logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 7

Kabanata 7
Smile
--
Syempre, naging busy na naman ako kinabukasan. Elise understood my situation so she wasn't upset when I told her I would go to school very early the next day. Sa school ulit ako kumain. Sa cafeteria nalang rin ako nagbasa dahil tahimik naman, wala pa masyadong tao. Jaz came to the cafeteria later and she just ate quietly, also reading her notes.
Anton texted me again that morning. I'm replying but I can't do it now because I'm studying.
Anton:
Good morning!
Victoria:
Morning.
Naisip ko tuloy na ganito ba sya palagi sa mga kaibigan nya? Ako kasi hindi ganito. I don't even like texting. Kay Jazmine? Is he the same with Jazmine? I'm sure they are friends now because of what happened in my head before. Tinetext nya rin kaya ng good morning si Jaz? Bigla akong na-curious roon. Gusto kong malaman at hindi ko alam kung bakit. Bigla akong hindi mapakali.
Anton:
Do you go to school early?
Victoria:
Minsan lang.
Anton:
Oh. Ako kasi maaga palagi. Marami kasi akong inaaral. I'm always in the library.
Victoria:
That's good. We should prioritize our studies.
Anton:
Studying is important for you too?
Victoria:
Of course.
Anton:
That's good! By the way, nasa school ka na?
We continued texting until I couldn't reply because I ate and read in the cafeteria. There was also a lot to do in the following hours so I never had a chance to look at my phone. Nang mag lunch, doon ko palang natignan yon.
Anton:
Our building is far away so we don't meet often.
Victoria:
Yeah.
Bahagyang kumunot ang noo ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko roon kaya iyon nalang ang sinabi ko. Hindi naman kailangan magkita ng dalawang magkaibigan palagi, hindi ba? O ganon lang talaga sya? Maybe.
"Busy, ah? Sino yan?" Puna ni Jaz nang mapansin na ang pagtutok ko sa phone.
I immediately put down my phone and just continued eating. Jaz's eyes narrowed because I didn't answer.
"Wala, Jaz," halos irapan ko sya.
She chuckled. "Just now I saw you busy on the cellphone. You used to be busy with books."
"Bakit? Hindi ba pwede?"
"Pwede naman. Bakit? May katext ka na ba ngayon kaya busy ka na dyan?"
I glared at her. "Wala."
She chuckled again. Hindi na nagsalita pero ang naunuksong tingin ay nandoon. Inirapan ko na sya at hindi na sya pinansin. She's very chismosa and always thinks that I'm doing something even when I'm not. Kaibigan ko lang naman yung... katext ko, ah?
Nang matapos ang lunch, sunod sunod na naman ang mga ginawa. Maraming lectures, quizes, projects, assignments at reportings ang pinagawa. Marami ring lessons na dapat pag aralan mabuti. Lalo na ako dahil transferee ako. Medyo nahuhuli ako sa pinag aaralan nila. Medyo sumakit tuloy ang ulo ko.
The weather is pretty bad right now. Makulimlim at mukhang uulan. Kanina ko pang umaga nararamdaman ang lamig kaya sigurado akong uulan nga maya maya lang. I have an umbrella and the driver will pick me up because I was with Elise earlier, I didn't bring my bike.
"Oh my gosh! Ang daming gagawin! Sumasakit ang ulo ko!" Reklamo ni Jaz habang naglalakad na kami palabas.
Tama nga ako. Ilang sandali lang nakalipas, bumuhos na ang malakas na ulan. Malamig na rin ang simoy ng hangin. Gamit namin ang isang payong ni Jaz. I want to use mine but she doesn't want to. Share nalang daw kami dahil gusto nyang magkalapit kami. Kung mag iisang payong pa ako, magkakalayo kami. Napailing nalang ako sa kanya. Kasya naman kami sa payong nya kaya ayos lang.
"Graduating na tayo kaya normal lang yan," sabi ko.
She sighed. "Sana lang talaga magkaroon ako ng magandang trabaho pagkatapos nito. Kundi-hay naku!"
I laughed slightly at her. The two of us were about to continue walking when she stopped. Napahinto rin tuloy ako at bahagya pang nabasa dahil talagang huminto sya at hindi nya manlang ako sinabihan! Iritado ko syang tinignan.
"Hi, Anton! Anong ginagawa mo rito?" Si Jaz.
Natigilan ako roon at agad napatingin sa lalaking katabi lang namin. I didn't realize it was Anton! Nakatingin na sya sa amin at mukhang kanina pa kami nakita.
"Ah, may pinasa lang ako sa isang teacher sa building nyo," he said and smiled.
"Oh!" Napatingin si Jaz sa payong nya tapos kay Anton. Nagdadalawang isip pahiramin si Anton.
Nakatayo lang kasi rito si Anton at sumisilong. Mukhang patitilain nya pa ang ulan bago bumalik sa malayo nilang building. It's raining hard and I'm sure it won't stop at any time. Mukhang matatagalan pa ang pagtila.
"We have no extra umbrellas. Do you want to borrow this first?" Medyo nag aalinlangang sambit ni Jaz at inabot ang payong nya.
Ito talagang babaeng to. Alam ko namang mabait sya at magkakilala naman kaming tatlo kaya hindi pwedeng baliwalain nalang namin si Anton. But did she forget that I also have an umbrella? Ang sarap umirap.
My bag is in front of me because it might get wet. So it was easy for me to get my umbrella there. Nang mailabas ko, nanlaki ang mga mata ni Jaz.
"Oo nga pala! Meron palang payong si Vics!" Tinawanan nya ang sarili.
I ignored her and handed Anton my umbrella. He's already looking at me. He immediately shook his head.
"Hindi na. Magpapatila nalang ako. Gamitin mo nalang yan," he said.
"Magsh-share kami ni Jaz sa payong nya. Hindi ko na ito kailangan," sabi ko.
He didn't speak immediately. He stared at me for a moment while I also looked at him, still raising my hand for the umbrella. The rain is still pouring down. Nagkunwari si Jaz na lumayo at kinausap pa ang payong nya para lang hindi kami maistorbo.
"Are you sure?" Anton said.
"Yup. Sige na. Isauli mo nalang sa akin yan bukas. Kailangan mo nang bumalik sa building nyo."
He still didn't take the umbrella so I sighed. Nangangawit na ako, ah? Bakit napaka arte ng lalaking to?
"Hindi ako naka bike ngayon. Susunduin ako ng driver namin," sabi ko nang maisip na baka iyon ang iniisip nya.
He sighed. He stared at me for a while before taking my umbrella. Binaba ko agad ang kamay ko dahil nangawit yon. Nakita ko ang pag angat ng gilid ng labi ni Anton nang mag iwas ng tingin sa akin. Bahagyang kumunot ang noo ko roon pero binalewala ko nalang at binaling ang atensyon kay Jaz.
"Let's go," sabi ko.
"Oh!" Tumigil sya sa pagkausap sa payong nya at nagmamadaling lumapit sa akin. "Halika na?" Ngumiti sya.
I nodded and turned to Anton who's already looking at us. I smiled slightly at him and said goodbye.
"Mauna na kami," sabi ko.
"Bye!" Si Jaz.
He nodded. "Take care. Thanks for this. Ibabalik ko ito bukas."
Tumango ako at naglakad na kami ni Jaz sa buhos ng ulan. Hindi ko na nilingon si Anton pero alam kong nakatingin pa rin sya sa amin. Huminga ako ng malalim para kahit papaano, mapakalma ang pusong hindi ko alam kung bakit nagwawala kanina pa.
Hindi nagsalita si Jaz pero nanunukso na naman ang tingin nya. I don't know what her problem is and why she's always like that when it comes to Anton. Inilingan ko nalang sya.
I have a lot to do for school but today is the first day of my work in the coffee shop so I can't be absent. Mamayang gabi ko nalang siguro gagawin lahat ng dapat kong gawin pag uwi ko. Kaya naman siguro yon.
My aunts are not at home and they are definitely in the Villanueva building. Habang nakanguso naman akong hinatid sa labas ni Elise. Alam kong hindi pa rin sya payag na magtrabaho ako pero wala syang magawa dahil ito ang gusto ko. Ngumiti ako sa kanya.
"I will be okay. Don't worry about me."
Mas lalo syang ngumuso pero tumango nalang. "Ingat ka."
I nodded and we said goodbye to each other. Our driver drove me to the coffee shop. Next time, I will take my bike. But because it's raining now, magpapahatid muna ako.
Mabilis lang akong nakarating sa coffee shop na pagtatrabahuhan ko. Sa sobrang excited, mabilis akong bumaba sa sasakyan hindi pa man ako napapayungan ng driver.
"Ma'am!" Pagtawag nya pero tumakbo na ako papasok sa silong ng coffee shop.
"Salamat po, Manong. Ayos na po ako. Uwi na po kayo," sabi ko.
Tumigil sya at tumango. "Sige po, Ma'am."
Tumalikod na ako sa kanya para pumasok sa loob.
"Ah, Ma'am!" Pagtawag pa ng driver pero pumasok na ako sa loob, hindi ko na nilingon.
Pinagpagan ko ang damit kong medyo nabasa sa ulan. Pati ang buhok kong nakalugay, pinagpagan ko. After that I looked around the coffee shop. Unlike yesterday, it was noisy and crowded. They are right. There are a lot of people here at night.
May nag-guide sa akin roon. Tinuruan ako sa mga dapat kong gawin. Things are easy to do so I also learned quickly. Nang makitang ayos na ako, iniwan na ako ng nag-ga guide sa akin. Ako naman ay nakaya na ang lahat ng trabaho na binibigay. Mabilis lang naman kasi akong matuto.
I have been there for half an hour and enjoy what I do even though I'm already sweating. I'm in the middle of working when I saw Anton coming down the stairs. Galing sya sa second floor. Muntik ko nang matapon ang mga dalang kape sa tray na hawak ko sa gulat sa pagkakakita sa kanya. Inayos ko agad ang sarili nang tumingin sya sa gawi ko.
Gusto kong pumikit ng mariin sa katangahan ko. Bakit ba ako bigla nalang kinakabahan sa tuwing sumusulpot sya? Tsk. I hate this feeling.
"Hi," bati nya nang makalapit.
Bahagya akong ngumiti. "Hi."
"Saan yan?" He asked.
"Sa taas."
"Mmm. Tulungan na kita."
Bahagya akong natigilan roon. "H-Hindi na. Kaya ko naman na. Tsaka trabaho ko to."
He nodded and sighed. "Okay," pumunta sya sa counter.
Nag order sya ng kung ano roon habang pumanik naman na ako sa taas. Ngayon ang unang akyat ko. Kanina puro sa baba lang ang mga umoorder. Mukhang kaunti lang ang tao sa taas.
I was right. Nang makapanik ako ay kaunti lang ang tao roon. I even noticed the people raising their heads at the same time as if they were looking forward to something. Nang makitang ako lang yon, dismayado silang bumalik sa pag uusap.
Bahagyang kumunot ang noo ko roon pero pumunta nalang sa tamang table. When everything was all right, I left to go down. But before I could get down, Anton is already on the stairs kaya napahinto ako.
"Kanina ka pa rito?" He asked.
Isang beses syang humakbang paakyat dahilan para mapalapit sya ng kaunti sa akin. Nasa unang baitang ako habang sya nasa pangalawa. Bahagya pa akong napa atras dahil sa paglapit nya sa akin. Medyo nanlaki ang mga mata ko.
"Uh... yup. Kanina pa," sagot ko.
Tumango sya. Hindi pa rin sya umaakyat kaya nag isip ako ng pwedeng sabihin.
"Ikaw? Kanina ka pa rito?" Tanong ko.
"Yes. Just reading some notes. Hindi na ako roon sa baba dahil maraming tao."
Tumango tango ako. Tinuro ko na ang hagdan para sabihing bababa na ako.
"Sige. Baba na ako. Marami pang customer, eh."
He nodded. Bahagya syang tumabi. I smiled slightly at him and went down the stairs. Kinunot ko ang noo ko dahil naiinis na sa nararamdaman. Hindi ko nalang inisip at nagpatuloy sa pagtatrabaho.
Magdadala ulit ako sa taas kaya pumanik ulit ako. Sinuyod ko ang buong lugar roon at nakitang kay Anton ang order na hawak ko. Without hesitation, I went to his table and put his food. Nakahalukipkip, nakasandal at nagbabasa sya ng libro nya roon.
"Ito lang, Sir?" Tanong ko.
Nag angat sya ng tingin sa akin. Kaya lang naalis ko ang paningin sa kanya nang masulyapan ang mga taong nakatingin sa akin. I looked to the other side and saw that the other women are also looking at us. Bahagyang kumunot ang noo ko pero binalik ko nalang ang tingin kay Anton.
"Red velvet cake," Anton said.
Tumango ako. "Iyon lang, Sir?"
"Yes," he said while staring at me.
Tumango ako at agad nang tumalikod. Nakita ko ang pagsunod ng tingin ng ibang babae roon sa akin. I just ignored it and continued walking.
Sinabi ko ang order ni Anton at agad namang naibigay iyon sa akin. Pumanik ulit ako sa itaas. Nagtataka talaga ako sa mga babaeng nakatingin sa akin. The others looked at me curiously while the others looked at me sharply. Gusto kong umirap. Anong problema nila?
"Is that all, Sir?" Tanong ko kay Anton nang maibaba na ang gusto nyang cake.
"Yes. Thank you," he smiled slightly at me.
I smiled too and walked back downstairs. Mas lalong dumadami ang tao sa pagdaan ng oras kaya napuno na rin ang itaas. Busy ako sa paglalagay ng order nang maisip si Anton. How can he study there if there are already many people upstairs? Nakakapag focus kaya sya?
Nawala na rin sya sa isip ko nang maging busy na talaga. Mamayang nine thirty pa ang off ko at eight palang ngayon. But that's okay. I've seen how much my salary will be here so I think this is just worth it. Besides, I enjoy it even though other customers are rude.
Dumating ang time ko at para akong nakahinga ng maluwag. Hindi ko nararamdaman ang pagod kanina pero nang makapag pahinga ako sandali sa locker room, doon ko naramdaman ang pagod. It's not really easy to work. But I know I can do it.
Bata palang ako, maganda na ang buhay ko. I get what I want. I eat delicious food three times a day. I never lose money. But even so, I never became extravagant. Sometimes stubborn but I still know my limitations. I know when to stop. I know what's right and what's wrong. I have never been arrogant.
Now is the time to be independent. I shouldn't rely on other people's money. I should now learn how to live simply and not depend on anyone.
I changed my clothes. May uniform na agad ako at iyon ang sinuot ko kanina. Ngayon isusuot ko ang damit na sinuot ko papunta rito. Nang matapos, I just put on my shoulder bag and left the locker room.
"Thank you, Victoria! Ang laking tulong ngayong nandito ka," anang mga naging kasama ko ngayong araw.
Ngumiti ako. Nakakatuwa na kahit first day ko palang, marami na agad akong nakakasundo.
"Thank you din. Una na ako," sabi ko.
I said goodbye to them and walked to the door. But I stopped when I saw a heavy downpour. Natigilan ako at biglang may naalala. Hindi ko nga pala nasabi kay manong driver na sunduin ako. Naalala ko rin ang pagtawag nya sa akin kanina. Baka tinawag nya ako para tanungin kung susunduin ba ako rito! At binalewala ko sya kaya hindi ko nasabi na sunduin nya ako!
Pumikit ako. Problemado kong tinignan ang langit kung saan nanggagaling ang malalaking patak ng ulan. Nakakainis naman. Paano na to? Wala akong dalang pera kaya paano ako sasakay nito? I know I can just pay at home but there's no taxi passing by here. Lalo na at malakas ang ulan!
"Victoria," narinig ko si Anton sa likod ko.
Napalingon ako sa kanya. Dala na nya ang mga aklat nya, ganon na rin ang kapeng iniinom nya. Kahit problemado na, pinilit ko pa ring ngumiti sa kanya.
"Anton," kaswal kong sinabi.
"Susuduin ka?" He asked seriously.
"Uh..." hindi ako makasagot. Hindi ko alam ang sasabihin.
"No?"
I looked at him and smiled slightly. I nodded slowly.
"Pero tatawagan ko ang kapatid ko at sasabihin kong ipasundo ako sa driver namin," sabi ko at kinuha na ang cellphone sa bulsa.
He nodded and didn't speak first. He also didn't leave his position. I called Elise and waited for her to answer. Hindi naman nagtagal, sinagot nya rin ang tawag.
"Hello? Victoria?" Elise answered.
"Elise, pwede bang pakisabihan si manong na sunduin ako rito? Hindi ko kasi nasabi sa kanya na sunduin ako."
"Ha? Si manong?"
"Oo."
"Hala! Sinundo nya si tita Teressa sa Bataan! May meeting sya roon!" bahagyang nataranta ang boses ni Elise.
What?
"Yung isa pa nating driver?" Tanong ko.
"Kanina pa wala rito ang dalawang driver natin. Kasama sila nina tita Pamela at tita Rowena. May meetings rin silang dinaluhan."
Napapikit ako. Walang available?! Paano na ako nito? I glanced at Anton and saw that he's just seriously staring at me. Listening quietly to what I was saying.
"Matagal pa daw ba yung meeting?" Tanong ko.
"Oo. Mamaya pa silang ten or eleven uuwi," nag alala na ang boses nya. "Ayos ka lang ba dyan? Uwian mo na? Gusto mo sunduin kita dyan?"
"Hindi na," agad kong sinabi. "Ayos na ako rito. Magta-taxi nalang ako," kahit wala akong makitang taxi na dumadaan.
"Pero pwede naman kitang sunduin dyan," pilit nya.
"No. Hindi na. Don't leave the house," banta ko.
Hindi na kasi maganda ang panahon. Baka kung mapaano pa sya kapag lumabas pa sya. Gagawa nalang ako ng paraan. Kung kinakailangang mabasa ako para makahanap ng taxi, magpapabasa nalang ako.
"Pero Victoria..." ayan na naman sya.
"Kaya ko na. Don't worry about me, okay? Sige na," pinutol ko na agad ang linya.
Bumuntong hininga ako nang maibalik na sa bag ang phone. I bit my lower lip. I could feel Anton staring at me so I looked at him. He's still looking at me seriously.
"Uh... hindi ka pa ba aalis?" Tanong ko.
"Walang susundo sayo?" He ignored my question.
Hindi agad ako nakapag salita roon. "Uh... kaya ko namang mag taxi."
"Walang dumadaan na taxi rito kapag gabi. Lalo na ngayong umuulan," he said seriously.
What? Lumunok ako at kumunot na ang noo sa pag iisip kung paano ako uuwi. Walang taxi. Walang mga driver. Umuulan ng malakas. Paano ako uuwi nito?
"Malapit lang ang sasakyan ko. Sumabay ka na sa akin," Anton said.
"H-Ha?" Nagulat ako. "Ah, hindi na! Ayos lang naman ako."
"Walang susundo sayo, Victoria," seryoso nyang sinabi.
"Uhm... tatawagan ko nalang si Jaz," kahit hindi ko alam kung gising pa ba yon. Baka maistorbo ko pa.
"Then call her. I'll wait here," he said.
Napakurap kurap ako. "Hindi ka pa aalis?"
"You think I will leave you here alone? Nothing to ride?" He said seriously while looking at me darkly.
Umawang ng bahagya ang labi ko roon. Napakurap kurap ulit ako. I averted my eyes and quickly picked up my phone. I quickly called Jaz. Baka mamaya makaistorbo pa ako kay Anton. But he decided to stay here. It's not my fault if he wants to accompany me. I don't have that problem anymore.
Nakailang ring na at hindi pa rin sinasagot ni Jaz ang tawag. Gusto kong mapapikit dahil sigurado akong tulog na yon. I don't care if I disturb her. I want her to wake up and fetch me here. I don't want to... go with Anton.
Nakailang tawag na ako, hindi pa rin sinasagot ni Jaz. I close my eyes in annoyance. Tulog na sya panigurado. Wala naman akong magagawa roon. Binaba ko nalang ang phone at bumuntong hininga.
"Sumabay ka na sa akin," Anton said.
"Hindi na. Maghihintay nalang ako ng taxi roon."
"Mababasa ka ng ulan."
"Edi mabasa. Atleast makakauwi ako."
Kumunot ang noo nya, nairita sa sinabi ko. Tumikhim ako at nag iwas ng tingin sa kanya. I hope he leaves. No matter how much I like his offer, I still don't want to go with him. He's my friend pero... hindi kasi ako komportable sa puso kong nagwawala.
Anton sighed after a while. "Sumabay ka na sa akin, Victoria. Wala kang masasakyang taxi rito. Malakas pa ang ulan, mamaya pa titila yan."
Ilang sandali akong nag isip. I still have a lot of school homeworks to do. Kailangan ko ring matulog na dahil maaga lang akong papasok bukas. Hindi ako pwedeng mapuyat lalo na dahil naghahabol ako sa mga lessons sa school.
I closed my eyes and took a deep breath. Whatever. Isasantabi ko muna itong kung ano man ang nararamdaman ko. The only thing that matters now is that I can go home. I still have a lot to do.
Nag angat ako ng tingin kay Anton at tumango. I sighed. "Okay..."
Tumango sya at inabot bigla sa akin ang kape at librong hawak nya. Nagulat ako. Napatingin ako sa kanya.
"My car is in the parking lot. Hawakan mo muna ito," he said.
I sighed and just took his book and coffee. Nakuha ko na iyon nang manatili pa rin sya sa kinatatayuan nya. Nag angat ako ng tingin sa kanya sa pagtataka. He quickly averted his eyes and before running to the rain, I saw the smile on his lips. Sinundan ko sya ng tingin, nagtataka kung bakit sya nakangiti.

Bình Luận Sách (41)

  • avatar
    Rodavia Angelo

    beautiful story

    04/11

      0
  • avatar
    Kristine T. Omar

    love the story, thank you miss author 🧡

    03/11

      0
  • avatar
    JE Sin EX

    hmmm m

    02/09/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất