logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 18

Kabanata 18
Gift
--
"Hello?" Sagot ko sa tawag ni Anton.
"Hi..." tahimik ang background nya.
"Mmm. What's up?"
Mahangin rito sa labas. Hindi na ako pumunta sa likod ng bahay. Medyo madilim kasi roon at walang maupuan. Dito may duyan na pwedeng upuan at may liwanag pa. Umupo ako sa duyan at bahagyang ginalaw yon.
"Happy new year! You receive gifts again?" Sa kabilang linya.
"Happy new year din. Oo, meron ulit. Ganon pa rin... uh... books... clothes... shoes... pabango... ikaw?"
"Mmm. Just the usual again. Clothes and watches..."
Tumango ako. "Bakit ang tahimik dyan? Mag isa ka?"
"I'm in our house and my cousins ​​are downstairs but I'm just here in my room."
"Oh? Why? You should hang out with them."
"Kanina pa kami roon. I want to rest now..."
"Oh. Then... I will hang up now so you could sleep?"
"I want to talk to you for a moment..."
Hindi ako agad nakapag salita roon. Napakurap kurap ako.
"Uh... okay..." sabi ko.
"You're not with your cousins?" Tanong ni Anton.
"Uh, hindi, eh. They are abroad. May kanya kanya nang pamilya at minsan nalang umuwi. Kami kami lang ni Elise at ng mga tita ko."
"Mmm. Did you watch fireworks?"
"Yup. Ang daming nagpaputok rito kanina. Ikaw? Nanood rin kayo dyan?"
"Mmm, yeah. Marami rin dito. Did you enjoyed?"
"Syempre naman. Masaya. Nag video call din kami ni Jaz kanina. Nandoon sila sa Paris. Nanonood rin sya ng fireworks."
Napa kwento pa ako.
"You saw Kyle, then?" He asked a bit cold.
"What?" Bahagya akong natawa. "Nope. Sabi ni Jaz kasama daw yung nakuhang girlfriend roon. Malayo sa kanila at ayaw mahiwalay sa girlfriend kaya hindi ko na nakausap."
He didn't speak. We were silent for a moment. Bahagya ko ulit dinuyan ang duyan at pinakinggan ang paghinga nya sa kabilang linya. I don't know why I feel so peaceful even though we are so quiet.
"You should sleep now. You must be tired," sabi ko.
Anton didn't speak. I looked at my cellphone and saw that he was still there. I put the phone back to my ear.
"Anton?" I called.
Narinig ko ang paghinga nya. I waited for him to speak but he didn't speak. Bahagyang kumunot ang noo ko.
"You should sleep now, Anton, if you're already tired. You don't have to talk to me anymore."
"If someone tells you that he likes you, whether he's your friend or acquaintance, will you avoid him?"
Natigilan ako roon. My lips parted to speak but no words came out of my mouth. My heart suddenly throbbed for some reason.
"Will you?" Ulit ni Anton, sobrang rahan ng boses pero maririnig ang pagkaseryoso.
"U-Uh..." kumurap kurap ako at lumunok. "Bakit mo naman tinatanong yan? Para saan?"
"I just want to know. Will you avoid him?"
"I... I don't know. Hindi ko pa naman... nararanasan yan. Wala pang umaamin sa akin ng ganyan," kumunot ang noo ko.
"Nagyon... kung sasabihin kong gusto kita... iiwasan mo ba ako?"
My eyes widened. My lips parted again to speak but no words came out of it. What are these questions he's asking? Why did we end up in this conversation? Hindi ko na alam ngayon ang isasagot ko sa kanya!
"Iiwasan mo ba ako, Victoria?" Tanong nya ulit.
"H-Hindi ko alam. Bakit ka ba nagtatanong ng ganyan?" Nakakunot na ang noo ko, medyo hindi na komportable dahil nagtatanong sya ng mga ganito.
He chuckled. "I'm just asking, alright? You're so serious."
"Tss. Matulog ka na nga. Kung ano ano ang mga sinasabi mo."
He laughed. "Alright. Good night, then."
"Night!" Kunwari masungit.
He chuckled. "Are you upset now?"
"No."
"You sounds upset. Hindi ko to bababa kung galit ka."
"Tsk. Anton! Sige na! May gagawin pa kami rito!"
"Alright! Ang sungit. Bye!" Natatawa nyang sinabi.
"Bye!"
"Uh, Victoria," habol nya.
"What?"
He chuckled at my irritated tone. Kinunot ko naman ang noo at pinigilan ang ngiti. Hindi ko alam kung bakit nangingiti ako ngayong naiirita ako.
"Itatanong ko lang kung kailan kayo uuwi. Masyado kang masungit," he said.
"Tss. Sa isang araw pa. Bago magpasukan."
"Oh. Alright! Good night, then. You can now drop the call, Ma'am."
"Tss. Ma'am?" Nangiti ulit ako pero pinigilan ko.
"Ang sungit mo kasi kagaya nung teacher namin nung high school kaya Ma'am."
"Tss..." hindi ko na napigilan ang tawa ko.
"Oh? Did you just laugh? That's new!" Hindi nya makapaniwalang sinabi pero alam kong nang iinis lang sya.
"Tsk. Sige na. Ibababa ko na. Napapatagal," sabi ko.
He chuckled. "Alright. Bye. Take care."
"You too. Bye," at binaba ko na ang tawag.
Huminga ako ng malalim nang maibaba na ang phone. The edge of my lip lifted as I remembered what we had talked about. I shook my head and just stood up to get back inside, the little smile is still on my lips. Tsk. This is bad. How does he make me smile like this?
We spent our last days going to beautiful places here in Cebu. Elise and I are always together and sometimes our aunts are with us. Bumili kami ng kung ano anong pasalubong para sa mga kaibigan. At nang mapunta kami sa tindahan na punong puno ng pwedeng pasalubong, naningin kami roon. Ganon rin ako para bilhan sina Jaz, Irene, Kyle and... Anton.
I bit my lower lip when I had a hard time choosing a good gift for Anton. He said he had a gift for me so I also thought of giving him a gift as well. That's not bad, is it? He also has a gift for me so I will buy him too. Para fair.
"Para kanino ang mga yan? Ang dami nyan, ah?" Si Elise nang makita ang supot na dala ko.
"Para kay Jaz," sagot ko.
"Oh? Ang dami! Sa kanya lahat yan?"
"Uh... tsaka kay Irene."
"Wow!" She chuckled. "May regalo rin ako para kay Irene. Ang swerte nya at dala dalawa pa ang nagreregalo sa kanya."
Natawa ako. Nagpatuloy kami sa paglilibot. Ginawa namin yon hanggang sa araw na ng uwi namin. Nakanguso si Elise habang nagpapaalam kami kay tita Florence. Nandito na kami sa airport. Ayaw kasi talagang umuwi ni tita sa Manila kaya nalulungkot ngayon si Elise.
"I will go home soon, don't worry. Babawi ako sayo, sainyo," si tita Florence.
Tumango si Elise. "Ingat po kayo dito. Tatawag po kami kapag nakarating na roon."
Tita Florence nodded and smiled. Our three aunts are just quietly waiting. Ngumiti rin ako kay tita Florence.
"Ingat," sabi ko.
She smiled. "Mag ingat ka rin doon. Wag ka nang gumawa ng gulo."
"Tss. Opo..."
Kalaunan, nakauwi na agad kami ng Manila. It only took an hour to travel so it was only a matter of time. It was late at night when we arrived at the mansion. Everyone was very tired even Elise so she just said good night with us and went to her room. Ganon rin ako at hindi na nagpaalam sa mga tita.
I took a shower and put on my nightgown. Nang matapos, humilata na agad ako sa kama. I'm also very tired and I just want to sleep. Sa isang araw, pasukan na ulit.
Inabot ko ang cellphone sa side table ng kama nang tumunog iyon. May tunatawag. Nang tignan ko kung sino, parang nawala ang antok ko.
"Hello?" Sagot ko sa tawag ni Anton.
"Hi. Nakauwi na kayo?" Tahimik na naman ang background nya.
"Yup. Nandito na kami."
"That's good. When we meet at school, I will give my gift."
Kinagat ko ang labi ko nang may maalala. Bibilhan ko rin sya ng gift. Hindi ko alam kung magugustuhan nya yon. Mga damit at relo ang natatanggap nya at walang wala ang pasalubong ko sa kanya.
"Uhm... may... regalo rin pala ako sayo," medyo nahihiya kong sinabi.
He didn't speak immediately. I still had to check on the phone to see if he's still there and when I saw that he's still there, I continued.
"Bumili ako ng mga pasalubong para sainyo ni Jaz. Uh... naisip ko na ring bilhan ka dahil... sabi mo may regalo ka sa akin..."
"Mmm..." bahagya syang natawa. "Really? Ano namang regalo mo?"
"Uh..." tinignan ko yung mga nakaplastik sa sofa ko. "Malalaman mo rin."
He chuckled. "Alright. Thank you."
"Tss. Wala pa naman. Kapag nalang naibigay ko na sayo, doon ka magpasalamat."
He chuckled again. "Fine. Ang sungit mo na naman."
Umangat ang gilid ng labi ko. "Sige na. Inaantok na ako. Gusto ko nang matulog."
"Alright. Good night."
"Night."
Payapa akong nakatulog nung gabing yon. Kinabukasan ginising ako ng tawag ni Jaz. Bahagya akong nairita dahil inistorbo na naman nya ako. Ang ganda ganda na nang tulog ko, eh.
"OMG! Nakauwi na kami! Ang dami dami kong pasalubong sayo! Pati kay Elise!" Anya.
"Tss. Natutulog pa ako, Jaz. Mamaya nalang."
"Aren't you happy that I got home? May pasalubong pa ako sayo, oh! Nakakasakit ka, ah!"
"Tss," natawa ako ng bahagya. "Oo na. Masaya na ako. Pwede na ba akong matulog?"
"Tanghali na natutulog ka pa! Antuking bata! Sige na nga! Bye na! Sleep well, ha?!"
Nakatulog ulit ako. Nagising ako mag aala una na. Gabing gabi na kasi kaming nakarating kagabi kaya siguro hindi na ako inistorbo ng sino man. I'm also sure Elise is still asleep today. I called tita Florence when I finished bathing and said we arrived safely in Manila. Just a little talk and we said goodbye to each other.
Anton:
Good morning!
Anton:
Yeah, I know you're still sleeping. Sleepyhead.
Anton:
Text me when you read my messages.
Anton:
You still asleep? It's already afternoon.
Anton:
You need to eat your lunch.
Anton:
Tsk. Sleepyhead.
I don't know why the edge of my lip rose when I read his texts. Marami pa yon at mas lalo akong napapangiti. Umiling ulit ako sa sarili. Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin.

Bình Luận Sách (41)

  • avatar
    Rodavia Angelo

    beautiful story

    04/11

      0
  • avatar
    Kristine T. Omar

    love the story, thank you miss author 🧡

    03/11

      0
  • avatar
    JE Sin EX

    hmmm m

    02/09/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất