logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 11

Wednesday ng umaga, our new class adviser Ms. Castromero told us that there will be no discussion for the mean time. Mag-eelect daw muna kami ng mga class officers. Nanatili naman akong tahimik habang nasa dulong bahagi ng classroom. Nanatiling iyon ang pwesto ko dahil ayaw ko namang mang-agaw ng ibang upuan.
Nasapo ko ang aking noo nang ma-elect na president si Sayon. Sumunod sa kaniya si David dahil pinagtripan sila ni Vera. Ang mga kaklase ko naman ay todo boto sa kanila dahil kakilala. When the nomination for the secretary became open, na-nominate si Vera. Muli kong nasapo ang aking noo nang manalo siya bilang secretary. I am not being judgemental to her but I already saw her hand writing. She's good on drawing images but her hand writing sucks. Alam ko iyon dahil katabi ko siya sa upuan noong grade 8.
"I nominate Anastacia San Rafael as Muse." Nanlaki ang mata ko kay Vera. I was telling her to stop but she just smirked at me. Nagtinginan sa akin ang mga kaibigan ko at sabay-sabay akong nginisian.
When Sayon asked the class who will be voting for Fatima as Muse, I immediately raised my hand. Ayaw kong manalo at ayaw kong maging officer. Pero nanlumo ako nang makita na halos lahat ng mga kaklase ko ay bumuto para sa akin. Nagpalakpakan silang lahat. Pinakamalakas ang kay Vera at Sayon.
Tinawag lahat ng mga newly elected officers sa unahan. Nanlulumo naman akong tumayo at sumama sa kanila. Todo layo naman ako kay Kahel dahil magkatabi kami ng pwesto. Siya ang na-elect na Escort.
"Compressed kayo, hindi kita sa camera." Utos sa amin ni Ms Castromero. Wala akong nagawa kundi ang sumiksik sa kanila. Mas lalo pa akong nailang nang magdikit ang mga braso namin ni Kahel. Pero para namang wala siyang pakialam doon.
"Congrats." Pagbati sa akin ng katabi sa upuan. Siya lamang ang katabi ko sa huli dahil nabakante ang upuan sa katabi ko pang silya. He's not one of my classmate before. But I know his name is Diego.
"Salamat." Tipid akong ngumiti sa kaniya. Hindi bukal sa loob ko iyon dahil ayaw ko naman talagang maging officer. I don't wanr another responsibility aside from my studies. Ngayon ay kailangan ko pa tuloy tulungan sina Sayon sa mga gagawin nila para sa klase. May posibilidad na mahati ang oras ko at iyon ang ayaw kong mangyari.
"You seems like ayaw mo namang manalo."pagpuna sa akin ng katabi. Muli akong lumingon sa kaniya at sinabi ang opinyon ko. We both laughed at each other kalaunan. Nalaman ko na may nanay pala siyang teacher dito sa school at transferee rin siya ngayong taon.
Natahimik kaming dalawa nang dumating ang susunod na teacher sa Math. Wala talagang makakaabala sa akin pagdating sa pag-aaral. Wala naman akong nakitang problema sa katabi ko dahil halatang masipag din siyang mag-aral. Namangha pa ako nang makita ang mabilis niyang pagsosolve ng math equation sa unahan.
"Ilan tama mo?" Tanong niya sa akin nang makabalik.
"10." Simpleng tugon ko.
Ngumisi lamang siya at hindi na nagsalita pa. Natapos ang isang oras namin sa Math. Recess naman pagkatapos. Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko at hinintay na makalabas sina Vera ng classroon nang tawagin ako ni Diego.
"Anastacia! Nahulog iyong panyo mo." Sigaw niya. I somehow found it weird when he called me Anastacia. Iisang tao lang kasi ang palaging tumatawag sa akin sa buong pangalan ko.
Lumingon ako sa kaniya subalit nagulat nang mabunggo ako sa dibdib ng isang tao. Mabilis akong napaatras sa kaniya lalo na nang makita ang masamang tingin niya sa akin.
"S-sorry, Kahel." Kinakabahang pagpapaumanhin ko. Nakita ko pa ang masamang tingin niya kay Diego bago lumipat iyon sa akin. Napatingin naman ako sa likod niya at nang makitang papalapit na sina Fatima ay mabilis kong hinablot ang panyo at nagmartsa paalis doon.
"Naks, muse na pala." Pang-aasar sa akin ni Vera. Sumimangot ako sa kaniya at sinisi siya sa nangyari sa akin. Kung hindi naman talaga niya ako ni-nominate, hindi naman ako magiging officer kagaya nila.
"Congrats sa ating bagong president." Pang-aasar naman ni David kay Sayon. Nakitawa ako sa kanila. Halata kasing pinagtritripan lang nila ang isa't-isa. Dinamay pa talaga nila ako. Isa pa ay hindi rin ako nagtitiwala sa kanila bilang mga bagong officers. Sa loob ng ilang buwang kasama ko sila, kahit papaano ay alam ko na rin ang mga kalokohan nila.
Ipinaghila muli ako ng upuan ni Sayon nang makarating sa table na palagi naming pinupwestuhan tuwing breaktime. Ngumiti ako sa kaniya at nagpasalamat. Sayon has been so kind towards me at all time. Palagi niya itong ginagawa sa akin kahit hindi naman kailangan. I am so grateful to him because his simple moves means a lot to me. Hindi rin siya nauubusan ng sasabihin pagdating sa akin.
"Bakit kaya ayaw ng sumabay sa atin ni Kahel?"malungkot na anas ni Emily. Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain at saka tiningnan siya. For the past months, I've realized that feelings can't change that easy. She apologized with what happened during last school year. Nagpasalamat din siya dahil hindi ko sinabi sa klase noon na sa kaniya galing ang confession letter na iyon.
I admit na medyo nagtampo ako sa kanila. I helped them but when everybody is giving me their judgemental looks, they didn't stand behind me. Naiintindihan ko naman, matagal na rin iyon kaya ayos na sa akin.
"Paano ba naman, dikit na dikit sa kaniya si Fatima. Kairita talaga iyong babaeng iyon." Komento naman ni Vera. I was already expecting that she would say that. Hindi ko pa rin alam kung bakit iritadong iritado siya kay Fatima. It was before, susuwayin ko siya at pipigilan but now, I remained silent and let her speak because I know... I'm starting to feel the same way towards that girl
Napaiwas ako ng tingin kay Emily. She's not yet ready to tell everyone about her feelings for Kahel. That's why I remained silent with what I know between Kahel and Fatima. Hindi ko pa rin nakakalimutan kung ano ang itinawag sa kaniya ng babae noong nakaraang lunes. Kung totoo man iyon, ayokong masaktan si Emily.
Napabuntong-hininga ako.
Saktong napatingin ako sa may pintuan ng canteen. Saktong nakita ko roon na papasok sina Fatima kasama ang mgakaibigan niya pati na rin si... Kahel. Mabilis na nagtagpo ang mga tingin naming dalawa. It was before, upon seeing him around, I will automatically smile and wave my hands to him. Pero ngayon, hindi ko magawang makangiti lalo na nang mapadako ang tingin ko sa kamay ni Fatima na nakaangkla sa braso niya. He's not complaining about it which means... gusto rin niya ang ginagawa ng babae.
Napaiwas ako ng tingin at hindi na nagawang ituloy ang kinakain. I thought they will fall in line, pero dumiretso sila sa table namin. Kahel and the boys had their usual conversations for a while. Nakangiting nakangiti naman sa amin si Fatima na para bang hindi niya nakikita ang mga pag-irap sa kaniya ni Vera at Nana.
"Dito na lang tayo malapit sa kanila, Kahel." Malambing na anas ni Fatima sa katabi. Napatungo naman ako nang dumako ang tingin nila sa lamesa sa likod ko. Hindi ako naging komportable dahil pakiramdam ko ay sa akin sila nakatingin.
Pigil hininga naman ang ginawa ko nang maramdam ang paglalakad nila patungo roon. Buti na lamang at nagkaroon ng usapan ang mga lalaki tungkol sa basketball kaya pinilit kong ibaling ang atensyon ko roon.
"Kapag nanood na sa atin si Ana, baka MVP ako palagi." Saad ni Sayon. Napangiti at napailing ako sa kaniya.
"Ligawan mo na kasi, Sayon." Kantyaw naman nina David. Sinegundahan kaagad siya ni Vera. Namula ako dahil sa matinding kahihiyan. Nakukuha ko na naman na nag-aasaran lang sila. Hindi lang talaga ako sanay na nasasama ako sa mga usapan lalo na kung tungkol ito sa pag-ibig.
"Huwag nga kayong magulo. Nakakahiya kay Ana." Napakamot siya sa kaniyang ulo at nahihiyang tumingin sa akin.
"Sus! Style ka pa eh palagi ngang si Ana bukang-bibig mo sa tuwing in game tayo. Puro ka Ana! Simp na simp!" Namula ako lalo sa sinabi ni Jorem. Natakluban ko ang aking mukha ng dalawang kamay dahil ramdam ko na ang matinding pag-iinit ng pisngi ko.
Nakisali pa sina Fatima na mas lalong hindi ko inaasahan. Nakikinig pala sila sa pag-uusap namin.
"Oo nga, Sayon. Ligawan mo na si Ana. Tutal bagay na bagay naman kayong dalawa." Pang-aasar pa niya sa amin. Nagkantyawan ang mga lalaki sa sinabi niya. Maging si Vera ay nakisali na rin at hindi na napansin kung sino ang nagsalita
Bigla kong naramdaman ang pangangailangan na tumakbo palayo roon. Hiyang-hiya ako sa mga pinagsasabi nila.
"Bawal pa raw ligawan iyan sabi ng kuya niya."
Natahimik kaming lahat nang marinig ang iritadong pahayag ni Kahel. Nasa likod ko sila kaya naman kitang-kita ko kaagad ang matinding iritasyon sa mukha niya nang lumingon ako. Maging sina David at Sayon ay hindi nakapagsalita. Nagkatinginan naman sina Nana at Emily. Napaiwas ako ng tingin sa kanilang lahat.
Napalunok ako ng sariling laway. Doon ko lamang tuluyang naramdaman ang pagkauhaw. Naramdaman ko rin ang matinding awkwardness sa paligid kaya ang pag-alis lamang doon ang alam kong paraan para makaiwas.
"Bibili lang ako ng inumin." Naiilang na paaalam ko sa kanila. Mabilis namang kumilos si Sayon at inabot sa akin ang sa kaniya.
"Ito na lang. Hindi ko pa naiinuman iyan." Anas niya. Ramdam ko pa rin ang matinding ilang sa paligid kahit nabasag na ang katahimikan. Pasulyap-sulyap lamang sila sa amin at hindi na nagsasalita.
Mabilis naman akong umiling sa alok niya. Naalala ko na nasa likod lang namin si Kahel. Mas lalo iyang magagalit sa akin kapag nakita na inaasa ko lang sa iba ang mga pangangailangan ko. Naalala ko noong grade 8 ang ginawa niyang pagsigaw sa akin nang makitang tinanggap ko ang inumin na inalok ni Sayon sa akin.
Ayaw ko ng mangyari ulit iyon. Mas nakakahiya dahil mas maraming tao ngayon.
Napatingin naman si Sayon sa likod ko. Alam kong si Kahel ang tinitingnan niya.
"Sige samahan na lang kitang bumili." Tumango ako at ngumiti sa kaniya. Akmang tatayo na sana kaming dalawa nang biglang may maglapag ng bote ng tubig sa harapan ko.
Gulat akong napabaling kay Kahel nang makitang nasa tabi ko na siya. Wala akong emosyon na makikita ngayon sa kaniya habang nakatingin siya kay Sayon. Kita ko naman ang iritasyon sa mukha ng isa.
Mas lalong natahimik ang paligid dahil sa namumuong tensyon. Maging ako ay hindi nagawang makapagsalita dahil sa takot na sumabat sa tinginan nila. Napaiwas naman ako ng sa akin naman bumaling si Kahel. Tinitigan niya ako na para bang sinusuri ang mukha ko.
"Ubusin mo iyan." Iyon ang huling salitang narinig ko mula sa kaniya bago siya naunang lumabas ng canteen at iniwan ang mga kasama niya.
Maya-maya lamang ay nakita ko ang pagsunod sa kaniya ni Fatima pagkatapos akong bigyan ng isang masamang tingin.
Tahimik kaming lahat habang pabalik ng classroom. Hindi sila nagtangkang magtanong tungkol sa nangyari kanina. Hindi ko alam kung wala lang ba silang pakialam doon o baka naman naiintindihan na nila sa sarili nila. Hindi ko rin nagawang magtanong dahil kahit ako sa sarili ko ay hindi ko rin nauunawaan iyon.
Natatakot ako.
Sa maraming bagay.
"Anastacia! Pahiram ako ng notes mo sa science." Napatigil naman ako sa paglalakad nang marinig si Diego na humabol pa sa akin bago ako makalabas ng building. Nakita ko ang bahagyang pagkahapo niya dahil sa pagtakbo. Dismissal na kaya kakaunti na rin ang mga estudyante sa school.
"Sa science?" Paniniguro ko. Tumango lang siya dahil hirapang huminga. Mabilis ko namang kinuha sa bag ko ang hinahanap niya.
"Bakit hindi mo na hiniram kanina? Napagod ka pa tuloy." Ibinigay ko sa kaniya ang notebook. Huminga naman siya ng malalim bago nagsalita.
"Nakalimutan ko kanina. Naalala ko lang no'ng naglilinis na ako." Tumango ako sa kaniya. Saglit ko siyang pinagmasdan habang nilalagay niya ang notebook ko sa bag niya. Matangkad si Diego. Brownish ang buhok at sakto lang ang puti. Bahagya pa akong lumapit sa kaniya para makita ng maayos ang kaniyang mata. Napaatras siya dahil nagulat sa ginawa ko.
"Ang ganda pala ng mata mo." Iyong kaniya kasi ay may iba pang shade bukod sa brown. Parang pinaghalong brown, gray at green. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kulay ng mata sa malapitan. Iyong kay Kahel kasi ay kulay itim at madilim. Nagagandahan din ako sa mata niya kaso hindi ko naman mapuri dahil hindi ko naman siya nakakausap ng matino.
"M-maganda rin naman iyang sa'yo." Anas niya. Ngumiti lamang ako kahit hindi ako naniniwala roon. Ang plain kasi ng mga facial features ko. Walang kakaiba sa akin. Noon ngang nakita ko si Ate Violet, nainggit at namangha ako sa kaniya ng sabay dahil ang ganda ganda niya.
Napaayos ako ng tayo nang makita si Kahel na papalapit sa amin. Halatang pauwi na rin siya. Kaagad namang dumapo ang tingin niya sa akin bago ito saglit na lumipat sa lalaki sa tabi ko.
"Hindi ka pa ba uuwi? Hinahanap ka na ng kuya mo." Mababaw man ang pagkakasabi ay rinig ko pa rin ang kastriktuhan sa tono niya. Dumilim din ang tingin niya habang nagpapalipat-lipat sa amin ni Diego ang mata.
Wala pa naman si Kuya sa bahay kaya hindi pa ako noon hinahanap. "Bakit mo tinatanong?" Matapang kong anas. Bakit ngayon ay pinapansin na niya ako?
Napatingin naman ako sa likuran niya at nakitang wala roon si Fatima. Napatango ako sa sariling reyalisasyon.
Ah kaya pala...
Nanatili ang titig niya sa akin kaya inulit ko ang tanong ko.
"Bakit mo tinatanong? Ihahatid mo ba ako?"
Bigla akong nagsisi sa sinabi. Anong naisip ko at sinabi ko sa kaniya ito? Muntik ko nang masapo ang noo ko sa harap niya kung hindi lamang siya nakatingin sa akin. Muli siyang sumulyap kay Diego. Nagtagal ang paninitig niya roon bago ako binalingan.
"Bilisan mo." Nanguna siya sa paglalakad. Nanlaki ang mata ko sa kaniya. Kung ganoon ay ihahatid niya nga ako? Totoong ihahatid niya ako sa bahay?
Lihim akong napangiti sa sarili. Kumaway ako kay Diego at ngumiti bilang pamamaalam sa kaniya. Mabilis naman akong sumunod kay Kahel at pinigilan ang sarili na mangiti ng sobra. Tuluyan lamang iyong nabura nang marinig ko ang pagtawag ni Fatima sa kaniya.
"Kahel! Hintayin mo ako!"
Sabay kaming dalawang napatigil sa paglalakad. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nalungkot nang tuluyang makarating sa pwesto namin si Fatima.
"Bakit aalis ka na? Hindi ba't pupunta pa tayo sa bahay?" Tanong niya kay Kahel. Hindi naman sumagot ang huli. Bumaling sa akin si Fatima at ngumiti ng todo na para bang noon niya lamang akong nakita.
Napatahimik naman ako sa tabi. Ganito pala ang pakiramdam na hindi ka kasali sa usapan. Iyong nakatayo kayo sa iisang lugar pero hindi ka kabilang sa kanila. Biglang nawala lahat ng saya na naramdaman ko kanina. Napaatras pa ako nang matabig ako ni Fatima dahil umangkla muli siya sa braso ni Kahel.
Hindi naman nagsalita si Kahel. Nakita ko ang seryosong paninitig niya sa akin na para bang tinatantiya ang sitwasyon. Pakiramdam ko ay namimili siya kung sino ang sasamahan sa aming dalawa. Nagbaba ako ng tingin dahil alam ko na ang mangyayari. Hindi na ako umaasang pipiliin niya ako dahil sa simula pa lang... hindi naman talaga ako kasali sa mga pagpipilian.
"A-ano... sige mauuna na ako. May lakad pa pala kayo. Ingat!" Ngumiti ako sa kanila. Plastik. Hindi ko alam kung ito ba iyong sinasabi nilang plastik. Pilit ko ring ginawang masigla ang tono kahit nanlulumo na ako.
Hindi ko na hinintay pa ang magiging tugon nila dahil mabilis na akong umalis doon. Ramdam ko ang matinding lungkot na nanunuot sa sistema ko. Ito ang napapala ko dahil hindi ako marunong matuto.
Ang sabi ko dati, kung ano lang ang kaya niyang ibigay ay magiging sapat na iyon para sa akin. But deep inside, while I was walking alone along the school hallway, I was hoping for him to call me. I was waiting for him to stop me. I was waiting for him to say that he'll walk me to home.
Pero nakalabas na lang ako ng building… wala pa rin. Ang sabi ko kung ano lang ang ibigay niya, sapat na para sa akin. Pero hindi ko alam kung bakit pagdating sa kaniya, palagi akong naghahanap. Palagi akong naghahangad.
I halted from walking when I felt small drops of rain falling around me. Umikot ang paningin ko at pinagmasdan ang paligid habang unti-unti iyong binabasa ng mahinang ulan. Hanggang sa unti-unti itong lumakas. Nabasa ang buong katawan ko. I didn't run. I just let myself soak under the rain.
I always hate the rain. Never in my life did I remembered liking it even just for once. But at this moment... I let the rain embrace my whole being because at this moment... no one will ever do it for me.

Bình Luận Sách (172)

  • avatar
    QuindaraImelda

    I really enjoyed reading this novel inspite of busy days. I try to read. So inspiring specially the main character Anastasia and Kahel. The time sequences is extremely important. The moral values of the characters are very good coz they show the value of being patience and if you really love the person you can wait until the right timing. Its give suspense for the reader to wait what will happen on the next chapter. My heart beat make me in love again, fall in love again.Thank you for this novel

    23/11/2021

      2
  • avatar
    RodriguezCharlene Mae Odal

    the novel is so really appreciated and it really feels like existing in real life congratulations author you made a wonderful novel👏👏👏

    01/07

      1
  • avatar
    Kimryl Nazareno

    niceeeeeeeeerereeeee

    28/06

      1
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất