logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 2

/80% of people keep their feelings to themselves because they believe it's hard for others to understand their pain. /
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ramdam ko ang paghinga niya.
Kinakabahan ako. Gusto kong ipikit ang mga mata ko sa sobrang kilig na nararamdaman ko ngayon.
"Ruki."
Nagising naman ako nang biglang tinulak niya ako nang malakas dahilan para matumba ako sa sahig.
Magagalit na sana ako kaso nakita kong si Ruki pala ang tumulak sa'kin.
"Sa susunod. Tumingin ka sa dinadaanan mo," galit niyang sabi.
Napahawak naman ako sa ulo ko. Ang sakit talaga nang pagkabagok ng ulo ko.
"Haru?! Okay ka lang?" bungad sakin ni Bogum.
Bakit ganun? Dapat ako pa nga 'tong magalit pero tinulak niya ako.
"Your head is bleeding!"
Nakatingin pa din ako kay Ruki na kasalukuyang naglalakad palayo.
"Haru!"
Napangiti naman akong tiningnan si Bogum.
"Haru!"
Bumangon naman ako kaso na-out balance ako.
Nahihilo ako.
"Haru wake up!!!!!"
Nagising naman ako nang parang nakaramdam ako nang sakit ng ulo ko.
Minulat ko naman ang mga mata ko. Teka? Bakit nasa hospital na ako?
Minulat ko naman ang mata ko. Nilibot ko ang paningin ko.
Wala talagang tao. Napayuko nalang ako. Nakakalungkot naman.
Dahan-dahan naman akong bumangon. Tinanggal ko 'tong naka-tusok na dextrose sa kamay ko.
Lumabas na ako ng kwarto. Nasa hospital pala namin ako ngayon. Inuunat-unat ko naman ang kamay ko.
"Maam, hindi ka pa pwedeng umalis," ani ni Guard.
"Baka tatakas 'yan sa bills!"
Leche naman. Paano ko ba ipapakilala ang sarili ko.
"Anak ako ni Chairman Xi," saad ko.
"Style mo bulok! Hahaha" tawanan nila.
Naku naman. Mas sumasakit pa ulo ko sa dalawa na 'to.
Tinawag naman nila ang isang nurse.
"Younglady. Bakit po kayo nandito sa lobby," aniya.
Halata namang nagulat ang dalawa. Ngiti lang ang naging tugon ko sa nurse.
Lumabas na ako sabay para ng taxi.
Hindi ko maiwasang hindi mapaiyak. Wala man lang naghintay sa'kin kanina. Nakakatampo.
"Okay ka lang hija?" tanong ni manong.
Pinunasan ko naman kaagad ang luha ko.
"Opo," pilit kong ngiti.
"Hija, nasa Yishin na tayo."
"Pakideretso nalang po sa dormitory," saad ko.
Nang nakababa na ako. Pinaghintay ko muna siya at kumuha muna ako ng pera sa kwarto ko.
Matapos kong bayaran ang pamasahe ko. Bumalik na ako sa kwarto.
Napasalampak ako sa kama ko.
8 pm na ah. Wala pa din dito ang dalawa. Napansin ko naman ang bag ko. Yung bag lang ata ang concern nila.
Kinuha ko naman. Ang daming messages and calls galing kay Bogum.
Tinext ko naman siya.
I replied:
Nasa dorm na ako. Thank you sa lahat.
Napapikit nalang ako. Siguro nag-checheer sila ngayon kay Ruhan. May football game kasi siya. Matext nga siya.
To Abnormal:
Galingan mo baliw! Dapat manalo ka. Ingat sa game mo. Saranghae. Aja!
Napasalampak ako ulit sa kama ko. Pansin ko naman na parang may kung anong pumasok sa may bintana.
"Are you okay?"
"Bogum?!"
"Bakit ka umalis sa hospital? Ha?!"
Nagulat naman ako. Ba't ba siya nandito?
Bigla namang bumukas ang pinto.
"Magtago ka!" hila ko kay Bogum.
Nakakainis.
Sa lahat nang pinagtaguan. Dito pa talaga sa kama ko!
"Nakakainis ka," mahina kong sabi.
Mukhang nag-enjoy pa ang baliw.
"Babe, wala akong kasama dito ngayon e," ani ni Klea.
"Ganun ba baby," boses ng lalaki.
Nagsalita naman si Bogum.
"Lets go. Mag-aano sila," bulong ni Bogum.
"What? Anong? Mag-aano?"
"Basta. Tayo na."
Nang biglang may narinig akong..
Tinakpan naman kaagad ni Bogum ang tenga ko.
Tiningnan ko naman siya ng WHAT-ARE-YOU-DOING-LOOK.
Teka? Bakit naman kami magtatago dito?! Bumangon naman ako kaagad.
"Klea!"
Wtf. Nag--nag----.
Tinakpan naman kaagad ni Bogum ang mata ko.
"Lumabas na kayo kung ayaw niyong ireport ko kayo!"
"Haru naman e!"
"At ikaw Bogum. Umalis kana!" sigaw ko.
Napatalukbong ako ng kumot.
Damn Klea. Pinahiya mo talaga ako sa harapan ng taong kinasusuklaman ko.  
"Haru naman e. Sinisira mo ang moment namin!"
"Umalis na kayo. Sa ibang lugar kayo maglandian!"
Pansin kong lumabas na nga sila. Napabuntong-hininga na lang ako. Muntik na akong maubusan ng hininga kanina sa sobrang kaba! Si Klea nga naman!
"Haru," may tumapik sa'kin.
"Bogum, ano ba? Hindi ka ba aalis?!"
"I was worried. Sorry na," he said.
Nainis naman akong bumangon sa kama ko.
"And why are you saying sorry to me? It's not your fault," naiinis kong sabi.
"That Ruki," inis niya.
"Walang kasalanan si Ruki, it's my fault kasi ang tanga ko," I said.
Nainis naman si Bogum sa sinabi ko.
"Can't you see? Ruki is bastard. But still you're into him! I really don't get it, Haru," aniya.
"Umalis ka na, Bogum. Kailangan ko nang magpahinga."
Matamlay naman akong bumalik sa pagkakahiga. Hindi na ako umimik. Narinig ko nalang ang footsteps niya palabas ng balcony.
Tama nga naman si Bogum.
Pero mahal ko nga si Ruki.

Bình Luận Sách (80)

  • avatar
    Maria Erica Cayanan Baluyut

    I so nice.👍👍

    24d

      0
  • avatar
    baluyotjhaycelle

    wow

    26d

      0
  • avatar
    Janel Garcia Ajero

    1 cute

    14/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất