logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 10

Kabanata 10
Who
--
Siguro nga kailangang bantayan ni Anton ang coffee shop kagaya daw ng utos ng Mama nya. Kaya nanatili ulit sya roon habang nagtatrabaho ako. Sa tuwing pumapanik ako sa itaas, nakikita ko sya at nagtatama ang mga mata namin. Iritado ako sa kanya pero bahagya nang nawala yon dahil sa pagtatrabaho. Mabilis nalang akong nag iiwas ng tingin at pumupunta sa tamang table.
Oras na ng uwi ko nang maabutan ko rin si Anton sa labas, sa tapat ng bike ko. Hindi ko alam kung sinadya nya ba o talagang uuwi na rin sya ngayon pero nagpatuloy nalang ako sa paglalakad palabas. Nagpaalam ako sa mga kasamahan ko roon at lumabas na.
Anton immediately looked at my way when he heard the door open. Dala nya na ang mga libro nya. May dala rin syang kape na nasa cup, umuusok pa. It's not raining anymore but I almost shiver when I feel the cold outside. Mabuti nalang naka leather jacket at pantalon ako.
"Anton..." I casually said and walked to my bike next to him. "Hindi ka pa uuwi?"
"I'm waiting for you," he said.
Tumingin ako sa kanya. Slightly stunned by what he said but immediately recovered. Inayos ko ang bike ko.
"Is it safe for you to go home using just a bike?" He asked.
"Oo naman. Bakit?" Tumingin ulit ako sa kanya.
Kunot noo syang tumingin sa bike ko na para bang isang malaking problema iyon. Tumingin sya sa akin pagkatapos at bumuntong hininga.
"Wala bang mambabastos sayo sa mga dadaanan mo?" He asked.
Napakurap kurap ako. "Wala namang bumabastos sa akin."
"But now is the first time you will come home at night and just using your bike. Baka mamaya may nag iinuman sa dadaanan mo."
I couldn't speak immediately because he was too serious.
"Why don't you just call your driver?" He said.
"Ayos lang ako. Umuwi ka na," sabi ko at inayos na ang bike para makasakay na.
"It's not safe, Victoria," pilit nya.
Humarap ulit ako sa kanya. "It's safe. Kung gusto mo sundan mo ako, magiging maayos lang ako," hamon ko.
"Fine. I will really follow you go home," he said seriously.
Napakurap kurap ako. I didn't expect him to do that. Nagbibiro lang naman ako. Why is he so serious? Kanina lang halos sirain nya ang araw ko.
"Ayos lang ako, Anton. You should go home now. I will be safe, I'm sure of that," I said.
"Sumakay ka na sa bike mo. Susundan kita," parang wala syang narinig.
"H-Ha? Wait--" natigil na ako nang maglakad na sya papuntang parking lot, hindi na ako hinayaang makapag salita.
Naka awang ang labi ko syang sinundan ng tingin. Bahagya akong nairita. I already said that I will be fine, bakit ang hirap nyang kausap? I know he's just worried because I'm his friend but he doesn't have to follow me anymore just to see that I can go home safely. Ano bang iniisip nya?
I shook my head and just got on my bike, wala na syang balak hintayin pa. Bahala sya dyan. I can go home safely. I'm used to trouble so if anyone tries to hurt me, I know I can defend myself.
Hindi pa yata ako nakakalayo nang umilaw ang harapan ko. Napatingin tuloy ako sa likod at nakita ang sasakyan ni Anton! My eyes widened slightly. Can't believe he will really follow me! What is this man's problem? Kanina nya pa ako binubwisit, ah!
Kunot noo akong nagbike sa gilid. Tumabi ang sasakyan ni Anton sa akin. Nasa gilid ako, sa lakaran ng mga tao habang ang sasakyan nya ay nasa tabi ko. Nilingon ko sya at nakitang nakababa naman ang bintana nya kaya kinausap ko na. Nakatingin rin sya sa akin, mabagal ang patakbo dahil sinusundan talaga ako.
"Ayos lang ako. Umuwi ka na," sabi ko.
"Uuwi ako. Dito rin ang daan ko," he said.
Wala akong nasabi roon kaya nagpatuloy nalang ako. I'm annoyed but I appreciated his concern. Atleast I feel safe. I can go home safely. Kahit pa hindi naman na nya kailangang gawin ito.
"Saan ba ang bahay nyo?" Tanong ko maya maya, nakatingin lang sa harapan.
"I'm living in my condo," he said.
Tumango tango ako. "With parents?"
"No. They are in Iloilo. In our mansion there."
Mmm. So he's not living with his parents. Tumango ako at hindi na nagsalita. Pero sya naman ngayon ang nagsalita.
"How about you? You're living with your parents or they are in Cebu?"
I shook my head. "My parents are dead."
Natahimik sya. I didn't looked at him to see his expression. I know like Jaz, he was stunned too. I continued to bike while meeting the cold air. Hindi ko na sinuot ang salamin ko dahil masyado nang madilim. I just put it in my shoulder bag.
"I'm sorry," he said as I expected.
"It's okay. Matagal na yon kaya ayos na sa akin."
Natahimik sya sandali. Hindi ko pa rin sya nilingon.
"So... you're living with your sister, then?" He said after a while.
Nilingon ko sya roon. Nagtataka kung bakit alam nyang may kapatid ako.
"Isn't that your sister? The one you talked to last night? What's her name again?" Sabi nya nang mabasa ang ekspresyon ko.
Napatango ako roon nang maalalang tinawagan ko nga pala si Elise kagabi. Narinig nya ang pagbanggit ko sa pangalan ni Elise.
"Elise. Yeah. She's my sister," I said. "I'm living with her, also with my three aunts."
He nodded. Nagfocus ako sa pagba-bike. Ilang sandali lang, nakarating na ako sa village namin. We said goodbye to each other and I went straight inside. I got home safely. Gumawa lang ako ng mga homeworks at pagkatapos noon ay natulog na.
"Jaz?" Napatingin ako sa nasa likuran ng iritadong si Jaz.
"Bakit ka ba sumunod? Your classroom is not here, duh!" She said at the man behind her.
"Then where? Samahan mo ako," the man said.
"Anong where? Hoy! I know you know where your classroom is! And I don't want to accompany you! Go there alone!" Maarteng umupo si Jaz sa upuan nya.
We're the only people here in the classroom. I was about to leave to go to the cafeteria when I saw Jaz coming. Kaya lang may kasama sya. The man is tall and looks playful but also looks serious at the same time. His hair is messy and his bag is on one shoulder. Kahit naka uniform lang, malakas pa rin ang dating.
Nagtataka ko silang tinignan pareho. Ayoko na sanang makialam nang tumingin sa akin yung lalaki. Mabilis syang ngumiti at naglahad ng kamay.
"Hi. I'm Kyle. You are?" He said.
Bahagya pa akong natigilan sandali. Sa huli, tinanggap ko ang kamay nya kahit nag aalinlangan pa. Sumulyap ako kay Jaz na tumayo ulit para pumunta sa tabi ko.
"Victoria," I said.
"Sya yung sinasabi kong pinsan ko na uuwi. Kyle, this is my friend, Victoria," Jaz said.
"Nice to meet you," natagal sa akin ang tingin ni Kyle.
Tumango ako. "Nice to meet you too," binawi ko ang kamay ko.
"Go to your room! Hindi dito ang room mo! Let's go na, Vics!"
Kinawit ni Jaz ang braso nya sa akin at hinila na ako palabas.
"Wait! Jaz!" Habol noong Kyle.
"Go to your room na sabi!" Iritadong sinabi ni Jaz.
"I don't want to go there yet. Masyado pang maaga."
"Then maglibot ka muna! Don't go with us!"
"Ang sungit naman nito. Dinalhan na nga kita ng pasalubong kahit wala kang naireto sa akin na babae!"
"Duh! Sapatos lang yung binili mo sakin! Walang make ups!"
"Ayaw mo pa nun?"
"Ayoko! I want make ups!"
"Then fine! I will buy you make ups!"
"Saan ka naman bibili? Dito? Ayoko! Gusto ko yung galing ibang bansa!"
Kyle groaned. "Edi magpapabili ako roon! Daming arte!"
"Really?" Masayang sinabi ni Jaz.
"Oo!"
"Yes! Tara! You can go with us na," kinawit nya rin ang braso kay Kyle at hinila.
They are the only ones who are noisy here. Other students look at us because of their noise. There are only a few people because it's still early. Napansin ko agad ang mga grupo ng kababaihan na napapatitig kay Kyle. Gwapo si Kyle. Siguradong marami ring magkakagusto sa kanya katulad ni Anton.
Speaking of Anton. I picked up my phone and checked to see if he had a text. This morning he texted me good morning, as usual. Now, he has another text.
Anton:
I'm at school now. How about you?
Victoria:
Nandito na rin ako.
Agad agad ang reply nya.
Anton:
You're going to cafeteria again?
Victoria:
Yup.
Anton:
Hindi ako makakapunta dahil may klase agad ako. You're with Jaz?
Victoria:
Hindi mo naman kailangang magpunta. Yes, I'm with Jaz.
Anton:
I want to go there but I have a class.
Hindi ako alam kung bakit napangisi ako roon.
Victoria:
Yes, you have a class now so you should put your phone down and focus on what your teacher is saying. Don't text me.
Anton:
Yes, Ma'am.
Ngumisi ulit ako at umiling. Tinabi ko na ang phone ko at hindi na nagreply. We headed to the cafeteria with Kyle. The breeze is still cold. It's too shady. I'm not sure if it will rain today.
"Palagi kayong pumupunta rito?" Kyle asked.
Nakaupo na kami sa palagi naming inuupuan ni Jaz. Nilabas agad namin ni Jaz ang mga notes na kailangang basahin.
"Oo. You also need to study immediately so that you can catch up on lessons like Victoria," Jaz said.
"Oh. You're a transferee too?" Si Kyle sa akin.
"Yup," tipid kong sagot.
"Kailan lang?"
"Mag iisang buwan na."
Tumango tango sya. Bumili na kami ng pagkain ni Jaz at nagsimula na kaming manahimik. Bumili rin ng pagkain si Kyle. Sabi nya hindi daw sya nakakain dahil masyadong maaga si Jaz, nagmadali rin daw tuloy sya.
"Nakatira ka sa bahay nila?" Kuryoso kong tanong.
"Yup. Pansamantala lang naman hanggat hindi pa umuuwi sina Mama galing Paris," he said.
Tumango ako.
"Duh. Pwede ka namang kumuha ng condo mo. Nakitira ka pa talaga sa bahay namin. Panggulo ka lang, eh," Jaz said.
Matalim syang tinignan ni Kyle. Matilim nya ring tinignan si Kyle bago sila nag irapang dalawa. Muntik na akong matawa. Umiling ako. Mukhang magkakaroon ako ng dalawang makukulit na kaibigan.
Time went very fast again. Hindi gaanong busy ngayon. Medyo walang ginawa sa araw na ito. But even so, I still continue to read some notes. Pagkatapos naming maglunch, kasama pa rin namin si Kyle, nagpunta kami sa library para magbasa ng tahimik. Kyle was bored. Tinataboy sya ni Jaz pero ayaw nya namang umalis. Wala pa daw kasi syang kilala rito.
"Edi makipag kaibigan ka sa mga classmates mo!" Jaz said.
"Mahirap makipag kaibigan ngayong first day ko palang," si Kyle.
Umirap si Jaz. "Hindi ka lang kamo friendly."
Nagpatuloy sila habang tahimik lang akong nagbabasa. Mabilis na naman ang oras at uwian na agad. Wala nga masyadong pinagawa ngayong araw. Kaunti lang rin ang homeworks.
Naghihintay si Kyle sa labas ng classroom namin nang mag uwian na. Pinag uusapan sya ng mga kaklase namin. Ang gwapo gwapo daw. Mabilis syang pinag usapan kahit unang araw nya palang ngayon. Mabilis pa ngang kumalat ang pangalan nya. Kilala agad sya ng iilan.
Sabay sabay kaming lumabas. Maraming kumakausap kay Jaz tungkol kay Kyle dahil nalaman rin nila na pinsan ni Jaz si Kyle. Hindi naman pinapansin ni Jaz at naiirita pa nga sa kanila. Napailing ako. Basta talaga gwapo, mabilis makilala.
Habang naglalakad at nagkukwentuhan kami palabas ng school, my phone vibrated for a text. Kinuha ko yon sa bulsa ko at tinignan. Nakita kong si Anton ang nagtext.
Anton:
Who's that?
Kumunot pa ang noo ko sa pagtataka kung ano ang sinasabi nya pero nang mapagtantong baka si Kyle ang tinutukoy nya, nagtipa agad ako ng reply. I even looked around to see if he was just nearby but I couldn't see him. Si Kyle ba ang tinutukoy nya?
Victoria:
Who?
Anton:
The one you're with.
Kumunot ang noo ko at nilibot ulit ang paningin. Nakikita nya ba kami? Pero wala naman sya dito?
Victoria:
Kyle? Jaz's cousin.
Anton:
Okay.
Nagsalubong ang kilay ko at hindi na nagreply. Mabagal kong binalik sa bulsa ang cellphone. Sa huli, nagkibit balikat nalang ako.
"Bye," Kyle said to me.
Bahagya akong ngumiti. "Bye."
"Bye bye, Vics! See you tomorrow! Ingat sa trabaho!" Si Jaz.
Tumango ako sa kanya.
"She's working?" Narinig ko pang tanong ni Kyle, palayo na sila.
"Oo!" Sigaw sa kanya ni Jaz.
Elise was not there again when I got home. Nag iwan ulit ako ng note at umalis na. Nagsuot nalang ako ng simple ngayon. Just simple pink t-shirt, sky blue jeans and white sneakers. I let my hair down again, as usual. Ayos na siguro ito? Hindi na ako mapagkakamalan na mayaman? Tss.
Inayos ko ang bike ko sa tabi ng coffee shop sa tabi ng bench na nandoon. Inayos ko ang shoulder bag ko at naglakad na patungo sa pintuan ng coffee shop.
When I entered, I stopped. I immediately saw Anton reading a book and having coffee on a table next to the glass. He crossed his arms when he saw me. His eyes immediately darkened and he looked at me seriously. Bahagyang kumunot ang noo ko.

Bình Luận Sách (41)

  • avatar
    Rodavia Angelo

    beautiful story

    04/11

      0
  • avatar
    Kristine T. Omar

    love the story, thank you miss author 🧡

    03/11

      0
  • avatar
    JE Sin EX

    hmmm m

    02/09/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất