logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 6

HARU'S POV
Kinabukasan. Pumunta kaagad ako sa Elementary Bldg. para i-check ang dalawang kapatid ko pati si Miko.
"Noona!"
"Rahan. Haran!" yakap ko sa kanila.
"Wala bang masakit sa inyo? Okay ka lang ba kayo?"
"Opo noona."
"Sina mom and dad? Kamusta sila?"
"One week na po silang nasa seminar in China," ani ni Haran.
"Sina Kehan at Ruhan?"
"Nanalo po sila. Nasa Germany sila ngayon noona."
"Noona we missed you," kiss nilang dalawa sa cheek ko.
"Asuus. Tara ililibre ko kayo ng ice cream!"
"Yehey!"
Pumunta naman kami sa canteen. Pansin ko naman na parang may kung ano akong naamoy. Perfume 'yun ni Ruki.
"How is it?"
"Masarap noona."
Bigla namang may umupo sa table namin.
"Hello Rahan and Haran!"
"Hyung Ruki!"
Anong ginagawa niya dito? Matapos niyang ipahamak ang mga kapatid ko. Ganun ganun nalang 'yun?!
"Oh hi Haru," bati niya.
"Plastik mo din no?"
Tiningnan naman niya ako nang masama. Kaso ngumiti siya kaagad. Plastik talaga.
"Tara na Rahan and Haran! Baka matipalok kayo at masaktan. Ang ayoko talaga sa lahat yung nasasaktan kayo kaya damay-damay na pag may mangyari sa inyo," pagpaparinig ko.
"Noona is so caring," ani ni Rahan.
"She's so sweet right? Swerte niyo sa noona niyo," singit niya.
Sinamaan ko naman siya nang tingin. Style din e.
Hinatid ko na nga sila. May bumuntot-buntot namang plastik.
Naglalakad lang kami ngayon. Ni isa sa amin ay hindi kumibo. Ayokong kausapin siya. Kahit ngayon ko lamg naranasan 'tong ganito. Galit pa din ako.
"Ate gusto mong ihatid kita?"
Ate. Ate. Ate.
Nilingon ko naman siya.
"The heck?"
"What?" tanong niya.
"Ate?"
"You're 19 and I'm 17. So ano problema?"
Aray naman. Bakit ko pa tinanong.
Inirapan ko nalang siya at iniwan siya. Nasa senior building na din kasi ako.
Habang naglalakad ako sa hallway ay may biglang humila sa'kin.
"Patingin nga ng ulo mo," aniya.
"Sik pumunta ako sa clinic kanina okay,"ani ko.
"Good."
Ito si Park Hyung Sik. Ang bestfriend kong caring kaya ang daming mga babaeng nahuhulog sa kanya. Heart breaker din 'to.
Hindi seryoso pagdating sa babae.
Si Sik ang kinikilalang leader ng mga kasama namin sa Arks. Sa madaling salita, dummy leader ko siya. Ako ang totoong leader ng Arks.
Binuo ko ang grupo para itama lahat ng mga maling ginagawa ni Ruki. Lahat ng nasa wanted list ay tinutulungan namin. Sikat kami pero pala-isipan pa din sa mga estudyante. Nagtatago kami sa mga maskara namin.
Alam ko na hindi 'to magugustuhan ni Ruki pagnalaman niyang leader ako ng grupong kumakalaban sa kanya.
At alam ko na ang paglapit niya sa'kin ay dahil sa sinisimulan na niyang hanapin ako
"Sik," ani ko.
"Hmm?"
"Baliw ka," grin ko.
"Ikaw? Bobong buntis?" sabay takbo niya.
"Yah! Park Hyung Sik!"
Iniwan ba naman ako. Edi siya na ang mabilis tumakbo!
"Psh."
Naglakad nalang ako. Bigla namang may yumakap sa'kin.
"Nagseselos ako," mahinang sabi niya.
Humarap naman ako.
Bogum? Pambihira.
"Ano ba trip mo sa buhay ha?!"
"Wala," ngiti niya.
"Okay na ba ang head injury mo? Sorry kung absent ako kahapon ha?"
"Paki ko ba kung absent ka," irap ko.
Naglakad naman ako at sumusunod siya sa'kin. Ang weird talaga niya. Parang timang.
"Haru."
"Oh?"
"Ang ganda mo," aniya.
Natigilan naman ako. Tiningnan ko naman siya.
"I know right," mahinhin kong sabi.
"How to be you po?" bakla-baklaan niyang sabi.
Nagtawanan lang kami. Baliw talaga.
So ayun nasa room na kami. Late na din pala ako. Dahan-dahan kaming pumasok ni Bogum sa likod.
Kaso natisod ako.
Blagsh. Ingay ng mga nasagi kong mga projects nila.
"Haru and Bogum!"
Napayuko naman ako.
"Sorry po talaga."
"Why are you late?! Nakakahiya kayong dalawa!"
I checked my wristwatch. 2 minutes late lang pala kami.
"How disgraceful are you! Ikaw Haru nakaka-disappoint ka. Noted na para sa society na 'to na bastardo ang mga lalaki. Pero ikaw? Babae ka!"
Napayuko naman ako. Kumalma ka Haru. Hindi naman totoo ang sabi niya e.
"Go back to your seats!"
Pumunta na nga kaagad ako sa desk ko. Nakayuko lang ako. Nilingon ko naman si Sik. Nakayukom na ang kamay niya.
"Haru Xi! Ano bang nangyayari sa'yo. Bakit ang layo ng achievements mo sa kambal mo?"
"Po?"
"Wala ka bang ibang alam kundi mag "po" lang?"
Napayuko lang ako. Kumalma ka Haru.
Teacher mo 'yan.
"Ikaw Haru. Bakit iba ka sa kakambal mo! Mahiya ka naman!"
Napatayo naman ako at hinampas ang desk ko.
"Sumusobra ka na po, teacher!"
Naglakad naman ako patungo sa kanya. Napaatras naman siya.
"Wala akong pakialam kung iba ako sa kanila. Hindi naman ako inggitera. 2 minutes lang ang late ko. Ininsulto mo na ako kaagad."
Napaatras pa din siya.
"Ito sasabihin ko sa'yo teacher. Huwag na huwag mo nang uulitin. Alam na alam ng lahat ang pagiging ganyan mo. Paano kong sabihin ko 'to sa director?"
Kinuha ko naman ang phone ko. Hinanap ko naman ang phone number ni uncle Taehyung.
"Tatawagin ko na ba?"
"Sige na Haru!" hiyawan nila.
Nanginginig naman siya. Tinext ko naman si Ji Soo.
To Jisoo: Bigyan mo ko ng info about Mrs. Toralba.
Tiningnan ko naman siya ng masama.
"Si Di--director ba 'yan?"
Nagvibrate naman ang phone ko.
From Jisoo:
Mrs. Toralba is a daughter of Teacher Toralba who had black listed 20 years ago dahil ininsulto niya si Miss Kera oh mom mo pala.
What a coincidence.
"Kilala mo ba kung sino nagpaalis ng mom mo noon 20 years ago?"
" Uhmm."
"Umayos ka teacher. Sige maari ka nang magdiscuss," ani ko sabay alis.
Malakas ko namang sinara ang pinto.
Nang nakalabas na ako. Nakita ko si Ruki.
Ang sama ng tingin niya.
"Tss kahit anong gawin niya. Iba pa din siya sa mga kambal niya!" dinig kong sabi ni teacher mula sa loob.
Ang sakit. Bakit ba ako nasasaktan ngayon? Hyung, Ruhan. Kailangan ko kayo.
Hindi ko naman inasahang sinipa ni Ruki ang pinto dahilan para masira 'to. The next thing he did.
"Too bad dahil hinayaan ka pa rin niyang magturo dito. Kayong lahat! Nasa wanted list na ang teacher na 'to."
The f.
"Yahooooooo!" hiyawan ng lahat.
Lumabas naman siya at tiningnan ako sandali. Sinenyasan naman niya ako na sumunod daw ako sa kanya.
Kaso hindi ko siya sinundan.
Pumunta ako sa may school grounds. Kinuha ko ang phone ko. Dinial ko ang phone number ni mom.
Nakapatay ang phone niya. Sinubukan ko namang tawagan si dad. Out of coverage din.
Napabuntong-hininga nalang ako.
"Don't mind them," bungad sa'kin ni Ruki.
"Iiyak mo lang 'yan kung naiiyak ka na."
Ewan ko ba pero bigla nalang akong umiyak. Ang sakit.
" YAAAAAAH! I KNOW I'M NOT PERFECT. I'M TOO DIFFERENT FROM MY TWINS!"
Pinunasan ko naman ang mga luha ko.
"BUT I DON'T WANT TO BE FAKE JUST TO IMPRESS OTHERS. I'M BORN TO BE TRUE TO MYSELF," sigaw ko.
"Ihaeka andwiyo," hikbi ko.
(I don't understand.)
Hinila naman niya ako at niyakap.
"Okay lang 'yan ate."
The f Ruki. Ate na naman?

Bình Luận Sách (80)

  • avatar
    Maria Erica Cayanan Baluyut

    I so nice.👍👍

    24d

      0
  • avatar
    baluyotjhaycelle

    wow

    26d

      0
  • avatar
    Janel Garcia Ajero

    1 cute

    14/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất