logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 14

Nakabusangot si Nicole at matalim ang titig kay Tiden. Kanina pa niya ginigiit na doon matutulog ang apat na lalaki sa cottage niya. Sa madaling salita, gusto niya akong matulog mag-isa rito sa cottage ng apat.
Umiling si Tiden. "Kung gusto mo, 'yang tatlo na lang ang matutulog sa cottage mo. Pero dito lang ako. Sasamahan ko si Rishell."
"Duh." Rumulyo ang mga mata ni Nicole. "She's not a kid, alright? Isa pa, it's not good for a girl to sleep with guys."
Tumaas ang kilay ni Tiden sa sinabi ni Nicole. "At pwede sa 'yong matulog kasama kami?"
Nagbaba ako ng mukha para itago ang isang ngisi. Napansin ko rin sa gilid ng mata ang pag-iwas ng tingin nina Ariel at June. Natatawa rin sila.
Mas lalong nagusot ang mukha ni Nicole. "Okay! Dito ka na lang. Guys, let's go! Iwanan na natin ang dalawa. Tch."
"Hindi na, Nics." Umikhim si June at sumulyap sa akin. "I'll stay here. Babantayan ko rin si Rishell."
"I'll watch her too," biglang sambit ni Ariel. Kumindat pa sa akin.
Lihim akong napangiti sa sinambit ng dalawa. Nakagat ko ang labi at tinago ang dalawang kamay sa likod. Kahit pa nakatayo ako rito sa harap nila ay ayos lang. Nakikita ko naman na may care talaga sa akin ang mga lalaking 'to.
Frustrated na sumigaw sa inis si Nicole. Napahiya. Akmang magsasalita pa siya nang biglang bumukas ang pinto ng cottage. Napalingon ako ro'n.
Pumasok 'yong babae kanina, 'yong manager ng Vine. Napatayo si Tiden, maski si Ariel at June. Napaupo nang maayos si Nicole sa sofa. Napatuwid ako nang tayo at napaharap nang maayos sa bagong dating.
"Maingey," pabulong na sabi ni Tiden. Gulat na gulat. "Anong ginagawa mo rito? Akala ko uuwi ka sa El Pardo?"
Nagsalubong ang dalawang kilay ng babaeng tinawag na Maingey. Nabaling sa akin ang matalim niyang titig. "Sino ang babaeng 'to, Rude? At bakit kasama niyo siya kanina?"
"Si Rishell." Sumulyap sa akin si Tiden. "Kaibigan namin ni June."
Naningkit ang mga mata ng manager habang hinahagod ako ng tingin. Humalukipkip siya. "Sa susunod, 'wag mong nakawin ang para kay Nicole, Miss Rishell. Hindi ka miyembro ng Vine kaya 'wag ka sanang tumayo sa stage. Hindi mo alam na ang ginawa mo ay pwedeng makasira ng career ng buong banda."
"Maingey," saway ni Tiden.
Bumaling ang matalim na titig ni Maingey sa kaniya. "Isa ka pa. Hindi mo dapat hinahayaang kunin ng iba ang pwesto ng kabanda mo. What if may maka-video? What if kakalat sa social media? Tandaan mong nagsisimula pa lang ang career niyo. Wala pa kayo sa kalingkingan ng mga stable na sa industriya! Tiden Rude, mag-ingat ka sa susunod!"
Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Tiden, tapos lumapit siya kay Maingey at niyakap. "Sorry na, Maingey. Padalos-dalos ako. Hayaan mo, mag-iingat na ako sa susunod."
Kinalas ni Maingey ang kamay ni Tiden na nakapulupot sa kaniya. "Talagang mag-ingat ka. 'Wag niyong hayaang may madikit na issue sa pangalang Vine. Isang issue lang at kakalas ang sponsors niyo. 'Wag niyo sanang kalimutan ang nasa contract. Nagkakaintindihan ba tayo, Vine?"
Tahimik na tumango ang lahat ng miyembro ng banda. Humakbang paatras si Tiden at bumaling sa akin. Sinenyasan niya ako. Parang sinasabing intindihin ko na lang si Maingey. Nakangiwi akong tumango.
Alam ko namang may nagawa akong mali. May kasalanan din naman ako kaya hindi na ako umimik. May karapatan namang magalit si Maingey dahil 'yon nga, siya 'yong manager ng Vine. Iniisip niya lang ang kapakanan ng grupo.
Napapitlag ako nang biglang sumigaw si Maingey. "Levitus Yushen!"
Mabilis akong napatingin kay Levi. Anong ginawa niya at sinigawan siya ni Maingey? Nakaupo lang naman si Levi sa sofa habang nagsi-cellphone.
Mula sa pagkakatungo ay tumunghay si Levi. Bahagyang nangunot ang noo at maya-maya pa'y ngumiti. "Hello, Maine."
"Wag mo akong ma-Maine riyan! Akala mo hindi ko malalaman na palagi ka nalang nakatutok sa cellphone mo? Aba, nandito kayo sa Club Fort Med para mag-team building! Pa'no lalakas ang grupo niyo kung hindi ka magko-cooperate, ha? Levitus Yushen?" Nameywang si Maingey.
Ngumiwi si Levi. "Don't say my name aloud, Maine." Tumayo siya. Sinuksok niya ang cellphone sa bulsa ng jeans na suot. "You know how disgusting that is."
"Ayaw mo pala, e. Kaya mag-cooperate ka na, Levitu -"
"Shh..." Dinala ni Levi ang daliri sa sariling labi. Bahagyang ngumisi. "I know. I'm sorry." Muli siyang naupo sa sofa at humalukipkip.
Pumikit nang mariin si Maingey at huminga nang malalim. Nagmulat siya at tumingin kay June. "At ikaw naman, Cairo Junil, 'wag puro tulog sa cottage. Mag-enjoy ka naman sa labas."
Tumango lang si Jun bilang tugon sa sinabi ni Maingey. Naningkit ang mata ng huli at bumaling kay Ariel. "Ikaw naman Seariel Render -"
"Maingey Tea," pigil ni Ariel. "I know, sorry in advance."
"Magtigil ka, Seariel! Ano 'tong nababalitan ko sa crew na nagdala ka ng babae sa likod ng restaurant?" Namula ang mukha ni Maingey. Sa tingin ko, dahil sa sobrang inis kay Ariel. "Pigilan mo naman ang libido mo!"
Bumulwak ang tawa nina June at Tiden. Namula naman ang pisngi ni Nicole at nag-iwas ng tingin kay Ariel. Habang nanatiling walang reaksyon si Levi at mataman lang na nakamasid sa nangyayari.
Nakagat ko ang labi at pasimpleng nag-iwas ng tingin kay Maingey. Nakita ko sa gilid ng mata ang paghawak ni Ariel sa sariling batok. Alam kong namumula ang tainga niya sa hiya.
Umikhim si Ariel. "She's persistent, Maingey. The girl begged for a kiss so I gave it to her out of kindness. She was running out of breath when I leave the place, so I guess... that was a satisfying kiss."
"Seariel Render Von!" inis na bulalas ni Maingey. "Kinikilabutan ako sa pinagsasabi mo!"
Natatawa namang lumapit si Ariel kay Maingey at inakbayan ito. Nilapit niya ang bibig sa tainga ng babae. May binulong siya rito na hindi ko marinig.
Bumaling ako kay Tiden nang humalukipkip siya. Nakakunot na ang noo niya habang nakatingin kay Maingey na inaakbayan ni Ariel. Napabuga ako ng hangin at napahalukipkip na rin.
Hinintay ko munang matapos si Ariel sa pagbulong kay Maingey bago umikhim at nagtanong. "Pwede na ba akong matulog? Nahihilo pa kasi ako."
Napatingin silang lahat sa akin. Hilaw akong ngumiti at nagbaba ng tingin. Uminit bigla ang pisngi ko. Pinagsawa ko na lang ang sariling titigan ang floor tiles na wood ang design.
"Saan siya matutulog?" tanong ni Maingey kay Tiden.
Napa-angat ako bigla ng tingin. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Tiden sa akin at kay Maingey, at napaikhim. "Dito. Sasamahan ko siya."
"Hindi pwede," mariing pigil ni Maingey. "Lalaki ka, babae siya. Hindi kayo pwedeng matulog sa iisang kama."
Tumaas ang sulok ng labi ni Tiden. "Sa kuwarto siya. Dito ako sa sala. Wala naman sigurong masama kung magiging gentleman ako sa kaniya."
"Ibo-book ko nalang siya ng kuwarto sa ---"
"Maingey, hindi naman ako rapist. Wala rin akong planong gapangin si Rishell. Kaya sige na. Pumayag ka nang dito siya matulog, para mabantayan ko. Mahilig 'yang ma-sleep walk kaya delikado."
Nangunot ang noo ko sa pinagsasabi ni Tiden. Sleep walk? Mukhang 'to, sleep walk? Excuse me? Hindi ako nagsi-sleep walk!
Busangot akong napahalukipkip. Sinamaan ko ng tingin si Tiden. Sumulyap siya sa akin at ngumiti!
"Sige. Pero hindi pwedeng kayong dalawa lang. Boys, dito na kayo lahat matulog. At ikaw Nicole..." Bumaling si Maingey kay Nicole. "Pwede kang sa cottage mo o dito."
Naningkit ang mga mata ni Nicole. "If they won't sleep in my cottage, then I'll sleep in here." Tumingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Loser," bulong niya pero narinig ko dahil tahimik ang paligid.
Napabuntong-hinga si Maingey. "Sige. Uuwi na ako sa El Pardo. Behave kayo, Vine, okay?" Bumaling siya sa akin. "And please, if you could stay away from them, do it, Miss Rishell. Unti-unti nang nakikilala ang Vine sa buong Pilipinas at ayaw kong dahil sa 'yo ay mababali pa ang pangarap nilang makilala."
"I..." Lumunok ako at ngumiti. "I understand. Don't worry, Miss Maingey, bukas na bukas ay babalik ako sa amin."
"Good. Mabuti't naintindihan mo ang punto ko." Ngumiti siya nang marahan sa akin. "Have a good night sleep, Miss Rishell."
"Ikaw rin, Miss Maingey."
Kumaway pa siya bago tumalikod at lumabas ng pinto. Humugot ako nang malalim na hininga at pagod na tumingin kay Tiden. "Gusto ko nang matulog. Sumasakit ang ulo ko sa ininom ko kanina."
"Yan kasi," naiiling na sabi ni Tiden. "Wag mong hayaang dalhin ka ng kuryosidad. Tingnan mo ang kinalabasan. Tss."
"Ikaw nga, may sleep walk pang nalalaman. Excuse me, Mister, hindi ako lumalakad nang tulog."
Nagkibit-balikat siya at inakbayan ako. "Lika na, hatid na kita sa kuwarto." Bumaling siya kay Nicole. "Nics, tara sa kuwarto. Hatid na rin kita."
"No thanks. I'll sleep here with you guys. Ayokong makatabi ang loser na 'yan."
"Nicole," saway ni June. "Hindi ka pwedeng matulog sa tabi namin. Babae ka pa rin."
"But Tiden said na hindi siya rapist. Saka hello? Ilang buwan na tayong magkasama, guys. You can't do ugly things on me."
"You go sleep in bed, Nicole." Huminga nang malalim si Levi. "Don't push your whims on us. It won't work."
"Levi!" protesta ni Nicole. Naiiyak na siya sa inis. "I'm not being whimsical! I'm serious when I said that I want to sleep beside you."
Napabuntong-hinga si Levi. "You'll sleep on the bed, or you'll go back to your cottage. You choose."
"I can't believe you!" sigaw ni Nicole. Tumayo siya at naiiyak na tumakbo palabas ng cottage. Napanguso ako. Saan naman 'yon pupunta?
"Hahabulin ko lang, dude." Pumihit si June at tumakbo palabas ng cottage para habulin si Nicole.
Napailing na lang ako. Ang arteee. Siya na nga ang inaalala, siya pa ang nag-walk out. Hmmp.

Bình Luận Sách (63)

  • avatar
    Jeriza Balarote Gloria Madrigal

    i think its based on true story,,,,grabe nangilabot akoh ng mabasa koh toh, super ganda.... lalo yung pinglabanan nya na mkawala under sa possesion ng cult,,, God is the highest above all !!!!!! Hindi ngwawagi ang kasamaan kailan pa man, kailangan lng ntng tanggapi n si Jesus sa ating puso at paghariin sya,😘😘😘😘😘😘😘 salamat author!!!!

    09/12/2021

      0
  • avatar
    MsBrattyGirl

    Just by creating this story, I know na yung mga nakabasa nito is mas tumibay pa ang pananalig kay God. Thank you for this wonderful story of yours mas lalo pang tumibay yung pananalig ko kay God. I'm an Adventist. Though hindi tayo same ng religion at least pareho tayong may pananalig kay God. Yung nasabi mong Idolatry is a sin nabanggit na ng preacher yon sa religion namin so I believe na tho we're not in same religion but we're the same by believing and trusting our God.

    23/11/2021

      4
  • avatar
    Ei Gie Corpuz

    Super ganda ng story, it opens the eyes of the reader about what happens in the reality today na sa sobrang nawiwili na tayo sa mga bagay bagay nakakalimutan na natin ang Diyos.

    14/11/2021

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất