logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 13

"Kung hindi ka niya kasintahan, bakit ganoon siya kung kumilos pagdating sa'yo?" nagtatakang tanong sa akin ni Diego isang umaga.
Nitong mga nakaraang araw din ay ganito ang laman ng mga tanong niya sa akin. He always ask me about Kahel and mistaken us as a couple. Ang sabi ko naman ay mali ang iniisip niya dahil imposible itong mangyari. Kahel is with Fatima. Paulit-ulit ko na iyong ipinaliwanag kay Diego pero ayaw niyang maniwala.
"Hindi nga, Diego. Bakit ba palagi niyong nami-misinterpret?" ganito rin ang itinanong ni Sayon sa akin noon. Bakit ba lahat sila ay ganoon ang iniisip?  Walang masama sa ikinikilos ni Kahel. Noong una pa man ay ganoon na siya.
"Eh bakit parang nagseselos siya? Ang sama makatingin sa akin akala mo may aagawin ako." katwiran niya sa akin. Napabuntong-hininga ulit ako.
"Sa palagay ko ay ganoon talaga siya tumingin. Hindi mo ba nakikitang masama palagi ang tingin niya sa akin?" ni minsan ay hindi ko pa nakikitang ngumiti sa akin si Kahel. Palagi siyang nakakunot-noo na animo'y iritadong iratado. Kaya nga hindi na ako nangungulit sa kaniya hindi kagaya noon. Madalang na madalang ko na rin siyang kausapin.
"Ewan ko sa'yo. Ang manhid mo." umiling-iling sa akin si Diego pagkatapos ay tumalikod para ipagpatuloy ang pagsusulat niya.
Napailing din ako.
Bakit ba kailangan kong magpaliwanag palagi pagdating dito? Ano bang hindi nila maintindihan sa may ibang gusto iyong tao? Isa pa, imposibleng magkagusto sa akin si Kahel. Kasi kung oo, dapat ay hindi siya sa akin palaging iritado.
Halos mawala na rin sa isip ko ang inaalalang problema sa bahay. Ilang araw na rin kasi ang lumipas simula nang makita kong maglasing si Kuya at hindi na iyon naulit pa. Inoobserbahan ko siya palagi subalit bumalik na rin sa dati ang mga kilos niya. Parang walang nangyari. Sinubukan ko rin siyang tanungin tungkol doon pero wala. Wala raw problema. Ilang araw na rin ang lumipas kaya halos makalimutan ko na.
Pero noong isang gabi, hindi nakauwi sa bahay si Kuya. Akala ko isang beses lamang mangyayari iyon pero nang mga sumunod na araw, naulit uli.
Isang hapon habang naglalakad ako papunta sa faculty, nakasalubong ko si Ate Violet. Nagkangitian kaming dalawa at nagbatian ng ilang saglit. Ang akala ko magtatanong ulit siya tungkol kay Kuya kagaya ng palagi niyang ginagawa dati pero hindi iyon nangyari. Nagtataka ko pa siyang sinundan ng tingin dahil malapad ang pagkakangiti niya na para bang may magandang nangyari.
Kagabi ay hindi ulit umuwi si Kuya. Iniisip ko kung saan kaya siya posibleng natulog. Ang alam ko may mga kaibigan siya rin sa Quezon pero hindi ko pa nakikilala ang mga iyon.
"Lolo, may problema po ba?" tanong ko sa kaniya nang makita na namomroblema ang mukha niya habang nakatingin sa mga tanim na palay.
Narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga niya bago bumaling sa akin.
"Ilang linggo ng hindi umuulan, apo. Natutuyo na ang tanim na palay. Hindi ito lalaki ng maayos pagdating ng anihan. Pati sa pastulan ay natutuyo na rin ang mga damo. Kapag nagkataon ay walang kakainin ang mga alaga nating kabayo at kalabaw."
Natahimik naman ako at malalim na pinag-isipan ang mga sinabi sa akin ni Lolo. I don't want to rain. Laking pasasalamat ko nitong mga nakaraang araw dahil hindi umuulan. Pero sa kabilang banda, napakamakasarili ko pala para hilinging habang-buhay na lang na huwag umulan dahil malaking bagay ito lalo na sa mga magsasaka. Ito ang magbibigay ng sapat na tubig sa mga pananim para lumago ito ng mabuti. Kung hindi uulan, matutuyo ang mga ilog at bukal na pinagkukunan ng tubig ng mga tao.
Kahit mainit ang sikat ng araw ay sinubukan ko pa ring tumingin sa langit. Maalinsangan ang paligid lalo na sa tuwing sasapit ang tanghali at hapon. Malinis ang langit, puti at magagaan ang mga ulap na isang senyales na hindi uulan. Naiipit ako sa gitna. Ayaw kong umulan. Pero kailangan ito ng mga magsasaka. Not that I have the power to stop the rain. I just hate it. For many reason.
"Saan tayo gagawa ng group project?" tanong ni Dana habang nakabilog ang mga upuan namin. Sampu kaming lahat para sa group project na gagawin sa Filipino. Short film making.
"Saan ba maganda? Doon sa may magandang bahay saka malawak." suhestyon ni Toper. Limang babae at limang lalaki kaming magkakagrupo. Kagrupo ko si Kahel, David at si Diego sa lalaki. Sa babae naman ay si Emily lang ang nakasama ko. Natutuwa pa rin ako dahil kahit papaano ay may mga kagrupo akong kaibigan.
"Kina Kahel kaya? Malapit din bahay nila sa talon 'di ba? Pwede rin tayong magshooting doon." lihim akong sumang-ayon sa suhestyon ni David. Noon pa man gusto ko na ring makapunta sa kanila. Ang kwento sa akin ni Vera ay may malapit na lagoon at mga talon sa bahay nina Kahel. Gusto kong makapunta kahit hindi ako masyadong magaling sa paglangoy.
"Teka sino munang mga bida natin? Saka may script na ba tayo?" tanong ni Natasha.
Totoong wala pa kaming nasisimulan. Buti na lamang ang binigyan kami ng oras ngayon para makapag-meeting. Kahit papaano'y mapag-uusapan namin kung ano ang mga gagawin sa darating na sabado.
Nang sumapit ang hapon ay kay Diego ako sumabay kahit inakit ako nina Vera papunta sa bayan. Tuwing hapon kasi ay pumupunta sila roon para bumili ng mga kung anu-ano at tumambay. Kapag minsan naman ay nanonood sila ng mga basketball game nina Sayon. Hindi ko pa iyon nasusubukan ni isang beses dahil paniguradong gagabihin ako pag-uwi. Magagalit sa akin si Kuya.
"Saan ka?"
"San Isidro."
Nakahanap kaagad kami ng bakanteng tricycle sa terminal. Bago ako tuluyang pumasok ay nasulyapan ko pa sina Kahel at Fatima na magkasamang naglalakad palabas ng gate. Napaiwas ako ng tingin nang magtama ang paningin naming dalawa.
Palagi talagang magkasama ang dalawang iyon. Siguro ay hinahatid muna niya siya si Fatima sa bahay nila bago umuwi. Hindi ko alam kung nalulungkot ako o naiinggit. Dati kasi, hinahatid niya ako dahil pinakisuyuan siya ni Kuya na gawin iyon. Pero ngayon, hinahatid niya si Fatima dahil ito ang gusto niya. Walang nag-utos sa kaniyang gawin iyon hindi katulad sa kaso ko.
"Ingat, Anastacia!" paalam sa akin ni Diego nang makababa ako papasok sa amin. Sa kabilang barangay pa kasi ang bahay nila kaya mauuna akong bumaba sa kaniya.
"Ingat ka!" kumaway din ako at ngumiti.
"Iyong script natin ha!"
Tumango lamang ako hinintay na makaalis ang tricycle sa harap ko. Mamayang gabi ay kailangan ko pang gumawa ng script dahil ako ang naatasang gumawa noon. Ayos lang naman sa akin dahil nakagawa na ako ng ganoon dati.
Pagkatapos ng hapunan ay tinulungan ko muna si Lola na maglinis ng lamesa dahil doon ako gagawa ng script namin. Wala pa rin ngayon si Kuya at hindi na kami nag-abalang hintayin pa siya para sa hapunan.
"Lola, kailan kaya uuwi si Mama? Ilang buwan na siyang hindi nakakauwi?" kuryosong tanong ko habang nagpupunas ng lamesa. Nagtaka naman ako nang makitang natigilan si Lola sa tanong ko.
"U-uuwi rin iyon, hintayin mo lang." hindi pa man ako nakakatugon ay mabilis na siyang nagtungo sa kusina. Sinundan ko pa siya ng tingin at tumigil ang paninitig sa pintong pinasukan niya.
Nagtanong lang naman ako kung kailan uuwi si Mama pero ganoon na kaagad ang reaksyon niya. Hindi naman sila ganoon sa tuwing nagtatanong ako dati. Pagkatapos kasi ng Mayo, hindi pa muling nakakauwi rito si Mama. Alam ko namang busy siya sa trabaho.
Pero ang pangako niya sa akin, buwan buwan siyang uuwi.
Napatigil ako sa pagsusulat nang pumasok si Kuya sa pinto. Napagmasdan ko ang kabuuan niya at napansing gulo-gulo ang buhok niya at bukas ang ilang butones ng suot na polo.
"Kuya?" tumayo ako upang pagmasdan siyang mabuti.
"Ana..." ngumiti naman siya sa akin kaya kahit papaano ay napanatag na rin ako. "Maliligo muna ako." pagpapaalam niya. Na ngayon lang niya ginawa. Hindi kasi siya naliligo tuwing gabi.
"Sige Kuya."  pumasok siya sa kwarto kaya ipinagpatuloy ko na ang pagsusulat. Hanggang alas nuebe lang ako dahil antok na antok na kaagad ako. Matatapos na rin naman kaya sa school ko na lang ipagpapatuloy.
Kinabukasan ay himalang ihinatid pa ako ni Kuya sa school. Maagap kasi ang pasok niya kaysa sa akin. Nagtataka man ay hindi na lang ako nagtanong.
"Ate Violet!" sigaw ko nang makita siya na papasok pa lang ng gate. Miss Guevarra ang tawag ko sa kaniya sa tuwing nasa loob kami ng klase.
Lumingon siya sa akin at nagulat nang makita na kasama ko si Kuya. Kita ko ang labis na pamumula ng pisngi niya. Napangiti naman ako habang pinagmamasdan ang titigan nilang dalawa.
"Ana, pumasok ka na. May kakausapin lang ako." ngumiti ako kay Kuya at tumango. Napansin ko ang pagiging seryoso ng ekspresyon niya habang nakatingin kay Ate Violet. Mabilis naman akong tumakbo papalayo roon upang hayaan silang makapag-usap.
Mariin kong hinawakan ang strap ng bag habang naglalakad ako papasok ng building namin. Napabuntong-hininga ako nang makita ang ibang mga grade 9 student na kagaya ko sa labas ng mga classroom nila.
"Jason si Anastacia! Iyong crush mo daraan!" hiyaw ng isa sa kanila.
Napayuko ako sa sigawan ng mga lalaki. May ibang mga babae naman ang nakasilip mula sa bintana ng classroom nila at nakatingin sa akin. Wala naman akong ginagawa pero kinakabahan ako sa kanila. Dahil sa matinding kahihiyan ay hindi ko rin nagawang mag-angat ng tingin ni isang beses.
Napatigil pa ako sa gulat nang makita na may mga lalaking humarang sa daraanan ko.
"Hi, Anastacia." anas ng nasa gitna. Napalunok ako sa kaba dahil hindi ko alam kung anong itutugon.
"H-hello." nahihiyang pagbati ko. Malakas na nagkantyawan sila sa harap ko.
"Ako nga pala si Jason. P-pwedeng magpa-picture?"
Mas lalo akong nahiya nang sinundan iyon ng sigawan ng mga kasama niya. Bahagya pa nilang itinutulak ang lalaki palapit sa akin. Ako naman ay pasimpleng umaatras sa kanila. Hindi kasi ako nasanay sa mga ganitong bagay. Sa Manila ay walang gumagawa nito sa akin. Magmula kasi nang mag-aral ako rito, madalas na akong nakakatanggap ng atensyong hindi ko hinangad lalo na pagdating sa mga lalaki.
"S-sige." pumayag ako para matapos na at makadaan na rin ako.
"Ayos!"
Lumapit sa akin ang lalaki at tinabihan ako sa pwesto. Ang mga kasamahan naman niya ay mabilis na kumuha ng cellphone at handa na kaming kuhaan ng litratong dalawa.
"Jason."
Naputol ang mga ngiti nila nang dumating si Kahel. Mabilis na pumukol ang tingin niya sa akin. Saglit akong napatitig sa kaniya lalo na sa buhok niyang bahagyang nagulo ng hangin. Walang emosyong ibinaling naman niya ang tingin sa mga lalaki sa tabi ko.
"Oh K-Kahel? Bakit?"
Nagulat ako nang malaman na magkakakilala pala sila. Pati kasi ang mga kalalakihan kanina na malakas ang kantyawan ay natahimik nang dumating siya.
"Nakaharang kayo sa daan." tugon ni Kahel. Wala namang nagawa ang mga taga-Integrity kundi ang tumabi dahil halos sakupin na nga namin ang daan. Pinagmasdan ko ang mabagal na paglalakad ni Kahel sa gitna. Saglit pa akong nagulat nang lumingon siya pabalik sa akin. "Wala ka bang balak pumasok?" walang bakas ng anumang emosyong aniya.
Nahiya naman ako sa tinginan ng mga tao. Kinakabahan akong sumunod sa kaniya dahil baka kung ano na naman ang isipin niya tungkol sa akin.
"P-pasensiya na, sa susunod na lang." lumawak muli ang ngiti sa akin ni Jason. Kakaway na sana ako sa kanila bilang paalam nang muling bumaling sa akin si Kahel. Iritado na. Sa tinging iyon pa lang ay alam ko na kaagad ang gagawin.
Nang magpatuloy siya sa mabagal na paglalakad ay sumunod lamang ako sa kaniya. Tahimik at hindi na ako nagtangkang magsalita. Pakiramdam ko ay nahuli na naman niya akong gumagawa ng kalokohan kahit wala naman akong ginagawang masama. Ganito palagi ang pakiramdam ko sa tuwing tatawagin niya ako sa pangalan ko sa pamamagitan ng iritado o hindi kaya ay galit niyang tono.
Buong akala ko ay diretso na siyang papasok sa pinto nang makarating kami sa classroom. Sa ikalawang pinto kami dumaan sa dulong bahagi. Tumigil siya kaya tumigil din ako.
"Palagi ka bang ginugulo ng mga iyon?" tanong niya.
Nagbaba ako ng tingin at kinutkot ang daliri ko sa aking likod. "M-minsan lang." kapag naabutan nila akong daraan sa tapat nila.
"Sana ay hindi mo na lang pinansin kanina." nakayuko man ay dinig ko pa rin ang iritasyon sa tono niya. Nanumbalik naman ang kaba sa dibdib ko. Isang pakiramdam na nararamdaman ko lang sa tuwing papagalitan niya ako.
"P-picture lang naman daw." mukha namang mababait ang mga lalaking iyon. Wala naman silang ginawa sa akin. Hindi lang talaga ako nagiging komportable sa tuwing tinatawag nila ako palagi kahit hindi kami magkakakilala.
"Tsk. Gustong-gusto mo naman?" nagulat ako sa tono niya. Para siyang galit. Iyong tipong handang maghamon ng away.
"H-hindi. Pinagbigyan ko lang para makadaan ako ng maayos." baka isipin nila, masyado akong nagmamaganda. Hindi naman ako maganda. Hindi ko nga alam kung bakit ako ang pinagtutuunan nila ng pansin.
Nakita ko ang pagtatangis ng bagang niya saka tumingin sa ibang direksyon na animo'y nagpipigil ng inis. Matagal siyang hindi nagsalita na para bang pinapakalma ang sarili. Saglit ko naman siyang pinagmasdang maigi. Nang mapagtanto ko na masyado na akong matagal na nakatitig sa kaniya, umiwas din ako.
"Ano... papasok na ako." pagpapaalam ko sa kaniya. Nakaharang kasi siya sa pinto. Kapag pipilitin kong pumasok ay mabubunggo ko siya.
"Anastacia." seryosong pagtawag niya.
Nailang ako sa seryosong paninitig niya sa akin. Naiilang akong nag-iwas ng tingin subalit ramdam ko pa rin ang paninitig niya.
"B-bakit?" pakiramdam ko ay hinihigop niya ang kaluluwa ko sa mga titig niya. Hindi ko kayang matagalan iyon. Hindi ko kaya. Sa palagay ko kapag nagtagal pa ako sa pagtitig sa mga mata niya... mawawala ako... mahuhulog ako.
"Sa akin ka na ulit sasabay pag-uwi. Sabihin mo iyan sa katabi mo. Ayokong makikita mukha niyan mamaya na nakaaligid sa'yo."
Naguguluhan man sa sinabi niya ay hindi ko mapigilan titigan siya habang naglalakad paalis. Basta na lamang siya tumalikod pagkatapos sabihin sa akin iyon. Naguguluhan man... hindi ko maipagkakailang umusbong ang kakaibang saya sa dibdib ko.

Bình Luận Sách (172)

  • avatar
    QuindaraImelda

    I really enjoyed reading this novel inspite of busy days. I try to read. So inspiring specially the main character Anastasia and Kahel. The time sequences is extremely important. The moral values of the characters are very good coz they show the value of being patience and if you really love the person you can wait until the right timing. Its give suspense for the reader to wait what will happen on the next chapter. My heart beat make me in love again, fall in love again.Thank you for this novel

    23/11/2021

      2
  • avatar
    RodriguezCharlene Mae Odal

    the novel is so really appreciated and it really feels like existing in real life congratulations author you made a wonderful novel👏👏👏

    01/07

      1
  • avatar
    Kimryl Nazareno

    niceeeeeeeeerereeeee

    28/06

      1
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất