logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 7

Last message ni Bryan ay second week last month and up to now hindi parin nagparadam si Bryan.
Naisipan ni Amari and Yuhan na puntahan ito sa clinic muna bago puntahan ang bahay nila Bryan.
“Hello Dok, andyan po ba si Dok Bryan?” Tanong ni Yuhan na unang pumasok.
“Ay hello, wala po si dok dito ngayon naka leave po sya, pero hindi po namin alam saan sya ngayon,” sabi ng Vet assistant nito.
“Ah okay po, pakisabi ni Dok Bryan na pumunta si Amari Chu dito at hinanap sya,” sabi ni Yuhan sa Vet assistant.
“Sige po maam sabihin ko po sa kanya,”sabi ng Vet assistant.
“Puntahan nalang natin siya sa bahay nila, baka nandoon,’ sabi nito ni Amari na parang maiiyak.
Pagkadating nila doon ay walang tao o kahit yaya man lang ay walang lumabas na kahit isa at mukhang walang tao talaga ang bahay. Tahimik at sarado ang mga bentana at pintuan. Napaupo si Amari sa damuhan dahil sobrang nasasaktan sya dahil wala siyang kaalam-alam kung nasaan na ang kanyang minamahal na si Bryan.
“Nasaan kana Bryan! Bryan! Huhuhuhu!” sobrang sakit na pagkaiyak nito at bumubuhos ang mga luha. Niyakap naman ni Yuhan si Amari. Walang lakas na tumayo si Amari at inakay ito ni Yuhan at dinala niya sa sasakyan nila at sinabihan si Yuhan na magdrive ng kotse kasi wala na syang lakas pa para ipagpatuloy ang buhay at dahil wala pang karanasan si Yuhan ukol sa pag-ibig ay naisipan niyang i-apply sa ate nya ang natutunan nya sa isang professor.
“Ate gusto mo punta mo na tayo sa tabing dagat at doon tayo magpahangin para makalanghap tayo ng fresh air. Sabi kasi ng professor namin kapag stress o malungkot daw ang isang tao ay pupunta lamang sa tabing dagat dahil makikita mo ang kulay ng dagat at kulay ng langit ay sumisimbolo ito ng peace at makakatulong daw ito sa pagpapagaan ng nararamdaman at isipan, anything na makikita sa paligid ng dagat ay nilikha ng panginoon at nakakatulong ito sa ating emosyon.
“Sige bunso,” matipid nitong sumagot habang pinunasan ang mga luha.
“Ate dito na po tayo. Halika samahan mo akong lumakad sa baybayin. Ate nakikita mo ba ang kulay ng langit at ang kulay ng dagat napaka peaceful nila tingnan. Huminto ka ate at pumikit ka at ramdamin mo ang hanging dumadapo sa iyo na walang ibang iniisip at kapag nararamdaman mo na ito ay dahan- dahang buksan mo ang iyong mga mata. Tingnan mo ang galaw ng dagat, patuloy lang ito gumagalaw kahit may wave man na kunti ibigsabihin daw niyan ate ay kailangan natin sumabay sa alon ng buhay at patuloy na maniniwala hanggat dumating ang panahon na walang alon. It takes time but we need to have patience na maging okay ang lahat. Nakikita mo ang mga ibong lumilipad ate? Tingnan mo sila kung paano lumilipad. Lumilipad sila kung saan dahil ate walang permanente sa mundo at kailangan mong mabuhay at makahanap ng pag-asa para maipatuloy ang buhay. Ang mga ibon ay walang nagbibigay sa kanila ng pagkain but the nature itself giving them to survive and giving them hope to fly again. Kaya ate, magiging okay ka rin at sumabay ka sa alon ngayon it takes time pero huwag ka magmadali na mabigyang solusyon ang iyong mga problema dahil may kasagutan ang lahat sa pagdating ng panahon. Maging isang ibon ka na kayang lumipad at patuloy lamang ang gawain para mabuhay. Makikita mo ang araw na lumulubog pero sumisibol ito kinabukasan at dapat ganoon ka rin ate, kung nakalubog ka ngayon ay kailangan mong bumangon kinabukasan. Lahat ng nakikita natin ngayon ay katulad sa buhay ng tao, patuloy lamang sa ikot ng mundo,” nakikinig naman si Amari sa sinabi ni Yuhan. Medyo tumahan itong ate nya na kahit papano ay nakatulong sya na pagaanin ang damdamin.
“Pwede dito muna tayo hanggang alasais?” Tanong ni Amari kay Yuhan.
“Yes ate! Kahit anong sabihin mo ay okay lang sa akin . Halika upo tayo sa upuan at sumandal ka sa balikat ko.”
Naisipan nila na umuwi na dahil gabi na ito. Pagdating nila sa bahay ay hindi pa nakauwi ang kanyang mga magulang. Kumain na sila ng sabay ni Yuhan at para ‘di mapansin ng kanyang parents ang kanyang magang mata ay kailangan niyang magpanggap na natulog sya ng maaga para hindi nila ito makikita. Hanggang hindi pa okay si Amari ay sinamahan parin ito ni Yuhan.
Kinuha nya ang selpon sa bag nya at umupo sya sa higaan nya at tiningan nya ang mga masasayang kahapon sa litrato nila. Napansin ito ni Yuhan kung gaano kalabis na pangulila nya kay Bryan.
“Ate, gusto mo ba maging okay talaga? Sana ngayong gabi mo lang sya iisipin o tingnan sa litrato at ngayon muna lahat ibuhos ang mga luha mo at kailangan bukas wala ka nang maibubuhos na luha. Subukan mo ate huwag muna isipin sya at palitan mo na ang wall paper mo para Hindi ka gaanong nasasaktan.
Yumakap si Amari kay Yuhan at ibinuhos ang luha at hanggang napagod ito at nakatulog. Bumangon ng maaga si Amari at nagluto ito ng breakfast at sumunod naman si Yuhan pagkagising at binuksan nito ang kanyang aralin at napansin nya na masigla ang kangyang ate Amari.
“Ate, okay kana?” Mahinang boses na tanong ni Yuhan.
“Oo, okay na ako at pupunta ako ng maaga sa restaurant,” sagot naman ni Amari na mahina ang boses ayaw kasi nila makarinig ang mom and dad.
"Ate, pakatatag ka para sa sarili mo, stay positive ka lang at alagaan mo ang sarili mo," nag-alalang Yuhan.
Nanghingi ng papel si Amari Kay Yuhan at humiram ng ballpen saglit at may sinulat sya pagkatapos ay nagpaalam sya kay Yuhan na mag shower na sya at aalis after.
Dahil ayaw ni Amari na makita sya ni mom and dad na namumugtong mga mata ay umalis itong maaga at naglagay nalang sya ng note sa mesa na maaga syang pupunta sa restaurant at kumain ng almusal na hinanda nya sa misa.
Habang nagmamaneho sya sa sasakyan ay naisip niyang huwag isipin na si Bryan dahil napag-isip nya na hindi nga si Bryan nagaparamdam sa kanya, bakit daw niya ito iispin. Naisipan niyang mag move on at magsimulang mangarap na walang Bryan sa tabi. May sigla ng pumasok si Amari at ibinalik nya ang dating sya. Tumulong-tulong sya sa gawain sa kusina para makapaglibang sya at 'di nya maisip si Bryan.
Nang napagod sya sa kusina ay umupo muna sya sa counter at habang nakaupo sya ay may napansin syang parang si Bryan ang nakatalikod na nasa table 13 na nakaupo agad syang tumayo at dahan-dahan nyang nilapitan pero pagkatingin nya sa mukha ay hindi pala si Bryan. Akala niya ay si Bryan na iyon nalungkot naman sya ulit dahil nagbabasakali syang pupuntahan sya ni Bryan gaya ng dati na bastang-basta lang pumupunta.

Bình Luận Sách (35)

  • avatar
    Kennth Glorioso

    love you

    26d

      0
  • avatar
    USNIEKRISJEN

    good story

    17/06

      0
  • avatar
    FungoJonna

    super beautiful story

    01/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất