Mallory “The abyss of his persona has been awakened...” Steve mumbled. Iyon ang huling mga salitang narinig ko mula sa kanya. Hindi pa man ako nakapag-a-adjust sa mga nangyayari ay sa isang kisapmata ay nasa harapan na namin si Damien. Wala siyang pang-itaas na suot dahil sa pagkakagutay-gutay ng kanyang damit. At maliban doon ay masyadong nakasusulasok ang kanyang enerhiya bagaman ay naglaho na ito. Nagpapahitawig ang kanyang katayuan ang isang maawtoridad na enerhiya. Bahagyang lumawak ang mga mata ko nang buhatin niya gamit ang kanang kamay ang nakangising si Steve sa kwelyo nito. Walang kahirap-hirap iyon. Kapansin-pansin din ang pagkalito ni Damien. Tila ay hindi niya nauunawan ang mga nangyayari kaya’t basta-basta na lamang niyang sinugod si Steve. “Nangyari na...” aniya pa sa kalagitnaan ng pagkakaangat sa ere. Kaya naman ay nabahala agad ako dahil ramdam ko ang nagbabagang apoy sa kalooban ni Damien. Hindi ko man naiintindihan ang sinasabi ni Steve ay kailangang may gawin ako upang humupa ang galit na namumutawi ngayon kay Damien. This isn’t good. Masyado siyang malakas. “Anong ginawa mo?” nanglalamig at seryoso na tanong ni Damien kasabay ng kanyang pagbigkas ay ang pag-ihip ng hangin na nakakapanindig balahibo. Mas lalong napangisi si Steve at kalaunan ay napahalakhak na tila siya ay nagtagumpay. “Hindi kita kilala pero ang enerhiya at kapangyarihang dumadaloy sa ‘yo ay kilalang kilala ko,” nakangising sagot ni Steve dahilan upang mas mahigpit pa siyang kinuwelyuhan ni Damien. Lumapit sa akin si Verone, “Lori, ano’ng gagawin natin?” nababahalang tanong niya sa’kin. Umiling ako, “W—wala... Hindi ko gugustuhing agawin ang atensyon niya gayung naghuhuramintado siya ngayon,” sagot ko at nakita ang kanyang paglunok. “P—pero magkaibigan naman kayo, ‘di ba? Tiyak akong makikinig siya sa ‘yo, Lori...” nag-aalala pang wika niya. Napabuntong-hininga ako dahil sa walang pagpipilian. “Kapag ako namatay, isasama kita,” madiing duro ko kay Verone na halos mapaatras dahil sa takot. Humakbang ako papalapit sa kinaroroonan nilang dalawa. Hindi nila ako pinanpansin dahil nagpapaligsahan sila sa pagtitig sa bawat isa. Marami akong katanungan sa isip ko subali’t saka na lamang iyon kapag kumalma na si Damien gano’n na rin si Steve. Actually, Steve has to answer all my question. Lalo na iyong mga sinasabi niya kanina na hindi ko maintindihan. “Damien...” wika ko subali’t tila hindi niya ako narinig kaya naman ay inulit ko. “Put him down, Damien.” Sa pagkakataong ‘yon ay nakinig siya subali’t gano’n na lamang ang kaba ko nang makita ko siya harapan ko sa isang iglap. Nakawala sa mga kamay niya si Steve subali’t ako naman itong naroon sa kanyang mahigpit na pagkakahawak. “You dare to command me?” he devilishly said. Walang lumalabas na boses sa bibig ko pero ang kalulwa ko ay pumapalahaw na dahil sa matinding pagkasindak. His eyes are golden red but what really caught my attention was his sharp canine teeth. Hindi pa masyadong tumtubo pero tiyak akong tama ang nakikita ko. He is a fucking vampire!? “B—but how?” nauutal na wika ko. Ramdam ko na rin ang pamamasa sa bawat sulok ng mga mata ko at nararamdaman ko na rin na nangangapos na ako ng hangin. “Damien, pakalmahin mo ang sarili mo. Hindi kami kaaway kundi ay kapanalig kaya kumalma ka at ipaliliwanag ko ang mga nangyayari sa ‘yo,” nanghihikayat ang tinig ni Steve ng sabihin niya iyon. Ilang sandali pa lamang ay lumuwag ang pagkakahawak ni Damien sa leeg ko at walang anu-ano’y binitawan ako. Hindi ko nabawi agad ang diwa ko dahil nahihilo na rin ako matapos maghikahos kaya naman ay napasalampak ako sa lupa. Lumapit sa kinaroroonan ko si Verone upang tulungan akong makatayo. “Ayos ka lang ba?” timang na tanong niya. Inirapan ko siya imbes na sagutin. Nang makatayo ako ay muli kong ibinaling ang paningin ko sa dalawa at hayun sila, nakatayo ng magkaharap. Hindi ko nauunawaan subali’t naintindihan ko rin kalaunan nang ilapat ni Damien ang kanyang palad sa tapat ng noo ni Steve. Nagkaroon ng gintong liwanag doon sa palad niya at tila binabasa ang isipan ni Steve sa pamamagitan niyon. Nakabibilib! Dumaan lamang ang ilang minuto at pagkatapos niyon ay bumagsak sa sariling tuhod niya si Damien na animo’y mayroong malalim na dinaramdam. Nagkunut-noo ako dahil sa nakikita at sa nakikitang pagngisi sa labi ni Steve. Hindi ko maintindihan pero isa lamang ang nasa isipan ko ngayon, mukhang may nangyayaring traydoran dito. “What have you done this time, Steve?” galit na duro ko sa kanya. “Ano?” nagmamaang-maangang tanong niya sa akin. “’Wag mo ‘kong maano-ano! Sagutin mo ang tanong ko!” galit na galit na sigaw ko sa pagmumukha niya. Ilang beses ko na siyang sinigawan ng gaya nito sa mga nagdaan na araw pero lahat ng iyon ay walang saysay dahil lahat ng tanong kong pasigaw ay sinusuklian lamang niya ng nakaiinis niyang mga ngisi. Nang siguro nararamdaman na niya ang galit ko ay kaagad niyang inilabas ang kanyang soul weapon. Agad namang naghanda si Verone sa kanyang pwesto at inilabas din ang kanyang soul weapon. Ang kaninang mapayapa ay naging makulimlim na naman dahil sa kapangyarihang nagsasalpukan. Hindi ko pa batid kung ano ang plano ni Steve. Subali’t ang paghihinala ko ay mas lalo pang naging balido nang gumawa siya ng taimtim na engkantasyon na hindi ko maintindhian. “Hiling ay dinggin hamog ng katotohanan ay pagsaklobin, iwaksi ang kinikimkim at ibalik sa dati ang mithiin...” Isang matinding kulay lilang liwanag ang sumakop sa aming mga katauhan at liwanag na nagmumula sa dark spear ni Steve ay hinaharangan kami. Hindi ko malabanan ang kanyang lakas dahil sa matindi niyang kapangyarihan. Nararamdaman ko rin ang panghihina ng aking katawan. Nang lingunin ko si Verone ay nakahandusay na siya sa lupa gano’n na rin si Damien na wala ring malay. Hinay-hinay na tumiklop ang mga tuhod ko hanggang sa mapaluhod ako dahil sa panghihina. Mayroong mga makakapal na hamog akong nakikita at tila tinatabingan ang aking mga alaala. Nahihilo pa rin ako at mas nagpapalalo pa ito. Hindi ko na rin naramdaman ang paglagapak ko sa lupa, nalaman ko na lamang iyon nang buksan ko ang aking mga talukap. Bago sumara ito sumara ay nakita ko pa ang nakangising mukha ni Steve habang papalapit sa nakahandusay kong katawan. “Mas mabuti nang ganito kaysa malaman...” hindi ko na narinig pa ang mga sumunod niyang sinabi dahil ang tanging diretsong tunog lamang ang naririnig ko, at nakabibingi ito. Gusto kong labanan ang pagsara ng talukap ng mga mata ko subali’t mas malakas ang kapangyarihang bumabalot sa akin. Nang tuluyang magsara ang mga ito ay naramdaman ko ang paghaplos ng palad sa mukha ko at pagkatapos niyon ay wala na akong naramdamang iba dahil idinuduyan na ang diwa ko sa kawalan. Inihehele na tila isang sanggol. Tila sinusubok ako sa punto ng buhay kong ito. Naalimpungatan ako nang napanaginipan ko ang isang kahindik-hindik na pangyayari. Nag-uunahan ang pagtibok ng puso ko. Hindi malinaw ang panaginip ko subali’t pakiramdam ko ay naroon ako sa scenario. Nang mahimasmasan ako ay agad akong bumangon. Nang marehistro sa isipan ko kung nasaan ako ay agad din akong napabuntong hininga. Tama. Panaginip lamang ang lahat ng iyon. Panaginip lamang iyon. Lumingon ako sa bandang kanan ko nang marinig na bumukas ang pintuan. Iniluwa roon ang nakangiting pagbati sa akin ni Steve. Parehong itim ang kasuotan namin nguni’t mas bumagay sa kanya. naglakad siya papasok sa malinis na silid na kinaroroonan ko at hinawi ang makakapal na tela ng kurtina dahilan upang sumiwang ang liwanag dito sa loob. We are no ordinary vampires. Kaya immune na kami sa sinag ng araw. Mayroon din naman iyong namamatay rin sa sinag ng araw at iyon ay ang mga bampirang walang sisidlan o hindi kaya ay sila iyong mga bampirang walang kapangyarihan. “Magandang umaga, Lori...” nakangiting bati ni Steve matapos niyang itali ang mga kurtina. Tumango ako. “Magandang umaga, Steve,” balik kong pagbati. Nakalagay sa kanyang likuran ang kanyang mga kamay habang nakamasid pa rin sa akin. Bigla tuloy akong naalibadbaran, “Hindi ako sanay sa mga ganyang pagmamasid mo,” untag ko dahilan upang gumalaw siya roon sa pwesto niya. Inilihis ko naman ang paningin ko roon sa labas ng bintana. “Pasensya na. Gusto lang sana kitang anyayahan na sumalo ng agahan. Naroroon at naghihintay sina Verone at Damien sa ‘yo sa hapag-kainan,” wika niya na kaagad kong ikinabigla. Naaalala ko sila at bukod sa kakilala ko sila ay matagal na kaming naghiwa-hiwalay ng daan matapos ang engkwentro namin doon sa gubat malapit sa labasan ng Coven. “What? Anong pakay nila sa ‘kin?” I curiously asked him but he just gestured his right hand telling me to find out myself. ‘Tsk!’ Dahil sa labis na kuryusidad ay dali-dali akong bumaba ng kama at tinalikuran si Steve. Nang makababa ako ng hagdan ay naririnig ko na ang pag-uusap nina Verone at Damien. Naging mabagal ang paglalakad ko nang marinig ang kanilang pag-uusap. Gayun na lamang ang pagkukuyom ng mga palad ko dahil sa hindi maipaliwanag na pakiramdam. “Life saver ka talaga! Alam mo bang ayaw kong mag-stay roon,” seryosong sabi ni Verone. “Hmm...” ‘Hindi pa rin siya nagbabago. Laging matipid ang sagot o hindi naman kaya ay tatango lamang kung wala siyang interes sa topiko.’ “What if magpanggap tayong couple? Ano? Ayos ba ‘yon?” Agad na nagpintig ang tenga ko dahil sa narinig. Hindi ko pa man sila nakikita ay pakiramdam ko nakikipaglandi si Verone kay Damien. Hindi ko lang mawari kung bakit ganito ang pakiramdam ko. Napatikhim si Damien, “Hindi ‘yon ayos dahil magkaibigan tayo at masisira lang ‘yon kapag ginawa natin ‘yang naiisip mo,” hindi pagsang-ayon ni Damien kaya’t tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Taginang pakiramdam ‘to. Bakit ba nagkakaganito ako? Normal pa ba ako? Nakarinig ako ng mahinang hampas at saka naging matunog ang hagikhik. “Gago! Kaya nga tinawag na panggap e! Kainis naman ‘to!” naiinis pa kunong wika niya. Napagdesisyunan ko na ring pumasok sa dining hall. Malawak ang dining area at sa lawak nito ay kailangang mayroong mga tigapagsilbi sa paligid. Nang tuluyan ko na silang nakita ay magkatabi lamang pala sila ng upuan. Agad silang napalingon sa gawi ko at napangiti. Kumaway si Verone at nakangiting sinabi, “Uy! Lori, hali ka rito,” anyaya niya roon sa katabing upuan. Ngumiti ako pabalik, “Hindi, rito ang pwesto ko,” pagtanggi ko at naupo rito sa dulong bahagi. Nakamasid lang sa gawi ko si Damien kaya naman ay nailanga ko. “May sasabihin ka ba, Damien?” tanong ko. Agad na lumihis ang kanyang paningin at itinutok ito sa kinakain, “W—wala.” Napalunok ako ng laway dahil inaasahan kong mayroon siyang sasabihin. “Ganoon ba? Sige, kumain na tayo,” sambit ko at nagsimulang nilantakan ang masarap na pagkain. “Si Steve?” tanong ni Verone. “Nandyan lang siya...” “Hindi ba siya sasabay sa atin?” tanong naman ni Damien. Nagkibit-balikat ako, “Hindi ako tiyak.” Nang sabihin ko ‘yon ay saktong narito na siya sa gilid ko at naupo sa katabing upuan saka nakangiting nakatingin sa akin. Malugod niyang nginitian sina Verone at Damien, “Pasensya na kung pinaghintay ko kayo. Maaari niyo nang ituloy ang inyong pagkain dahil pagkatapos nito ay may sasabihin akong anunsyo na tiyak akong ikagagalak ninyo,” anya na bahagya ko lamang ding pinagkibitan ng balikat. “Pakiramdam ko ay tungkol ang mga ‘yon sa beauty products...” masayang wika ni Verone dahilan upang mapailing ako. “At maaari ring hindi,” pagtitiklop sa kanya ni Damien. Sumimangot agad si Verone at mahina na namang hinampas sa kaliwang balikat si Damien samantalang nagtatawanan lang sina Damien at Steve. Pakiramdam ko rin ay out of place ako. Pakiramdam ko ay hindi nila ako kasama. Pagkatapo naming kumain ay iniligpit kaagad ng mga tigapagsilbi ang mga pinagkainan. Nang malinisan na ito ay agad na umayos ng upo si Steve. Ipinatong sa mesa ang kanyang mga kamay at seryoso niya kaming tiningnan isa-isa. “Ano iyong iaanunsyo mo, Steve?” tanong ni Verone. “Hindi lang makapaghintay?” biro namang sabi ni Damien. ‘Naiinis ako!’ “Mainam ang tanong na iyan,” panimula ni Steve na ikinatahimik niyong dalawa at kaagad na umayos ng upo. “Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Gusto kong malaman ninyo na bukas na ang alis ninyo papunta sa akademya. I had already enrolled you there. I had sent your documents. Katatanggap ko pa lamang ang kompirmasyon ni Headmaster Corneus na tanggap na kayo roon,” mahabang anunsyo niya. Hindi ko aalam kung bakit hind ako natuwa hindi tulad niyong dalawa, sina Verone at Damien. Halos magyakapan na nga dahil sa tuwa. Halos lumuwa na rin ang mata ko dahil sa talim ng tingin sa gawi nila kaya naman upang maiwasan ang pakiramdam na ito ay iniwan ko na sila ng walang pasabi roon sa hapag-kainan. As if I care. Hindi ko rin masyadong napagtuonan ng pansin ang mga sinabi ni Steve dahil binabagabab pa rin ako niyong panaginip ko. Nakakapangilabot mang isipin ay kailangan kong paniwalaan iyon kahit na kaonti lang. It was a premonition. Isa iyong uri ng babala.
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
maganda ang kwento
07/08/2024
0good
14/04/2024
0🥰🥰🥰
27/01/2024
0Xem tất cả