logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 10

Eversince I was a little, I've never wanted to be the center of attention. Kung ano lang ang maibibigay ng mga tao sa paligid ko, masaya na ako roon lalo na pagdating kina Mama. I know that they are very busy that is why I don't demand much attention from them.
Nahihiya rin ako sa tuwing pinagtitinginan ako ng mga tao. Pakiramdam ko ay may mali sa akin o may kakaiba. Alam kong kahit kailan ay hindi ako masasanay doon.
I've never wanted to receive much attention... but when it comes to him, palagi na lang akong naghahanap.
Eversince that day, when I annouced in front of the class that I don't own the confession letter and told them that I have no feelings for him, I don't know what happened next but I think he became colder.
Palagi kong sinasabi sa kaniya noon na hindi na niya ako kailangan pang ihatid sa bahay, at nagkatotoo na nga. Dahil magmula ng araw na iyon, hindi na niya ako sinasamahan at hindi na rin niya ako pinapansin. Bigla akong naging hangin. Nalulungkot ako sa katotohanang iyon pero hindi ko alam kung ano ang gagawin.
"Ana? Sasamahan ka ba ni Kahel sa enrollment?" Tanong sa akin ni Kuya habang nagsusuklay ng buhok niya.
Umiling lamang ako.
Enrollment na ngayon sa grade 9. Nagkausap-usap na kami nina Vera na sabay-sabay kaming magpapa-enroll mamaya. Hindi ko alam kung sasama sa amin si Kahel. Matagal ko rin silang hindi nakita nitong bakasyon. Dalawang beses lang silang dumalaw sa akin at hindi na ito naulit pa. Hindi naman ako nakakaalis sa bahay para gumala sa labas dahil hindi ako pinapayagan ni Kuya.
"Sa school na lang kami magkikita-kita, Kuya." Sagot ko sa kaniya. Tumango siya sa akin saka muling nag-ayos ng buhok sa harap ng salamin. Lunes ngayon kaya may pasok siya sa trabaho. "Kuya... ayaw mo pang magka-girlfriend ulit?" Bigla ay tanong ko. Ang tagal na kasi simula ng huli ko siyang nakitang may karelasyon. Pagkatapos ni Ate Nadera ay wala ng sumunod pa.
Humarap siya sa akin at pinagkunutan ako ng noo. "Pag-aaralin muna kina bago ako humanap ng makakasama." Simpleng tugon niya sa akin. Napasimangot naman ako.
"Tumatanda ka na Kuya. Saka ang dami kayang magagandang babae rito. Sige ka, kapag naunahan ka ng mga kalalakihan kay Ate Violet..."
Makahulugan kong pinutol ang huling linya ko. Gusto ko kasi silang magkatuluyan ni Ate Ayo. Sa school kasi ay nakikita ko na maraming kaedarang teacher ni Ate Ayo ang umaaligid sa kaniya. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na may gusto siya kay Kuya. Ilang beses ko na ring palihim na inilalakad si Ate Ayo kay Kuya pero para siyang manhid. Hindi man lamang niya nahahalata ang gusto kong mangyari.
"Si Violet? Sino nga ba iyon?"
Nanlaki ang mata ko sa tanong niya.
"Kuya!" Iritado kong sigaw sa kaniya. Paano niya ito nagagawa sa isang magandang babae? Totoo bang nakalimutan niya kung sino si Ate Violet?
Narinig ko naman ang pagtawag niya sa akin. "Nagbibiro lang." Lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko. Umupo rin siya sa harap ko upang pantayan ako. "Ana, alam mo namang wala pa sa isip ko ang humanap ng nobya. Isa pa, huwag mo ng ipilit sa akin si Violet dahil imposibleng magustuhan ko siya."
"Bakit naman imposible, Kuya?" Ano bang mali kay Ate Ayo? Maganda naman siya, mabait at matalino. Pakiramdam ko nga ay nasa kaniya na ang lahat. Magmula ng ipinakilala siya sa akin ni Lola ay hindi na naputol ang mataas na pagtingin ko sa kaniya.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Kuya. "Hindi mo maiintindihan." Tumayo siya at nagpaalam na sa akin na aalis. Napasimangot naman ako. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ayaw niya kay Ate Ayo. Wala akong nakikitang masama sa bagay na iyon. Ang sabihin niya, mas inuuna lang talaga niya ako kaysa sa sarili niya. Nakakainis talaga si Kuya minsan. Hindi man lang niya iniisip ang sarili niya. Palagi na lang ako ang iniintindi niya.
Napabuntong-hininga ako. Sana dumating na kaagad iyong pagkakataon na hindi na ako magiging pabigat pa kay Kuya. Ayokong habang-buhay niya akong maging pasanin. Gusto ko rin naman siyang lumigaya kahit papaano.
Nang makita ko ang oras ay nagpasya na akong maghanda para sa lakad ko. Hintayan namin ay sa labas ng gate at ayokong paghintayin sila roon ng matagal kung sakali.
Sabay-sabay kaming nag-enrol sa grade 9. Si Sayon at Kahel lang ang wala ngayon. Hindi na ako nagtanong sa kanila kung bakit wala ang dalawa. Parang nasasanay na rin ako na hindi kami nakokompleto. Si Kahel kasi ay madalang na ring sumama sa amin.
Nang matapos ay mag-isa ulit akong umuwi sa bahay dahil nagpaalam sila na may pupuntahan pa raw sila. Diretso uwi naman kaagad ako sa bahay. Wala si Lola ngayon dahil mamamalengke. Si Lolo naman ay wala rin dahil nasa irigation sila kasama ng iba pang mga magsasaka.
Nagdesisyon akong pumunta na lang muna sa pastulan. Nagdalawang-isip pa ako kung sino ang dadalahin kong kabayo. Sa huli ay si Abacus na lang ang kinuha ko. Nitong mga nakaraang buwan kasi ay hindi na dito pumupunta pa si Kahel para bisitahin si Abacus kaya ako na lang ang nag-aalaga at naglilinis sa kaniya.
"Kumain ka muna riyan." Pagkausap ko sa kabayo nang makarating kami sa pastulan. Naupo muna ako sa isang kahoy at pinagmasdan ang kabayo habang kumakain. Nakapanghalum-baba ako habang tinititigan ang pinong buhok niya.
"Ano na bang nangyari sa amo mo at hindi ka na dinadalaw?" Hindi kaya ay nakahanap na si Kahel ng ibang kabayo kaya hindi na siya dumadalaw dito?
Kunsabagay, ano nga ba namang aasahan ko mula sa kaniya. Dumalaw man siya rito o hindi, alam kong mananatiling ganoon ang pakikitungo niya sa akin. Hindi na lingid sa kaalaman ko na sa akin lamang siya ganoon makitungo. Ganoon pa rin naman ako sa kaniya. Palagi pa rin akong ngumingiti at kinakausap siya kapag may pagkakataon ako. Pero ako lang ang napapahiya dahil madalas ay wala akong natatanggap na tugon. Pahirapan pa kung tatango siya sa akin o iiling.
"Ana!" Pagtawag sa akin nina Emily sa unang araw ng klase namin bilang mga grade 9. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin ngayong araw kaya muntik na akong mahuli ng pasok. Halos hindi kasi ako makatulog kagabi kaiisip sa mga bagay na maaaring mangyari sa school kaya tinanghali ako ng gising. Mabuti na lamang at wala pang teacher. Ang kaso nga lang. Kakaunti na lang ang natitirang upuan. Nakita ko sina Vera, Nana at Emily na magkakatabi na sa upuan.
Wala ng bakante sa katabi nila kaya sa dulo na lamang ako umupo. Nagpapasalamat ako dahil karamihan sa mga kaklase ko noon ay kaklase ko pa rin ngayon. Pare-parehas kasi na ICT ang kinuha namin sa TLE. Hindi ako marunong magcomputer kaya kinakabahan din ako. Baka kapag pinapagamit na kami, magkamali ako ng pindot at masira ko ang computer. Ayokong mangyari iyon sa akin kaya gusto ko talagang matuto.
Kumaway at ngumiti ako kay Sayon nang makita siyang nakaupo sa tabi nina David. Pakiramdam ko naman ay nagliwanag ang mata ko nang makita na papasok na ng pintuan si Kahel. May isang bakanteng upuan pa sa tabi ko. Nang magtama ang mga mata namin ay kaagad akong ngumiti sa kaniya at itinuro ang upuan sa tabi ko.
Pero bumagsak ang balikat ko nang makita na sa ibang upuan siya nagtungo. Malapit sa pwesto nina Fatima. Napaiwas na lamang ako ng tingin dahil sa pagkapahiya. Ang sabi ko sa sarili ko ay hindi na ako maghahangad ng mas higit pa sa kayang ibigay na atensyon sa akin ni Kahel pero hindi ko talaga maiwasang umasa na sana ay ituring niya rin ako bilang kaibigan.
Dumating na ang teacher namin kaya tumahimik na lamang ako at nakinig ng mabuti. Hindi na si Ms. Ladines ang teacher namin ngayon. Mapapansin mo talaga na sa unang araw ng klase ay bahagya kang mahihirapan dahil sa pag-aadjust. Pero kung tutuusin, parang unti-unti na rin akong nasasanay sa mga tao at sa lugar na ito.
"By group ang activity na ito. Humanap na muna kayo ng mga ka-grupo." Saad ng aming teacher.
Lihim naman na napareklamo ang lahat. Mas mabuti sana kung siya na mismo ang nag-groupings sa amin para hindi na kami mahirapan pang humanap ng mga kagrupo. Umingay ang paligid dahil sa kaniya-kaniyang hanap ng makakagrupo. Tumingin ako kina Vera subalit hindi na nagprisinta pa na sumama sa kanila dahil kita kong marami na sila.
Napabuntong-hininga ako saka nagpasyang magsarili na lamang nang tawagin ako ni Fatima.
"Ana! May kagrupo ka na ba? Dito ka na sa amin!" Nakangiting pagtawag naman niya sa akin. Kasama niya ang mga kaibigan niya pati na rin si Kahel. Napatingin naman ako sa kaniya na nakatalikod sa akin. Wala talaga siyang pakialam.
Tumango ako kina Fatima at lumipat sa kanila. Dinala ko muna ang mga gamit ko habang papunta roon.
"Sinong magsusulat?" Tanungan nila sa isa't-isa. Nagdadalawang-isip naman ako kung saan ako uupo dahil wala ng bakante sa kanila. Nakalibot na ang mga upuan at may espasyo sa gitna para sa magsusulat.
"Si Ana na lang kaya?" Suhesyon ni Desiree. Napatingin ako sa kanila na ngayon ay nakatingin na rin lahat sa akin. Lihim akong napabuntong-hininga saka tumango.
Inilapag ko muna ang bag ko sa tabi bago kinuha ang marker para sa paggawa ng visual namin sa reporting.
"Ano bang isusulat?" Tanong ko sa kanila. Napahinga ako ng malalim nang walang sumagot sa akin. Lahat sila ay abala na ngayon sa pag-uusap. Ni hindi nila narinig tanong ko. Kinuha ko na lamang ang libro at binasa roon ang mga kailangan kong isulat para sa reporting.
Ramdam kong walang balak tumulong sa akin kaya hindi na lang ako nagsalita. Inaasahan ko rin na tutulungan ako ni Fatima pero nakaharap siya ngayon kay Kahel. Napatingin naman ako kay Kahel na iritadong nakatingin lang sa akin. Hindi ko alam kung sa akin ba talaga siya iritado o sa katabi niya. Napaiwas na lang ako ng tingin at nagpatuloy na lamang sa pagsusulat.
Hanggang sa matapos ako ay walang ibang tumulong sa akin. Gusto kong magreklamo kaso baka sabihin nila na bida bida ako kaya hindi na lamang ako nagsalita. Sakto lamang ang ibinigay na oras sa amin kaya diretso reporting na kaagad. Kami pa naman ang unang nabunot. Muli akong napahinga ng malalim nang makitang wala ni isa sa kanila ang may balak magreport sa unahan. Kaniya-kaniya sila ng iwas ng tingin sa akin.
"Group 1, sino sa inyo ang magrereport sa unahan?" Pangalawang tanong ng teacher sa amin. Ang unfair para sa akin dahil ako na nga ang nagsulat, ako pa ang magrereport. Ni hindi nga sila tumulong sa pagdidikta ng mga isusulat ko.
"Si Ana raw po, Ma'am." Saad ni Fatima.  Tumango siya sa akin at ngumiti. Hindi ko naman nagawang gumanti. Kinuha ko na lamang at visual at naglakad patungo sa unahan. Naisip kong sa susunod ay magsasarili na lamang ako kung ganito lang naman pala ang mangyayari. Hindi naman sa nagiging maisip ako. Sadyang hindi lamang talaga patas para sa akin ang ginagawa nila.
Nagulat ako nang makita na tumayo rin si Kahel at sumunod sa akin. Tumigil siya sa tabi ko at tinulungan akong idikit ang visual sa board.
"S-salamat." Kinakabahang anas ko sa kaniya. Ang akala ko ay babalik na kaagad siya sa upuan pero nagulat ako nang manatili pa rin siya roon. Siya rin ang unang nagsalita at nagpakilala. Tulala ko naman siyang pinagmasdan habang nagrereporting. Ang galing niyang magsalita at magpaliwanag. Halos hindi ako makapagsalita kakatitig sa kaniya.
Ako na ang nagpaliwanag ng huling bahagi dahil nahiya na ako sa kaniya. Pinalakpakan kami ng mga kaklase nang matapos. Nanguna roon ang malakas na sigaw sa amin ni Vera. Napadako naman ako ng tingin kay Fatima. Hindi nakaligtas sa akin ang pasimpleng pag -irap niya. O kung pag-irap nga bang matatawag iyon.
Ngumiti naman ako kay Kahel pero mabilis na siyang bumalik sa upuan at hindi ako pinansin. Wala na akong nagawa kundi ang bumalik sa sarili kong pwesto.
"Dito ka, Ana." Ngumiti ako kay Sayon nang ipinaghila niya ako ng upuan. Sabay-sabay kaming kumain ng tanghalian at saglit na nagkwentuhan. Wala ngayon dito si Kahel. Hindi ko alam kung nasaan siya.
"Kairita talaga iyong Fatima na iyon. Naging kaklase pa talaga natin." Narinig ko ang iritadong kwentuhan nina Vera. Hindi naman na ako tumutol sa kanila dahil maging ako nagsisimula na ring maramdaman iyon. Palagi kong ipinipilit dati na mabait si Fatima dahil sa pakikitungo niya sa akin.
Pero ngayon, harap-harapan ko na ring nakikita ang pag-irap niya sa akin simula nang inakala niyang may gusto ako kay Kahel.
Nagpatuloy ang klase sa kinahapunan. Mabuti na lamang at puro pagpapakilala na lamang iyon at wala pang mga discussion. Nadala na rin ako sa mga groupings dahil ako lang naman ang gumagawa. Sa school kasi na pinanggalingan ko dati ay hindi kami ganoon. Tulong-tulong kami sa paggawa palagi nina Abby dahil sila ang palagi kong nagiging kagrupo.
"Uuwi ka na ba, Ana?" Tumango ako kina Vera. Nagmamadali rin ako dahil madilim ang mga ulap ngayon. Halatang uulan. Hindi pa naman ako nagdala ng payong dahil maaliwalas ang panahon kaninang umaga.
"Uulan din kasi."
"Wala kang payong?" Tumango ako sa kaniya. Nakita ko naman ang iba pang mga kaklase ko na nagsisi-uwian na. Naglakad na rin ako palabas ng building pero biglang bumuhos ang malakas na ulan. Napatigil ako at nanatili sa ilalim ng bubong para hindi mabasa.
"Wala kang payong, Ana?" Tanong sa akin ni Sayon nang maabutan akong nagpapatila ng ulan. Kasukob niya sa payong sina David, Jorem at Jeryc. Punong-puno na sila at halos hindi na magkasya. "Diyan ka lang babalikan kita."
Umiling naman ako sa kaniya. "Huwag na. Titila naman ito panigurado." Paniniguro ko sa kaniya. Dali-dali silang umalis sa harap ko. Napabuntong-hininga naman ako habang nakatingin sa paligid na basang-basa na ng ulan. Bakit kasi umulan pa ngayon? Ang ayos-ayos na ng panahon kanina tapos umulan pa.
And while I was staring at the pouring rain, that was the time when I realized na kahit anong mangyari ay hinding-hindi ko magugustuhan ang ulan. I will always hate the rain no matter what happens. I hate it everytime it will falls on my face. I hate it everytime it will lands on my skin. Ayokong-ayoko na mababasa ng ulan.
But on that day, I don't know what came up with my mind. Naglakad ako ng ilang hakbang saka itinaas sa ere ang kanang kamay ko. I catched the raindrops on my hand and stare at it like it was my first time seeing those. Marahang tumatama sa aking balat ang malamig na hangin dulot ng pag-ulan. I tried closing my eyes to feel the sorroundings. I tried to feel the beauty behind the rain and when I finally did, I opened my eyes...
And then I saw him.
I saw him standing ten feet apart opposite to my direction while staring at me seriously. He was holding a black umbrella on his right hand while looking at me with the same intensity on his eyes. Ni hindi ko tinangkang kumurap noong mga sandaling iyon habang nakatitig ako sa kaniya. I slowly let my hand down to see his face clearly.
And then he walked slowly too towards my direction. Mabagal ang mga ginagawa niyang paghakbang papalapit sa direksyon ko. He never looked away until he stops in front of me.
I want to think that he came here for me. Because he know that I didn't brought an umbrella. I am so fool for thinking that he really came here for me because that is what I can see in his eyes. But I know...
I was wrong.
"Kahel-
"Babe!"
It was Fatima.
I thought he was looking at me. Pero hindi pala. He was looking at my back. Kay Fatima. Nilampasan niya ako at nagtungo papunta kay Fatima. Natigilan ako. Dahan-dahan akong lumingon sa kanila at nakita ang mukha ng babaeng ngiting-ngiti habang nakatingin sa kaniya.
Nilampasan nila ako at tuluyan ng umalis. Sa saglit na pagtatama ng aming mga mata bago siya tuluyang mawala sa paningin ko ay isang patunay na kahit anong gawin ko, kahit ilang beses kong ipilit, alam kong walang mangyayari. Alam kong wala akong mapapala.
"Ana! Tara na."
Napaangat ang tingin ko sa nakangiting mukha ni Sayon. Mabilis siyang nakalapit sa akin at pinayungan ako.
"Bumalik ka..." Manghang anas ko sa kaniya. I thought he won't. Ang akala ko talaga ay aalis na rin siya.
"Siyempre naman. Hindi ba't ang sabi ko ay babalikan kita?" Kumunot ang noo niya sa akin. Nagpatianod ako nang sandaling igiya niya ako palabas ng building namin. "Kapag sinabi kong babalikan kita, babalikan kita. Hindi mo na kailangang magduda dahil walang pag-aalinlangan akong babalik lalo na para sa'yo."
Hindi naman ako nakatugon sa sinabi niya. Nanatili akong namamangha sa katotohanang may mga tao pala talagang nagpapahalaga sa akin ng higit pa sa inaasahan ko. Masyado kasi akong naghahanap ng atensyon mula sa isang tao na hindi naman ako kayang bigyan ng kahit kaunting atensyon niya. Masyado akong umaasa sa isang tao na hindi naman ako kayang tanggapin bilang bahagi ng buhay niya.
Marami naman talagang tao ang nagpapahalaga sa akin. Siguro kailangan ko lang tumingin at pagmasdan ang paligid ko.

Bình Luận Sách (172)

  • avatar
    QuindaraImelda

    I really enjoyed reading this novel inspite of busy days. I try to read. So inspiring specially the main character Anastasia and Kahel. The time sequences is extremely important. The moral values of the characters are very good coz they show the value of being patience and if you really love the person you can wait until the right timing. Its give suspense for the reader to wait what will happen on the next chapter. My heart beat make me in love again, fall in love again.Thank you for this novel

    23/11/2021

      2
  • avatar
    RodriguezCharlene Mae Odal

    the novel is so really appreciated and it really feels like existing in real life congratulations author you made a wonderful novel👏👏👏

    01/07

      1
  • avatar
    Kimryl Nazareno

    niceeeeeeeeerereeeee

    28/06

      1
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất