logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 12

Days has passed so quick than I expected. Ngayon ay second quarter na kami ngayong school year. Mag-iisang taon na rin ako rito sa Quezon. So far, my life is peacefully quiet for the past months. Mas lalo pa akong naging close sa mga naging kaibigan ko rito dahil sila naman ang palagi kong kasama sa school. Minsan ay dumadayo pa sila sa bahay. Well, except from him. Alam kong busy siya. Usap-usapan na rin sa buong school ang pagkakaroon nila ng relasyon ni Fatima. But they never confirmed it. Nakikita kong ngumingiti lang ng matamis si Fatima sa tuwing tinatanong siya tungkol doon.
Sa ngiti pa lang niya, alam na kaagad ang sagot.
Nagkaroon din ng distansya sa pagitan ni Vera at Kahel dahil doon. They had some fight when Vera found out about it. Or should I say, Vera scolded Kahel. Hindi naman nagsalita ang isa. Halatang wala siyang pakialam kung ano ang iisipin ng iba basta ang mahalaga ay ang sa kanila ni Fatima.
Hindi na rin kami nagkakausap pa ni Kahel. We had some little conversations but only about studies lalo na kapag magkagrupo kami. Madalas kaming magkasalubong at magkatinginan pero mabilis akong umiiwas ng tingin. I already accepted the fact that he don't like me as his friend. Ayaw niya. Ayaw ko na ring mamilit pa.
"Anastacia, saan tayo magpa-practice?" sumabay sa akin si Diego paglalakad. Galing siya sa office kanina kaya hindi niya narinig ang aanouncement ni Sayon.
"Sa grandstand daw." tumango siya sa akin. Medyo nahuhuli kami sa mga kaklaseng papunta roon. May performance output kasi kaming whole section sa P. E. kaya kailangan naming mag-ensayo para roon lalo na at sa isang linggo na iyon gaganapin.
"Hindi ba't nabanggit mo na member ka ng dance club? Edi ikaw ang magtuturo sa amin?" tumango ako sa kaniya.
"Tulong kami nina Fatima." member din kasi sila ng dance club kasama ang mga kaibigan niya. Sa aming magkakaibigan ay ako lang ang napahiwalay dahil sa Filipino club sila. Ang mga lalaki naman ay sa sports.
Sinenyasan ko siyang bilisan ang paglalakad lalo na nang makita na nasa grandstand na sila lahat. Nanatili namang mabagal ang paglalakad ni Diego kaya hinintay ko pa siya.
"Bilis ang kilos!" sigaw ni Sayon sa gitna. Nakita kong nakatingin siya kay Diego.
Nahiya naman ako dahil lahat sila ay nakatingin na sa amin ngayon. Pati si Kahel ay kita ko rin na nakatitig sa amin. Binilisan ko na lamang ang lakad hanggang sa tuluyan kaming makarating doon.
"Ano bang theme natin?" narinig kong tanong ng isa sa mga kaklase namin. Napatingin naman ako kay Fatima na nasa unahan na at handang-handa nang magturo ng mga sasayawin. Siya na rin ang nanguna sa paghahanay sa amin. Pyramid iyon at siya ang nasa pinakagitna. Ang akala ko ay hihingiin niya ang tulong ng mga dance member pero siya lamang ang nanguna roon.
"Windows lang! Doon kayo sa mga pagitan!"
Hinayaan namin siya roong mamuno dahil alam ko namang magaling siyang magsayaw. Vice-president din siya sa dance club. Nagsimula siyang magturo sa unahan ng mga steps para sa sayaw. Sumasabay na lang ako kahit nahahalata kong parang masyadong mahirap ang ipinagagawa niya.
Kita ko sa kilos ng karamihan na nahihirapan silang gumalaw . Hindi rin nagkakasabay-sabay kaya paulit-ulit lang kami.
"Ano ba! Pakinggan niyo kasing mabuti sinasabi ko! Huwag kayong kung saan saan tumitingin!" tumigil ako sa iritadong sigaw niya. Napatingin ako sa mga kaklase at nakitang iritado na rin sila.
"Ang hirap hirap naman ng mga pinapagawa mo! Hindi naman lahat magaling sumayaw!" dinig kong reklamo ni Vera. Sumang-ayon ang lahat sa kaniya at sunod sunod na nagreklamo.
Siniko naman ako ni Diego dahil katabi ko lang siya sa hanay. Alternate ang babae at lalaki. "Ikaw kaya magturo roon. Ang hirap sabayan ni Fatima." umiling lamang ako sa kaniya.
"Huwag na." kita ko na ngang iritado na sila lahat. Mas lalong hindi kami matatapos nito. Hiphop ang sasayawin namin at tama lang naman ang mga ginagawa ni Fatima. Kaso oo nga't hindi naman lahat ay magaling sumayaw.
"Bakit? Gagabihin tayo rito. Paulit-ulit hindi naman makuha mga itinuturo niya."
"Mahaba pa naman oras natin. Pwede pa tayong mag-practice bukas."
"Eh paano iyong iba? Hindi nila makuha kung paano iyong mga galaw niya?"
Napabuntong-hininga ako. Kailangan ko pa bang problemahin iyon? Panigurado namang kaya na ito ni Fatima. Kailangan lang talaga ng kooperasyon ng iba.
"Kaya hindi tayo natatapos kasi maraming nagkukwentuhan." sabay kaming napatigil ni Diego sa pagsasalita nang marinig na may magsalita. Lumingon ako kay Kahel na nasa likod lang namin nakahanay. Hindi siya sa amin nakatingin pero pakiramdam ko ay kami ang pinaparinggan niya.
Umiling ako at bumaling na lamang sa unahan. Hindi na ako nagtangkang magsalita pa. Nagpatuloy ang practice kahit maraming nagrereklamo, sa huli, halos wala kaming natapos.
"Tara sabay na tayo." pang-aakit sa akin ni Sayon nang mag-uwian na kami. Magdidilim na rin kaya kaagad akong sumang-ayon sa kaniya. Todo ang pasasalamat ko sa kaniya dahil hinatid niya ako hanggang bahay. Nagkwentuhan pa kami habang nasa daan.
"Salamat, Sayon!" kumaway ako sa kaniya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Kaagad naman akong dumiretso sa loob ng bahay dahil paniguradong nakarating na si Kuya. Ginabi ako ngayon. Kahit nagpaalam ako, baka mapagalitan pa rin ako.
Pero nagtaka ako nang makita sina Lola na nakaupo sa sala. Si Kuya naman ay parang galit habang may katawagan sa cellphone niya. Kita ko ang pagtatangis ng kaniyang bagang na para bang iritado sa kausap.
"Kuya?" takang pagtawag ko sa kaniya. Mabilis na nawala ang galit niya nang bumaling sa akin. Nakita ko ang pagbuntong-hininga niya bago ako binati.
"Ana, halika rito." taka naman akong lumapit sa kaniya. Bahagya siyang yumuko para magkapantay kami.
"May problema ba?" hindi ko na naiwasan ang kuryusidad nang tanungin siya. Sina Lola naman ay parang hindi makatingin sa akin.
Napahinga ng malalim si Kuya bago umiling. Pilit siyang ngumiti sa akin kahit alam kong may problema. Hindi ako mangmang para hindi mahalata iyon.
"Walang problema. Magbihis ka na at kakain na tayo." pagod na anas niya. Hindi na ako nagtanong ulit dahil ayaw kong madagdagan ang pasanin niya. Dumiretso ako sa kwarto habang pilit hinuhulaan kung ano ang posibleng problema niya.
Nang sumunod na mga araw ay pasimple kong tinatanong sina Lola kung anong nangyayari pero iniiba nila kaagad ang usapan. I see... ayaw nilang malaman ko.
Pumasok ako na parang lutang dahil alam kong may problema ang pamilya namin na hindi nila magawang sabihin sa akin. Alam ko namang wala akong magagawa at hindi makakatulong ang opinyon ko pero kahit papaano ay gusto kong malinawan.
"Ayos ka lang?" tanong ni Diego isang umaga matapos ang subject namin sa Math. Hindi ako lumabas para sa breaktime kaya ngayon ay magkasama pa rin kaming dalawa.
Ngumiti ako sa kaniya at pilit na ngumiti. "Ayos lang." wala namang problema. Ayaw nilang ipaalam.
Kinahapunan ay muli kaming nagtipon sa grandstand para sa practice. Pinilit kong makasabay kahit nanlulumo ang katawan ko. Ilang beses ko ring natapakan si Diego kaya nakailang ulit ako ng hingi ng paumanhin sa kaniya. Muntik pa akong matumba kung hindi lang ako nahawakan ni Kahel sa braso. Kapansin-pansin ang pagiging magaslaw ko ngayon.
"Ihahatid uli kita." saad ni Sayon matapos akong mahanap sa dagat ng mga tao. Nag-aayos pa ang mga kaklase ko at kakunti pa rin sa amin ang nakakaalis.
"Ana!" tatango na sana ako sa kaniya nang makita si Kuya. Nanlaki ang mata ko nang bumaling sa kaniya. Mabilis akong tumakbo papalit sa kaniyang kinaroroonan.
"Kuya?" first time niya akong nasundo sa school. Mas maaga kasi ako palaging umuwi sa kaniya kaya hindi na kami nagpapang-abot. Ngayon lang.
"Tapos na ba kayo? Uwi na tayo." tumango ako sa kaniya saka kinuha ang bag ko. Nagpaalam muna ako kina Sayon bago ako sumama kay Kuya. Nakita ko pa si Kahel na nakatingin sa akin bago ako tuluyang tumalikod.
I am worried about Kuya. These past few days, palagi siyang tahimik at mukhang problemado. We used to be so open about our thoughts before. But now, he never shared anything to me. I tried asking him, but just like my grandparents, he's always diverting the topic.
Tahimik akong pumasok sa kwarto kinagabihan. It was an order. Kuya told me that there's something they need to talk about. Wala akong nagawa kundi ang sumunod. I just had my assignments finished before I sleep.
Kinabukasan ay ganoon pa rin. Ramdam kong may problema pero wala akong kaalam-alam.
"San Rafael."
Gulat akong napatayo nang marinig ang pagtawag ni Ma'am sa akin. Doon ko namalayan na halos lahat na pala sila ay nakatingin sa akin.
"Y-yes, Ma'am?" kinakabahan kong tanong.
Nakita ko ang pagkunot ng noo niya sa akin. "You are spacing out. I've been calling you several times." napatungo ako sa matinding kahihiyan. I saw some of my classmates laughing at me. It's Fatima's friends.
"I'm s-sorry po."
She made me sit instead of continuing the question. It was supposed to be a graded recitation. But because I was spacing out, I missed it.
Napabuntong-hininga ako at itinuon ang buong atensyon sa unahan. I feel like at this moment, I can't understand anything.
"You okay?" tanong sa akin ni Diego. Tumango ako sa kaniya at ngumiti. Nanatili naman ang nanunuring pagtitig niya sa akin.
Nang dumating ang hapon ay pakiramdam ko ubos na ubos ang enerhiya ko. Mabilis akong umuwi ng bahay ng hindi nagpapaalam sa kahit isa sa kanila. I waited for Kuya to arrived pero alas nuebe na ng gabi ay wala pa rin. Nag-aalala na kami lahat sa bahay. Usually kasi ay hanggang alas sais lang ng gabi ang pinaka-late na uwi niya.
"Ana, magpahinga ka na muna. May pasok ka pa bukas. Uuwi rin iyang Kuya mo." si Lola. Nasa harap sila ng hapag at umiinom ng tsaa. Wala naman akong nagawa kundi ang tumango.
Gusto ko na ring matulog pero hindi ako dinadalaw ng antok. Hanggang sa may marinig akong ingay sa labas ng kwarto. Mabilis ang ginawa kong pagbangon at nagkukumahog na lumabas. Nanlaki ang mata ko nang makita si Kuya na lasing na lasing. Nakaangkla ang braso niya sa balikat ni Ate Violet na halatang nabibigatan na rin sa kaniya.
Mabilis umalalay sina Lolo para tulungan siyang dalhin si Kuya sa kwarto. Hindi ko nagawang makapagsalita dahil sa labis na gulat at pagtataka.
Bakit naglasing si Kuya? Kahit kailan ay hindi ko siya nakitang ganito. Ang alam ko nga ay hindi siya umiinom. Wala siyang bisyo. Kaya nga labis akong nagulat nang makita siyang ganiyan ngayon.
"Apo, pagpahingahin mo na muna ang Kuya mo. Pagod iyan."
Sinunod ko ang payo nila. Nasa loob pa rin si Ate Violet at tinutulungan si Lola sa pag-asikaso kay Kuya. Natulog ako ng gabing iyon ng puno ng mga katanungan. Kuya seems so... miserable. Mag-iisang linggo na siyang ganito.
I want to ask him what happened pero tulog pa siya nang umalis ako ng bahay. Paniguradong hindi rin siya papasok ngayon sa trabaho. Nag-aalala na ako sa kaniya pero wala akong magawa para makatulong.
"Oh? Hindi ka na naman sasama?" tanong sa akin ni Vera nang makita na nakaupo pa rin ako kahit breaktime na. Tumango ako sa kaniya at sinabing busog pa naman ako. Tumango rin sila sa akin at nagpaalam kahit nagtataka ang mga tinging ibinibigay nila sa akin.
Diego didn't leave my side. Kabisado ko na siya dahil hindi naman siya umaalis tuwing breaktime.
"Sigurado ka bang ayos ka lang?" nag-aalalang tanong niya sa akin.
Napabuntong-hininga ako nang muli maalala ang nakita kagabi.
"Nag-aalala lang ako kay Kuya." seryosong tugon ko. Mahal na mahal ko ang kapatid ko na hindi ko kayang nakikita siyang ganoon. Malaki kasi ang naging parte ni Kuya sa buhay ko. Ni hindi ko na kayang isa-isahin ang lahat ng nagawa niya para sa akin.
Ayaw kong nakikitang ganoon siya.
"Ano bang nangyari?"
Nagkibit-balikat ako. "They don't want me to know." pansin ko naman sa mga kilos nila. Siguro iniisip nila na bata pa ako kaya hindi ko maiintindihan. Na wala akong maitutulong. Pero hindi ako ganoon. Kahit mahirap para sa akin, pipilitin kong intindihin dahil iyon na lang ang tanging magagawa ko.
"Siguro ayaw ka lang nilang mahirapan."
"Kahit na. Kapamilya pa rin ako kaya dapat alam ko ang nangyayari sa kanila."
Natahimik siya saglit. Napatingin naman ako sa unahan matapos kong isandal ang likod sa upuan.
"May mga bagay kasi na hindi nila kayang sabihin sa atin lalo na kung alam nilang masasaktan tayo. Loosen up, Anastacia. Paniguradong iniisip lang nila ang kapakanan mo. Huwag mo silang pilitin kung hindi talaga pwede. Pinoprotektahan ka lang nila sa anumang klase ng gulo na maaari mong maranasan kung sakaling malaman mo kung ano man ang problema." napatingin ako kay Diego dahil sa sinabi niya. I was astounded for a moment. I know he talks a little. Kakaunti rin sa mga kaklase namin ang kinakausap niya. Madalas ay ako lang dahil magkatabi kaming dalawa. I was just so amazed because he is so full of words.
I thanked him for listening to my problem. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko sa sinabi. It's a good thing that I found a friend out of my silent seatmate.
Napangiti pa ako sa kaniya nang alukin niya ako ng baon niyang sandwich. I denied his offer at first pero mapilit siya. Kaya pala hindi siya lumalabas papunta sa canteen dahil nagbabaon siya. He looks like a healthy eater too. Puro gulay kasi ang laman ng mga pagkaing dala niya.
"Do you want to taste it?" ipinakita niya sa akin ang isang vegetable shake. Gusto kong umiling pero na-curious ako sa lasa. Siya pa lang kasi ang nakikilala kong masyadong health conscious pagkadating sa pagkain. Usually kasi, sa edad na ganito, ine-enjoy pa namin lahat ng mga pagkain na bago sa paningin regardless of its health benefits. Pero siya...
"Ikaw gumagawa nito?" tanong ko pagkatapos tingman ang shake. Hindi ako masyadong nasarapan sa lasa. Pagkain talaga siya ng mga healthy eater.
"Si Mama." tugon niya. Tumango lamang ako at pinagmasdan siya habang kumakain. He's not aware that I'm staring at him. Napakapino niyang kumilos at malinis. Pati ang buhok niya ay malinis din ang pagkakagupit. Si Diego ay isang matalino at magaling na mag-aaral. He's like an epitome of a perfect student. Mabait at wala ring barkada.
Nagulat naman ako nang makita si Kahel na nasa may pinto. Madilim ang pagkakatingin niya sa akin ngayon. He saw me staring at Diego. Mabilis akong napaiwas ng tingin dahil sa kahihiyan. Baka kung anong isipin niya.
Naglakad siya hanggang sa maramdaman ko na lang na nakatayo na siya sa harap namin ni Diego. Madilim pa rin ang pagkakatingin niya. Napalunok naman ako ng sariling laway. Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang pagkain at tubig. Hindi pa iyon nabubuksan at walang kabawas-bawas.
"Kahel?" pilit kong hindi ginawang kabado ang tono ng boses ko. Napaayos din ako ng upo dahil sa pagdating niya. Saglit akong tumingin sa paligid at nakitang wala si Fatima. Gumaan ang loob ko dahil doon.
He just stared at me like I am some piece of blooming flower. His deep brooding eyes penetrated mine like he wants to see my soul. I shifted my weight and give him a questioning look.
"Mag-boyfriend ba kayo?" Diego leaned forward to whisper. Hindi naman naputol ang pagtitig ko kay Kahel. I saw him clenched his jaw while looking at Diego sharply. Padabog niyang inilapag ang hawak na pagkain at tubig sa desk ko. I was astounded for a moment. Muntik na akong mapatalon sa gulat.
I felt the urge to call him but he immediately turned his back to us without saying a single word. Nanatili ang pagtitig ko sa kaniya hanggang sa makaupo siya sa sariling silya. Napatitig naman ako sa mga bagay na inilapag niya sa harap ko.
I sighed.
Kahit kailan ay hindi ko maintindihan ang lalaking iyon.

Bình Luận Sách (172)

  • avatar
    QuindaraImelda

    I really enjoyed reading this novel inspite of busy days. I try to read. So inspiring specially the main character Anastasia and Kahel. The time sequences is extremely important. The moral values of the characters are very good coz they show the value of being patience and if you really love the person you can wait until the right timing. Its give suspense for the reader to wait what will happen on the next chapter. My heart beat make me in love again, fall in love again.Thank you for this novel

    23/11/2021

      2
  • avatar
    RodriguezCharlene Mae Odal

    the novel is so really appreciated and it really feels like existing in real life congratulations author you made a wonderful novel👏👏👏

    01/07

      1
  • avatar
    Kimryl Nazareno

    niceeeeeeeeerereeeee

    28/06

      1
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất