logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

The Awakening (Filipino)

The Awakening (Filipino)

Axxelerator


Chương 1 The Somber Tryst

Damien’s Point of View
The restitution of the Demon Academy has been declared. Kahapon lamang nila ‘yon ibinalita sa buong bansa. Hindi gaanong mahigpit ang kanilang kwalipikasyon subalit hindi ‘yon gano’n kadali lalo na sa isang tulad ko.
Ang bansa ng Vladian ay pinamunuan nang namayapang si Haring Augustus. The bereaved King was the finest King Vladian ever had. Siya ang pinakamagaling na haring umupo bilang Overlord sa bansa at ang pinakamakapangyarihang hari na nagtataglay ng halos hindi mabilang na abilidad at kapangyarihan.
Walang sinuman ang naging pangahas na kalabanin siya lalo na ang kanyang mga desisyon bilang hari. Isa sa mga nagawa niya noong buhay pa lamang siya ay ang pagpapatibay niya sa samahan ng mga mortal at immortal. Sa pamumuno niya ay naging mapayapa ang bansang ito. Kilalang kilala ng buong mundo ang pangalan niya. Subalit dumating ang panahon ng pagtutubos, ito ay ang hangganan ni Haring Augustus.
Ang sentro ng Vladian ay ang syudad ng Coven kung saan ang kanyang kaharian ay nakatayo. Isang araw ay nagkaroon ng pagpupulong ang kanyang konseho at nagpasyang hatulan ng walang hanggang pagtulog ang kanilang tanyag na hari dahil sa kagustuhan mailigtas ito sa nakatakdang hangganan. Tinanggap niya ang hatol at bago siya bumaba sa kanyang trono ay napagdesisyunan niyang itayo ang kanyang akademya kung saan ay magsisilbing tahanan ng mga nais na maghangad ng kaalaman at kalakasan.
Subalit imbes ang hatol na walang hanggang pagtulog ay hindi niya hinayaang maganap dahil siya mismo ang kumitil ng kanyang sariling buhay. Bumalik sa abo ang kanyang katawan at ang kanyang kalulwa ay naging maliliit na mga gintong liwanag. Ang liwanag na ito ay lumipad patungo sa santwaryo kung saan nakatago ang isinumpang kopita upang doo’y panandaliang mamalagi. At sa kasalukuyan panahon ay tinawag itong The Goblet of Curse o hindi naman kaya ay Remnants ng mga nilalang na nagbabantay sa santwaryo.
Hanggang ngayon ay nananatiling walang namumuno sa Vladian. Ito ang naging dahilan upang magkagulo ang mga nilalang na naninirahan dito. Nababalitaan na rin ang pagpasok ng ibang mga lahi rito at kinikitil ang sinumang nais nila, mortal man o immortal.
Hindi ako immortal kaya hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ng pagkakaroon ng walang hanggang pagkabuhay. Ang kinatatakutan ng lahat ngayon maski na rin ako ay ang paghahasik ng lagim ng mga bampira. Walang laban ang mga mortal sa mga gaya nila kaya naman ‘pag kumagat na ang dilim ay tila nagiging abandunado ang buong bansa dahil walang sinuman ang naglalakas-loob na lumabas sa kanilang mga tahanan dahil sa nangyayaring patayan.
May kapit-bahay ako at pareho kaming mag-isa na naninirahan dito. Sa kasamaang-palad ay nakatirik ng limang daang metrong layo sa matayog na pader ng Coven City ang mga bahay namin kaya ay napakalaking sugal sa buhay namin ang pagtira malapit dito. Sakto lamang ang sukat ng bahay na iniwan sa aking mga magulang ko subalit para sa akin ay napakalawak nito dahil mag-isa lamang ako. Matagal na kasing namaalam sa ibabaw ng mundo ang mga minamahal kong mga magulang. Kung mayro’n man akong mga kadugo o kapamilya ay maaaring patay na rin sila ngayon dahil sa nangyayari ngayon sa paligid.
“May tatlong katao ang dumagdag sa listahan ng biktima ng mga bampira...” anunsyo ng babaeng tagapag-ulat sa pinanonood kong balita. Dapit-hapon na at maaaring ang mga biktima na ito ay napadpad sa mga abandunadong lugar.
Matapos kong patayin ang TV ay nagtungo ako sa bintana. Siniyasat ko ang bakal na pumoprotekta rito. Oo, lahat ng kabahayan dito, ang bawat bintana at pintuan ay may mga bakal. Kaming mga mortal ay naniniwala sa mga sagradong bagay na mainam na panglaban sa mga bampira, gaya na lamang ng metal na yari sa pilak at iyong mga bagay na may basbas ng Cardinal. Kaya para sa amin, ang tahanan namin ang siyang natatanging pinakaligtas na lugar.
Bago ko isirado ang pintuan ng aking bahay ay nakita ko si Aling Menchi sa labas at mayro’n siyang dalang bitbit na baunan. Transparent ‘yon kaya nakita ko kaagad kung ano ‘yon.
“Damien, kunin mo ito, hijo,” ngiting sambit ni Aling Menchi habang inilalahad ang baunan. “Nang may uulamin ka ngayong gabi,” dagdag niya pa na hindi binubura ang ngiti roon sa kanyang mga labi.
Kaisa-isang kapitbahay ko si Aling Menchi at siya rin itong nagbibigay ng pagkain sa akin lalo na kapag alam niyang walang wala ako. Pareho kaming mag-isang namumuhay sa sari-sarili naming tahanan. Buti na lamang at may hardin siya sa kanyang likod-bahay.
Inabot ko ang baunan at ngumiti. “Maraming salamat ho, Aling Menchi,” magalang na pasasalamat ko subalit bigla niya akong sinimangutan. “’Di ba sabi ko sa’yo na tawagin mo na lang akong nanay?” nakasimangot niyang wika.
Nahihiya akong napangiti. “Pasensya na po,” paghingi ko ng paumanhin.
“O, siya! Babalik na ako sa bahay, dumidilim na kasi,” aniya at tinalikuran na ako. Napahinga ako nang malalim at napatingin sa bainan na hawak. Kahit papaano ay magagawa kong mabuhay sa tulong ni Aling Menchi.
“Mag-iingat po kayo, ‘nay,” bago ko isara ang pinto ay nagawa kong isigaw ‘yon kay Aling Menchi na papalayo na sa bahay ko.
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at mabilis na isinara ang pinto. Wala akong iniwang bukas na pintuan o bintana sa bahay. Hindi por que sagrado ito dahil sa basbas ng Cardinal ay kailangan ko nang maging panatag, hindi, dahil hindi lang naman bampira ang kalaban dito. Maaari ring ang kapwa ko mortal. Hindi lang ako tiyak pero mas mainam na ‘yong nagiging maagap ako kaysa itaya ko ang nag-iisa kong buhay.
Kinagabihan, biglang nagambala ang pagtulog ko dahil sa narinig na ingay mula sa kung saan. Bunggalo ang bahay ko at hindi gaanong kalakihan kaya kaagad kong maririnig kahit na kaluskos lamang. Napabalikwas ako at napaupo sa ibabaw ng kama ko nang mapagtantong may kumakatok sa pintuan ng bahay ko.
“Tulong ...” naririnig ko ang boses ng isang babae na tila naghihingalo. Nanggagaling ang boses niya sa loob ng isipan ko.
“Tulong! Tulungan niyo po ako!”
Ang sunud-sunod na pagkatok sa pintuan ko ay biglang naglaho. Nakarinig din ako ng pagbagsak ng kung anumang bagay roon sa labas. Hindi ko lang mawari kung ano ‘yon dahil hindi ko gugustuhing lumabas sa ganitong mga oras. Yakap-yakap ko ang sarili dahil sa lamig ng panahon.
Hindi naging mahirap sa akin ang paglaman sa oras dahil glow in the dark ang relo ko. Napamulagat ako sa kaba nang mapagtantong kasagsagan pa lamang ng Devil’s hour. Ang salitang ‘yon ay hindi na bago sa pandinig ko dahil ito ay totoong nangyayari.
“Naririnig kita. Pakiusap, tulungan mo ako! Nagmamakaawa ako! Itago mo ako sa kanila! Pakiusap!” nagmamakaawang pakiusap niya.
Hindi ko maintindihan kung bakit naririnig ko ang boses niya sa isipan ko. Gusto kong magdalawang-isip subalit mas nananaig ang awa ko sa kanya lalo na ngayon na parang ang ibig niyang iparating sa akin ay may humahabol sa kanya. Kung hindi siya bampira, bakit may hahabol sa kanya? Doon ako naglakas-loob upang magdesisyon na buksan ang pintuan ng bahay ko.
Mula sa aking bulsa ay kaagad kong inilabas ang susi upang buksan ang mga busol. Nang pihitin ko ang door knob ay gano’n na lamang ang lakas ng pagkakatulak niya papasok ng bahay ko. Hindi ko napansin ang kanyang mabilis na paggalaw at napansing na lamang na narito na siya sa tabi ko at itinutulak ang pinto upang maisara iyon.
“Bilisan mo! Ikandado mo na ang pintuan!” mahina ngunit pasigaw at galit na utos niya.
Hindi ko makita ang mukha niya dahil tila may suot siyang makapal na talukbong. Hindi ko rin mawari ang kulay niyon dahil sa kadiliman dito sa loob ng bahay. Ang tanging napapansin ko lang sa kanya ay ang kanyang mabibilis na paghinga.
“Damn! Natakasan tayo!” rinig ko ang boses ng isang lalaki sa labas ng bahay kaya naman ay natampal ko agad ang bibig ko dahil sa matinding takot.
“Sinabi ko sa’yo kanina na tapusin mo na siya subalit anong ginawa mo?” galit na usal naman niyong isang lalaki na may mas mababang tono ng boses.
“Kasalanan ko bang mas malakas siya kaysa sa’kin?” pangangatwiran niyong isa.
Nang hindi nila matunton ang babaeng ito ay saka sila naghiwalay na dalawa upang hanapin sa magkabilang direksyon.
Matapos kong ikandado ang pinto ay nilingon ko ang kinaroroonan niya. Hindi ko alam kung tama ba ang direksyon na tinitingnan ko kasi madilim ang lahat ng sulok. Pagkaraan ng ilang minutong pananahimik ay wala na kaming narinig sa labas dahilan upang magsalita siya gamit ang isipan niya.
‘Shit! Ano itong takot na nararamdaman ko ngayon? Don’t tell me?’
Kahit na nasa kalagitnaan kami ng ganitong sitwasyon ay hindi ko mapigil ang sarili kong mamangha dahil sa kakayahan niya. Namamangha ako na kinakabahan din sa parehong pagkakataon dahil hindi ako tiyak kong ano ang klase ng nilalang ang pinatuloy ko sa loob ng bahay ko.
“I’m here,” she spoke inside my mind.
“B—baliw ka ba? Paano ko malalaman kung nasaan ka kung hindi mo gagamitin ‘yang totoo mong boses,” angil na wika ko na isinasawalang-bahala ang umuusbong na pagdududa sa kanya.
Mula sa isang sulok ay nakita ko ang dalawang maliliit na pulang liwanag doon. Nang mapagtanto ko kung saan ‘yon nagmumula ay halos dumausdos ang katawan ko pababa sa malamig na sahig habang ang nangangatog sa takot. Agad na umakyat ang kilabot sa buong katawan ko dahil sa nasasaksihang katotohanan.
‘Did I let a freaking vampire enter my house?’
Mas nadagdagan ko ang takot ko nang mapansin na lumapit siya rito sa kinasasalampakan ko. Mas naging klaro sa paningin ko ang matingkad na pula niyang mga mata. Hindi naman ako takot sa liwanag subalit ‘yong liwanag sa mga mata niya ay nagbibigay sa akin ng takot na hinding hindi gugustuhin na maranasan ng kahit na sinumang mortal.
Sisigaw na sana ako upang makahingi ng tulong kay Aling Menchi pero naramdaman ko na lang ang malamig niyang mga kamay na nakatakip na sa bibig ko. She’s intertwining her arms on me. Nasa likuran ko siya at ramdam na ramdam ko ang malalaki niyang hinaharap na sumasagi sa likuran ko. Napalunok ako hindi dahil sa takot kundi dahil sa kung ano ang nasa isip ko sa mga oras na ito. Hindi ko man lang naramdaman ang paglapit niya.
“Shhhhsss ...” she hushed. “’Wag kang mag-iingay dahil mayayari tayo kapag nalaman nilang narito ako sa bahay mo. Kung mamamatay ako ay gano’n ka rin,” babalang dagdag niya dahilan upang mas mapalunok ako. Pumatak ang malamig na pawis mula sa aking noo dahil sa pagkataranta.
‘What the fuck she just said?’
Hindi ako makapagsalita dahil pinipigilan niya akong gumawa ng kahit anong klase ng ingay kaya naman ay naisipan kong gamitin ang isipan ko tutal kaya niyang makarinig at magsalita gamit ang kanyang isipan.
“S—sino ka at ano ka!” nagugulat at nauutal na tanong ko gamit ang aking isipan. Narinig ko ang pagsinghal niya subalit hindi nakatakas sa aking paningin ang kanyang pagngisi. Malapit kasi ang mukha niya kaya nang lingunin ko siya ay kaagad kong napansin dahil na rin sa tulong ng kanyang umiilaw na mga mata.
“Baka magpatiwakal ka ‘pag nalaman mo kung sino ako. Upang maiwasan ‘yon ay bibigyan na lamang kita ng ibang pangalan. Ako si Lori at...” napatigil siya ng panandalian, nang lingunin ko na naman siya ay muli ko itong nakita subalit mas matingkad na ito ngayon kompara kanina. Kinilabutan ako dahil sa takot.
“...isa akong bampira.”
Nagpintig ang tenga ko nang marinig ang huling salitang sinabi niya. Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko ang pagtubo ng mapuputi at matutulis niyang mga pangil dahil sa pagngisi niya. Hinay-hinay niyang ibinuka ang kanyang bibig upang kagatin ang nakalitaw kong leeg subalit bago niya ‘yon gawin ay nawalan ay naramdaman ko na lamang ang katawan kong bumagsak sa kanyang kanlungan.
‘I should have trusted my instinct. I should not let this sombre tryst be invaded with bloodsucker like her but it is too late. She already sucked all of my blood out of my virgin body! Hindi ko alam na ganito lang pala ang magiging dahilan ng pagkamatay ko!’
Sa katangahan at kapabayaan na pinairal ko ay siya pang magdadala sa akin sa kapahamakan kaya kung bibigyan ako ng isa pang pagkakataon upang mabuhay. Gagawin ko ang lahat upang maprotektahan ito at sisiguraduhin kong hinding hindi na ako magtitiwala sa kahit na sinuman.

Bình Luận Sách (362)

  • avatar
    CabaseChad

    hi guys

    9d

      0
  • avatar
    Joey Ontong

    maganda ang kwento

    07/08/2024

      0
  • avatar

    good

    14/04/2024

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất