logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 6.

Eliha's POV:
"Totoo ba talaga na pinsan kita?" Napakamot ako sa ulo habang tinititigan ko si Eli. Siya raw si Eli Parah, ang pinsan kong mangkukulam.
"Bakit naman hindi ka makapaniwala, Eliha Parah?" natatawang tanong niya.
Ano? Kailan pa ako naging Eliha Parah? I think gets ko na. Siguro ay dahil nasa ibang mundo ako kaya iba na rin ang pagkatao ko. Bigla nga akong ikinasal sa bampira na si Keegan kaya hindi na ako magtataka kung may pinsan ako.
"Simula ngayon ay dito na ako titira." Kinurot niya ako sa pisnge.
"Halata naman, Eli. Halos lahat yata ng gamit mo ay dala mo,"
"Hindi ka ba maiilang? Na ang isang magandang katulad ko ay titira rito?"
Nairita ako sa tanong niya, "Nagpaalam ka na ba sa magulang ni Keegan? At kay Keegan?"
"Hindi, kaya nga kayo nagulat ni Keegan no'ng nakita niyo ako. Wala namang masama 'di ba? Pinsan mo naman ako. Teka, p'wede bang tabi tayo sa kama?"
Bumuntonghininga ako, "Alam mo naman na may asawa ako. Siya ang katabi ko."
"P'wede naman siguro na katabi niyo ako!" masayang sigaw niya, "joke!"
Hindi ko gusto ang babaeng 'to. Sino ba siya sa inaakala niya? Hay naku! Huwag niya akong subukan dahil nagbabagong buhay na ako.
"Eli, ano ang iyong kapangyarihan?"
"Kaya kitang gawing pangit, Eliha." Hinawi niya ang buhok ko sabay hinila.
Kaagad ko siyang hinawakan sa kamay. "Do you think I'm afraid of your witchcraft? My punch is more powerful."
"Ano bang sinasabi mo, Eliha? Anong klaseng lengguwahe ang iyong gamit? Ginagamitan mo ba ako ng mahika?!"
Ngumisi lang ako sa kanya sabay tumawa. I want her to be curious. Tumalikod na lang ako at naglakad papalayo.
Nasa labas ako ng mansion. Ang ganda dahil maraming mga bulaklak kaso kulay itim ang mga ito. Nakakapanghinayang dahil walang buhay tingnan.
Nasaan na kaya si Keegan? Pagkagising ko kasi ay wala siya sa tabi ko. Hindi ako p'wedeng magsinungaling sa nararamdaman ko na nami-miss ko siya.
Keegan's father approached me quickly. Hindi siya mukhang matanda. Ang guwapo ng ama ni Keegan.
"Eliha, bakit ka nag-iisa? Nasaan ang iyong asawa?"
"Hindi ko po alam, ama." Yumuko ako. "Ama, kilala mo ba ang aking ama sa mundong ito?"
"Ayon sa aking pagkakaalam, wala kang ama. Pero hindi mo ba alam ang dahilan?"
Umiling lang ako sa kanya at ngumiti. Nagbabakasakali lang naman ako na kung mayroon akong ama sa mundong ito. Sinasaktan niya rin kaya ako?
"Mukhang malalim ang iyong iniisip, Eliha. Ano ang iyong nais itanong?"
"Mayroon po bang ama na hindi mahal ang anak?"
"Batid ko na kaya mo 'yan naitanong ay dahil sa nakaranas ka ng pighati. Ang masasabi ko ay kung ang iyong ama ang iyong tinutukoy, alam ko na malalim ang dahilan niya kung bakit hindi niya maiparamdam sa 'yo na mahal ka niya."
Nalungkot ako sa isinagot ni ama dahil dalawang rason lang naman kung bakit gano'n si Dad sa akin. Pero hindi naman siguro valid na saktan niya ako.
Magsasalita na sana ako pero wala na si ama sa aking tabi. Hinawakan ko na lang ang mga bulaklak na nasa harapan ko.
"Ang iyong personalidad ay parang bulaklak, mabango at namumulaklak."
Pagkalingon ko ay si Keegan. Naiinis ako sa kanya. Oo sweet siya pero hindi ba uso sa mga bampira ang magpaalam?
Pero dahil sa na-miss ko siya ay kaagad kong pinindot ang ilong niya.
"Eliha, ipagpatawad mo ang aking paglisan na hindi man lang ako nakapagpaalam. Mayroon lang akong inasikaso."
Ngumiti lang ako sa kanya. Ano kaya 'yun? Hindi ko na lang itatanong.
"Hi, Keegan! Kumusta ka? Kanina pa kita hinihintay." Niyapos ni Eli ang braso ni Keegan. A-ano bang karapatan ng babaeng 'to?!
Inalis ni Keegan ang kamay ni Eli kaya natawa ako. Lumapit sa akin si Keegan sabay hinawakan ang aking bewang.
"Bakit mo ako hinihintay, Eli? Ikaw ba ay aking asawa? Sa pagkakaalam ko ay asawa ko lang ang may karapatan na hintayin ako."
Ang sungit mo talaga, Keegan. Pero gustong-gusto ko ang pagiging masungit mo.
"S-sorry, Keegan. Gusto ko lang namang magpaalam sa 'yo nang personal na kung p'wede na dito na lang ako."
Pakiramdam ko ay gumagawa lang talaga ng paraan si Eli para makausap si Keegan.
"Nandito ka na 'di ba? Wala na akong magagawa roon. Ikaw naman ay maaaring tumira sa aming mansyon."
"Salamat, Keegan." Niyakap ni Eli si Keegan. Nainis ako kaya kaagad kong hinila si Keegan para hindi niya mayakap nang matagal.
"Ano bang problema mo, Eliha?!"
"Ikaw ang problema ko, Eli. Hindi nga kita kilala tapos kung makalapit ka kay Keegan ay wagas!"
Nanlaki ang mga mata niya, "Paano mo nasabi na hindi mo ako kilala?! Pinsan mo ako!"
Hindi ako nakasagot. Kailangan ko pa lang pakisamahan ang babaeng 'to sa mundong ito.
"Pasensya na, Eli."
"Nagseselos ka ba sa akin?" natatawang tanong niya.
"Bakit naman ako magseselos sa 'yo, Eli?" walang gana kong tanong. Ang totoo niyan ay hindi ako nagseselos dahil hindi ko naman talaga mahal si Keegan. Tsaka hindi ko siya kilala.
"Bakit hindi, Eliha? Asawa ka 'di ba? Keegan, mukhang hindi ka mahal ng asawa mo!"
Tumitig sa akin si Keegan, "Hindi ako maniniwala sa iyong haka-haka, Eli. Ang tanging paniniwalaan ko lang ay ang aking asawa."
Hindi ko alam pero nakonsensya ako sa naiisip ko na hindi ko mahal si Keegan. Pero iba naman ang nararamdaman ko ngayon dahil gusto kong suntukin si Eli. Hindi ko talaga mahal si Keegan. Siguro ay na-a-appreciate ko lang siya dahil mabait siya sa akin.
Hinawakan ako ni Keegan sa kamay. Nakarating kami kaagad sa loob ng mansyon. Hindi ako makatingin sa kanya nang diretso dahil nakokonsensya pa rin ako.
Nakita ko na kinagat ni Keegan ang kanyang daliri.
"Ano bang ginagawa mo?!" nag-aalalang tanong ko.
"Ang bango kasi ng dugo mo, Eliha. Pero hindi ko hahayaan ang sarili ko na kagatin ka dahil nirerespeto kita!" Kinagat niya ulit ang kanyang isang daliri.
Gano'n ba talaga ako kamahal ni Keegan? Grabe. Pero kailan kaya ako magigising sa aking panaginip? Mas pipiliin ko kasing magising na lang keysa sa mahirapan si Keegan sa piling ko.
Sumulpot si Karagon sa harapan namin sabay sinuntok ako sa tiyan. "Hindi ka magkakaroon ng anak!"
Hindi ko alam pero natulala ako sa ginawa niya at sa sinabi niya. Nang tingnan ko si Keegan ay humaba lalo ang pangil niya, naging blue ang mga mata niya at nakayukom na ang dalawa niyang kamao.
Kaagad siyang lumapit kay Karagon sabay hinawakan niya ito sa ulo. Nagulat ako dahil puputulin niya yata ang ulo ng pinsan niya gamit lang ang kamay niya.
"Ganyan magalit si Keegan, nagiging asul ang kulay ng mga mata," bulong ng isang lalaki. Nang lumingon ako ay si Manaron. Lumayo ako sa kanya pero lalo lang siyang lumapit.
Nakita ko na babaliin na ni Keegan ang ulo ni Karagon kaya lumapit ako sa kanya. "Huwag mo 'tong gawin, pakiusap.. Keegan."
Ibinaling niya ang tingin niya sa akin sabay naging pula na ang mga mata niya. Binitawan niya si Karagon. Si Karagon naman ay tumawa lang na para bang walang nangyari. Nakakaasar sila ni Manaron.
"Hindi ko hahayaan na magkaroon kayo ng anak! Sa akin mapupunta ang blood factory!"
Hinawakan ni Keegan ang kwelyo ni Karagon. "Walang sinuman ang maaaring magsabi ng mangyayari sa amin ni Eliha. At walang sinuman ang p'wedeng manakit sa babaeng pinapangarap ko lang noon."
Hindi ko na napigilang umiyak dahil naalala ko si Karagon sa aking ama na sinasaktan ako. Pumikit ako para mawala ang sama ng loob ko.
Nang imulat ko ang mga mata ko ay nasa kwarto na kami ni Keegan.
Itinuro niya ang kanyang balikat. "Ipagpatawad mo kung nasaktan ka niya. Maaari mong ipatong ang iyong ulo sa aking balikat, hindi man ito kasing lambot ng unan ay mararamdaman mo naman na malambot ang aking hangarin na protektahan ka. Ang aking balikat ay hindi nakakarinig, pero handa itong makinig sa 'yo."
Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya. I cried and cried dahil sa kahit na sinasaktan ako ng iba. May isang bampira pala ang handang makinig sa akin.
"May ikukwento ako sa 'yo, Eliha. Sa aking palagay ay ang mga weirdo na binabanggit mo na mga salita ay lengguwaheng katulad ng mga salita sa aming mundo na blood factory at world. Aking Eliha, huwag mong isipin na hindi tayo magkakaroon ng anak dahil noon pa lang ay ikaw na ang gusto kong maging ina ng aking mga anak." Hinimas niya ang pisnge ko.
Kami ngayon ni Keegan ay nakatingin sa bintana.
"Eliha, kahit na minsan ay hindi kita maintindihan, huwag kang mag-alala dahil iintindihin pa rin kita kahit na ako'y maging abo na."
Napangiti ako habang nakatingin sa malayo. Salamat Keegan, salamat.

Bình Luận Sách (56)

  • avatar
    FornelosRose Ann

    ganda

    23/08

      0
  • avatar
    BloxJackie

    pake koba

    09/08

      0
  • avatar
    CataoDarlie

    😍💖 good

    13/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất