Mallory “Nasa ‘yo pa rin ba ‘yong invitation?” Nang maglaho sa harapan namin si Steve ay agad ko iyong itinanong kay Damien. Agad siyang umiling. Dumapo muna ang paningin ko kay Verone na noo’y nakapako ang paningin kay Damien. Nagtaas ako ng isa kong kilay. “Kinuha na ‘yon sa akin ni Steve,” malumanay na sagot niya. “Baka ibibigay rin sa ‘yo ni Steve ‘yo bukas, Lori,” pagsingit ng mukhang singit—este ni Verone. I shrugged, “I guess so.” Tumayo ako at humakbang subali’t hindi pa man ako nakalalayo ay narinig ko ang tanong ni Damien. “Where are you going?” he seriously asked. Kapag gano’n ang tono ng kanyang boses ay hindi ako nagdadalawang isip na hindi siya tingnan. Pakiramdam ko ay wala siya sa wisyo. Hindi nararapat na alalahanin ko pa ang simpleng pagtanong niya subali’t hindi ko maiwasang hindi matakot sa kanya. Nilingon ko siya at napalunok muna, “Kukunin ko lang iyong punyal ko sa kwarto tapos magmumuni-muni ako sa kalapit na gubat,” wika ko na iniiwasang mautal. “Really? Parang gusto kong sumama! Ano Damy? Sama tayo?” masiglang suhestyon ni Verone subali’t nakaririndi naman ang boses. Agad na nagbago ang pakiramdam ko. Tila agad akong nabagot nang marinig iyong sabihin ni Verone. I don’t want her to loiter around. Ayaw kong kasama siya sa iisang lugar dahil naaalala ko pa ang ginawa niya sa amin doon sa bahay ni Damien. And wait! Did he call Damien as Damy? Yuck! Mariing umiling si Damien na ikinaginhawa ko. I secretly heaved a sigh. “Hindi. Gusto ko ring mapag-isa ngayon. May sarili rin akong lakad at tiyak akong mayroon ka rin,” wika pa ni Damien dahilan upang talikuran ko sila. “Hala! ‘Di niyo naman ako in-inform na magkakanya-kanya tayo sa araw na ‘to eh!” “Stop it, Verone. Nakaririndi,” suway ni Damien. Nakalayo na ako’t lahat ay naririnig ko pa rin sila roon sa living area. Verone’s voice reverberated inside the mansion. “Wala sa sinuman sa amin dito ang may hawak sa oras mo. Malaya ka na ngayon. Malaya ka nang gawin ang mga gusto mo. ‘Wag mo lang susuwayin si Steve,” rinig ko pang wika ni Damien dahilan upang mapangiti ako. He is a royal-blooded but it seems like he doesn’t possess the bad attitude that Overlord must possess. Nakatutuwang malaman iyon. Kung totoo man itong nararamdaman at nalalaman ko ay sana isa siyang kapakipakinabang na sa trono. “Psh! Para namang bata ‘tong si Verone,” ngiwing bulong ko sa sarili ko. Nang makuha ko ang punyal sa loob ng kwarto ko ay kaagad akong lumabas ng mansyon upang magtungo sa kalapit na gubat. As I have said to them earlier, I have to train myself alone. I want to improve myself even more especially with my combat skills. Nangangalawang na yata ako lalo na noong maglaban kami ni Verone. Mas malayong magaling ako sa kanya pero nadedehado ako dahil sa lakas na namumutawi sa kanya. Agad akong nakarating sa destinasyon ko. Vampires are born with so much talents. Gaya ng superhuman strength, speed and stamina. Using magic with our abilities add an enormous amount of power. Mas malakas ito kung gagamitan ng kapangyarihan. “I have to find a perfect spot,” I murmured to myself. Naglakad pa ako papasok sa masukal na gubat upang maghanap ng magandang pwesto. I have to do something. Something that is important to him. “Kertia!” Sa isang pagtawag ay lumitaw sa harapan ko ang dalawa kong soul weapon. Of course, mayroon silang sariling buhay. Hindi ko lamang sila masyadong ini-introduce at inilalabas sa outside world. They are tamed, I already tamed them since my parents gave this weapon to me. Nagliwanag ang paligid ko nang umilaw ng sobrang tingkad ang dalawa kong sandata. Dumaan ang ilang mga sandali bago iyon maglaho at naging isa silang dalawang magagandang phoenix. Iisa ang pangalan nila, saka ko na lamang sila tinatawag sa pangalan nila kapag tinatawag ko sila at nag-aanyong mystical creatures. “Ano ang maipaglilingkod namin, Princess...” baritonong tanong ni Itim sa akin. I named him Itim dahil sa kulay ng kanyang balahibo. It was burning with black flames lalo na kapag pumapagaspas ang mga pakpak niya. Ganoon na rin si Puti. I named her also puti dahil sa maputi niyang mga balahibo ganoon na rin sa nakakabighaning kulay puti niyang paglalagablab. “May nais ka bang ipagawa sa amin?” tanong naman ni Puti sa sobrang napakaganda niyang boses. They are twins. May anyo silang tulad namin pero mapapagod lang sila sa pag-aanyong tao kapag ginawa nila. It is power consuming. Tulad din sila namin na kailangang magpahinga. “Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Gutso kong siyasatin ninyo ang silid kung saan nila inilagay ang Cursed Goblet...” wika ko. “Ang iyong tinutukoy ba ay ang bagay kung saan pinaglagyan ng remnants ni King Augustus?” tanong ni Itim. Tumango ako, “Iyon nga.” “Iyon iyong dahilan kung bakit hindi ka pa rin tinatantanan ni Tarius, tama ba?” asked Puti. I nodded for the second time. “I have the feeling that I extracted the power of the Goblet and unconsciously transferred it,” I said. Hindi ko alam kung ano ang tama. Pakiramdam ko ay may possibility na gano’n nga ang nangyari dahil sinabi na rin sa akin noon ni Steve na deserving din ako na maging vessel but his not quite sure about it. Now that it’s clear to me. Alam kong napunta sa akin ang remnants ni King Augustus at sa kasamaang palad ay hindi ko ‘yon namalayan. I ain’t sure. Kaya nga gusto kong makompirma kung may bisa pa ba ang kapangyarihan sa silid na kinaroroonan ng Goblet. “You may go now...” I commanded them as I have sensed that someone is coming nearby. Hindi na ako nagtaka kung sino iyon dahil enerhiya pa lamang niya ay kilalang-kilala ko na. It was Damien. He was standing beside a huge tree. Nakahalukipkip siya habang nakamasid sa gawi ko. “Hindi ko maabot ang isipan mo kaya naman ay sinundan ko na lamang ang halimuyak ng enerhiya mo at dinala ako rito,” paliwanag niya pagkatapos ay napakamot sa kanyang batok. Nahihiya pa dahil sa ginawa. “Akala ko ba ay kanya-kanya tayo sa araw na ito?” seryosong tanong ko. Nakita ko ang pamumula sa kanyang mga pisngi, “Hehe. Nasabi ko lang iyon kasi ayaw kong makasama ‘yong megaphone na ‘yon,” natatawang sagot niya. Napailing ako, “Nagkakakulay na ‘yang ugali mo,” wika ko. “Ha?” “Wala. So, anong pakay mo rito?” tanong ko. “Masama bang sumama sa ‘yo?” pabalang na sagot niya. “Hindi. Ayaw ko lang na may nakabuntot sa ‘kin,” sagot ko. Nakita ko ang pagbaba ng kanyang balikat. “Gano’n ba?” malamlam na tanong niya. Tumango ako, “Hmm...” Napahiya siguro siya kaya bigla siyang humakbang paatras doon sa kanyang pwesto. “Sige. May gagawin pa pala ako,” pagpapaalam niya. Tumango naman ako at saka siya tuluyang umalis. Agad naman akong napabuntong hininga ng makitang wala na siya. Gago! ‘Di ba gusto mong makasama pero pinaalis mo? Ewan ko sa ‘yo, Lori. Muli akong napabuntong hininga at saka tinanaw ang kinaroroonan niya kanina. Saka na lamang nalihis ang atensyon ko kay Damien nang makaramdam ako ng kakaibang enerhiya sa aking paligid. Kaagad na umusbong ang magkakasunod na pagkabog sa aking dibdib dahilan upang mapaatras ako ng bahagya. Hindi pamilyar ang enerhiyang ‘yon at binibigyan ako ng babala. “Sinong nandyan?” pasigaw na tanong ko sa loob ng gubat. Umalingawngaw ang boses ko rito dahilan upang magsiliparan ang mga ibong kanina ay masaya lamang na naglalaro sa mga sanga ng mga puno. Subali’t kahit na anong pananakot ko sa pamamagitan ng boses ay hindi pa rin siya lumalabas sa kanyang pinagtataguan. “Hindi pamilyar ang enerhiyang nararamdaman ko mula sa ‘yo. Maaaaring kalaban ka o hindi ay isa ka sa mga alagad ni Grand Elder Tarius,” mariing wika ko. I heard crunches of brunches around the area. I readied myself if ever it attacks me. Hindi na bago ngayon ang pag-hunting sa kapwa bampira. Kami-kami ay nagpapatayan na rin dahil lang sa rangko. Most especially to us Clan Leaders. Marami ang naiinggit sa amin gano’n na rin ang nagagalit lalo na ngayong wala kami sa tungkulin. But surely they’ll understand our reason of not being there for awhile. Makaraan ang ilang mga sandali ay lumitaw siya roon sa kanyang pwesto habang nakataas ang parehong mga kamay. He’s surrendering. Matapos makita ang kanyang ginawa ay ibinaba ko ang aking depensa. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin at tila iniiwasan niya talagang dumapo ang paningin niya sa akin. Iyon ang napapansin ko. “Sino ka? Anong ginagawa mo rito?” taas-noong tanong ko na may kaonting diin sa boses. Bahagyang kumibit ang kanyang balikat. Maaaring dahil nagugulat siya sa boses ko at maaari ring hindi. He has this enormous magic power that I can feel from him. Mukha rin siyang bata. His height indicates it. “A—ako si Hanson Gara. Nagmula ako sa Balazak Clan...” pagpapakilala niya. Agad namang tumaas ang kilay ko dahil sa narinig. Did he say he is from Balazak Clan? Totoo? Inayos ko ang suot ko at pinagpag ang sarili, “ Anong ginagawa mo rito sa lupain ko?” hasik na tanong ko dahilan upang mapalunok siya dahil sa takot. “Tumakas ako mula sa lugar namin,” walang emosyong wika niya. Bahagyang lumawak ang paningin ko dahil sa narinig. “T—tumakas ka? Bakit?” tanong ko pa. “Pinadadakip kami ni Grand Elder Tarius sa hindi malaman na dahilan. Buti na lamang at itinago ako ni Elder Patrus at sinabing magtungo ako rito sa Anrad upang makisuyo kay Grand Elder Steve,” mahabang wika niya. I sighed, “Gano’n ba? Hali ka. Dadalhin kita sa kanya,” nakangiting wika ko. Lumiwanag ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ko at ibinaba ang kanyang dalawang braso na nakataas kanina pa. Hindi pa rin nawawala ang napakalakas na enerhiya na nagmumula sa kanya bukod doon ay pakiramdam ko hindi lamang siya basta-basta isang bata. He has something to show off out of his sleeves. Tumungo siya, “Maraming salamat po...” mangiyak-ngiyak ang boses na sabi niya. “My name is Mallory Dawson. You can call me Ate Lori,” pagpapakilala ko sa kanya at inilahad ang kamay ko nang makalapit ako sa kanya. Nang tumingala na siya ay gano’n na lamang ang panglalaki ng kanyang mga mata at saka nagugulat niyang sinabi na, “I—ikaw po si Ate Lori?” Naningkit ang mga mata kong tumingin sa kanya dahil sa pagkalito. “What? Anong ibig mong sabihin? Kasasabi ko lang, ‘di ba—” Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil kaagad niya akong niyakap ng mahigpit habang umiiyak. Napakalakas ng kanyang paghikbi dahilan upang mataranta ako. Ang ginawa ko na lamang ay hinagod ang kanyang likuran upang patahanin siya. I am not good with babysitting. The heck! “Pwede bang tumahan ka na kasi ayaw ni Steve nang nakakakita ng batang umiiyak,” wika ko upang pakalmahin siya. “Elder Patrus told me to look for Grand Elder Steve and if I happened to encounter you instead of him, sa ‘yo raw ako magpatulong. Iyon po ang iniutos niya sa ‘kin, Ate,” wika pa ni Hanson kasabay ang kanyang mga paghikbi. “Shhhsss... Calm down, Kid,” I said trying to calm him down. “I am bringing you to Steve and talk this matter right away, okay? Kaya tumahan ka na,” wika ko pa habang nakangiti. Tumango siya kaya naman ay inayos ko ang sarili ko. Naisipan kong ayusin din ang kanyang buhok dahil magulo ito. Hindi siya ‘yong tipo na sobrang bata. Ilan lang agwat ng tangkad namin at pansin kong ilang agwat lang din ang edad namin. Pero hindi ako tiyak. I’ll better ask him some other time. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at ginamit ang kakayahan kong maglaho. I held Hanson’s hand and brought him inside the mansion. Lumitaw kami sa sala na kung saan ay nadatnan namin si Verone na gulat na gulat nang makitang may kasama ako. “H—hanson!?” gulat na gulat na tanong niya, pero mas nagulat ako dahil hindi ko inaasahang kilala niya ang batang kasama ko ngayon. Nakatikom lamang ang bibig ni Hanson at tila takot na takot siya sa presensya ni Verone. “’Wag mo siyang takutin, Verone,” suway ko, napatingala sa akin si Verone subali’t bumalik din kaagad ang paningin sa bata. “Hindi ko siya tinatakot, Lori. Nakagugulat lang na makita siya rito. Didn’t you know him?” pagkuwa’y nagtanong siya sa huli niyang pangungusap. Agad akong napakunut-noo subali’t nabawi ko rin ang pagkalito nang makitang papababa na si Steve ng hagdan. Nang makalapit na siya sa amin ay sakto rin ang pagpasok ni Damien. Pawisan siya at hinahabol ang sariling hininga. Pero mas importante ngayon ang pagkakakilanlan kay Hanson. Hindi ako kontento sa pangalan lamang niya at kung saan siya nagmula. “Anong ginagawa ng isang pang Clan Leader sa loob ng hurisdiksyon ko?” agarang tanong ni Steve subali’t hindi roon natutok ang atensyon ko kundi sa sarili kong ekspresyon. Napamaang ako at naiwang nakaawang ang bibig dahil sa pagkagulat. Yehhh? Clan Leader ‘tong bansot na batang ‘to? Talaga?
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
maganda ang kwento
07/08/2024
0good
14/04/2024
0🥰🥰🥰
27/01/2024
0Xem tất cả