logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 9

Kabanata 9
Pissed
--
"Kamusta naman ang unang araw mo kagabi sa pagtatrabaho?" Usisa ni Jaz.
Lunch na ngayon. Sabay kaming kumakain. Pero kahit ganon, pinagsasabay ko pa rin ang pagkain at pagbabasa ng mga notes. Hindi talaga ako pwedeng magskip sa pagbabasa. Hanggat may oras, magbabasa ako.
"Ayos naman," simple kong sagot.
"You said Anton's Mom owned that coffee shop, right?" Ayon na naman ang nanunukso nyang boses.
Tinignan ko sya at inirapan. Ito na naman sya. Umiling nalang ako at hindi na sumagot. She chuckled.
"Nagtatanong lang ako, ah? Makairap to!"
I didn't answer and just continued reading. Jaz is busy with her phone now. Hindi sya nagbabasa ng libro. May pangiti ngiti pa sya habang nakatingin sa phone nya na para bang may nakakakilig roon. Umirap ako dahil sigurado akong mga lalaking may abs na naman ang tinitignan nya.
Time just went by fast. Uwian na at sabay ulit kaming lumabas ni Jaz. It didn't rain that day. It's good because I'm just riding a bike. Mamaya hindi na naman ako makauwi. Naalala ko tuloy si Anton.
I picked up my phone and saw that he had a text there. We've been texting earlier but I lost the opportunity to reply again because I was busy reading a lot of notes. Binasa ko ang text nya.
Anton:
Pauwi ka na?
Kani kanina lang yon. Nagtipa ako ng reply habang maarteng naglalakad si Jaz, binabati ang mga gwapong lalaking nakakasalubong namin.
Victoria:
Yup.
Bahagyang nagsalubong ang kilay ko nang maalala na may klase pa sya ngayon. College students come home late compared to us so he definitely has a class right now. Why is he texting?
Anton:
Okay. Take care. :)
Victoria:
You still have class, right? Why are you using a phone?
Anton:
Yes. Sorry. I will listen to our professor now.
Umirap ako at hindi na nagreply. Tinabi ko nalang ang phone ko at nang makarating sa parking lot, nagpaalam na kami sa isa't isa ni Jaz. Nag bike na ako pauwi. The sky is still dark and the breeze is still cold but it's not raining anymore. Kaya hindi na ako nag alinlangan pang mag bike pauwi.
Wala pa si Elise nang makarating ako sa bahay. Wala rin ang mga tita ko. Napapansin ko nitong mga nakaraan busy sila sa trabaho. Maybe a lot is being done now especially since the holiday is coming. I just left a note for Elise so she wouldn't worry about me. Pagkatapos noon ay tumulak na ako papuntang coffee shop.
Ginamit ko na ang bike ko ngayon. One of our drivers was there but it probably won't rain now so it's just okay to use my bike. I'm wearing a black jeans, white t-shirt, leather jacket and black boots. I let my hair down. I have my shoulder bag for my phone and money. I also wore a sunglasses. The wind hurts my eyes while riding my bike so I wore it.
When I arrived at the coffee shop, I immediately saw people passing by looking at me. I put the sunglasses on top of my head and went inside the coffee shop. Kahit sa pagpasok, nakita ko agad ng pagtingin nilang lahat sa akin. Para bang may pumasok na artista kung makatingin sila. I ignored them and just walked.
"Victoria... ikaw ba yan?" Sinalubong ako ng isa kong kasamahan sa trabaho.
Bahagyang nagsalubong ang kilay ko. "Yes. Why?"
Umawang ang labi nya. Nagkatinginan silang lahat roon sa counter. Kumunot ang noo ko pero naglakad nalang ako papunta sa locker room. Nagpalit na ako ng damit pang trabaho. Pagkatapos noon ay lumabas na ulit ako.
"Ayan. Mas okay kang magtrabaho ng ganyan," anang kasamahan kong si Mariz.
Kumunot na naman ang noo ko sa pagtataka. Nakatingin sya sa damit ko kaya napatingin rin ako roon. Suot ko na ang uniform namin. Humagikgik sya.
"Mukha ka kasing boss kanina. Akala ko artista na," umiling sya at umalis na.
Sinundan ko sya ng tingin. Ilang sandali pa akong nag isip roon bago nagsimulang magtrabaho. There are only a few people because it's still afternoon. Mamaya siguradong marami na naman. Ginawa ko nang pagkakataon yon para magmeryenda at kumain ng kanin sa malapit na karinderya nang magbreak ako.
Anton:
You're already in the coffee shop?
Victoria:
Yup. Why?
Anton:
I'll go there too to study. I will be there later.
Victoria:
Oh. Okay.
Anton:
Break mo?
"Bakit pala ganon ang suot mo kanina, Victoria?" Tanong ni Mariz at binaba ang pagkain nya sa table namin.
Sya ang kasama kong kumain rito sa maliit na karinderya. Nagugutom rin daw kasi sya kapag gabi na. She no longer has the opportunity to eat because there are so many people at night.
"Bakit? May problema ba?" Taka kong tanong.
"Wala naman. Pormang porma ka lang at mukha kang mayaman. Akala ko nga artista, eh," she chuckled.
Kumunot ang noo ko. Kanina nya pa sinasabi yon. Mukha ba talaga akong artista kanina? Simple lang ang suot ko, ah?
"Tsaka yang suot mo na boots? Ang ganda! Mukhang mahal yan, ah?" Tinignan nya ang boots ko sa ilalim.
"Hindi naman..." tinignan ko ang phone ko para magreply kay Anton.
Victoria:
Yup. Kasama ko si Mariz. Kumakain kami.
Anton:
That's good. Surely, marami na namang tao mamaya. You need to eat now.
Victoria:
Yeah.
"Ang ganda rin nung jacket na suot mo kanina. Tsaka yung salamin! Mayaman ka ba?" Manghang tanong ni Mariz.
"Hindi naman..." simple kong sagot.
"Wee? Eh, bakit may ganon kang mga damit? Sigurado akong mga mahal yon!"
"Regalo lang sa akin yon," I lied because I want her to stop questioning me anymore.
"Oh," tumango tango sya. "Mukhang mayaman ang nagregalo sayo noon, ah?"
"Yeah..."
Anton:
Papunta na ako sa coffee shop. Are you still eating?
Victoria:
Yes.
Anton:
Okay. Take your time. Malapit na ako.
Victoria:
Nakakapag aral ka ba ng maayos sa shop? Dumarami ang tao sa gabi kaya siguradong hindi.
Anton:
That's fine with me. Nakakapag focus naman ako.
Victoria:
Okay. Sabi mo, eh. Sige na. Baka nagdadrive ka ngayon. Wag ka munang magtext.
Anton:
Okay. :)
Hindi na ako nagreply. I put down my phone and continued eating. Nag uusap kami ni Mariz habang kumakain. Hindi na sya nagtanong pa tungkol sa mga damit na suot ko kanina. Bukas magsusuot nalang ako ng simple. Tsk. I don't want to be asked like this.
Maikli lang ang break namin kaya agad rin kaming bumalik ni Mariz sa coffee shop. Ilang minuto pa lang kami roon, pumasok na sa loob si Anton. Naglingunan ang mga ulo sa kanya habang ako nahinto sandali. Nahanap nya agad ang mga mata ko at walang pag aalinlangang dumeretso sa akin.
Nagsunuran ang mga ulo ng mga taong nandoon sa kanya. Medyo natahimik pa sila at mga kinikilig. Their faces are familiar to me. They were also here last night. My eyes narrowed when I realized something.
Kaya ba marami palaging tao rito kapag gabi... dahil nandito palagi si Anton kapag gabi?
"Hi," si Anton nang makalapit.
Bahagya akong ngumiti. "Hi."
"Natapos mo ang pagkain mo?" He asked.
"Yup. Uh... dadalhin ko na to roon. Excuse me," paalam ko at dumeretso na sa tamang table.
Sinundan nya ako ng tingin. I saw the people at the table I was serving staring at me but I didn't look at them. Kalmado akong nagserve sa kanila habang sila halos patayin na ako sa tingin. I knew immediately why.
Kagaya kahapon, marami na naman ngang tao. Mukhang gabi gabing magiging ganito. Naging sunod sunod ang mga order. Minsan lang nahihinto at may oorder na naman kaya kumikilos kami. Sa taas ulit pumunta si Anton. Hindi naman ako napupunta sa taas dahil panay sa baba ang mga nag oorder. It looks like there are only a few people upstairs.
Madilim na ang labas at doon palang may nag order sa taas. Pumanik ako at agad sinuyod ang buong paligid. I found Anton sitting next to the glass. May makapal na libro sa lamesa nya at kape na paunti unti nyang iniinom. Nagpunta ako sa tamang table.
Nakita ko ang paglingon sa akin ni Anton. I continued walking until I got to the right table. I served quietly there. I could see in the corner of my eye that Anton was still looking but I didn't look at him anymore. Masyadong maraming ginagawa sa baba kaya kailangan ko nang magmadali at hindi na makipag usap pa sa kanya. Not that I need to talk to him every now and then.
"Victoria," Anton called when I was about to leave.
I stopped and turned to him. Nakataas sya ng kamay hudyat na may oorderin sya. Napalingon sa amin ang iilang nandoon. Mga nakakunot ang noo sa pagtataka kung bakit tinawag ako sa pangalan ni Anton. Bumuntong hininga ako at naglakad papunta kay Anton.
"Sir?" Pormal kong sinabi nang makalapit.
"I want some chocolate cake, please," he said.
Tumango ako. "Is that all, Sir?"
"Yes."
Tumango ako. Tumalikod na ako at maglalakad na sana pabalik sa baba nang magsalita ulit si Anton.
"I saw your bike outside. Hindi ka magpapasundo?" He asked.
Gusto kong mapapikit. I suddenly felt irritated. Does he still have to ask that? Yes, we're friends but I'm in the middle of work! Many people are listening and I'm sure they will be even more confused and annoyed because they will realize that Anton and I knew each other. It's not that I'm afraid of them but I don't want to be involved in any trouble anymore. Ang sasama pa naman ng tingin ng mga babae rito!
Huminga ako ng malalim at kalmadong humarap kay Anton kahit naiirita na ako sa kanya.
"Yes, Sir. Bababa na ako para kunin ang order nyo," tumalikod na ulit ako.
"Why? Baka umulan ulit. Tapos naka bike ka lang?"
Humarap ulit ako sa kanya, hindi na maitago ako iritasyon. I saw a small smile on his lips when he saw my expression. Mas lalo pa akong nainis.
"Maaraw na kanina, Sir. Siguradong hindi na uulan. Excuse me."
"Paano ka nakakasiguro? Malamig pa rin at posible pa ring umulan."
Nahinto na naman ako at napapikit na ng mariin. What is this man's problem?! Talagang ngayon nya pa napiling makipag usap ng ganito? Hindi ba pwedeng mamaya nalang? Baka mamaya sugurin nalang ako ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya rito at magalit na naman sa akin ang mga tita ko dahil nasangkot na naman ako sa gulo!
"Kung uulan, magpapasundo ako. May available na kaming driver ngayon. Can I leave now, Sir?" Kalmado pero iritado kong sinabi.
A smile crept on his lips now as he looked at me. My forehead furrowed even more because of irritation. He still really managed to smile while I'm already irritated here.
"Yes. Thank you," he said.
Mabilis na akong tumalikod sa kanya pagkasabi nya noon. Halos irapan ko pa sya kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Nakakainis.
Hindi tuloy maganda ang mood ko habang pumapanik ako, dala dala na ang inorder nya. Gusto ko sanang iba nalang ang magdala nito kay Anton pero masyadong abala ang iba. Kaya wala rin akong nagawa.
Mabilis akong nagtungo sa table ni Anton at nilapag roon ang cake nya. Halos magdabog ako kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Anton is just looking at me and until now, his smile is still there.
"Is that all, Sir?" Ubos na ang pasensya ko.
Umangat ang gilid ng labi nya. "Yeah. Thank you."
"Enjoy, Sir," labas sa ilong kong sinabi at tumalikod na agad.
I heard him chuckled. "Sungit..."
I became even more irritated by what he said. Gusto kong bumalik sa kanya para pagsalitaan sya pero pinigilan ko ang sarili ko. Whatever. Marami pa akong kailangang gawin. At baka masisante pa ako kapag inaway ko ang boss. It will be difficult for me to find a new job again. At isa pa, I'm very pissed. Baka kung ano nga ang magawa ko sa kanya.

Bình Luận Sách (41)

  • avatar
    Rodavia Angelo

    beautiful story

    04/11

      0
  • avatar
    Kristine T. Omar

    love the story, thank you miss author 🧡

    03/11

      0
  • avatar
    JE Sin EX

    hmmm m

    02/09/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất