logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 7

"Ate Luna... Ate Luna, gising ka na. Tutungo tayo sa may talon mamaya." Alog ni Isagani sa kanyang balikat.
Nang imulat niya ang mata ay nakita niya si Mutya sa tabi ng bata.
"Mag-ayos ka na at maaga tayong aalis. Mamaya nariyan na sina Kuya Kayan."
"Dumating na sina Kayan?" hindi makapaniwala niyang tanong.
"Oo, kagabi lang. Nakita ko siya kanina at sinabi niyang puntahan kita para sabihing ngayon tayo tutungo sa talon," ani Mutya.
Agad siyang bumangon at nag-ayos.
Katatapos niya lang kumain nang dumating si Kayan, kasama nito ang kaibigang si Halom.
Naglakad sila. Binuhat ni Kayan ang bata upang hindi ito mapagod.
Maging siya ay ramdam niya ang pagod ngunit hindi niya ito sinabi sa kagustuhang marating ang talon ng mas maaga.
Nagbunga rin ang kanyang pagod nang makita niya ang talon. Lampas tao lang ang taas nito ngunit marami itong palapag. Dahil sa mga palapag nito ay nagmistula itong taniman ng palay. Malinaw ang tubig na sa tantiya niya ay hanggang bewang lang ang lalim nito. Ang mga nagtataasang puno ang nagsilbing lilim ng talon mula sa matirik na araw. Maging siya ay nabighani sa taglay nitong ganda.
Nang tingnan niya sina Mutya ay tuwang-tuwa ang mga ito. Ibinaling niya ang mata kay Kayan at hindi niya inaasahang nakatitig ito sa kanya. Pinamulahan siya ng pisngi kaya naman agad ibinaling sa talon ang paningin.
Masayang nakatampisaw sa mababaw na parte ng tubig si Isagani. Kasalukuyan niya itong binabantayan.
"Ang ganda pala rito," aniya nang maramdamang may umupo sa tabi niya. "Ilang beses ka na bang nakapunta rito?"
"Maraming beses na," anang isang tinig na hindi kay Mutya. Hindi niya akalain na ang umupo sa tabi niya ay si Kayan. Mataman nitong pinapanood ang bata.
"Nasaan si Mutya?" tanong niya at ibinaling ang paningin sa paligid upang hanapin ang dalagita.
"Sinamahan si Halom sa paghahanap ng panggatong."
"Ikaw bakit hindi ka sumama?"
"Walang magbabantay sa inyo kay Isagani."
Kahit paano ay iniisip nito ang kapakanan nila. Hindi niya alam ang sasabihin kaya pinili niyang manahimik.
"Hindi ka ba manghuhuli ng isda?" tanong nito nang mapansin ang pananahimik niya.
"Saka na 'pag dumating si Mutya."
Lumapit sa kanila si Isagani at pinilit silang maligo kasama nito.
Sinamahan nga nila ang bata. Ito ang umalis sa kaasiwaan sa pagitan nila ni Kayan. Kahit paano ay nasasanay na siya sa hubad na katawan nito. Sa tuwing kasama niya ito lagi niyang iniiwas ang paningin sa binata dahil sa oras na makita niya ang pipis nitong tiyan ay kung anu-ano na ang pumapasok sa kanyang isip. Ikaw ba naman ang araw-araw na makakita ng magandang pangangatawan kung hindi talaga papasukan ng kababalaghan ang utak mo. Take note! hindi lang iisa, marami sila. Pero syempre si Kayan ang pinaka-favorite niya sa lahat.
"Aalis muna ako. Susundan ko lang sina Halom, baka may nangyari na sa kanilang hindi maganda." Paalam sa kanya ng binata nang mapunang hindi pa dumarating ang dalawa. Umahon ito sa tubig at naglakad palayo sa may kakahuyan.
Hindi niya namalayan na umakyat sa may bato si Isagani.
"Ate Luna, ang ganda po rito. Samahan niyo po ako," sigaw sa kanya ng bata. Ganoon na lamang ang kanyang gulat nang makita ito. Masyadong mataas ang batong kinaroroonan nito at baka madulas.
"Isagani huwag kang aalis diyan. Pupuntahan kita." Agad niya itong pinuntahan ngunit bago siya makalapit ay humakbang ito at nangyari nga ang kinakatakutang mangyari. Nadulas si Isagani at tumama ang ulo nito sa bato.
"Isaganiii~"
Patakbo niyang nilapitan ang bata. Nang malapitan ito ay wala na itong malay at nakita niya ang pagdaloy ng dugo mula sa ulo nito. Nanginginig niyang binuhat ito at inihiga sa damuhan.
"Kayan!"
"Kayan!" Sigaw niya nagbabakasakaling marinig siya ng binata.
Tumatakbong lumapit sa kanila si Kayan, sa likod nito ay sina Mutya.
"Anong nangyari?" Bakas sa pag-aalala ang tinig nito.
"He fell. Now he's bleeding and unconscious. I don't know what to do. I'm sorry... It's my fault," maluha-luha niyang saad.
"Hindi ka namin maunawaan," ani Kayan at sinabi nitong huminahon siya.
"Nahulog siya at tumama ang ulo niya sa bato. Kasalanan ko, kung binantayan ko siyang maigi hindi siya masasaktan."
"Ano ka ba, huwag ka ngang umiyak. Magigising din si Isagani." Pagpapatahan sa kanya ni Mutya.
Pagkatapos bigyan ng paunang lunas ang bata ay umalis na sila upang ipatingin itong muli sa manggagamot.
Hindi natuwa ang mga magulang ni Isagani sa nangyari lalo na nang nalamang siya ang kasama nito nang oras na iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa nagigising ang bata. Sinabi niyang dalhin ito sa hospital at siya na ang bahala sa mga bayarin ngunit mas lalong nagalit ang mga ito sa kanya.
Hindi siya lumabas ng ilang araw ayon sa bilin sa kanya ni Mutya. Para lang din iyon sa kanyang kapakanan dahil kahit hindi niya sinasadya ang nangyari, sa tingin ng mga katutubo ay kasalanan niya ito.
"Anong ginagawa m~" Hindi niya na natapos ang sasabihin dahil isang malakas na sampal ang ibinigay sa kanya ni Marikit.
"Ang kapal din ng mukha mo na ipasa kay Kayan ang parusa na dapat sa'yo," nanggagalaiti nitong saad.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo at kung ano ang kasalanang nagawa mo?"
Nakaalis na ang dalaga ngunit nanatiling palaisipan sa kanya ang sinabi nito.
"Ayos ka lang ba? Nakita ko si Marikit na lumabas dito. Hindi ka ba niya sinaktan?" nag-aalalang tanong ng kararating na si Mutya.
"Si Kayan, nasaan siya ngayon?" Nabanggit sa kanya ni Marikit ang pangalan ng binata kaya naman ay ito ang tinanong niya sa kasama. Hindi ito sumagot.
"Kung hindi mo sasabihin. Ako na lang maghahanap sa kanya." Aalis na sana siya nang pigilan siya nito.
"Patawad Ate Luna, pero bilin ni Kuya Kayan na huwag kang hahayaang lumabas ng kubo." Iwinaksi niya ang kamay nito at patakbong lumabas.
Nang tanungin niya ang isang ginang kung alam ba nito kung nasaan si Kayan ay tiningnan lang siya nito ng masama.
Isang bata ang lumapit sa kanya. "Ate, hinahanap niyo po ba si Kuya Kayan?"
"Oo eh, alam mo ba kung saan ko siya makikita?"
"Nakita ko po siya doon sa pook-litis~" Hindi niya na pinatapos ang bata sa sasabihin nito. Patakbo niyang tinungo ang pook-litisan.
Nakita niyang nakatayo ang binata sa gitna ng tubig na may mga linta.
"Kayan," mahina niyang sambit sa pangalan nito. Gulat na tumingin sa kanya ang binata. Mukhang hindi nito inaasahan na pupunta siya roon.
"Anong ginagawa mo rito?" May kataasan ang tinig nito na tila ba hindi natuwa sa pagsulpot niya.
"Dahil ba sa'kin kung bakit ka nariyan?"
Nanatili itong walang imik. Tama ang hinala, dahil ito sa kanya. Inako nito ang parusa na dapat ay sa kanya.
"Anong ginagawa mo rito? Nakokonsiyensya ka na ba at gusto mong palitan ang anak ko sa kinaroroonan niya ngayon?" Pabalang na tanong ng kararating na ina ng binata.
"Ina, wala siyang kasalanan dito. Ako ang nagdala sa kanila sa talon kaya ako ang may kasalanan sa nangyari."
"Huwag mo na siyang ipangtanggol pa. Milinaw ang sinabi ni Halom, si Luna ang kasama ni Isagani nang oras na iyon. Gaano ka ba nakakasiguro na wala talaga siyang balak na ipahamak ang bata?"
"Hindi ko naman ho ginusto ang nangyari. Aksidente po iyon," tanggol niya sa sarili.
Itinaboy siya ng ina ni Kayan ngunit hindi siya umalis, sa huli ay ito ang umalis. Nanatili siya sa tabi ng binata.
Sa palagay niya ay ilang oras na itong nakababad sa tubig.
"Hindi ka ba natatakot na baka maubos ang dugo mo riyan?"
Tumawa ito sa tanong niya. Sa pagtawa nito ay lumabas ang cute nitong dimple sa kanang pisngi. Ngayon niya lang ito napansin, palibhasa hindi ito palatawa at palangiti.
Sumimangot siya. "Wala namang nakakatawa sa tanong ko. Baka 'pag may nangyari sa'yo, ako ang sisisihin at ilalagay diyan."
Sinabi sa kanya ng binata na wala daw siyang dapat ipag-alala. Sinabi pa nga nito na dapat ay kaibiganin niya ang mga linta, at sa oras na siya naman ang nasa posisyon nito ay hindi siya matatakot.
"Bakit kaibigan mo na ba sila?"
"Iyong iba, oo... Kaya naman hindi nila ako inaano." Hindi niya alam kung nagbibiro ba ito o hindi. Ngunit pansin niyang ilan lang ang mga lintang nakadikit sa katawan nito. Busog pa kaya ang mga ito kaya ganoon? o totoo kayang kinaibigan ng binata ang mga linta? Kung anu-ano na lang ang pumasok sa isip niya.
Sinubukan niyang ilagay ang kamay sa tubig at nang may dumikit dito ay agad niyang iwinaksi. Hindi niya maiwasang madiri. Itinuro sa kanya ni Kayan kung paano paamuin ang mga ito.
"Para lang din silang mababangis na hayop. 'Yong iba mapapaamo mo, 'yong iba naman hindi-" saad ng binata. Pinuno nito ng linta ang palad at itinapon sa tubig makalipas ang ilang minuto. Ilan sa mga ito ang tuluyang dumikit sa kamay nito. "Gaya nila," tukoy nito sa lintang natira.
Pikit-matang isinawsaw ni Luna ang kamay sa tubig. Hinintay niyang dikitan ito ng mga linta. Wala pang ilang segundo ay iwinaksi niya ang kamay upang maalis ang mga ito.
"Hindi ko kaya," aniya. Natatawang kinuha ni Kayan ang kanyang palad at pinuno ito ng linta na agad niyang iwinaksi. Ilang beses iyong inulit ng binata hanggang sa masanay siya.
"Ang lambot pala nila parang jelly." Himas-himas niya ang itim at matabang linta. Para sa kanya, isang achievement ang hawakan ito nang hindi nandidiri.
"Ilang beses ka na bang pinarusahan sa lugar na 'to?" curious na tanong ng dalaga kay Kayan.
"Noong bata pa ako maraming beses na akong ibinabad sa lugar na 'to. Dumating na rin 'yong punto na maging mga linta ay nasanay na sa'kin."
Natawa siya sa sinabi ng binata. "Ngayong malaki ka na. Kailan ang huling beses na dinala ka rito?"
"Ngayon pa lang," matipid nitong sagot.
Hindi niyang maiwasang ma-guilty sa narinig.

Bình Luận Sách (64)

  • avatar
    Ash Abpa

    gusto

    19d

      0
  • avatar
    Rolando Calderon

    good

    04/08

      0
  • avatar
    Desemie Valencia Tagapan

    i like this😍

    03/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất