ang bahay namin at si Mama ang basurera.
Nang matapos kami ni Mama sa pag-aayos ng mga basura ay sakto namang dating ng aking butihing amahin galing sa trabaho sa pagkokonstraksyon sa bayan, may dala itong dalawang pirasong isda.
Agad na inabot iyon ni Papa kay Mama at agad namang nag-asikaso ng makakain si Mama. Lumapit ako kay Papa ng umupo ito sa kawayang upuan, humalik muna ako sa pisngi niya bago umupo sa tabi niya na siya niyang ikinangiti.
"Pa! Totoong bibisita ang Papa mo bukas?" walang paligoy-ligoy na tanong ko. Napansin ko ang biglang pagbabago ng reaksyon ng mukha ni Papa. Ilang beses din itong napabuntong hininga at hinawakan ang kamay ko at pilit ang ngiting tumitig sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang magtaka.
"Anak! Gusto mo ba talagang mag-aral sa Maynila?" tanong nito. Nagtataka man ay dahan-dahan akong tumango.
"Yun po ang isa sa mga pangarap ko Pa! Pero alam ko namang hindi po mangyayari yun dahil sa hirap ng buhay natin." ani ko at pilit ding ngumiti at hinawakan din ang kamay niya na nakahawak sa isa ko pang kamay. "Naiintindihan ko naman po Pa! Kaya hindi niyo po kailangang mamoblema o mag-alala pa, basta ang mahalaga ay ang makapag tapos ako ng pag-aaral kahit saang eskwelahan pa yan."
Naramdaman ko ang pisil ni Papa sa kamay ko. Saglit na tumitig pa siya sa aking bago muli akong nginitian at niyakap. Naramdaman ko rin ang paghalik niya sa aking noo.
Nagtataka man sa ikinikilos ni Papa ay yumakap din ako sa kanya pabalik.
"You're my only daughter Jowey! And I will do everything just to make you happy." aniya dahilan para matawa ako.
Sosyalera 'tong Papa ko, nag-eenglish yan kapag kami lang ni Mama ang kaharap.
"Basta kahit na anong mangyari anak! Gagawin ni Papa ang lahat matupad mo lang ang pangarap na gusto mo."
Sa narinig ay malapad akong napangiti at mahigpit na napayakap kay Papa.
Buti na lang matino Papa ko, hindi katulad ng Mama ko...
Hindi nagtagal ay tinawag na kami ni Mama para kumain, tumulong na rin ako sa paghahain kahit ang totoo ay baso lang talaga ang itinulong ko.
Kapos man sa pagkain. Masaya naman naming pinagsaluhan ang hapunan, at ng matapos ay katulad ng palagi naming ginagawa tuwing gabi ay tumatambay muna kami sa bakuran para tignan ang mga bituin sa langit. pumasok lang kami sa loob ng bahay ng makaramdam na ng antok sila Mama.
Habang ako naman ay hindi madapuan ng antok dahil sa isiping darating ang Ama ni Papa bukas, bumangon ako para sana uminom ng tubig ng hindi sinasadyang marinig ko ang mahinang pagtatalo nila Mama at Papa.
"Ayokong biguin ang anak natin Dalia. It's been 12 years. Bigyan naman natin ng magandang buhay ang anak natin."
"Pero paano kung paglayuin lang tayo ng ama mo? Ayaw ako ng Papa mo Eman, at hinding-hindi ko makakalimutang minsan niyang isinumpa na hindi niya ako matatanggap kailanman."
Napatakip ang isang kamay ko sa bibig dahil sa sinabi ng Mama ko.
Pang best actress award ang drama ng Mama ko...
"Wag kang mag-alala Dalia, dahil kahit ilang taon pa ulit ang magdaan, ipaglalaban at ipaglalaban kita hanggang sa dulo ng hininga ko."
Ngayon ay dalawang kamay ko na ang napatakip sa bibig ko dahil sa mga naririnig ko.
Hindi nagpatalo! Pang best actor ang sagutan ni Papa... May nalalaman pang hanggang sa dulo ng hininga...
Dahil sa hindi ko kinakaya ang drama na naririnig ko ay nagtuloy na ako sa pagbaba para uminom, napapailing na lang din ako sa mga narinig ko.
"Siguradong hindi na talaga kayo mapaghihiway kapag narating ni Lolo ang dulo ng hininga ni Papa..."

Bình Luận Sách (78)

  • avatar
    John Mark Tiosan

    good novelah

    25d

      0
  • avatar
    TajRhea

    more chapters pa po nakakabitin po Yung story excited pa nmn Ako tas nag end na to be continued na agad ❤️

    03/08

      0
  • avatar
    Requiño TalayMikyla

    kakabitinn, asan na chp 50🥺🥺

    02/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất