logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 17

Kabanata 17
Call
--
Sinundan ko ng tingin si Anton na bumaba sa kanyang sasakyan at pumunta sa pintuan ko para pagbuksan ako. Napakurap kurap ako. Hindi tuloy ako nakalabas agad dahil sa gulat sa ginawa nya. Nagkatinginan pa kami. He's still serious. I sighed and slowly got out of his car.
"Salamat. Salamat rin sa... paghatid," sabi ko at hinarap sya.
Nagkatinginan kami. He didn't speak immediately so I don't know if I will go inside and just leave him here or stay until he says goodbye. Seryoso pa rin ang mga mata nya pero ilang sandali lang ang nakalipas, namungay na ang mga mata nya habang nakatitig sa akin.
"I'm sorry..." he said.
"Para saan?" Taka kong tanong.
"Hindi agad ako dumating kanina. I'm sorry," ulit nya.
I paused for a moment before laughing a little. Iyon nalang yata ang paraan para itago ang kabang nararamdaman.
"Ayos lang. Dumating naman yung mga bodyguards ko. Tsaka... hindi mo naman na ako kailangang ipagtanggol roon."
"Anong hindi na kailangan? I'm your... friend," sandali syang tumigil roon.
Tumango tango ako dahil may punto naman sya roon. Bahagya akong ngumiti at tumango sa kanya.
"But it's okay. Dumating ka rin naman agad. Pinagtanggol mo pa rin ako."
He sighed. Ilang sandali syang hindi nagsalita. He stared at me for a moment. Iyon na naman ang ilang na nararamdaman ko kaya mabilis akong nag iwas ng tingin. Tumikhim ako para maitago pa ang kabang nararamdaman.
"Pumasok ka na. You need to rest..." he said after a while.
Binalik ko ang tingin sa kanya. I nodded and smiled at him. "Okay. Bye."
"Bye. Sleep well..."
Dahan dahan akong tumalikod. Nawala ang ngiti ko pagtalikod ko palang. Hindi kasi mapakali ang puso ko at kahit gusto kong mairita roon, gusto ko nalang ring hayaan. I know what that means. I just don't want to think about it because I'm not really sure what is this feeling. Lalo pa't bago palang sa akin ito. Hindi pa ako kailanman nakaramdam nito.
Nakaligo at nakahiga na ako sa kama nang magvibrate ang phone ko. Gusto kong mairita dahil patulog na ako pero nang abala pa ang kung sino mang nagtext roon. Pero nang makitang si Anton ang nagtext, mabilis kong tinignan yon.
Anton:
Good night, sleepyhead.
Uminit ang pisngi ko. Kinunot ko ang noo at nagtipa ng reply.
Victoria:
Tss. Night.
I immediately put the cellphone aside and closed my eyes. I stayed awake for a while because of that text. Sleepyhead? Hindi naman ako antukin! I'm just sleepy now because I've been tired all day! Tsaka yung nalaman nyang late na akong nagising, first time ko lang ma-late ng gising noon!
Nakatulog rin naman ako agad. Wala naman nang pasok sa school pero nandoon palagi si Anton sa coffee shop at nagbabasa ng libro. Sabi nya libangan nalang daw nya ito pero wala ba syang ibang ginagawa sa kanila? Hindi nya ba bibisitahin ang pamilya nya?
During my last days at the coffee shop because it was almost Christmas, Anton was always there. Umaga na ako ngayon pumapasok dahil wala na akong pasok sa school. At palaging nandoon si Anton, mas maaga pa sa akin. Sya naman kasi ang nagbabantay ng coffee shop na ito kaya normal lang na nandito sya palagi.
We always talk. Also always together. Medyo kumokonti na kasi talaga ang mga tao ngayon, mga nagbakasyon na sa ibang lugar ang mga babaeng nagpupunta rito para kay Anton. Kaya nakakapag usap rin kami madalas. He always goes to the counter where I always hang out when I'm not doing anything. Kinakausap nya ako roon at kahit gustong magtanong ng mga kasamahan ko sa akin, hindi nila magawa dahil hanggang uwian, nakasunod sa akin si Anton.
Nang magbakasyon na rin ako sa pagtatrabaho, agad na kaming nagdesisyon na umuwi na ng Cebu. Excited si Elise na umuwi. Miss na miss nya na daw si tita Florence. Nakangiti ko lang syang pinagmamasdan habang sinasabi ang mga yon.
Tumawag si Anton nasa airport palang kami. Mabilis ko iyong sinagot at bahagyang lumayo kina Elise at sa mga tita kong busy sa pagkukwentuhan. Hindi ko inaasahan na tatawag si Anton ngayon kaya bahagya akong nagulat. Madaling araw palang ngayon! Ni hindi pa nagliliwanag!
"Hello?" Sagot ko.
"Hi. Nasa airport na kayo?" Tanong ni Anton.
"Uh... yup. Naghihintay nalang. Bakit ka napatawag?"
I looked around. Jaz already knew we are going to Cebu and I was able to say goodbye to her. They also said that they will go on vacation with their whole family with Kyle abroad. Hindi ko inaasahan na magpapaalam rin sa akin si Kyle kaya nagpaalam na rin ako sa kanya noong magkita kita kami sa coffee shop. Sinama ni Jaz si Kyle.
"I just want to say take care and goodbye," si Anton.
Bahagya akong napangiti. "Thanks. Ingat rin dyan. Enjoy your christmas."
He chuckled. "Enjoy your christmas and new year too."
"Victoria, let's go!" Pagtawag ni tita Rowena kaya mabilis na akong nagpaalam kay Anton.
"Uhm... Tinatawag na ako. Kailangan na naming umalis."
"Mmm. Okay... Bye. See you soon."
"See you soon. Bye."
I dropped the call and walked over to Elise who's waiting for me. Ngumiti sya at kumapit sa braso ko. Sabay kaming naglakad pasunod kina tita at dahil maaga lang kaming umalis, nakatulog ako sa byahe. Nagising nalang ako nasa Cebu na ako.
Sinalubong ko ang katamtamang lamig ng hangin nang bumaba. Bahagya akong napangiti. Dalawang buwan lang akong nawala rito pero napaka sarap sa pakiramdam ang makabalik. And besides, I will also finally see tita Florence again. Sana lang maging maayos ang pasko at bagong taon na darating. Because tita Florence never got along with my three aunts here.
Ilang minuto lang na byahe sa SUV na naghihintay sa amin, nakarating na kami sa isa pa naming mansyon, isa pang mansyon ng mga Villanueva. We went down while the bodyguards carried our luggage. Sinalubong kami ni tita Florence.
"Tita!" Si Elise na agad tumakbo kay tita. "I missed you!"
"I missed you too, hija!" Nakangiti nyang tinitigan si Elise. "Ang ganda ganda mo pa rin!"
"Thank you po!" Elise smiled.
Tita Florence turned to me after Elise. She hugged me too. Kaunting kamustahan lang, pumasok na kami sa loob. Tita Florence ignored her three sisters. The three are just silent and didn't expect tita Florence to greet them anymore. Bumuntong hininga ako dahil palagi naman silang ganito. Sanay na kami ni Elise sa kanila. Akala mo mga bata.
"May pagkain na dyan sa kusina. Halika, kumain na tayo!" Anyaya ni tita Florence.
"Wow! Mga paborito natin, Victoria!" Si Elise.
Ngumiti ako sa kanya. Isa isa kaming umupo sa hapag. Umaga na kaya kailangan na naming kumain. Dinala na ng mga kasambahay ang mga bagahe namin sa kanya kanya naming kwarto habang ang mga bodyguards ay nasa labas, nagbabantay. Nagsimula kaming kumain at agad nagkwento si Elise nang tanungin sya ni tita tungkol sa mga nambubully sa kanya.
"Ayos na po ako. Hindi naman na po nila ako sinasaktan ngayon. Tsaka... napa alis na po ang iba sa school."
"Mabuti naman kung ganon. Students like them shouldn't stay in your school," si tita Florence.
Tahimik lang akong kumakain. Sometimes my three aunts go with the conversation but tita Florence doesn't really pay attention to them. Ako lang at si Elise ang kinakausap nya.
"At ikaw naman," baling sa akin ni tita.
Tumingin ako sa kanya habang ngumunguya.
"What happened to you and why did you press the red button?"
Nanlaki ang mga mata ni Elise at napatingin sa akin. "Kailan mo pinindot? Did something happened?"
I sighed. Napatingin rin sa akin ang tatlo kong tita, gusto ring malaman kung anong nangyari sa akin. Uminom ako ng tubig at tsaka palang nagsalita.
"Nung party namin ng mga ka-batchmates ko. May bumastos lang at--"
"What?" React agad ni tita Florence.
"Wala naman silang nagawa sakin."
"Why didn't you tell us?" Si tita Rowena na nakakunot ang noo.
"Hindi naman big deal yon--"
"Hindi big deal? May bumastos sayo tapos hindi big deal?" Si tita Florence.
I sighed. Tita Teressa and tita Pamela don't seem to care. They just continued eating while listening. Bahagya akong nasaktan pero nag iwas nalang ng tingin sa kanila.
"Anong pangalan ng mga lalaki?" Si tita Florence.
"Tita, hindi na kailangan. Wala namang nangyari sakin. Ayos na ako," sabi ko at nagpatuloy sa pagkain.
"Pero Victoria--" nagpatuloy sila kahit panay na ang tanggi ko.
Kaya sa huli, wala silang nagawa. I also don't know the names of those people and even though I know them, I still won't tell them. Gusto ko rin naman silang maparusahan pero nagsorry naman na at hindi na daw uulitin. Tsaka ayoko na rin kasing magkaroon pa ng gulo nang dahil lang roon. I'm fine now.
Anton:
Did you arrived safely?
I'm lying on my bed reading Anton's text. Kanina pa yon. Napatagal kasi ang agahan namin sa baba. Ngayon nakaligo na ako at magpapahinga nalang sa hindi naman ganon kahabaang byahe. Umaga palang at bahagya akong nagulat na gising na si Anton. It's only six in the morning.
Victoria:
Yup. Nandito na kami. Did you sleep?
Anton:
Of course. Why?
Nanliit ang mga mata ko. He called me earlier when I was still in Manila. And it was only four thirty in the morning. Posibleng natulog nga sya pero bakit parang hindi?
Victoria:
Hindi ka ba inaantok? Kanina tumawag ka sa akin four, ah?
Anton:
Maaga akong natulog kagabi.
Victoria:
Oh. Okay.
Anton:
Matulog ka na. I know you're tired.
Victoria:
Okay.
Natulog nga ako noon. I just woke up when tita Florence knocked on my door for lunch. Nagbihis ako ng t-shirt at maong short na hanggang taas ng tuhod ang haba at bumaba na para kumain.
The day just went fast. Naglibot kami ni Elise sa kung saan saan dahil walang magagawa sa bahay. Nakapag bonding kami sa paraan na yon. Sometimes tita Florence came with us while my three aunts were left in the mansion.
Marami kaming handa nang magpasko na. Nakasuot ng dress si Elise. Gusto nya rin akong magdress kaya pinagbigyan ko nalang. Hindi naman ako makakatanggi sa kanya. She was very happy to see me wearing a dress. Ang ganda ganda ko daw dahil syempre magkamukha kami. Natawa nalang ako.
Palaging nagtetext si Anton sa mga nagdaang araw. At ngayong pasko, nagulat ako dahil tumawag sya. Hindi ko na naman inaasahan na tatawag sya. Pwede naman kaming magtext nalang kung babatiin nya ako ng Merry Christmas. But I also admit that there's a part of me that... also want to talk to him, not just by text but by... call.
"Hello?" Sagot ko.
I'm here in the back of the mansion. It's late and my aunts and Elise are having fun inside. Maraming pagkain at maraming regalo ang natanggap nila. Ganon rin ako pero agad na akong umalis dahil tumawag si Anton. I don't know why I want them not to hear this conversation between me and Anton.
"Hi. Merry Christmas!" Agad nyang bati.
Ngumiti ako. "Merry Christmas din."
"Bakit parang ang tahimik dyan?"
"Uh... nandito ako sa... kwarto ko. May... kinuha lang..." palusot ko dahil baka kung ano ang isipin nya kapag sinabi kong pumunta pa ako rito sa likod ng mansyon para lang makausap sya nang walang nakakarinig!
"Oh! By the way, anong mga natanggap mong gifts?" Tanong nya.
"Mmm, marami. There's shoes, clothes, books..." lahat yon galing kay Kuya. "How about you?"
"Just clothes and watches. Kaunti lang dahil alam naman nilang hindi ako mahilig sa mga regalo," he chuckled slightly.
"Mmm..." tumango tango ako.
"I have a gift for you too..."
"Mmm?" Nagulat ako. "Ano namang gift?"
"Secret. I will give it to you when you come back."
Bahagyang umawang ang labi ko. Hindi ko na naman inaasahan na... reregaluhan nya ako. I mean... hindi naman na kailangan, right? Kay Jaz ba na babaeng kaibigan nya rin... may regalo rin sya?
"Victoria?" Si Anton nang hindi ako magsalita.
"Uh... hindi mo naman na ako kailangan pang... regaluhan..." kinagat ko ang labi ko.
Sandali syang hindi nagsalita.
"Yes, but we're friends, right? I can give you gifts somehow..." medyo nag aalinlangan na sya ngayon dahil sa sinabi ko.
"Mmm..." tumango ako. "Yeah, we're friends. Okay. Kukunin ko ang regalo mo sa akin pag uwi ko..."
Bigla ko tuloy naisip na lumabas bukas para... bumili rin ng gift para sa kanya? Hindi ako sigurado kung dapat ko ba syang bilhan rin ngayong binilhan nya ako ng gift. Bahagya akong ngumuso.
For my Princess. Iyan ang nakalagay sa isa pang regalo sa akin ni Kuya na hindi ko pa pala nabubuksan. Hindi ko yon nakita kanina. Mabilis ko iyong binuksan.
Busy sina Elise at tita sa pagvivideo call sa mga pinsan ko, mga anak nina tita Teressa, tita Pamela at tita Rowena. Nasa ibang bansa ang mga yon. Nakabati na ako kanina kaya pumunta na muna ako rito.
My lips parted when I saw Kuya's gift. Isang maliit na frame yon na may nakapinta. The moon and sun are painted, separately. There are also separate woman and man. The man is on the moon while the woman is in the sun. It was as if they were separated. Bahagyang nangilid ang luha sa mga mata ko.
Nakita kong may sulat na kasama roon kaya agad ko ring binasa. Si Kuya ang nagsulat noon.
I know you've been wanting to see this for a long time. Our mother painted it when she was a teenager because she thought she couldn't have a relationship with our father. You know lolo don't want our Mom for our Dad. I know you miss our Mom. So when I saw that here, I immediately decided to send it to you. I know you will like it. Take care of that, okay?
Merry Christmas, my Elisha. I love you and I miss you.
Nakangiti kong nilagay ang frame sa side table ng kama ko kahit naiiyak pa rin hanggang ngayon. Umupo ako sa kama at tinitigang mabuti iyon. Napaka ganda. My mother is really good at painting. Nami-miss ko na sya. Sila ni Daddy. I wish they are here...
The new year came and we received gifts again from our cousins ​​and Kuya. We're very happy. Masayang masaya kami. Lalo na nung nagputukan na at sabay naming pinanood yon ni Elise. Tawanan at kainan ang nangyari sa gabing yon. Jaz called and I saw they are also watching fireworks in Paris. We greeted each other and talked for a while. Elise joined us as well.
And just after Jaz called, Anton called. Umalis na si Elise para saluhan sina tita sa pagkain. I went out again to answer Anton's call.

Bình Luận Sách (41)

  • avatar
    Rodavia Angelo

    beautiful story

    04/11

      0
  • avatar
    Kristine T. Omar

    love the story, thank you miss author 🧡

    03/11

      0
  • avatar
    JE Sin EX

    hmmm m

    02/09/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất