logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 16

Kabanata 16
Button
--
Days passed and we had our christmas party at school. The Christmas party was fun. Maraming nakikipag kaibigan sa akin simula nung party ni Kyle sa bahay nina Jazmine kaya marami rin akong nakasalamuha nung christmas party. It was so fun. Kasali rin kasi syempre ang mga college students kaya nandoon rin si Anton.
He's always by my side. Kahit inaaya sya ng mga kaibigan nya, sandali lang nakikupag usap at babalik rin agad sa akin. Kasama ko naman si Jaz kaya hindi ko na ginawang big deal yon. Atleast hindi lang kaming dalawa ang nakikitang magkasama.
I still have a job at the coffee shop in the next few days. There's already a lot of decoration in the coffee shop for Christmas. Medyo hindi na gaanong dumadami ang tao tuwing gabi kumpara noon kaya hindi na ako masyadong napapagod.
Bakasyon na at tapos na ang christmas party pero gusto pa ng mga ka-batchmates namin ng isa pang party. Jaz and I are invited, of course. Buong batch yon. Sabi pwede kaming magsama ng kahit na sino. Gusto ko sanang isama si Elise pero may party rin sila ng mga ka-batchmates nya. Pareho pa ng araw kaya hindi pwede. That's okay with me. Atleast she's having fun with her clasamates and friends. I'm happy whenever she's happy.
"Aww. Hindi makakasama si Elise?" Si Jaz.
"Hindi, eh. May party rin sila ng mga ka-batchmates nya. Babawi nalang daw sya sayo."
Pumunta sya sa coffee shop kung saan ako nagtatrabaho. I put her order on her desk while telling her the news. Malungkot sya ngayon at nakanguso.
"Nandito naman ako. Pareho lang naman kami ng mukha kaya ayos lang yan," biro ko.
"Tsh," bahagya syang natawa. "Oo nga naman. Fine! Basta babawi kamo sya, ah!"
Anton is upstairs and Jaz is downstairs. Alam nyang nandoon si Anton sa taas pero maa gusto nya rito dahil nakikita nya raw ako. Hihintayin nya daw akong umuwi. The party will be held at a bar tomorrow so she will come to the mall to buy a dress for her. Maaga nalang kasi ngayon ang uwi ko dahil maaga nalang ako pumapasok. Wala na kasing pasok sa school.
"You'll go shopping?" Anton asked.
Nilalapag ko ang order nya. Umiling ako at tinignan sya. "Si Jaz lang. Sasamahan ko lang sya."
Tumango sya. "Can I go with you?"
Natigilan ako roon. "Wala ka bang ginagawa?" Sabay tingin sa mga libro nya.
"I'm done here. Hindi naman na ito kailangan dahil bakasyon na. Libangan ko nalang ito."
Tumango ako. "Okay, then."
Busy ako kaya mabilis lang akong nagpaalam. Masasabi kong nabawasan ang mga taong pumupunta rito pero marami pa rin sila. Kaya busy pa rin ako. Pero hindi na ganon kapagod kapag off ko na.
Anton accompanied us to the mall. Jaz was very talkative. She said she wanted a beautiful dress. I don't know why she needs something new just for this party while she already has a lot of clothes in their house.
"Paulit ulit nalang ang mga sinusuot kong dress! I want something new! Yung ako ang magiging pinaka maganda sa party na yon!" Maarteng sinabi ni Jaz.
Wala nalang akong sinabi. Nasa tabi ko lang si Anton habang hinihintay namin si Jaz na makapili ng damit nya. We are here at a dress shop in the mall. Ang tagal tagal pumili ni Jaz kaya naningin na rin ako. I have no intention of buying because apart from not having money, I also don't like to wear this kind of clothes. I just want to take a look at these.
"You want this?" Si Anton nang magtagal ang titig ko sa isang simpleng dress.
Simpleng simple lang yon. Simple white dress with floral red flowers. Hindi gaanong nagpapakita ng katawan kata naagaw ang atensyon ko. Yes I'm not fond of dress. But this one is very nice.
"No. Maganda lang..." sabi ko at inalis na ang tingin sa dress na yon.
"Why don't you buy it?" Si Anton.
"Wala akong pera."
"I will buy it for you, then."
Tinignan ko sya at bahagyang kumunot ang noo. Tsk. Ano na naman ba itong sinasabi nya? I remember the conversation we had that night. Nakatulugan ko ang tawag kaya nagsorry ako kinaumagahan sa text. Hindi naman sya nagtampo o nagalit. Ininis nya pa nga ako na sleepyhead daw ako. Even though I fell asleep that night, I still remember the last words he said. Ayoko lang isipin at tanungin kung ano ang ibig nyang sabihin roon dahil hindi ako komportable. Naiilang ako.
Tapos ngayon bibilhan nya ako ng dress? I know we're friends but it's not normal for friends to do this. Buy a dress for me? Really?
"Hindi na. Hindi naman ako mahilig sa dress," sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.
"But you like it?"
"Yeah. Pero ayoko pa rin. Wala akong balak bumili."
He sighed and just let it go. I continued to look and he just followed me. I don't know why he's following me. He can just stay on the sofa there. Besides, he shouldn't come with us here because he will just get bored.
"Hindi ka ba nabo-bored? Mukhang matatagalan pa si Jaz. Pwede ka namang mauna na," sabi ko at hinarap sya.
Tumigil kami sa paglalakad. Hinarap nya rin ako. "I'm not bored. I'm even enjoying it," he smirked at me.
Bahagyang kumunot ang noo ko roon pero binalewala ko nalang. Nagpatuloy ako sa paniningin at sya sumusunod sa akin. Lots of great dresses that caught my attention but I really have no intention of buying them. Sigurado kasi akong hindi ko naman yon masusuot.
Nang matapos si Jaz, kumain lang kami ng dinner ng sabay sabay sa isang restaurant at umuwi na. Sinundo ako ng driver dahil hindi ko dala ang bike ko kanina. May usapan na kasi kami ni Jaz na sasamahan ko sya sa mall.
"Bye," si Anton nang magpaalam na ako. Naka alis na si Jaz.
"Bye..."
I watched him watch our car get away. Mabilis lang rin naman syang sumakay sa kotse nya at maya maya lang, kasunod na namin sya. Tinted ang sasakyan namin kaya hindi masamang tignan sya sa likuran. Nang lumiko na kami sa village at dumeretso na sya, umayos na ako ng upo at bumuntong hininga.
All of our batchmates are at the party. Malaki ang bar hindi ganon ka wild iyon. Medyo open ito at maliwanag. May mga table at inumin. Mukhang mayaman ang nagpa arkila nito.
"Hi, Victoria!"
Iyon na naman ang mga bumabati sa akin. Sa ilang araw sa school na may nga bumabati sa akin, nasanay na rin ako. I know they are just being friendly because I'm a Villanueva and I don't like that. Hindi sila ganyan noong hindi pa nila alam na isa akong Villanueva. I don't like a friend who will like me just because of my name. I want true friends.
Kasama ko si Jaz na gustong gusto ang atensyon dahil maraming napapabaling na gwapo sa amin. Ginagamit nya ang binibigay na atensyon sa akin para mapansin ng mga gwapong lalaking nandito. Napailing ako sa kanya.
Anton:
You're already there with Jaz?
Victoria:
Yes.
Anton:
Papunta na ako.
Victoria:
Okay.
Sasama daw si Anton. Para lang ito sa mga ka-batch namin ni Jaz pero sumama sya nang malaman na magkakaroon ng party. Hindi ko alam kung bakit sasama pa sya pero agad nang pumayag si Jaz kaya hindi na ako nakapag tanong pa.
Jaz immediately got a drink and we also immediately found a stand table. The music was loud and many people danced in the middle. Everyone is having fun. And just a few minutes later, I saw Anton enter the bar and his eyes immediately searched. He immediately found my eyes and immediately came to us.
"OMG! Ang gwapo naman noon! Puntahan ko lang!" Si Jaz.
Pero bago pa sya maka alis, nakita nya na si Anton. Natigil tuloy sya at bumati muna rito.
"Oh, Anton! Hi!"
"Hi..." si Anton.
"Saglit lang, ah? Puntahan ko lang yung gwapo roon! Samahan mo muna si Victoria!" At agad agad na syang tumakbo papunta sa isang lalaking mukhang may lahi.
Sinundan ko sya ng tingin at pinanood na makipag usap roon sa lalaki. Napailing ako. She really likes things like this. Hindi naman nagboboyfriend. Oo hindi sya nagboboyfriend. Nakikipag flirt lang at kapag nagsawa na, iiwan nang walang pasabi. Kaya sa huli, magugulat at mamangha ang mga lalaki sa kanya.
"You're not with your sister?" Tanong ni Anton.
"Yeah. May party rin sila, eh."
Tumango sya. I saw Kyle not far away. Pinagkakaguluhan sya ng babae at gustong gusto nya naman. When he saw me, he waved and smiled. I nodded and smiled slightly.
"You like him?" Anton suddenly asked.
"Mmm? Who?" Nagtaka pa ako pero parang alam ko na kung sino ang tinutukoy nya.
"Jaz's cousin," parang ang hirap para sa kanya banggitin ang pangalan ni Kyle.
"Hindi, ah," uminom ako sa juice ko. "Bakit ba palagi ka nalang nagco-conclude na gusto ko si Kyle? We're just friends."
"You looked jealous or something..." he smirked at me.
Kumunot ang noo ko. "Hindi."
He didn't speak anymore. He's smirking but his eyes are dark. He took a drink from the waiter who passed by and drank it. Nilibot ko naman ang paningin ko at nakitang mas lalo pang dumadami ang tao.
"Do you like someone?" Si Anton ulit na nakakagulat ang mga tanong.
"Huh?" Tumingin ako sa kanya, kunot ang noo. "Bakit ka ba nagtatanong ng mga ganyan?" Bahagya akong tumawa.
"Why? It's just normal to like someone or even just a crush," he shrugged. "Gusto ko lang malaman kung meron ka bang ganon..."
Nag isip ako sandali. Medyo hindi ako komportable sa tanong nyang yon dahil alam kong... tss. Whatever. I don't want to think about that thing. I looked at Anton and shook my head. Kanina nang dumating sya, bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Hanggang ngayon pa rin naman pero alam kong kaya kong itago ang nararamdaman kong yon.
"Wala pa sa isip ko yon," sabi ko at nag iwas ng tingin.
"Oh? Kahit crush?"
"Hindi na tayo bata para magka crush."
He chuckled. "You really don't have someone you like?"
"Wala nga. Bakit ang kulit mo?" Tinignan ko ulit sya, medyo iritado.
"Tss. Sungit. I"m just asking!"
"Wala nga kasi."
He chuckled again and nodded. Tinitigan nya ako at nag iwas naman ako ng tingin. Uminom ulit ako sa juice ko.
"How about before? Do you have someone you like before?" He asked again.
Ever since I was a child, I have never thought of that thing. Mayabang ako at siga sa school namin sa Cebu. Everyone is afraid of me. I hate everyone there. I want to have friends but they all don't like me so I don't like them either. Ganon ang pag iisip ko noon kaya madalas ako mapa away. Kaya paano ako magkakaroon ng lalaking magugustuhan? Tss.
"Wala," tipid kong sagot.
Tinignan ko sya. Nagtaas sya ng isang kilay sa akin.
"Bakit ka ba nagtatanong ng mga ganito? Those are none of your business..."
He chuckled. "I'm your friend so I thought it's just okay to ask such question. I'm sorry."
Bahagya akong ngumuso at kinunot ang noo. He has a point and it's okay with me if someone asks me that question pero kapag sya pala ang magtatanong... aish! Hindi ko alam.
"By the way, saan kayo magpapasko? Dito lang?" Tanong ni Anton maya maya.
Umiling ako. "Sa Cebu kami. Nandoon ang isang kong tita at doon na namin nakasanayang magbakasyon so..."
Tumango tango sya. Tumingin naman ako sa kanya.
"How about you? Saan kayo magbabakasyon?"
"Sa bahay lang. Uuwi ang iba naming relatives."
"Mmm..." tumango ako.
"I heard that your father is Victor Villanueva. Is that true?" He asked.
"Mmm. Yeah..." tumingin ako sa kanya.
Tumango sya. "My family is close to your family before. And... you have a brother, right?"
"Yes..." medyo nag aalinlangan kong sagot. "How did you know?"
"Well... as I said, we're close to your family before. Kahit bata pa ako noon, natatandaan ko pa sila."
Dahan dahan akong tumango. Honestly... I miss my Kuya. But I know he's doing so many things right now so I need to understand. There's so many people that interested in our family and company and my Kuya is the heir. His life is in danger. Yes, he's in danger. I don't know if our company is that big enough to reach that point. Yung may pa-kidnap pang nalalaman. Kaya wala syang nagawa kundi ang magtago na muna habang inaayos ang mga kailangang ayusin. But I know... he will come back soon. Very soon.
"I remember I'm friends with him," Anton said.
"Really?" Nagulat ako roon.
Tumango sya. "But I know your family is facing a very difficult problem right now and your family needs to be private so I will not ask where he is."
Tumango ako at bahagyang ngumiti. I'm glad he understand our situation right now. I still can't get over it when he said that Kuya is his friend. Kuya is not friendly like me so it's surprising that Anton is his friend. At talagang kaibigan ko rin ang naging kaibigan nya.
"If you're one of the Villanuevas, where is your bodyguards? You need bodyguards with you," si Anton na nakakunot ang noo.
"Uh... I have bodyguards. Nandyan lang sila. Nagtatago."
"Are you sure?"
"Oo naman."
"It's not safe for you--"
"I have my bodyguards, Anton. Don't worry about me," I smiled at him.
He sighed. Sa huli, tumango nalang sya. Masaya naman ang party kahit papaano. Kahit alam kong dahil lang sa pangalan ko kaya maraming nakikipag kaibigan sa akin, na-appreciate ko pa rin na maraming kumakausap sa akin. Atleast hindi ako na-bored. Anton is also by my side all the time so I always have someone to talk to. Si Jaz hindi ko na alam kung nasaan. Minsan nakikita ko syang iba iba ang kasamang lalaki at minsan nawawala sa paningin ko.
"Hi, Miss..." may lumapit sa akin na limang lalaki paglabas ko ng banyo.
Natigilan pa ako sandali dahil nasa tapat talaga sila ng banyo. Paglabas mo ay makikita mo agad sila. Tinignan ko sila isa isa. Mga nakangisi sila. Maaayos ang porma nila pero sa tingin at ngisi palang, alam mo nang may binabalak.
Lumapit sa akin ang isa. "Balita ko Villanueva ka daw?" Ngisi nya.
Hindi ako sumagot. Hindi naman sya tuluyang lumapit at nasa harap ko lang. Deretso ko syang tinignan. I know I can't just leave here because they will definitely not stop me.
"Ang ganda pala ng Villanueva na tinutukoy nila. Yung kapatid mo kaya? Maganda rin?"
Hindi pa rin ako nagsalita. Bahagya akong nagpuyos dahil dinamay pa nila rito si Elise.
"Pre, halika na," anang isang nasa likod.
Tumawa ang lalaking nasa harap ko at nilingon yung nagsalita. "Bakit? Natatakot kayo rito? Eh, babae lang to!"
"Hindi lang yan basta basta babae. Villanueva yan," problemado na yung isa.
"Anong pakialam ko kung Villanueva to? Eh, ang ganda ganda nito..." kinagat nya ang labi at malagkit akong tinignan mula ulo hanggang paa.
Sanay ako sa gulo pero lima ang mga lalaking ito. Kahit naman kaya kong ipagtanggol ang sarili ko, babae pa rin ako. Mahina pa rin ako kesa sa kanila. Lima pa sila at malalaki ang katawan. I took my cellphone out of my pocket. Tita Florence put an app here and she said, I will just press the red button and my bodyguards will come to me immediately.
"Anong pangalan mo, Miss?" Humakbang palapit yung lalaking nasa harap ko.
Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko kahit sobrang lapit nya na. Mas lalong lumaki ang ngisi nya, inaakalang pumapayag ako sa gusto nyang mangyari.
"Snob ka pala, ha?" Bulong nya at inangat ang kamay. Hinaplos nya ang pisngi ko at agad akong umilag. Matalim ko syang tinignan.
Tumawa ang mga kasama nya sa likod nang makita yon pwera doon sa isa na problemadong nanonood lang. Pati ang nasa harap ko, tumawa dahil sa ginawa ko.
"Pa-hard to get ka pa, Miss. Alam ko namang gusto mo rin ito..." muli nya akong hinaplos sa pisngi.
Hinawakan ko ang kamay nyang yon at dahil hindi inaasahan ang mabilis kong galaw, napa atras sya nang itulak ko ang kamay nya palayo. Hindi sya makapaniwalang natawa at tumingin sa akin. I quickly pressed the red button on my phone.
"Palaban ka, ha?" Anya.
Humalukipkip ako at hindi nagsalita. Tinagilid ko ang ulo ko. I have no intention of telling this to my aunts but since I pressed that button, this will definitely reach tita Florence.
Wala pa mang isang minuto, nagsigawan na ang mga nasa labas dahil sa pagtakbo ng mga bodyguards ko. Lalapit sana sa akin yung lalaki para saktan ako pero napalingon sya sa mga dumadating. The five of them were stunned when my bodyguards arrived. They covered me and pointed a gun at the men in front. Namutla ang limang lalaki sa gulat at kaba.
"Sinabi ko na sainyong delikado to, eh!" Anang lalaking problemado.
Hindi sila makatakbo dahil nakaharang ang nasa sampong bodyguards ko. Humakbang ako palapit at agad namang tumabi ang bodyguard ko pero nakabantay pa rin.
"Ibaba nyo mga baril nyo," utos ko.
Dahan dahan, sumunod sila. Hinarap ko ang mga lakaking namumutla na ngayon. Ngayong kaharap na nila ang mga bodyguards ko, nagmukha silang payat. Malalaki kasi talaga ang katawan ng mga bodyguards ko. They are well-dressed and have earphones on their ears. Humalukipkip ako.
"Sa oras na ulitin nyo ito, sa akin man o sa ibang babae, alam nyo na ang mangyayari sainyo. Palalagpasin ko ito ngayon dahil wala akong oras sainyo," matalim ko silang tinignan. "Umalis na kayo."
"O-Oo! Maraming salamat! Salamat!" Nagmamadali silang umalis.
But before they could leave, they were stopped again by a man. I removed my crossed arms when I saw Anton. Madilim ang mga mata nya. Mabilis akong lumapit.
"A-Anthony!" Natatarantang pagtawag ng isa at pilit na tumawa.
Anton saw me. He quickly grabbed my arm and pulled me closer to his back. Napatingin sa akin ang lima at mas lalong namutla.
"Anong ginawa nila?" Tanong sa akin ni Anton habang hindi inaalis ang matalim na tingin sa lima.
"P-Pasensya na! Pasenaya na, Anthony! Hindi na mauulit!" Wala pa man nataranta na agad ang isa.
I sighed. Pagod na ako. Kanina pa kami rito kaya gusto ko nalang magpahinga. Ayoko nang palakihin pa ang gulong ito. I looked at Anton and his eyes are still dark as he looked at the five who are afraid to leave.
"M-Miss, pasensya na! Hindi na mauulit! Hindi na talaga namin uulitin!" Yung humawak sa pisngi ko.
"Hayaan nalang natin..." bulong ko kay Anton. "I'm tired. I want to rest..."
Nilingon ako ni Anton. Pagod akong tumingin sa kanya. Bahagya rin akong lumayo dahil masyado syang malapit sa akin. After a while, he sighed. Matalim nya munang tinignan ang lima bago pina alis. Kumaripas ng takbo ang lima.
"Ayos lang kayo, Ma'am?" Tanong ng isa sa mga bodyguards ko.
"Yes. Thank you. Pwede na kayong umalis," sabi ko.
Umalis sila isa isa. Nilingon ko ulit si Anton na nag aalala na ngayon. Naka alis na ang mga bodyguards ko. Bahagya akong ngumiti sa kanya.
"I'm fine. Gusto ko nang umuwi..."
He sighed. He nodded and pulled me out. Maraming tao ang nag aabang sa labas. Nagbulungan sila nang makita kaming dalawa ni Anton. Nakita ko naman agad si Jaz na tumatakbo at nag aalalang tumingin sa akin.
"Vics! Are you okay? What happened?" Nag aalala nyang tanong.
"I'm fine. Sa susunod ko nalang ikukwento. Gusto ko nang umuwi."
I apologize to everyone because the party was messed up. Eventually, everything returned to normal. I'm really tired so I said goodbye to Jaz and Anton. Kaya lang sumama sa akin si Anton palabas.
"Uuwi ka na rin?" Tanong ko.
"Ihahatid kita," seryoso nyang sinabi.
"Huh? Uh... Hindi na. Itetext ko nalang ang driver namin."
But that's when I remembered that there's no driver available today! Umalis na naman ang mga tita ko para sa kanya kanya nilang meeting kaya sigurado akong walang makakasundo sa akin! Naisip ko bigla si Elise. Sino ang susundo sa kanya?
"Text them, then," si Anton na seryoso pa rin.
Kunot noo kong kinuha ang phone ko sa bulsa. Si Elise ang itetext ko dahil wala naman paniguradong susundo sa akin kahit magtext ako sa driver. Mas nag aalala ako kay Elise dahil wala ring susundo sa kanya.
Victoria:
Walang available na driver. Sinong susundo sayo?
Mabilis naman ang reply ni Elise.
Elise:
It's okay. Isasabay ako ni Irene pauwi. Ikaw? Sino magsusundo sayo?
Nakahinga ako ng maluwag roon.
Victoria:
Good. I'm fine here. May masasakyan naman ako rito.
Elise:
Okay! Take care! Mamaya pa ako uuwi, eh.
Victoria:
Okay. Enjoy.
Binaba ko ang phone at tumingin kay Anton na naghihintay. Malamig rito sa labas. Kaunti nalang ang tao dahil gabi na. Kaunting ingay lang ang maririnig dahil sa bar na nilabasan namin.
"Uhm... magtataxi nalang ako," sabi ko.
He glared at me. "Ihahatid na kita."
"Hindi na. Ayos lang naman ako. Kaya ko na."
"Victoria," nagbabanta ang tinig nya.
I sighed. Fine. I'm tired and I just want to rest. I don't have time to fight anymore. I nodded to Anton and just followed him to his car. Nang makaupo na ako sa loob, parang gusto ko nang matulog roon. Ganon ako kapagod ngayong araw.
"Anong ginawa sayo ng mga lalaking yon?" Tanong ni Anton sa kalagitnaan ng byahe.
I sighed. "Wala, Anton. Dumating agad ang mga bodyguards ko kaya wala silang nagawa sa akin."
"Are you okay?"
"Yup. I'm fine. I just want to rest..."
He sighed. Sumulyap ako sa kanya at nakitang masamang masama ang tingin nya sa harapan. Kinagat ko ang labi at nag iwas ng tingin. Tumingin ako sa bintana. Parang may humaplos sa puso ko nagyong nakita kong... nag aalala sya sa akin at galit sa mga lalaking yon. Huminga ako ng malalim at hindi na nairita pa sa nararamdaman at hinayaan nalang yon.

Bình Luận Sách (41)

  • avatar
    Rodavia Angelo

    beautiful story

    04/11

      0
  • avatar
    Kristine T. Omar

    love the story, thank you miss author 🧡

    03/11

      0
  • avatar
    JE Sin EX

    hmmm m

    02/09/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất